CHAPTER 02
Dedicated to:
flowermay10
OPHELIA CALLA
“Uwi na tayo?” tanong ni Eden sa 'kin habang naglalakad kami papalabas ng mall na bitbit ang pinamili naming pagkain.
Tumango ako sa kan'ya bilang sagot at sumakay sa van na pagmamay-ari n'ya. S'ya ang nag-aya sa 'kin na pumunta ng Mall and I can't say no to her. Besides, gusto ko rin naman.
Nagsimula nang umandar ang van. Nilapag ko ang pinamili namin sa backseat.
Maarteng hinawi ni Eden ang kan'yang bangs. “This day is tiring talaga. Dapat pala sinama ko na ang tutor ko para pabitbitin ng mga pinamili natin,” bigla n'yang bulalas.
“She's your tutor, not a personal assistant.” Hindi ako makapaniwalang nakatingin sa kan'ya.
Nagkibat-balikat s'ya. “I know, Sis. Naiirita lang ako sa pagmumukha niya kaya gusto ko s'yang pahirapan.” May bahid na inis sa kan'yang boses.
Matagal ko na s'yang sinasabihan na at least man lang ay maging mabait s'ya sa kan'yang tutor. Naaawa na nga ako sa kan'yang tutor. Mahirap lang s'ya tapos pinapahirapan pa ni Eden. 'Di ko alam kung ano ang kinagagalit ni Eden sa tutor n'ya. I think she's nice naman.
“Walang ginagawang masama ang tao, Eden. At least be nice to her kahit konti man lang. I know na masakit sa kan'ya na ginaganyan mo s'ya. Try to put yourself in her situation. Ikaw ang tutor tapos s'ya ang amo, pahihirapan ka n'ya at magagalit na walang dahilan.”
Napabuntong hininga si Eden sa sinabi ko. “I did try my best to be nice to her naman pero parang hindi ko kasi s'ya gusto, hindi ko maatim na nakikita s'ya palagi,” mahina n'yang tugon.
Hinawakan ko s'ya sa balikat. “Try your best again to be nice. Wala 'kang po-problemahin kung wala 'kang iniisip na kaaway o kinaiinisan.”
She smiled at me. “Ang bait mo talaga, Sis.” Huminga s'ya ng malalim. “'Di ko na alam kung sino pa ang kakaibiganin ko bukod sa'yo. I hope na maging matibay ang ating pagkakaibigan,” sinsero n'yang sambit. Ngumiti rin ako sa kan'ya. Niyakap ko s'ya na kan'yang tinugon.
Alam kong sa pagkakaibigan ay minsan mayro'ng hindi pagkakaunawaan. Sa kabila ng mga pagsubok sa pagitan niyong dalawa, hindi matitibag kung nagtitiwala kayo sa isa't-isa at iniintindi niyo ang mga hindi napagkaunawaan.
Nagpapasalamat ako na kahit minsan hindi kami nagkakaintindihan ni Eden, handa pa rin kaming humingi ng tawad at linawin ang mga bagay na hindi namin naintindihan.
Bumaba ako sa van nang huminto ang van sa mismong gate ng aming mansion. Hinarap ko si Eden habang bitbit ko ang mga pagkain.
“Okay na ako rito, Eden. Di ka ba talaga papasok?” tanong ko sa kan'ya.
Umiling s'ya at kinawayan ako. “Tinatawag na ako ng Daddy ko kaya I can't go with you muna.” Sinenyasan n'ya ang kan'yang driver na paandarin ulit ang kotse. “Goodbye, Ophelia! Magkita na lang tayo sa university bukas!”
Kumaway rin ako sa kan'ya. Hinintay kong makaalis ang kan'yang van sa paningin ko bago ako nagpahatid sa guard namin papuntang mansion. Baka kasi mag-over reacting ang mga Kuya ko kapag nalaman nilang wala akong kasama.
“Thank you po, Manong!” nakangiting nagpasalamat ako sa kan'ya.
Yumukod lamang s'ya at ngitian ako ng tipid. “Walang anuman po, hija. O s'ya sige aalis na ako, ah?”
Tumango ako sa kan'ya at nagpasalamat ulit. Mga mababait ang mga tao rito sa mansion namin, halos lahat kasundo ko. Matagal-tagal din silang nagsisilbi sa amin kaya medyo panatag ako na wala silang gagawin sa 'ming masama.
Dala-dala ang supot ng pagkain ay tumungo ako sa kusina upang ilagay muna sa ref. Tatawagin ko na lang siguro sila na kumain kapag nakita ko.
Umupo ako sa high chair dito sa kusina. Inilabas ko ang cellphone sa bulsa at binuksan. Baka kasi may announcement ulit ang teacher namin sa university.
Binasa ko ang ilang message ng mga teacher ko bago pinatay ang cellphone. 2nd week ko na bukas sa university. Last week kasi nagsimula ang klase naminn
“Calla!”
Napalingon ako kay Kuya. Napatawa ako at tinuro ang ref. Alam na n'ya ang ibig kong sabihin.
Masayang tumungo s'ya sa ref at dali-daling n'yang binuksan. Itinaas n'ya sa ere ang supot ng pagkain na binili ko.
“Akin lang ba 'to lahat? Kulang pa sa 'kin 'to,” natatawang saad n'ya at lumapit sa 'kin.
Umupo s'ya sa tabing high chair ko at inilapag ang pagkain sa lamesa.
“Para sa inyong dalawa yan ni Kuya Armer.” Sumimangot s'ya sa 'king sinabi.
“Ako 'yong paborito kong Kuya sabi mo 'di ba? Then bakit kasama s'ya sa pinamili mong pagkain?” madramang tanong ni Kuya Alter. Napalumbaba pa sa 'king harapan.
Tawa akong napailing sa pagiging childish n'ya. Magkasundo kami palagi kaysa kay Kuya Armer. Mas matanda si Kuya Armer kaysa sa kan'ya kaya parang bunso na kaming dalawa. Kung si Kuya Alter ay childish, si Kuya Armer naman ay strict. S'ya talaga ang kinatatakutan kong Kuya.
Pinanlakihan ko s'ya ng mata. “Hindi ko sinabi 'yan, Kuya!” 'di makapaniwalang bulalas ko na ikinatawa n'ya. Pinagtri-tripan na naman ako.
“Then who's your favorite Kuya?” nakangising tanong n'ya sa 'kin habang naghihintay sa sagot ko.
“Of course you and Kuya Armer are my favorite Kuya. Pantay kayo sa 'kin, walang lamang kaya don't ask me kung sino ang favorite ko. I hate favoritism pa naman,” may pait sa boses kong sambit.
Since elementary, palagi ako ang panalo sa mga contest lalo na sa pagkanta. At kahit na palagi akong nanalo, hindi ako natutuwa. Para sa 'kin ang unfair kung gano'n, hindi man lang nakatikim ang ilang participants na maging champion. I should be happy, right? But I'm not, I hate it.
And I know why kung bakit gano'n ang nangyari. It is because of money and for being one of the rich. Sabi nga nila, money is power kaya naman, kaya nilang gawin ang lahat basta may pera lang. And I kinda sad thinking about that.
Walang nagalit sa 'kin no'ng time na 'yon. Dahil 'yong mga pinalunan ko, binigay ko sa kanila at pinayuhan ko rin na 'wag magalit sa 'kin, hindi ko ginusto iyon. Sumali ako dahil gusto ko at hindi para sumikat.
Bigla kaming tinawag ni Kuya Armer kaya napalingon kami pareho ni Kuya Alter sa kan'ya. Kakarating lang n'ya at halatang galing sa company namin dahil naka-black suit pa ito.
Seryoso ang mukha kan'yang mukha at hindi mo talaga makita sa kan'yang mukha na palabiro ito. Matatakot ka na lang kung bibiruin mo s'ya, hindi pa naman tumatawa 'yan. Tumatawa naman siguro pero hindi lang pinapakita. Hindi n'ya halos pinapakita ang kan'yang emosyon.
Humakbang s'ya papalapit sa 'min. Niluwagan n'ya ang kan'yang necktie. “Let's share, Alter.” Umupo s'ya sa tabi ni Kuya Alter.
Tinutukoy n'ya ang pagkain na binili ko. Pareho naming paborito ang burger lalo na ang fast foods. Bonding na namin ang kumain ng sabay-sabay, kaya nagkakasundo kami kahit iba't ibang personalidad ang mero'n kami.
Walang nagawa si Kuya Alter kundi i-share ang pagkain. Nakasimangot pa ito at masamang nakatingin kay Kuya Armer.
Tinignan ni Kuya Armer ang mukha ni Kuya Arler. “Stop pouting like an immature boy,” bored n'yang sambit, kumagat s'ya ng burger.
Inikutan s'ya ng mata ni Kuya Alter at kumain lang din.
Gulat naman ako nang tumingin sa 'kin si Kuya Armer. “I heard from your friend that some guys are approaching you at the Mall,” bigla lamang n'yang banggit.
Tumikhim ako. “Iniiwasan ko naman sila, kaya nga lang sila ang lumalapit. Ayaw ko naman baliwalain ang kanilang presensiya.” Kinakabahan ako sa sasabihin pa n'ya ulit.
Marahang hinilot n'ya ang kan'yang noo na tila pagod at inaantok. “I'm not against kung may nanliligaw sa 'yo o may boyfriend ka. But make sure na paharapin mo muna sa 'min kung sino man ang lalaking iyon,” paalala n'ya sa 'kin na ikinangiti ko. “I don't like bad boy type, okay? At least find someone na seryoso sa 'yo at nag-aaral ng mabuti. Hindi ako tumitingin sa yaman nila kundi sa pag-uugali.”
Ito ang gusto ko sa side ni Kuya Armer. Hindi s'ya tumitingin sa yaman ng isang tao basta may mabuting kalooban, ayos na sa kan'ya. Hindi ko naman talaga type ang bad boy na lalaki, mas prefer ko ang good boy.
At aaminin ko na humahanga at mas naa-attract ako sa good boy. They don't know about that 'cause I'm still a little bit shy kung iku-kuwento ko pa ang tungkol sa crush ko.
Crush lang naman at panatag akong hindi ito mapupunta sa love. Makalipas ang isang buwan mawawala na kaagad ang nararamdaman ko.
Sana hindi magsawa ang nararamdaman ko sa lalaking mamahalin ko pagdating ng araw.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro