
CHAPTER 03
Dedicated to:
Moesha0King
OPHELIA CALLA
“Ophelia!” tawag sa 'kin ni Eden nang makita n'ya akong papalapit sa kan'ya.
Second week na namin dito sa university. Maaga ako nagising dahil excited talaga akong makita si Eden at pati na rin ang hinahangan kong lalaki na basketball player.
Gusto kong ngumiti pero baka magtaka si Eden. Tatanungin n'ya kaagad ako panigurado. I know na hindi n'ya ako titigilan hangga't hindi ko sinasabi ang totoo. Medyo halata pa naman ako kung magsinungaling.
Hindi naman totally na sikat ang hinahangan kong basketball player. Tahimik lamang s'ya at mahiyain minsan.
Simple rin s'ya kong manamit at masasabi ko na isa s'yang mabait na lalaki. May itsura s'ya pero hindi ganon ka-gwapo dahil gaya nga ng sinabi ko, simple lang s'ya.
Lumingkis sa 'king braso si Eden. Ngumiti s'ya pagkatapos. “Bago tayo tumungo sa classroom, titignan muna natin ang crush ko! I'm so excited na talaga!” kinikilig na sambit n'ya at hinila ako kong saan man n'ya ako dalhin.
Hindi man lang ako pinagsalita at hinila lamang ako. Hindi ko pa nakikita ang crush ni Eden dahil pabago-bago ito ng lalaking hinahangaan. Bukod sa maarte s'ya, she likes to play with boys.
Kadalasan hindi boyfriend ang meron s'ya kundi boytoy. Tanggap ko si Eden kahit gan'yan s'ya, basta 'wag lang sana s'ya gagawa nang malalang problema. But still, maawain ako, eh. Hindi ko s'ya matiis, hindi ko alam kung kaya ko ba s'yang layuan.
Napasinghap ako nang tumungo kami sa basketball court. Gulat akong lumingon kay Eden. So, basketball player ang sinasabi n'yang crush? Hula ko ang captain ng basketball game ang kan'yang puntirya.
Hindi s'ya nagkakagusto sa mga simple at pangit daw na lalaki. But seriously, wala akong nakikitang pangit dito sa school o sa labas man lang. Pwede 'pang matawag na simple and unique.
Hinila n'ya ako papasok ng basketball court. Kinabahan naman ako nang makitang naglalaro ang mga basketball player.
Humigpit ang kapit ko sa braso ni Eden. Umupo kami sa bench. Nasa bandang harapan kami nakaupo kaya kitang-kita ko ang mga nagtatakbuhang lalaki papunta sa kabilang basketball ring.
Kaunti pa lang ang mga taong nanonood dito, maaga pa kasi. We still have 15 minutes para makapagtambay rito.
“Tignan mo s'ya, Ophelia.” Tinuro n'ya ang lalaking may 'di kalayuan sa 'ming kinaroroonan. Nakatalikod s'ya mula sa 'min. “Si Khoen 'yan! S'ya ang sinasabi kong crush!” kinikilig n'yang saad sa 'kin.
Ngumiti ako. “Ang gwapo naman,” puri ko.
Pasimple kong hinanap ang lalaking kanina ko pa iniisip.
“Syempre ako pa ba?! May nakilala pa akong gwapo, Ophelia. Gusto mo hanapan kita? Mas maganda kung basketball player dahil matataas sila.”
Napahinto ang aking mata sa entrance ng court. Sinundan ko s'ya ng tingin hanggang sa makarating s'ya sa kan'yang ka-team mate.
Medyo magulo ang kan'yang buhok. Siguro nagmamadali itong makapunta sa practice nila.
Inilapag n'ya ang kan'yang bag sa bench at hinihingal na napasuklay sa kan'yang buhok. At kasabay no'n ang pagtama ng aming mga mata.
Kita ko ang pagkagulat sa kan'yang mata nang makitang nakatitig ako sa kan'ya. Pasimple lamang akong umiwas ng tingin upang 'di n'ya mapansin na tinititigan ko s'ya. Hindi ko alam kung ano naging reaksiyon n'ya pagkatapos.
Tinuon ko ang buong atensiyon sa sinasabing hinahangaan ni Eden. 'Di ko masyadong naintindihan ang mga pinagsasabi sa 'kin ni Eden. Tutok na tutok talaga ako sa lalaki na kanina lang ay tinitignan ako.
Nagdri-dribble ng bola si Khoen sa kan'yang kinatatayuan bandang gitna. Naglalaro lang mag-isa dahil hindi pa sila nagsisimula ang practice.
Tumigil s'ya sa pag-dribble at inilagay ang bola sa gilid ng kan'yang beywang. “Boys! Tara na at magsimula na tayo!” sigaw n'ya sa kan'yang mga kasama.
Naging alerto naman ang ibang basketball player. Lakad-takbong lumapit sa kanilang captain na si Khoen. Tama nga ang hinala ko na captain ang puntirya ni Eden.
Nilibot ni Khoen ang kan'yang paningin sa lahat ng mga kasama n'ya. Bahagyang nagtaas s'ya ng kilay. “Chrase! Ano pa ang ginagawa mo d'yan?!” sigaw ni Khoen.
Lumingon ako sa kinaroroonan ni Chrase. Kinakabahan ako para sa kan'ya, baka bigla s'yang sigawan sa galit ng captain.
“Ang hot talaga ni Khoen! My gosh!” kinikilig na bulong ni Eden sa 'kin. 'Di ko s'ya inabalang pagtuunan ng pansin.
Nagmamadali s'yang sumuklay ng kan'yang buhok gamit ang hair brush. Nataranta s'ya nang makitang nanliliksik ang mga mata ni Khoen. Halos balibagin n'ya ang hair brush sa bench bago tumakbo sa pwesto ng mga kasama n'ya.
So, strict pala si Khoen? Gan'yan naman talaga ang Captain kadalasan.
“Why took you so long?” medyo galit na usal ni Khoen. “At bakit nag-abala ka pa na magsuklay ng buhok, eh magugulo lang naman 'yan?”
Napakamot si Chrase sa batok at ngumiti ng tipid. “W-Wala lang, Captain.” Hindi mapakali ang kan'yang katawan.
Hindi na s'ya inabalang pansinin ni Khoen at nagsimula na kaagad sila sa pagpa-practice.
Napatingin ako sa wrist watch ko nang matandaang may klase pala kami. “2 minutes na lang, Eden at mala-late na tayo,” sabi ko rito at binalingan s'ya ng tingin.
'Di ako inabalang tinignan ni Eden at tudo cheer s'ya kay Khoen. “Mauna ka na, Sis. Tatapusin ko na lang 'to,” tugon n'ya.
Napailing lamang ako at tumayo sa pagkakaupo. Sinukbit ko ang sling bag sa 'king balikat. “'Wag 'kang mag-cutting, Eden! Lagot ka talaga sa Daddy mo kapag nalaman n'ya,” paalala ko sa kan'ya.
Iniwagayway n'ya ang kan'yang kamay sa ere. “Akong bahala, Sis. Don't worry about me, okay?”
Wala na akong nagawa kundi sumang-ayon. Hindi ko na s'ya mapipilit na sumabay sa 'kin dahil tutok na tutok na talaga ang kan'yang atensiyon kay Khoen.
Sigurado akong isa si Khoen sa taong hindi sineseryoso ang isang relasyon. Palagi ko s'ya nakikitang may iba't-ibang babaeng kinakasama at kong saan-saan pa naghahalikan.
Napailing ako sa kawalan. Bahala na si Eden kung magiging sila man at maghihiwalay pagkatapos sa huli. Sigurado akong hindi seseryusuhin ni Eden ang lalaking katulad ni Khoen.
Walang lingon-lingon akong lumabas ng basketball court. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nilingon ko pa s'ya tapos makikita kong nakatingin din sa 'kin si Chrase.
Gusto ko tuloy sampalin ang pisngi ko. Ang assuming ko na talaga, hinawaan yata ako ni Eden.
Buti na lang nakarating ako sa room ko na hindi pa late. Sakto nang makaupo ako sa kinauupuan ko ay dumating ang aming guro.
Tuloy-tuloy ang aming discussion hanggang sa lumipas ng isang oras ay recess time na. Gano'n kabilis ang oras.
Niligpit ng teacher namin ang kan'yang gamit bago hinarap kami. “Nga pala, may palaro tayo next month at ngayong month, magpa-practice ang mga sasali sa palaro. Bukas ko na lang i-di-discuss kung ano ang maaaring n'yong salihan.”
Kakaumpisa pa lang ng klase namin this year, ah. Basta talaga private school, madaming pinagkakaabalahan.
Tuwang tuwa naman ang mga kaklase ko nang makalabas sila ng room kasama ang kani-kanilang mga kaibigan. Sa kabilang room ang iba pa naming kaibigan ni Eden, kaya minsan lang din kaming sumasabay. Na-miss ko tuloy sila.
Papalabas na sana ako ng room nang may humarang sa 'king dinadaanan.
Takang inangat ko ang tingin. Tatabi na sana ako nang makita ko s'ya, natigilan ako sa 'king kinatatayuan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro