Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 10

Gusto kong umiyak, pero naalala ko iyong sinabi ni Fabian. Hindi na ako pwedeng umiyak. Ayoko nang umiyak.

Pilit akong ngumiti nang lingunin ako ni Frankie. Ngumisi siya, kapagkuwan ay inilingkis niya ang kamay sa braso ko. Sabay-sabay kaming pumasok sa isang bar, na sa ganap na alas otso ay marami ng tao.

Halos malula pa ako dahil bukod sa iba't-ibang ilaw na lumilipad sa paligid ng nasabing bar ay malakas din ang tugtog. Sumasabay sa maligalig na musika ang mga tao habang may hawak na baso ng alak, o 'di kaya ay 'yung mismong bote ng alak.

Wala pa sa sarili nang mahulas ang emosyon sa mukha ko nang maamoy ko ang usok ng sigarilyo sa lalaking nadaanan namin kanina. Pilit ko rin naman inaayos ang reaksyon ko dahil marami ang tumitingin sa akin.

Marami ang lantaran na nililingon ako, ang iba ay sinasadyang tumitig. Mapa-babae man o lalaki, tila ba nakakita sila ng anghel na bumaba sa lupa. Kitang-kita ko ang pagkamangha sa kanilang mga mukha, tuwang-tuwa at masaya na makita ako.

"Hi, Ava! Long time no see!" magiliw na bati ng isang babae at saka pa siya kumaway.

Hindi ko siya kilala, hindi ko rin alam kung ano ang pangalan.

Kaagad akong kumaway pabalik, ngumiti nang mas malapad. "Hello!"

"Hey, Ava! It's been a while. Ngayon ka na lang ulit napadpad dito. Busy days, eh?" anang isa pang babae.

"Hmm, y—yeah. Busy sa paghahanda sa pagpapakasal." Peke akong tumawa.

"Sakal kamo."

Nagtawanan sila, lalong umusbong ang pang-aasar sa akin. Kahit sina Frankie, Faith at Faye na nasa likod ko ay nakikitawa na rin.  Ilang saglit pa nang makarating din kami sa pina-reserve nilang pwesto namin.

Malapit ito sa dancefloor kaya naman ay tanaw na tanaw ko ang mga nagsasayawan sa gitna. May iba na may kaniya-kaniyang partner, ang ilan ay kumpulan ng mga magkakaibigan. Mayroon din namang mag-isa na gusto lang sumayaw.

"Pinauna ko na ang order natin habang nasa biyahe tayo, Ava. Alam mo na— Spirytus." Kumindat sa akin si Faith.

Spirytus. Alak siguro iyon.

"Favorite mo 'yon, hindi ba? Spirytus Vodka. The world's strongest liquor," dugtong ni Frankie na nasa tabi ko.

Pa-letter U ang upuan namin. Sa kanan ko si Frankie, sa kaliwa ay si Faith. Si Faye naman ay nasa bandang harapan namin, medyo malayo pero rinig pa rin namin ang isa't-isa. Patingin-tingin lang siya sa paligid.

Masasabi ko na si Faye iyong uri ng babae na tahimik, mapagmasid. Kumbaga sa grupo ng magkakaibigan, siya iyong good listener. Si Frankie naman iyong kalog, madaldal at uri ng kaibigan na makikipag-away para lang maipagtanggol ka.

Si Faith ay nasa gitna lang. Ngayon, hindi ko alam kung saang parte si Ava. Kung saan siya roon. Ano ba ang role ni Ava sa grupo niyang ito? Nakakasabay naman ako sa mga biruan, pero hindi ko alam kung tama ba iyon.

Hindi nagtagal nang dumating ang alak. Inilapag iyon sa lamesa na nasa gitna. Kasama nito ang dalawang bucket ng yelo at mga shot glass. Gumalaw si Frankie at naglagay ng alak sa apat na shot glass.

"Let's cheers, everyone! Let's also celebrate Ava's return!" hiyaw ni Frankie.

Magkakasabay na itinaas ng tatlo ang kanilang shot glass sa ere. Nalilito man sa nangyayari ay ginaya ko sila.

"Cheers!"

Matapos pagbanggain ang mga shot glass ay sabay-sabay din nilang nilagok ang alak. Nanlaki ang mga mata ko. Sa takot na mahuli ako ay inisang lagukan ko rin iyong hawak kong shot glass. At halos lumuhod ako, magsisi at mamatay sa naging lasa ng alak.

Mariin akong napapikit. Napayuko pa at naitukod ang kamay sa dalawang tuhod. Ramdam ko ang nginig ng katawan ko, ang pag-iinit ng mukha ko, para akong sinuntok at biglang umikot ang paningin ko.

"Woah! Fvck! This is 96% alcohol. No wonder it is worth more than my life," wika ni Faye bago humalakhak.

"It's okay. Sagot naman ito ni Ava," pahayag ni Faith, ngumisi siya sa akin.

"Huh?"

Hindi pa ako nakaka-get over sa naging epekto ng alak sa akin ay mas lalo yata akong nahilo dahil sa narinig.

Teka, wala akong pera!

Gusto ko sanang sabihin iyon ngunit alam kong magtataka sila. Pero totoong wala akong pera ngayon. As in wala akong dala kahit na ano, kahit isang singkong duling.

Lulang-lula ako na hindi na ako makapagsalita. Nalalasahan ko pa rin iyong pait ng alak sa lalamunan ko. Nabibingi rin ako dahil sa halu-halong ingay sa paligid, iba't-ibang kwentuhan, sabay-sabay na hiyawan at ligalig ng musika.

"Lasing ka na, Ava?" takang tanong ni Faye habang nakatitig sa akin.

Napakurap-kurap ako at mabilis na umiling. "No. I'm just sleepy."

"Oh? Wait, have you and Kuya Fabian done it yesterday?" pukaw ni Frankie na dumukwang pa sa gilid ko.

Nangunot ang noo ko.

"Ang alin?"

Hinampas ako ni Faith sa braso ko. "Patay na patay ka kay Fabian 'di ba? Ang sabi mo, gagawa ka ng paraan para makapag-solo kayo. At sa kwarto ka niya natulog kagabi. So tell me, Ava. May nangyari na sa inyo?"

Kung may iniinom lang siguro ako ngayon ay kanina ko pa iyon naibuga. Nanlaki ang mga mata ko at para akong kinorner nang makita ang pag-aasam ng kanilang mga mukha sa magiging sagot ko.

Pero patay na patay si Ava kay Fabian? Ibig bang sabihin ay kailangan ko ring umakto na patay na patay ako sa kaniya ngayon?

Halos bumaligtad ang tiyan ko. Sunod-sunod ang naging pagtawa ko, pilit pinagtatakpan ang kabado kong puso.

"Hindi pa... nauna akong nakatulog..." sabi ko sa alanganing boses.

Sinundot ni Faith ang pisngi ko.
"Magkunwari kang lasing mamaya, since hindi ka naman talaga nalalasing at mataas ang alcohol tolerance mo. Tapos ay doon ka ulit matulog sa bahay namin and there you have it, Ava!"

"Tch, sayang 'yon, Ava. Pero try and try until you succeed," si Frankie.

Hindi ako makapaniwala na mismong mga kapatid pa ni Fabian ang nagtutulak kay Ava na gawin ang bagay na iyon. Hindi ko inakala na ganitong mga kaibigan ang mayroon si Ava. Pasimple kong nahilot ang sentido.

Napatingin ako kay Faye na nakikinig lang sa amin, mas nakatitig siya sa akin. Ang labi ay nakaisang linya habang pinaglalaruan nito mula sa kamay ang hawak na shot glass.

Mayamaya nang ngumiti siya sa akin, kasunod nang pagpuno nito ng alak sa mga baso namin. Ura-urada namang kinuha iyon ng dalawa. Wala rin akong choice kung 'di kunin iyong akin.

Habang tumatagal ang oras ay mas ramdam ko ang pagkahilo, ni hindi ko na masundan kung nakailang shot ako. Nangingibabaw na sa pwesto namin ang malakas na tawanan nina Frankie at Faith, para na silang nakawala sa Mental Hospital.

"Ava! Let's dance!" matinis na hiyaw ni Frankie, hinila pa niya ako sa kamay at walang pakundangan na hinatak.

Ganoon din ang ginawa ni Faith kay Faye. Kinaladkad kami ng dalawa patungo sa dancefloor. Awtomatiko naman kaming nabigyan ng espasyo sa gitna at lahat ng tao sa paligid ay naghihiyawan.

"Ladies and gentlemen, Miss Ava Constanse is in the house!" anang DJ dahilan para marinig sa bawat sulok ng bar ang sinabi niyang iyon, kasabay nito ay ang pagpalit niya ng musika.

Mas maligalig, mas malandi at mas nakakaengganyo. Hindi ko alam kung dala lang ba ito ng kalasingan ko, pero unti-unti kong inindak ang mga paa. Kusang gumiling ang baywang ko, nasa ere na ang dalawang kamay ko, ang ulo ko naman ay gumagalaw at sinasabayan ang tugtog.

Dahan-dahan kong ipinikit ang mga mata. Ganito pala ang buhay ni Ava sa labas ng mansyon; bulgar, maingay at liberated. Lahat ng tao ay nakaayon sa kaniya, lahat ng nasa paligid niya ay gustung-gusto siya, tinitingala siya, lahat ay nakasuporta kahit na anong gawin niya.

Sa oras na iyon, hindi ko inakala na magugustuhan ko ang parteng ito ng buhay niya. Para nga akong nakalaya, nakawala sa pagkakakulong at kagustuhan ko na lang na i-enjoy ang natitirang oras sa gabing iyon.

Ilang sandali nang bigla akong mapamulat nang may humawak sa baywang ko. Tila ahas na pumulupot iyon at ikinulong ang katawan ko. Tiningala ko kung sino ang lalaking nasa harapan ko ngunit madaling lumamlam ang mga mata ko nang manuot sa ilong ko ang natural niyang amoy.

"I guess your drunk," aniya sa baritonong boses na siyang lalong nagpahilo sa akin.

Nagawa pa niya akong mas hapitin. Yumuko siya upang mailapit sa akin ang kaniyang mukha, bumulong ito sa tainga ko.

"Wanna go get some fresh air? Hmm?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro