Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 04

Dedicated to:
nanyapixie6

OPHELIA CALLA

Papalabas na sana ako ng room nang may humarang sa dinadaanan ko.

Takang inangat ko ang tingin at tatabi na sana nang matigilan ako sa taong nakaharap ko.

Tila na-stuck ako sa kinatatayuan ko nang makitang si Chrase ang kaharap ko ngayon. Kahit s'ya ay nagulat din na makita akong nasa harapan n'ya.

Mukha s'yang pagod at alam kong sa practice iyon. Wala yatang awa si Khoen sa mga ka-team nito dahil all day n'yang sinasanay ang ka-team.

Di mapakali ang mata ni Chrase nang makita ako. Dali-dali s'yang tumabi sa dinadaanan ko at senyasan akong mauna na.

"M-Mauna ka na..."

Kahit tumatambol ang dibdib ko dahil sa kabahan ko ay ngitian ko s'ya at humakbang na papalabas ng room. Tatlong hakbang pa lamang ang ginawad ko nang mapahinto ako.

Nilingon ko s'ya at nakitang papasok ito sa room namin. Pakamot-kamot pa ito sa batok n'ya na napansin ko naman na ang cute n'ya sa lahat na iyan. Ngayon ko lang napansin na may dala-dala itong bag ng babae.

May girlfriend ba s'ya? Kaklase ko ba? Katanungan ko sa isip ko.

Napaiwas na lamang ako ng tingin at napailing. Wala naman sa 'kin kung may girlfriend s'ya dahil gaya nga sa sinabi ko, hindi ako seryoso masyado sa nararamdaman ko.

Ilang segundo lamang ay nakarating ako sa kabilang section ng Grade 10. Lahat ng kaibigan ko ay nasa Grade 10 at halata naman na nagkakilala kami dati dahil magkaklase kami noon. Ngayon lang talaga kami napahiwalay dahil bumaba ang grade ng dalawa ko 'pang kaibigan.

Huminto ako sa gilid ng pinto at hinabaan ang leeg ko para silipin kung nandiyan pa ba sila.

Napangiti na lamang ako nang makitang kakatapos lamang nilang magligpit ng gamit at sakto papalabas na sila nang makita ako sa labas.

Masayang niyakap ako ng dalawa kong kaibigan at hinalik-halikan pa ang pisnge ko. Napatawa tuloy ako sa mga pinaggagawa nila.

"My gosh! Na-miss kita, Ophelia!" sabik na sabik na sambit ni Nicka at humiwalay sa yakap.

Inakbayan ako pagkatapos ni Nelsie sa balikat at mahinang niyakap pa ako. "I miss you, kahit last week lamang tayo nagkita," sabi n'ya pa na nakangiti.

"I miss you both too. Pero parang mas na-miss niyo ako. Why so?" nakangisi kong tanong.

Inikutan ako ng mata ni Nicka. "Syempre dahil kaibigan ka namin! Parang girlfriend na kita, eh"

"'Cause I love you!" sabat naman ni Nelsie.

Natawa na lamang kami sa mga pinagsasabi namin. Eto 'yong nakakapagpasaya sa 'kin, ang makasama ang kaibigan ko sa kabaliwan o problema lamang.

I suddenly remember 'nong Grade 7 pa lamang kami. Madami akong manliligaw at lahat sila ay desperado talagang maging girlfriend ako. At dahil may mga kaibigan akong loka-loka, sinabi nila sa mga manliligaw ko na may boyfriend na ako at nasa Grade 10 kuno. At ang mas nakakatawa ron ay 'yong bad boy na lalaki ang sinabi nilang boyfriend ko. So natakot naman ang mga ito kaya palihim na lang sila nagbibigay ng chocolates and flowers.

Naalala ko ulit 'nong Grade 9 kami na 'di sinasadyang nagcutting kami. Ang alam kasi namin ay walang klase kaya tumambay kami sa library para don magbasa at tumambay. Pero pagkarating lamang namin sa room ay sinasabihan na kami na lagot kaming apat dahil nagcutting kami.

Hindi ko masasabing bad influence sila dahil kahit ganyan sila, may pangarap sila kagaya ko na makapagtapos at makapag-aral ng mabuti.

Masaya kaming naglalakad patungo sa Canteen. It's recess time kaya kakain na kami.

"Ako na ang bibili. Hanap na lang kayo ng mauupuan natin," sabi ko sa kanila na sinang-ayunan naman nila. Gusto ko kasing ako ang bumibili ng pagkain.

Pumila ako sa likurang bahagi ng lalaking mataas sa 'kin. Medyo 'di mahaba ang pila kaya keri lang.

Inilibot ko ang paningin ko sa mga taong kumakain. Halos kasama nila mga kaibigan nila at kasintahan din.

"M-Miss?"

Napabaling ang tingin ko sa harapan. Tinaas ko ang dalawang kilay para ipakita kung ano ang kailangan n'ya.

Nakita kong tinutulak-tulakan s'ya ng kan'yang kaibigan at muntik na ako mabangga kaya napaatras ako.

"S-Sorry, Miss. S-Sila kasi, pasensya na," hingi n'yang tawad sa 'kin na ikinatango ko lamang at ngitian.

"Okay lang po. Sige po mauuna na ako," sabi ko dito nang makitang tapos na pala s'yang pumila at ako na pala ang kasunod. Hindi ko na pala namamalayan na ako na pala.

"T-Teka lang, Miss," agap na sambit ng lalaking naka-usap ko.

"Natorpe na yata ang kumpare natin!" tawang sambit ng kasama n'yang kaibigan at nangangasar na tinulak-tulak ang lalaking kaharap ko.

"Ano po 'yon, Kuya?" magalang kong tanong sa kan'ya.

"Grabe! Brotherzone na si kumpare!"

"Wala ka ng pag-asa sa kan'ya, Bro."

Bahagyang inayos ng lalaking nasa harapan ko ang polo n'ya at ngitian ako. Halatang kinakabahan s'ya at alam ko na kung saan.

"G-Gusto ko sana-"

"F*cking sh*t!" rinig kong sigaw sa likuran banda namin nang ikinalingon ko dito dahil sa bigla.

Di ko na napansin ang lalaking nakausap ko dahil tutok na tutok na ang atensiyon ko sa lalaking nerd na sinabuyan ng spaghetti sa uniform.

Nanlaki ang mata ko nang makitang pinagkakaisahan s'ya ng mga gumugulong estudyante.

Nanlambot ang paningin ko na makitang pinilot ng lalaking nakasalamin ang mga notebook nito na nahulog sa sahig. Parang hangin lamang sa kan'ya ang mga pinaggagawa sa kan'ya ng mga lalaking siga dito.

Napahiyaw ang ilang estudyante dahil sinipa ng lalaki ang notebook ng nerd at tinulak ito na ikinaatras n'ya.

"Stupid! Do you f*cking know how much this shirt cost?!" galit na sigaw ng lalaki at mayabang na tinulak-tulakan ang balikat ng nakasalamin na lalaki.

Naaawa ako. Gusto kong may gawin ako pero 'di ko alam kung ano ang gagawin ko. Alam kong walang ginagawang masama ang lalaking nakasalamin dahil wala sa itsura n'ya na gumawa ng gulo.

Nakayuko lamang ang nerd at pinulot ulit ang notebook nitong natalsikan dahil sa pagsipa.

He should fight for himself! But suddenly I just realized that he is all alone. Madaming kasama ang lalaking gumawa ng gulo at halos sila ay nakangisi at halatang nasisiyahan sa nakikita.

I immediately went to them. Pagsasabihan ko na sana sila nang matigilan ako. Nakatingin sa 'kin ang nerd at hindi ko mabasa ang iniisip n'ya dahil blangko ang expression nito.

Naalala ko na s'ya pala ang lalaking cashier na nakita ko sa national book store.

Umiling s'ya sa 'kin na pinapahayag na wag na ako makikialam sa gulo dahil mas lalong magiging malala.

Huli na para tumalikod ako at aalis na sana nang mapansin ako ng lalaking tumulak sa nerd.

Napaestatwa ako sa kinatatayuan ko at binaling-baling ang tingin sa paligid. Halos lahat sila ay nakatingin sa 'min at alam kung maski sila ay natatakot sa lalaking ito. Kahit naman ako!

Nakangising lumapit sa 'kin ang lalaking leader ng gulo. "Ophelia Calla, right? What a lovely name," puri pa n'ya sa kabila ng gulo na nangyayari. Kinakabahan na tuloy ako dahil 'di ko alam ang gagawin ko sa lalaki ito.

Naghiyawan naman ang mga kasama nito. "Bagay kayo, Bro!" sigaw ng isang kasama n'ya at mas lalong naghiyawan pa ito.

Taranta ang isip ko pero kalmado lamang ang itsura ko. Nasan na ang mga kaibigan ko?!

Napayuko saglit ang lalaking kaharap ko at inangat kaagad ang tingin may pakagat-kagat pa sa labi. I can clearly see his ear turned red. He is blushing!

"I am admiring you for so long, Ophelia. Can you let me court you?" pag-aamin nito sa nararamdaman at nagtanong pa kung pwede ko s'yang ligawan.

Halos mamawis na ang palad ko sa kaba. Bakit kasi halos ng lalaki dito umaakyat ng ligawan sa 'kin?! As if I'm that beautiful enough to be courted by many man!

Napahawak ako sa braso ko dahil feeling ko nangingig na ako. "A-Ano-"

Nagulat ako nang lumapit sa 'kin ang nerd at hinawakan ako sa kamay at bahagyang hinila pa para mapalapit pa sa kan'ya lalo.

"Let's eat, Hon," biglang sambit ng nerd na ikinagulat ko at maski ang aling estudyante ay ganon din.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro