Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11

Hindi pa malinaw sa paningin ko ang lalaking nasa harapan ko, pero sa amoy nito ay kaagad tumatak sa utak ko kung sino ito. Idamay na rin ang boses niya na sa maikling oras magmula noong nakilala ko siya, halos makabisado ko na iyon.

Hindi na ako umalma nang hilain niya ako palabas ng dancefloor. Nilingon ko pa sina Frankie, Faith at Faye, hindi yata nila kami napansin at patuloy pa rin sila sa kanilang magaslaw na pagsasayaw.

May kaniya-kaniya na rin silang sinasayawan na lalaki dahilan para magsalubong ang dalawang kilay ko. Tatawagin ko pa sana sila ngunit humarang na si Fabian sa likod ko.

"Let's go, Ava."

Palabas ng bar ay gitgitan kaya medyo nahirapan kami. Halos ipansalag pa ni Fabian ang sariling katawan upang pagtakpan ako, para hindi ako masagi at matamaan ang katawan.

Naroon siya sa likuran ko. Ang isang kamay niya ay hawak ang isang balikat ko habang ang isa ay nananatiling nakapulupot sa tiyan ko. Bawat hakbang ng mga paa ko ay kaniyang sinusundan.

Ilang segundo lang ay naramdaman ko ang natural na lamig dahil sa hangin na siyang nanunuot sa balat ko. Dinala ako nito sa parking space ng nasabing bar. Kalaunan ay huminto sa tapat ng kotse niya.

"Fabian," buntong hininga ko habang nangingiti, hindi ko rin alam kung bakit.

Tiningala ko siya at pilit na inaaninag. Namalayan ko na lang ang paghubad nito sa suot niyang suit at saka marahang inilagay sa likod ko. Muli akong napangiti. Hinawakan ko ang dalawang kamay niya.

"Thank you," malambing kong sinabi.

Animo'y kislap ng bituwin sa paningin ko nang sumilay ang ngiti sa labi ni Fabian. Saglit niya akong tinitigan. Nasa ganoong ayos lang kami at hindi ko na nasundan ang pagdaan ng minuto.

Namalayan ko na lang na nakaupo na ako sa likod ng kaniyang pickup. Siya ay nasa harapan ko at nakatayo habang nakadungaw sa akin. Naroon pa rin kami sa parking space at hindi pa umaalis. Tunay na magpapahangin nga ang gusto ni Fabian.

"Are you happy?" malumanay niyang tanong, kaagad naman akong tumango-tango.

"Sobra..." Lumamlam ang mga mata ko bago nagbaba ng tingin sa kamay niyang hawak-hawak ang isang kamay ko.

Pinaglalaruan ng kaniyang daliri ang palad ko, paminsan-minsan ay pinipisil.

"Good to know." Dinig ko ang malalim niyang paghinga kaya tiningala ko ulit siya. "Though, sorry for being late. Hindi ko inakala na mapapaaga kayo nila Frankie. Tinatawagan ko sila pero hindi sinasagot. Naalala ko na rito sila madalas magpunta."

Tumango-tango ako. Masayang-masaya ako ngayon dahil sa na-experience kong ito. Pero mukhang hindi ko na rin uulitin pa dahil sa tapang ng alak na iyon.

Nang maalala iyon ay naalarma ako. "Iyong alak! 'Yung E—Espiray... Espiraytu?"

Nalukot ang mukha ko.

"Spirytus," pagtatama ni Fabian na tila may accent pa ang pagbigkas.

Napapalatak ako sa hangin. "Oo! Sabi ni Faith, ako raw ang magbabayad no'n!"

Bigla akong nalungkot.

"Pero wala naman akong pera," nakasimangot kong banggit, tila pa bata na nagsusumbong.

Mahinang natawa si Fabian, nakagat pa niya ang pang-ibabang labi habang nangingiting nakadungaw sa akin.

"I have already paid the whole bill, so don't worry about it," nanlalambing niyang wika, saka pa hinalikan ang noo ko.

Natigilan ako. Kahit hirap ay nagawa kong mapagmasdan si Fabian. Sa ilaw mula sa poste na nasa likod namin ay kitang-kita ko ang magandang mukha niya. Mayroon siyang makakapal na kilay, ganoon din ang pilikmata't malalago.

Matangos ang kaniyang ilong, tumugma sa malalim niyang mga mata. Bagay din ang may kakapalan at buo niyang labi na bahagyang namumula ngayon. Nakita ko ang simpleng pagpasada ng kaniyang dila sa labi nito dahilan para mapakurap-kurap ako.

Ilang saglit pa nang mapaatras ang ulo ko nang unti-unting yumuko si Fabian. Gamit pa ang dalawang kamay niya ay itinukod niya iyon sa magkabilaang gilid ko, rason upang makulong ako sa bisig niya.

Nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize na isang dangkal na lang ang layo ng mukha namin. Halos maliyo ako sa mabango niyang hininga at ang mga mata niya ay para akong hinihigop sa sobrang paninitig.

Dumukwang siya palapit sa mukha ko, kasabay nito ay ang biglang pagpikit ko nang maramdaman ang paglapat ng kaniyang labi sa akin. Saglit lang iyon at madali rin akong nagmulat nang humiwalay siya.

"Gusto kitang halikan sa pagkakataong maaalala mo sana, pero ngayong nakikita kitang ganiyan, nababaliw ako." Malakas na bumuntong hininga si Fabian.

"Ganito ka rin ba kay Ava?" mahinang sambit ko ngunit sapat na rin para marinig niya.

Sapat na rin para manlaki ang mga mata niya. Mabilis lang din naman nagbago ang reaksyon niya, ngayon ay natatawa na ulit. Bulgar na nangunot ang noo ko.

"Ang sabi ni Frankie, gustung-gusto ka ni Ava... gusto mo rin siya 'di ba? Nag-kiss na kayo... nang matagal... tapos... nag—nag—" hindi ko matuluy-tuloy ang gusto kong sabihin dahil nahihiya ako, itong kalasingan ko lang naman ang nag-uudyok sa akin kung bakit ang daldal ko ngayon.

Kumakawala ang impit na pagtawa ni Fabian, kulang na lang ay magdikit ang mga kilay ko habang pinapanood siyang nagpipigil ng tawa. Hinampas ko ang dibdib niya, kasunod ng pagsinok ko.

"Pero nag-séx na kayo?"

Kamuntikan ko nang sampalin ang sariling bibig. Huli ko nang napagtanto ang sinabi kong iyon. Lumuwa ang parehong mata ko sa gulat at napanganga pa nang biglang humagalpak ng tawa si Fabian.

Humawak siya sa isang braso ko bilang suporta niya, nakayuko siya habang ang balikat niya ay sunud-sunod na yumuyugyog. Dinig ko ang pagtawa niya, samantala ay parang gusto ko na lang magpakain sa lupa.

Hindi na maipinta ang mukha ko. Nang mapansin ang ganoong reaksyon ko ay pinilit ni Fabian ang tumigil. Bigla siyang nagseryoso. Hinawakan nito ang magkabilaan kong pisngi at tumitig sa akin.

"Ano naman sa 'yo kung oo ang sagot, hmm?" mapaglaro niyang tanong.

Nag-iwas ako ng tingin, ngumuso rin at bumuntong hininga.

"Okay lang naman iyon. Normal lang iyon sa mag-girlfriend at boyfriend—"

"Hindi ko naging girlfriend si Ava," madaling pagsingit ni Fabian. "Hindi ko rin siya gusto."

Sa narinig ay natigilan ako. Kanina pa malakas ang tíbok ng puso ko, pero ngayon ko iyon mas napagtuunan ng pansin dahil halos kumawala na iyon sa dibdib ko. Nangangamba na ako na baka marinig iyon ni Fabian.

"At bilang sagot sa tanong mo, wala pang nangyayari sa amin. Not even a kiss." Humalakhak si Fabian, kapagkuwan ay nagnakaw ulit ng halik sa akin. "Ikaw pa lang ang nahahalikan ko."

Wala sa sarili nang matulala ako sa mukha ni Fabian. Para akong nakakita ng paraiso sa katauhan niya, rinig ko ang langitngit ng mga ibon, pati ang hampas ng alon sa naglalakihang bato at simoy ng hangin habang maalinsangan ang panahon.

Umawang ang labi ko. Hindi ako makapagsalita at literal na naputol ang dila ko. Nakatitig lang ako kay Fabian. Kaya napanood ko ang mariing pagpikit niya at ang pagyakap niya sa ulo ko.

"I didn't think you had a bulgar mouth. Séx, huh? Should I punish you, Ada?" bulong ni Fabian dahilan para magtaasan ang balahibo sa batok ko, bahagya niya akong sinilip. "I wanted a french kiss."

Sa hindi mabilang na pagkakataon ay nanlaki na naman ang mga mata ko. Kasabay nang pagbagsak ng panga ko ay ang pagsalubong ng labi ni Fabian sa labi ko. Lumapat ang malambot niyang labi sa akin.

Unti-unti nang bumagsak ang talukap ng mga mata ko. Hinila ni Fabian ang dalawang kamay ko at dinala sa kaniyang balikat. Dama ko man ang lamig para sa panggabing hangin ay mabilis na napalitan ng kakaibang init ang katawan ko.

Hindi ako marunong humalik, pero sa bawat galaw ng labi ni Fabian ay nasusundan ko siya. Tila ba siya rin mismo ang gumigiya sa labi ko na gayahin siya. Hinawakan niya ang batok ko at mas lalong idiniin sa kaniya.

Sa tanang buhay ko, ito iyong unang pagkakataon na naramdaman kong nakuntento ako. Iyong kuntento dahil masaya ako, hindi dahil napilitan lang ako.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro