Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 7


SABRINA KYE CORBIN


“Sino ang naghatid sa 'yo?” bungad na tanong ni Kuya Razmien nang nakababa na ako sa hagdanan, nakasuot na ako ng pambahay.

Lumapit ako sa kan'ya at hinalikan ito sa pisngi. Seryoso lamang s'yang nag-aabang sa aking sagot, napangiti ako.

“Don't worry, Kuya Razmien, dahil wala na kami ni Krister kaya hindi s'ya naghatid sa akin.” Inunahan ko na kaagad s'ya.

Ayaw kasi nitong nakikita si Krister dahil daw sa wala akong future sa lalaking iyon. As if sineryoso ko ang manlolokong iyon.

“Kung hindi s'ya, sino?” Pinag-krus n'ya ang kan'yang braso sa dibdib na parang naghihintay sa isasagot ko, at kung makamali ako ng sagot ay talagang lagot ako sa kan'ya.

“Si Lyxe iyon,” sagot ko at naumang tumungo sa kusina, kakain na kasi kami ng tanghalian.

Nadatnan kong nakaupo na si Kuya Ravien sa upuan habang naghihintay sa amin. Lumapit ako sa kan'ya at hinalikan ito sa pisngi. Sa una nakakunot ang noo n'ya sa pagtataka ngunit dahil malakas ang amoy n'ya ay kaagad n'ya akong nakilala.

“How's your day, Kye?” tanong n'ya nang nakaupo na ako sa kan'yang tabi, gano'n din si Kuya Razmien.

“It was great!” I happily said, napataas tuloy ang sulok ng kan'yang mga labi.

“Who's Lyxe, by the way, Sab?” tanong ni Kuya Razmien na kanina pa tahimik sa tabi, abala ito sa pagsandok ng kanin pero 'yong atensyon n'ya'y nasa amin.

Pinagsiklop ko ang palad ko. “Manliligaw ko,” sagot ko, medyo natagalan ako sa pagsagot na napansin naman nila.

Kinuwento ko nga sa kanilang dalawa ang unang nangyari. Simula sa paghihiwalayan namin ni Krister hanggang sa dumating si Lyxe. Natahimik silang pareho.

Natawa tuloy ako nang mahina, magkamukha talaga sila, ang kinaibahan nga lang ay malambing si Kuya Ravien sa akin at hindi showy si Kuya Razmien sa kan'yang nararamdaman.

“Lyxe,” salita ni Kuya Razmien, tila inakala ang pangalang iyon. “Don't trust that guy, Sab.”

Seryoso akong tinignan nito na tila siguradong-sigurado s'ya sa kan'yang sinabi.

Napatabingi ang ulo ko ay hindi sinang-ayunan ang kan'yang sinabi. “He's a good guy, Kuya. Kahit sinisigawan ko s'ya, hindi n'ya ako pinagtaasan ng boses kailanman at sinaktan. Maalaga s'ya sa akin, mas better s'ya kaysa kay Krister.”

“But I don't trust that guy, Sab,” ulit n'ya. “Hindi mo ba naisip na naging mas mabilis ang inyong pagkakilala? Obviously may kailangan ang lalaking iyon na hindi natin matukoy. Don't trust easily, Sab, alam mo ang sitwasyon natin.”

Mabagal na tumango lamang ako. Wala akong magagawa pero hindi ibig sabihin no'n ay iiwassn ko na si Lyxe. He's been good to me since we first met.

Dahil sa kan'ya may mga na-realize akong bagay. He inspired me to chase my dreams than wasting my time playing with boys.

Sinabi ni Lyxe na matagal na n'ya akong gusto pero hindi ko alam kung saan nag-umpisa. I can't ask him about it dahil alam kong sasalubong ang kilay n'ya na sa pagkakaalam kong nahihiya s'yang aminin iyon.

Namumula kasi s'ya at hindi minsan makatingin sa akin. Hindi na ako magtataka kung bakit naging mabilis ang pagkakilala naming dalawa dahil sanay akong may nakakakilala kaagad na lalaki lalo pa kung interesado sa akin.

Naging busy kami sa eskwelahan dahil dadating ang events na pinakahihintay namin. Kaya palagi akong nasa practice ni Lyxe, gusto ko talagang nakikita s'yang naglalaro.

Hindi na s'ya masyadong ilang sa akin, depende lang sa sitwasyon. Hindi ko alam kung ano ba talaga kami dahil palagi n'ya akong hatid-sundo, and I always kissing him in his cheeks na wala naman akong naririnig na reklamo. I think he likes it naman.

“Tapos na?” tanong ko nang umupo s'ya sa tabi ko. Agad ko s'ya binigyan ng tubig, nagpasalamat naman s'ya.

“Hindi pa.” Binalik n'ya ang tumbler sa akin at tinignan ako. Bahid ang pawis sa buong mukha n'ya na tila naligo sa ulan. “I have something to show you.”

May kinuha itong bagay sa bag at binigay sa akin ang white na bulaklak. Bali mini-roses na kulay puti ito. Binigay n'ya ito sa akin na agad kong kinuha.

“This is the first time na binigyan mo ako ng ganito,” ani ko, sinuri ko ang bulaklak. “It's so cute, I love it.”

Napangiti s'ya sa reaksyon ko. Tinukod n'ya ang siko sa kanang tuhod at tinignan ako.

“Masaya ako na nagustuhan mo.”

Tumango ako nang mabilis. Nahagip ng mga mata ko ang mga papel na nakakalat sa kan'yang bag. Agad ko itong kinuha. Akmang kukuhanin n'ya ito sa akin nang ilayo ko ito.

“Wow,” mangha kong bulalas nang isa-isa kong tinignan ang mga certificate n'ya na siguradong ngayon lang n'ya nakuha.

Halos tungkol sa quizzes at paligsahan ito. Hindi ko alam na may pinagkakaabalahan pa pala s'ya bukod sa pag-aakyat ng ligaw sa akin.

“Sab, it's nothing.” Nahihiyang hinablot n'ya ito at sinilid sa kan'yang bag. Namumula ang taenga n'ya at hindi makatingin sa akin.

“Nahihiya kang ipakita sa akin ang mga achievements mo?” taas kilay kong tanong, tinatago ang pagkamangha ko sa kan'ya.

Hindi ko yata kakayanin na mag-aral tapos maraming sports at contest na sasalihan. S'ya kinaya n'ya, gano'n ba s'ya ka-madiskarte at talino?

Napakamot s'ya sa batok at bahagyang sinuklay ang basa nitong buhok dahil sa pawis. “S-Simpleng paligsahan lang naman ang sinalihan ko. It's not that important. ”

Nawala ang pagkataas ng kilay ko sa kan'ya. Hindi raw importante tapos sinalihan? Kalokohan ito. Napailing-iling ako at sumunod ng cracklings.

“Certificate pa lang 'yan, 'di ba?” Turp ko sa tinatago n'ya ngayon. “This week kakalabanin mo ang ibang university sa archery, 'di ba?”

Napatango s'ya. “Dagdag sa grades ko rin kasi ito.”

“Kunin mo ang gold medal o trophy.”

Nagtaka naman s'ya at napaayos ng upo. “Bakit? Hindi ko kailangan ng gano'n as long as I'm enjoying—”

“I want you to focus to yourself first. Set aside muna ang panliligaw mo sa akin kahit three days. Hindi naman talaga kailangan makuha ang gold pero dahil may regalo ako sa 'yo, dapat makuha mo.”

Mukhang interesado s'ya sa regalo ko. “Ano ang kapalit?” confident n'yang tanong.

So, sigurado talaga s'yang mananalo? Malakas ang kalaban n'ya sa pagkakaalam ko, hindi ko rin masabi kung kaya n'yang talunin.

“Magiging seryoso na ako sa relasyon, sasagutin kita kapag nakuha mo ang gold,” ngiting sagot ko na bahagyang ikinalaki ng mga mata n'ya.

“R-Really?” nakanganga n'yang tanong na ikinatango ko. “You like me already? Kaya ba... Pinapagawa mo ito sa akin?”

Napasimangot ako sa kan'yang sinabi pero... Totoo naman kasi. I am starting to like him back. Hindi ko alam kung katulad kay Krister. Or maybe mas lamang s'ya.

“Obvious naman, 'di ba? Challenging kasi kapag ginawa mo mo ito. Wala akong makukuhang benefits dito kundi ikaw mismo,” ani ko.

Napakagat s'ya sa sariling labi at umiwas ng yingin. Napatayo lang sya nang tawagin s'ya ng kan'yang trainor. Nagpaalam na rin akong babalik sa room ko.

Gaya ng palagi naming ginagawa. Sinusundo n'ya ako kapag tapos na s'ya sa ensayo nila. Parang 'di nga s'ya napapagod dahil malakas ang pagbuhat n'ya sa akin. Parang anb gaan ko lang sa kan'ya.

“Don't forget the deal, Sab,” ulit n'yang sabi, nakatayo kami pareho sa labas ng gate ng bahay.

Gustuhin ko man na imbitahan s'ya ay ayaw pa ni kuya. I know he's looking at us right now. Siguro kinikilatis ang pagkatao ni Lyxe. After ba masagutan ko na si Lyxe, I'll invite him to my house. Dapat i-welcome s'ya kahit sa ayaw at gusto ni Kuya.

Napaikot ang mga mata ko. Paulit-ulit s'ya na atat na sagutin ko kaagad s'ya. Pero mukhang he's patiently waiting sa akin kahit excited na s'ya na makapasok sa buhay ko. Kahit maging kami, may boundaries pa rin akong lalagyan. Ayaw ko munang biguin ang Kuya ko.

“Hindi ko iyon makakalimutan.” 'Di ko inaasahang mapatingin sa likuran ni Lyxe, nando'n si Krister sa poste ng kapit-bahay namin. He's staring at us.

“Aalis na ako,” nakangiting paalam ni Lyxe at sandaling hinawakan ang kamay ko na parang gusto n'ya lang maramdaman ako.

Akmang sasampa s'ya sa motor n'ya nang pigilan ko ang malaki n'yang braso. Taka s'yang napatingin sa akin. Hindi ko na s'ya pinagsalita at hinila ito sa batok papunta sa akin.

Tila may sumapi sa akin na gawin ito sa harapan mismo ni Krister. Gusto kong ipagmukha rito na wala na s'yang babalikan. Hinalikan ko lamang s'ya sa gilid ng labi pero nang akmang titignan ko s'ya sa mukha ay bigla n'yang hinapit ang katawan ko. Siniil n'ya ako halik sa labi na kanina lang ay sa gilid lamang.

Hindi ko inaasahan ang ginawa ni Lyxe pero kahit gano'n, hindi ko magawang itulak s'ya para tignan si Krister sa magiging reaksiyon nito. Nanghihina ako sa mabagal at mapusok n'yang halik sa akin. Nakalimutan ko ang mayro'n sa amin at hinayaang dumaloy sa kakaibang ritmo ng kan'yang labi.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro