Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7

Gusto lang akong pakasalan ni Fabian bilang kapalit katulad ng sinabi niya noong gabing iyon. Gusto lang niyang may makuha siyang kapalit kina Mommy at Daddy.

Bukod doon, nasa katauhan ako ni Ava kaya ipinapakita niyang mabuti siya. Hindi talaga niya gustong maging mabait sa akin, alang-ala na lang sa pagpapanggap namin kaya niya iyon ginagawa.

Kaya rin hindi dapat ako mahulog sa kaniya. Para lang iyong patibong, bandang huli ay ako pa rin iyong masasaktan. Kaya hangga't kaya ko na huwag makaramdaman ng tuwa sa mga kabutihan niya ay gagawin ko.

Kailangan kong gumuhit ng linya, o bumuo ng pader sa gitna naming dalawa. Sa ganoong paraan, mas makakaya kong gawin nang maayos itong pagpapanggap ko. Sa ganoong paraan ko rin magagawang iwan ang lahat oras na bumalik ako sa dati.

Isang malakas na kulog ang nagpagising sa akin, rason din para mapabalikwas ako ng higa. Kaagad akong nagmulat upang lingunin ang balcony sa kwartong iyon. Nililipad nang malakas na hangin ang kurtina nito.

Mula naman sa labas ay paulit-ulit na gumuguhit ang ilang linya ng kidlat. May bagyo ba? Inilinga ko pa ang mga mata ko. Wala palang naiwang ilaw sa kwarto bukod sa lampshade na naroon sa gilid ng kama.

Madali kong hinanap si Fabian at halos manlaki ang mga mata ko nang makita siyang nakahiga sa kaparehong kama kung nasaan ako. Medyo malayo siya at malaki naman itong kama niya.

"Gusto mo nang umuwi?" mababang boses na tanong niya habang nakatanaw sa akin.

Napakurap-kurap ako sa kawalan. Dinig na dinig ko ang malakas na pagbuhos ng ulan. Gabi na rin at hindi ko namalayan ang oras. Bakit hindi man lang niya ako ginising?

Baka hinahanap na ako sa amin— hinahanap? Muntik na akong matawa. Sino bang maghahanap sa akin? Sina Mommy at Daddy? Para ko na ring niloko ang sarili ko. Baka pumuti na lang ang mga mata ko sa kahihintay na mangyari iyon.

Mahina akong bumuntong hininga. Gusto kong umuwi, pero gusto ko ring dito na muna ako. At least ay malayo ako kina Mommy at Daddy. Hindi nila ako magagawang saktan at pagsalitaan ng masasama.

Dahan-dahan nang umiling ako. "Ri—rito na lang muna siguro ako..."

Nakita ko ang pagkibot ng labi ni Fabian. Ngayon ko lang din napansin na iba na ang damit nito, suot niya ay isang malaking t'shirt na kulay itim at cargo shorts. Ang mga binti niya ay prenteng nakakrus.

Bahagyang nakasandal ang ulo niya sa headboard ng kama kaya lahat ng atensyon niya ay nasa akin. May kadiliman man din sa kwartong iyon ay alam kong kitang-kita niya ang mga emosyong nakapaskil sa mukha ko.

"Sigurado ka?" malamyos niyang dugtong. "Wala naman iyong problema sa akin. You can sleep here in my bed."

"I—ikaw? Sa—saan ka?" nauutal kong palatak at hindi ko alam kung dapat pa bang itinanong ko iyon.

Natawa si Fabian. "What do you think, Ava?"

Ava na naman... pero sige, pangatawanan na natin ito. Hindi ko kailangang masaktan sa tuwing matatawag ako sa ganoong pangalan.

Nilingon ko ang pahabang sofa sa hindi kalayuan. Tingin ko naman ay kasya roon si Fabian. O kung hindi man, ako na lang ang matutulog doon mamaya.

"You'll marry me next month, Ava. We will share the same bed and sleep together. So you don't have to be ashamed of me," dere-deretsong wika ni Fabian dahilan para bumagsak ang panga ko.

Eskandaloso akong tumikhim. "Next month pa iyon. Hi—hindi pa ako handa..."

Tuluyan nang humalakhak si Fabian. Kalaunan nang mapailing-iling siya.

"Crazy."

Kasunod nito ay ang mabilis niyang pagtayo, sinundan ko siya ng tingin nang maglakad ito. Hawak ang isang unan ay dinala niya iyon sa sofa. Pabagsak pa siyang nahiga roon at saka pa humarap sa gawi ko.

Ginawa rin niyang unan ang isang braso habang ang mga mata ay derektang nakatitig sa akin. Napanguso ako at piniling mag-iwas ng tingin. Okay lang naman siguro kung dito muna ako, hindi ba?

"Gutom ka ba? Gusto mo bang kumain?" tanong ulit ni Fabian na para bang hindi matahimik at panay ang buka ng bibig.

Madaldal din pala.

Pareho sila ni Ava. Naisip ko kung gusto ba ni Ava si Fabian, o napilitan lang siyang makisama rito dahil na rin sa kagustuhan nina Mommy at Daddy.

Gusto kong malaman, para kung haharap man kami sa ibang tao, alam ko rin kung paano ko siya pakikitunguhan. Pero kung sabagay, sino bang babae ang hindi magkakagusto sa kagaya ni Fabian?

Mayaman na, gwapo pa. Lahat na yata ay nasa kaniya. Mukha rin namang mabait.

"Hindi pa naman ako gutom," kalaunan ay sagot ko rito— pagabi naman na noong kumain kami kanina.

"Is that so?"

Tumango ako, hindi na nagsalita.

"Can I ask why they treat you like that?" Si Fabian ulit. "Why don't they like you?"

Tanong ko rin 'yan sa sarili ko kaya hindi ko masagot-sagot. Sa lahat ng naging tanong dati noong nag-aaral pa ako, madali ko lang iyon nasasagutan at palagi akong may perfect score, sa simple quiz man o long test.

Ngunit ngayon, isa yata iyan sa mahirap na sagutin sa buhay ko. At parang hindi ko rin kaya na marinig ang sagot, natatakot ako sa posibleng katotohanan.

Paano nga kung hindi talaga ako tunay na anak nina Mommy at Daddy? Paano kung ampon naman talaga ako?

"Baka anak talaga ako ni Aling Rosa," sambit ko, gustong magbiro para pagaanin ang paligid, pero hindi ko napigilan ang pait na kumawala sa boses ko.

Hindi rin ako natawa. Ganoon din si Fabian.

"Pero hindi ko talaga alam bakit sila gano'n. Iniisip ko na lang na minsan ay dahil sa bunso si Ava, mayroon ding komplikasyon sa puso kaya marahil ay alagang-alaga. Lahat ay ibinibigay sa kaniya, lahat ng gusto niya, luho, atensyon at pagmamahal."

Sa kabila ng basurang pagtrato nila sa akin, kailan man ay hindi ko sila nagawang kwestiyunin. Wala silang narinig kahit na isang sumbat sa akin. Wala kahit isa— bagkus ay pagmamahal pa lalo sa kanila.

"Isang taon lang ang agwat namin ni Ava, pero parehong buwan at araw ang kaarawan namin... na sa tuwing sumasapit ang araw na iyon ay tinanggap ko ng normal na lang na araw para sa akin. Walang selebrasyon na nagaganap para sa akin, walang handa at regalo na para sa akin."

Inawang ko ang bibig upang doon huminga at masyado nang naninikip ang dibdib ko sa sobrang pagpipigil kong huwag umiyak. Tama na siguro iyong pag-iyak ko. Palagi na lang akong umiiyak sa kaparehong dahilan.

Bumuntong hininga ako, kapagkuwan ay dahan-dahan na nilingon si Fabian mula roon sa sofa. Ganoon pa rin ang ayos niya. Nakaharap sa akin ang katawan at ang mga mata ay parang ayaw nang alisin sa pagkakatitig sa akin.

Hindi ko ba alam kung bakit kailangan ko pang sabihin iyon sa kaniya, kung bakit sa lahat ng tao ay sa kaniya pa ako maglalabas ng hinanaing ko sa buhay. Nag-iwas ako ng tingin at hinila ang kumot.

"Matutulog na ulit ako—"

Hindi ko na natuloy ang kagustuhan kong bumalik sa pagkakahiga nang masilayan ang mabilis na pagtayo ni Fabian. Mabibigat ang mga yabag niyang lumapit sa akin. Wala pang anu-ano nang kunin niya ang kamay ko.

"Let's eat, Ada," seryoso niyang sambit at saka pa ako hinila upang makatayo. "Nagugutom ako. Let's eat together."

Nalilito man ay wala na akong nagawa kung 'di pantayan ang malalaking hakbang ni Fabian palabas ng kwarto niya. Tinahak namin ang daan pababa ng kanilang sala at patungo sa kusina.

Inilalayan niya akong makaupo sa mataas na stool mula sa counter top. Saglit niya akong iniwan doon para makakuha siya ng mga plato at kubyertos. Maging ang kanin at ilang ulam ay dinala niya sa counter top.

Nagulat pa ako nang makitang may kinuha siyang cake sa loob ng kanilang ref. Inilapag niya iyon sa harapan ko. Nangunot ang noo ko. Sinundan ko ng tingin si Fabian na siyang umupo sa katabi kong upuan.

"Simula ngayong araw, sabay na tayong kakain. Sabay nating ipagdiriwang lahat ng mahahalagang araw para sa 'yo," malamyos niyang sinabi habang nangingiti. "Maliit man o malaking bagay na nangyari sa 'yo ay sabay nating ipagdidiwang."

Natulala ako sa mukha ni Fabian. Iyong kaninang pinipigilan kong luha ay naging sunud-sunod na dumaloy palabas sa mga mata ko. Nasasaktan ako, hindi lang sa lahat ng sinabi niya, maging sa mumunting effort nito. Parang hindi kapani-paniwala na nangyayari ito sa akin ngayon.

Huminga siya nang malalim bago ako hinarap, masuyo niyang hinawakan ang pisngi ko upang punasan ang luhang naglalandas doon.

"Ito na rin ang huling araw na iiyak ka. I promise, I will make you the happiest woman in the world, Ada..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro