CHAPTER 13
SABRINA KYE CORBIN
“I already told you to stay away from her! Are you even out of your mind?! Sabrina is mine!”sigaw ni Lyxe na ikinabahala ko.
Mabilis ko s'yang hinawakan sa braso at pilit na hinila para umalis. “Lyxe, please, tama na. L-Let's just go home, hmm?” pangungumbinsi ko sa kan'ya.
Natabunan ang inis at tampo ko sa kan'ya dahil sa sitwasyon namin ngayon. Nangangapoy sa galit si Krister at kapag kumalat ito ay baka hindi na ito makapagpigil na suntukin si Lyxe. Hindi ko pa alam kung kakayanin ba ni Lyxe na lumaban dito lalo pa't sanay sa gulo si Krister.
Nanginginig na hinahaplos ko ang kan'yang likuran. Mabibilis ang kan'yang hiningang tumingin sa akin at do'n pa lang naglaho ang masamang aura n'ya.
“Sab,” mahina n'yang tawag, rinig ko kahit malakas ang tunog ng speaker. Medyo humina ang tugtog dahil sa nalamang may gulo sa pwesto namin.
Bago pa man makaagaw ng atensyon sa ibang tao ay mabilis ko nang hinila si Lyxe. Tumanghay naman s'ya sa paghila ko, hindi tulad kanina na nagmamatigas pa s'ya. Hindi rin kami sinundan ni Krister dahil pinigilan ito ng mga kaklase ko. Thanks to them.
“Paano mo ako natagpuan dito?” tanong ko nang nakalabas na kami ng bar, hinarap ko s'ya.
Ngayon na nasa labas na kami ay malinaw sa akin ang makinis n'yang mukha na tila hindi man lang nabahiran ng dumi sa kaputian n'ya. Nakasuot s'ya ng kulay puting polo na may mahahabang manggas. Parang may dinaluhan s'yang meeting dahil sa suot n'ya.
“Ni-track ko ang location mo,” walang paligoy-ligoy n'yang sagot na ikinanganga ko lamang.
“At bakit mo ginawa iyon?” tanong ko ulit nang makabawi, nagpameywang ako sa kan'yang harapan na ikinataas ng kabilang kilay n'ya.
“Para malaman kung saan ka pumupunta. Gusto kong nakikita kita palagi,” sabi n'ya habang titig na titig sa aking mga mata.
Napatikom ang bibig ko nang namalayan kong bahagyang nakabuka ito. Ngayon ko lang naalala na hindi naging maganda ang nangyari sa amin nakaraang araw. Biglang umusbong ang nakatagong irita sa akin. Salubong ang kilay na tinignan ko s'ya.
“Aalis na ako,” paalam ko rito at akmang lalampasan s'ya nang mabilis n'ya akong nahawakan sa braso.
“Palagi na lang ba tayong ganito, Wifey? Please, h'wag ka namang magalit sa akin.” Parang kinirot ang puso ko nang makita ang nakakaawa n'yang itsura. “I love you, and I'm sorry na napagtaasan kita ng boses nakaraang araw.”
Tumaas ang mga balahibo ko sa katawan nang sabihin n'ya ang makapangyarihan salita sa akin. Nagdiriwang ang puso ko at sa kabilang banda, nalilito kung tama ba ang nararamdaman ko.
“Kulang ang explanation mo.” Pilit kong pinapatibay ang katawan ko sa panghihina.
Ganito ang epekto n'ya sa akin lalo pa na sinabi n'yang mahal n'ya ako. Is this for real? First time ko ring narinig kay Krister na sinabing mahal n'ya ako pero ni hindi man lang ako naapektuhan.
Mas humigpit ang kapit n'ya sa braso ko nang makitang seryoso pa rin akong nag-aabang sa kan'yang sasabihin. Napabuga s'ya nang marahas na hininga.
“Suspended ako sa tarbaho. Yo'n ang pinagkukuhanan ko ng pera para lang makapag-aral ako at aking kapatid sa magandang eskwelahan,” wika n'ya na ikinatigil ko. “Kaya naging mainit ang ulo ko.”
“Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin 'to?” tanong ko at lumapit pa sa kan'ya.
“Ayaw kong malaman mo na wala akobg magulang na sumusuporta sa pag-aaral ko. You have a great life living with your older brothers, samantalang ako matagal nang patay ang kaluluwa.”
Nakaramdam ako ng guilty at the same time ginhawa. Dapat sinabi n'ya nang maaga ang dahilan n'ya. Maiintindihan ko naman basta ipaliwanag n'ya. Hindi ko pa naman mapigilan ang sariling magalit at mainis kapag may taong pinagtataasan ako ng boses.
Niyakap ko s'ya dahil sa isipang naaawa ako na nagtatarbaho pa s'ya para lang sa kan'yang kapatid. Kaya pala palagi s'yang nagmamadaling makauwi pagkatapos n'ya akong ihatid. Bigla na lang akong nahiya sa kan'ya.
Niyakap din n'ya ako pabalik na animo'y ro'n kumukuha ng lakas. Paulit-ulit n'yang nilalagyan ng hibla ng aking buhok sa likod ng aking taenga kahit hindi naman kailangan.
“I'm sorry din, hindi ko alam na 'yon pala ang dahilan mo,” sinsero kong paumanhin at tinignan ang kan'yang mukha. “Dapat pala hindi mo na ako hinahatid-sundo. May tarbaho ka pa naman tapos sinisingit mo pa ako sa oras mo.”
Malapad na ngitian ko s'ya. “Kaya kong pagsabayin, let me do the things that I love to do.” Hinaplos n'ya pisngi ko. “Bati na tayo, 'di ba? No more fighting, h'wag na tayong mag-away, hmm?”
Mabigat na bumuntong hininga ako. “Iyan ang hindi maipapangako ko. Hindi naman maiiwasan na mag-away tayo kahit sa simpleng sitwasyon. I'll try to understand and won't let my anger to be burst.”
“Right,” natatawa n'yang sang-ayon. “Mahilig kang makipagtalo kaya hindi talaga maiiwasang magtatalo tayo sa paglipas ng araw. Don't worry, sisikapin ko ring intindihin ang ugali mo kahit ayaw ko.”
Napabitaw ako sa kan'ya at salubong ang kilay na tinignan s'ya. “So, sinasabi mong ayaw mo sa ugali ko, gano'n? Napipilitan ka lang, huh? Eh, dapat si Ophelia ang nililigawan mo!” inis kong ani sa kan'ya na ikinakunot ng noo n'ya.
“Sino ba naman kasi magkakagusto sa ugali mo?” ngisi n'yang tanong na ikinailing ko. Grabe, lumalabas ang hinaing n'ya dahil alam n'yang bati na kami. “No one, pero ako? Kahit saktan mo ako sa physical na pamamaraan, mamahalin pa rin kita.”
I can't take my eyes on him. Ito na naman ang puso ko.
“Ayaw ko sa ugali mo ngunit ano naman ngayon? Kilala ko ma amb tunay mong pagkatao dahilan para hangaan kita ng sobra.”
Pinaypayan ko ang aking saril gamit ang aking kamay sa sobrang kabog ng dibdib ko. Sobra-sobra na ito kaya dahil do'n, gusto ko nang maitak sa sobrang kilig at tuwa. Is this for real? Gosh.
“T-The heck, Lyxe.” Pinunasan ko ang tumulong luha sa gilid ng aking mata at hinampas s'ya nang mahina. “You're giving me to much adoration. I can't take this anymore. ” Tinakip ng mga kamay ko ang aking mukha at do'n umiyak.
This is what I am looking for a man. He maybe look like a clumsy nerd, but he is a man, not a boy that every students usually saying. He's the only man who made me feel this way. Pakiramdam ko sobrang bait ko kahit hindi naman talaga. I'm so special na ba sa buhay n'ya? I want to ask pero nahihiya na ako ngayong tumatawa s'ya.
“Mahal kita, maarteng babae,” aniya at pilit na binabaklas ang kamay kobg nakatabon sa mukha. Nagawa naman n'ya at ngitian ako. “Tama na sa pagkukumpara ng sarili sa ibang tao, okay? Just be who you are.”
Naiiyak na tumango ako at niyakap s'ya. Hindi alintana ang mga nagtatakang mukha ng mga taong nakakita sa amin sa labas.
“I like you a lot, Lyxe,” madamdamin kong amin na ikinatigil n'ya. Hindi ko man nakikita ang kan'yang mukha ay batid kong nasurpresa s'ya sa pag-amin ko.
Someday, magagawa kong sabihin sa kan'ya ang makapangyarihang salita na kailan man hindi ko pa sinasabi sa iba. Sana sa kan'ya ko lang masabi dahil sa ngayon, wala na akong mahanap na lalaki na papantay sa kan'ya. He's more than enough, and I'm so in love with him.
DUMAAN ang ilang araw na mas lalong naging malapit kami sa isa't isa ni Lyxe. Kulang na lang ay hindi kami pumasok sa klase sa sobrang pagka-miss sa isa't isa pero alam naming hindi p'wede.
Kahit naisip kong mag-cutting para sa kan'ya, s'ya mismo ang tumatanggi. Mas mahalaga ang pag-aaral kaysa sa ibang bagay at do'n na ako mas nahulog pa sa kan'ya.
“Lyxe!” saway ko nang kunin n'ya ang pop corn ko, pasaway talaga.
Inosente n'ya akong tinignan at paunti-unting kinakain ang pop corn ko. Inis ko s'yang hinampas na ikinangisi n'ya.
“Hubby dapat,” pagtatama n'ya, hindi na minsan nahihiya sa akin, nagagawa na kasi n'yang ngumisi.
Bumusangot ang mukha ko nang 'di ko pa rin makuha ang pop corn sa kan'ya. Alam naman n'yang nanonood ako ng paborito kong palabas tapos inistorbo n'ya lamang ako.
“Lyxe!” inis ko ulit na sigaw at hindi s'ya sinunod.
“Hubby!” giit n'ya at mas lalo pang inilayo sa akin ito. “Asawa mo ako, Wife. Napag-usapan na natin 'to, ah!”
Nababatid kong nawawalan na s'ya ng pasensya. At ako naman ito ay palihim na natutuwa sa kan'ya. Ang cute n'ya tignan kapag suplado, gano'n din kapag inosenteng nakatingin sa akin. Lahat na lang tungkol sa kan'ya cute.
Pinag-krus ko ang braso sa dibdib at tinaas ang dalawang paa sa sofa. Nasa dulo s'ya ng paahan ko nagtatampong nakatingin sa akin.
“Anong asawa ka d'yan? Boyfriend pa lang kita, ah!” natatawang sambit ko.
“Gano'n din yo'n! ” pilit n'yang saad at mahinang tinulak ang paa ko para makaupo s'ya nang maayos. “Sinasaktan mo ang damdamin ko, wifey!”
Nakangising tinaas ko ang dalawa kong paa at idinantay sa kan'yang hita. Kita ko ang pamumula ng kan'yang tainga at umabot sa leeg nang tumingin s'ya sa mahahaba kong legs. Naka-palda lamang ako na hanggang ibabaw ng tuhod kaya mas lalo n'yang nasisilayan ang binti ko.
“Tampo ka pa rin sa akin, hubby?” malambing kong tanong at kiniskis ang binti sa kan'yang madulas na tela ng kan'yang short.
“S-Stop,” nahihirapan n'yang sambit at hinawakan ang binti ko, napatigil naman ako sa ginagawa ko. “Ito na pop corn mo.”
Mabilis kong hinablot sa kan'ya ito at masayang nanood ulit ng palabas. Rinig ko ang marahas n'yang pagbuga ng hininga at hindi pa rin inaalis ang kamay sa aking binti. Hinayaan ko lamang.
Sinagot ko na s'ya last week sa labas ng bar no'ng gabing kaarawan ni Maria. Hindi n'ya ako tinantanan sa pangungulit n'yang tanong kung kami na ba talaga. Nakatatawang pagmasdan ang masaya n'yang mukha.
Nangungilit s'ya kanina pa habang nanonood ako. Gusto n'yang bigyan ko s'ya ng atensyon. Yo'n ang napansin ko sa ugali n'ya, gusto n'yang binibigyan ko s'ya ng atensyon. Mabilis mairita rin kapag inaasar ko at gano'n din sa pagiging sweet n'yang tao.
“Wifey,” pang ilang tawag na n'ya ito sa akin, hindi nagsasawang tawagin ako sa endearment namin na s'ya mismo ang may gusto.
“Hmm?” Tutok ang mga mata ko sa pinapanood ko.
“Sobrang ganda mo talaga,” mahina n'yang sambit na 'di nakatakas sa pandinig ko, napailing ako at napangiti lang din.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro