Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 01

Dedicated to:
Elynnatty


OPHELIA CALLA

"Tignan mo 'to, Ophelia!"

Napatigil ako sa kakatingin ng mga nakahilerang libro na halos mga nobela. Nilingon ko ang kaibigan ko at takang tumungo sa kan'ya.

Dali-dali n'yang hinablot ang braso ko at tinuro ang sinasabi n'yang titignan ko raw.

"Do you see that dress? A purple one, Ophelia?" she giggled while pointing the purple dress at the boutique shop right in front of us.

Tumango ako. "Nakikita ko, Eden. You want that dress?" tanong ko sa kan'ya habang nakatanaw pa rin sa boutique shop.

Eden love to go shopping and buying some dresses. Obsessed s'ya sa mga ganong dress and I don't know why she really liked it.

Tumango-tango s'ya habang 'di naaalis ang ngiti sa labi. "Come on! I want to buy it na!"

Wala na akong nagawa nang hilahin na n'ya ako sa boutique shop. Gusto kong samahan si Eden kahit sa anong gusto n'ya dahil kaibigan ko s'ya. She is one of my trusted friend I have.

Nang makarating kami sa boutique shop ay halos mga teenager na katulad namin ang mga customer sa loob. Mga mayayaman din sila katulad namin ni Eden.

Iniwan ako ni Eden sa front door at mabilis na tumakbo sa nakadisplay na purple dress na gusto n'ya. She loves purple.

Napalabi na lamang ako at tumungo sa mga nakahilerang t-shirt sa tabi ko. Kong si Eden ay mahilig sa dress, ako naman ay sa t-shirt, oversized t-shirt to be exact.

Hinawakan ko ang laylayan ng t-shirt na kulay yellow at tinignan ang prize.

"1,200 pesos?!" gulat na gulat kong sambit sa kawalan habang nanlalaki ang mata ko. Di na ako magtataka kung bakit ganito kamahal ang t-shirt. Mamahaling mall ang pinuntahan namin at ang mga mayayaman lamang ang makaka-afford ng ganitong prize.

Dahan-dahan kong binitawan ang t-shirt na gusto ko sanang bilhin. Nasasayangan kasi ako sa pera na gagastusin ko kahit marami namang pera ang mga Kuya at magulang ko. Ako lamang ang nag-aaral dahil ang dalawang Kuya ko ay nakapagtapos na. Sila ngayon ang nag-aasikaso sa company ng magulang namin.

"Need help, Miss?"

Napalingon ako sa likod ko nang marinig ang lalaking boses. Takang tinignan ko s'ya dahil mukhang napaestatwa s'ya sa kinatatayuan n'ya nang makita ako.

"Po?" Iniwagayway ko ang kamay ko sa harap n'ya dahil nakatitig pa rin s'ya sa 'kin.

Natauhan naman s'ya at ngitian ako. Weird guy.

He extended his hand in front of me. "My name is James, by the way. What's your name? Do you need help?" sunod-sunod n'yang sambit. Naguguluhan tuloy ako sa kan'ya.

Napatingin ako sa kamay n'yang naka-extend sa harapan ko. Even I don't want to take his hand for a shake, kailangan ko. Medyo takot ako na hindi pinapansin ang taong mabait naman sa 'kin.

Hahawakan ko na sana ang kamay niya nang may humila sa 'kin sa likuran banda. Gulat naman akong napalingon dito at inaakala ko na hindi ko kilala ang humila sa 'kin.

"Hi Mister! Pasensya na at iuuwi ko na ang kaibigan ko. Her boyfriend must be worried about her." Pekeng ngiti ang ginawad ni Eden sa lalaking kaharap ko at walang sabing hinila ako papalayo sa boutique shop.

Mas mabuti na ang ito kaysa sa ma-stuck ako sa kinatatayuan ko kasama ang lalaking iyon.

Napahinto kami sa harapan ng national book store. She dramatically flip her hair bangs and face me. "I don't know na kung ano ang gagawin ko sa 'yo! All guys are drowning on you na dahil sa beautiful face mo and perfect body!" Maarteng gumawa s'ya ng shape sa kawalan na parang sexy hips body shape.

Napatawa ako sa kaartehan n'ya. Kahit na ganyan s'ya at magkaiba kami, magkasundo naman kami sa mga bagay-bagay.

Palagi s'yang nasa tabi ko at bumabantay sa 'kin kung wala ang mga Kuya ko. Over protective ang mga Kuya ko dahil nong Grade 7 pa lamang ako ay may nanliligaw na sa 'kin at sa pagkakatanda ko ay sampu silang lahat o higit pa! Though, hindi naman interested in relationship that time kasi study first muna ako bago ang ganyan.

She widened her eyes at me. "Nakaka-stress ka na, Ophelia! Wala ka man lang ibang reaction kundi matawa sa akin. Mukha ba akong clown? Gosh!" problemadong saad n'ya.

Napailing akong nakangiti. "Hindi ko maiwasang matawa sa'yo, eh. Let's just buy some books here." Tinuro ko ang national book store para hindi na namin po-problemahin ang nangyari kanina. I'm used to it.

Napasimangot s'ya. "You know, I don't like books. Bakit ba 'yan gusto mo? I don't find it interesting, Ophelia," sabi n'ya at sinulyapan ang book stores.

"May iba't ibang gusto tayo sa mga bagay-bagay. I like books while you like dresses. You don't like books and also I don't like dresses. See? May pagkaiba tayong gusto," mahabang paliwanag ko sa kan'ya.

Nagtaas s'ya ng isang kamay na parang sumusuko na. "Fine! I get it na."

Napangiti na lamang ako at masayang inaya s'ya para maghanap ng bagong novel book. Madami na rin akong libro sa bahay at kalabanan ay hindi ko pa nababasa. Collecting muna ako ngayon bago ko sila babasahin lahat.

Ilang minuto lamang ang ginugol namin ni Eden para maghanap ng libro. Eden can't bare to stay here kaya lumabas s'ya at maghahanap muna ng pagkain na makakain namin.

Sa pangatlong tao ako nakapila habang hawak-hawak ko ang limang libro sa kamay ko. Medyo mabigat ang librong hawak ko pero kaya pa naman tiisin.

Nasa pangalawang pila na ako nang gulat akong napaatras. Umatras kasi ang babae banda sa unahan ko at natapakan n'ya ang sapatos ko kaya pareho kaming napatingin doon.

Balisang napaangat s'ya ng tingin sa 'kin. "S-Sorry, Miss. I didn't know that someone was lining up behind me."

Umiling ako dito at ngitian s'ya para hindi na ito mabahala. "It's okay, I understand," tugon ko na ikinangiti naman n'ya.

Hindi naman nadumihan ang sapatos ko at hindi naman ako nagakit kung hindi naman pala sinasadya. Hindi ko alam kung ano ang ire-react kapag sinadya n'ya.

"You're nice. Anyway I have to go. Hope to see you soon, pretty!" Dali-dali s'yang umalis habang kumakaway sa 'kin. Kumaway naman ako sa kan'ya at humakbang papalapit sa cashier.

Inilagay ko ang limang libro sa unahan at pinisil ang braso ko sa kaliwa dahil sumakit ito sa bigat ng libro.

Napaangat ako ng tingin nang maramdamang hindi pa ginagalaw ang libro ko na nakalatag sa harapan ng cashier na lalaki. Ngumiti ako dito para para mabawasan ang awkwardness namin.

Nanlaki ang mata n'ya at dali-daling umiwas ng tingin sa 'kin. Nakita ko pa ang bahagyang pamumula ng kan'yang taenga. Mabilis n'yang nag-compute ng babayarin ko at inilagay ang libro sa paper bag bago inilapag sa harapan ko.

I find him weird.

Kumuha ako sa wallet ko ng pera at inilahad sa kan'ya ang 4,000 pesos. Nakita kong napalunok s'ya bago kinuha ang pera sa kamay ko. Napahinto s'ya saglit nang 'di sinasadyang nahawakan ang kamay ko, tuluyan na nga niya nakuha ito at sinuklian ako ng 500 pesos.

Nag-aalalang nakatingin ako sa lalaking cashier. "Namumula ang taenga mo, Mister. Baka nilalagnat ka," nag-aalalang saad ko at tinignan ang mukha n'yang namumula rin.

Nanlaki ang mata n'ya at dali-daling kinapa ang taenga at pisngi. Di ko tuloy maiwasang maisip na ang cute n'ya habang nababalisa s'ya sa 'di maintindihan. Nakasalamin s'ya habang nakatabon ang mahaba n'yang buhok sa unahan ng kaliwang mata niya. Di ko masyado makita ang mukha nito dahil sa nakatabon ang buhok n'ya but I know na may itsura naman siya kahit sa tingin ko ay isa s'yang nerd.

"I-Im fine... T-Thank you," utal n'yang tugon at umiwas ulit ng tingin sa 'kin at may binulong pa ito na hindi ko maintindihan.

Kahit gusto kong pakialaman ang namumula n'yang pisngi ay hindi ko na inabala ito. Baka magalit lang s'ya kapag pinakialaman s'ya dahil hindi naman kami magkakilala.

Dahan-dahan akong napatango. Kinuha ko ang supot ng libro ko at ngitian lamang s'ya. "I hope you're fine. Have a nice day, Mr. Cashier!" Kumaway ako sa kan'ya bago ako tumalikod at lumabas ng national book store na hindi lumilingon sa likuran ko.

I know that he's looking at me at ngayon ko lang naramdaman na parang may kakaiba sa kan'ya. Kahit na nakikita ko ang emosyon n'ya sa mukha niya ay hindi ko pa rin masabi ang iniisip n'ya at parang misteryoso s'ya para sa 'kin.

Napailing na lamang ako sa isipan. Bakit ba iniisip ko pa ang iniisip n'ya? Kadalasan kasi nakikita ko ang emosyon ng isang tao pero s'ya hindi ko man lang mabasa. Siguro hindi naman talaga lahat nababasa ko.




Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro