Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 12

SABRINA KYE CORBIN


Napabuka ang bibig ko na kulang na lang ay pasukin ng langaw. Agad ko itong naitikom nang makitang naghihintay sa akin si Lyxe sa tambayan ng Business Administration Building.

“Bag mo raw, Sab, kunin mo,” ani Curtny at bahagyang tinulak ako. Sinamaan ko s'ya ng tingin at agad ding umalis para sundin si Lyxe.

Wala sana akong balak na kausapin si Lyxe at mag-focus muna sa dami ng assessment namin. Kaya pala hindi ko makita bag ko dahil nasa kan'ya. Worst, nando'n 'yong nga importante kong gamit

Magbibigat na hakbang akong lumapit sa kan'ya. Hahablutin ko na sana ang ko nang itinaas n'ya ito upang 'di ko maabot.

“Kausapin mo ako, Sab.” Nakikiusap ang kan'yang mga matang nakatingin sa akin habang pilit na itinataas ang bag ko.

“Akin na kasi!”

Inis kong hinampas s'yang sa dibdib na ikinatalon lamang n'ya sa tuwing tinatamaan ko s'ya. 'Di ba ayaw n'yang makita ako? Bakit ngayon s'ya na mismo ang humahabol para makausap ako? Binibigay ko lang ang gusto n'ya.

“Kausapin mo muna ako bago ko ibigay 'to.” Tukoy n'ya sa bag ko.

Tumalon-talon ako sa kan'yang harapan ngunit masyado s'yang mataas kaya 'di ko maabot. Hinihingal na napakapit ako sa kan'yang uniform na kulay puti dahil sa pagod ko. Ipinikit ko ang mga mata ko at isinandig sandali ang noo sa kan'yang dibdib.

Napadilat lamang ang mga mata ko nang maramdamang dumulas ang kan'yang kamay at braso sa aking beywang na nagsisilbing protekta sa pagkawalan ko ng balanse sa ginawa kong patihin-tihin at pagtalon-talon.

“Hindi ka ba makaintindi?” inis kong tanong at tinulak ang kan'yang dibdib, ako lamang ang napaatras dahil sa matigas n'yang katawan.

Pag-angat ko ng tingin ay nakita kong may bago na naman s'yang salamin. Pangatlong beses na siguro s'ya sa pagpalit-palit dahil binasag lahat ito ni Krister.

Naaawa ako sa kan'ya pero hindi muna iyon ang pinoproblema ko, kailangan ko ang aking bag.

“W-Wifey,” paos n'yang tawag sa akin, nanghihinang binaba n'ya ang kan'yang kamay kaya agad kong hinablot ang bag ko sa kan'ya.

“'Di ba iniiwasan mo ako no'ng nakaraang araw na sinabihan mo akong 'di mo ako maihahatid? Binibigay ko sa 'yo ang kalayaan,” ani ko, sinukbit ko ang bag at umatras ng hakbang.

Umiling-iling s'ya, parang gusto n'yang hawakan ako pero natatakot lamang ito dahil sa seryosong titig ko sa kan'ya.

“H-Hindi iyon sa gano'n, Sab. Please, nagkakamali ka.”

“Pakiusap, Lyxe, h'wag ngayon,” agap kong sambit. “May kinakailangan pa akong tapusin kaya maghintay ka. Gano'n din naman ang ginawa ko no'ng iniwasan mo ako, 'di ba?”

Napayuko s'ya at hindi makapagsalita. Kinuha ko na ang pagkakataong iyon na talikuran s'ya at walang lingon-lingon na tumungo sa department namin.

~•~•~•

“Aalis muna ako, Kuya,”mabilis kong paalam kay Kuya Razmien habang mabilis ding sinusuot ang jacket ko, malamig sa labas kaya ganito.

Napatigil s'ya sa kan'yang ginagawa kahit hindi masyado kita ang kan'yang pigura mula sa loob ng kan'yang opisina ay nababatid kong nakatitig ang malalim n'yang nga mata sa akin.

“Saan ka pupunta?” tanong n'ya, maotoridad.

“Sa bar, nando'n sila Curtny at birthday din kasi ng kaklase ko kaya kailangan kong um-attend,” dahilan at sagot ko.

“Umuwi ng maaga,” tanging sabi n'ya at pinagpatuloy ang naudlot n'yang pagbabasa sa nga papeles n'ya.

“Thank you, Kuya!” tuwang-tuwa kong sigaw at lakad-takbong lumabas ng bahay.

Wala sa harapan ng pinto si Kuya Ravien tulad ng kadalasan kong nadadatnan kapag umuuwi ako. May pinagkakaabalahan s'ya ngayon sa kan'yang opisina at da pagkakaalam ko may assistant secretary ulit s'ya bukod kay Jowe na kasa-kasama n'ya ngayon.

“Hatid mo ako sa Rare Bar, Kuya Jowe,” pakiusap ko sa kan'ya nang makitang nakasandig ito sa kotse na ginagamit n'ya ngayon sa paghatid-sundo sa akin.

Maagap s'yang tumayo. “Nakapagpaalam ka na ba, Sab?” tanong n'ya pero kaagad namang binuksan ang pinto sa passenger seat para sa akin.

Masayang tumango ako. “Yes naman, Kuya.” Pumasok ako sa loob at saka isinara ang pinto ng kotse.

Mabilis kaming nakarating ni Kuya Jowe sa Rare Bar. Alas-onse nang gabi na ngayon kaya kita ang mga bituin sa langit at ang mga liwanag na ikaw na nanggagaling sa bar. Maraming tao sa loob lalo pa't kaarawan ngayon ni Maria. Kaklase ko pero hindi ko naman gano'n ka-close. Bali invited lang.

“Maghihintay ako rito.” Sumandal si Kuya Jowe sa kotse, paharap sa entrance ng bar.

“Nine ako uuwi kaya abangan mo ako, Kuya, ah,” ani ko na ikinatango n'ya.

Inayos ko muna ang suot kong crop top at leggings. Inilagay ko ang jacket ko na kulay itim sa aking braso at pumasok na sa Bar. Hindi ako hinarangan ng mga kalalakihang bouncer at guard dahil kilala nila kung sino ako.

Subukan nilang harabgan ako at ang mga Kuya ko ang makakalaban nila. Dapat kilala na nila kung sino ako.

Hindi masyadong mausok nang nakapasok ako sa bar. Nagsasayawan ang mga kaklase ko sa gitna. Kulang na lang hubaran nila ang kanilang damit dahil sa kalasingan. Maaga pa pero ganito na ang tama ng alak nila.

Napailing ako sa kanilang pag-alok ng alak sa akin at dumiretso kay Maria. Agad nanlaki ang mga mata n'ya nang makita ako.

“Naku! Salamat sa gift mo, Sab! Sobra na ito,” maluha-luha n'yang pasasalamat habang hawak ang kamay ko.

Natatawang bumeso ako sa kan'ya at umupo sa kan'yang tabi. Hindi kaagad ako napansin nila Curtny, kasing din ang mga bruha. Napaikot ang mga mata ko sa ere nang makitang may mga lalaking nakatingin sa akin. Balak yatang lapitan ako.

“Wala iyon, Maria. It was just a simple gift para sa matalinong kaklase ko,” ngisi kong wiki at saka napahagikgik din nang tumawa s'ya. Medyo lasing din s'ya.

Tinaas n'ya ang kan'yang alak at gano'n din ginawa ko sa pineapple juice ko.“Happy birthday to me!”

May mga nakausap akong mga kaklase ko lang din. Tinatanggihan ko ang mga alak ng taga ibang department at mga matatanda pa sa amin. Hindi ako pumunta rito para makipag-usap sa hindi ko kilala. Maybe not this time kung hindi na talaga kami magkakabalikan ni Lyxe.

Hindi naman kami naghiwalay o nagkaroon ng relasyon. Hindi ko pa fully sinabi sa kan'ya na kami na. Hindi ko alam kung nakaginhawa ba ako sa pagkaalang hindi ko pa s'ya tuluyang sinagot. Hindi ko alam.

Ininom ko ang pinakahuling juice ko at saktong pagkalapag ko pa lang ay may umupo na sa tabi ko. Umangat ang tingin ko at hindi pa nakapag-adjust ang mga mata ko sa samu't saring ikaw na tumatama sa kan'ya.

Nang makapag-adjust ay ro'n na ako natigilan. Seryosong mukha ni Krister ang tumambad sa akin. Hulu ko na napagtanto na malapit ang katawan namin at nakapulupot na ang braso n'ya sa beywang ko.

Napasinghap ako. “What are you doing here?” utal kong tanong. Napatingin ako sa mga kasama ko at wala man lang napapansin sa amin. May sari-sariling mundo.

“Invited ako,” sagot n'ya at saka uminom ng alak na hawak n'ya habang hindi inaalis ang tingin sa akin.

Napalunok ako sa takot na nararamdaman ko. Hindi dapat ako matakot ngunit unang beses ko lang kasing naranasang hiwalay na kami ni Krister. Hindi ko batid kung ano tumatakbo sa kan'yang utak at anong balak nito.

Nanlamig ang kamay na inaalis ko ang kamay n'ya sa aking beywang ngunit masyado s'yang nagmamatigas. This is not right. Wala na kami kaya dapat dumistansya s'ya. May nanliligaw sa akin kaya dapat wala na s'ya sa buhay ko. Tapos na kami.

“Ano ba, Krister!” naiinis kong sigaw sa kan'ya ngunit ayaw pa rin akong pakawalan. “Umalis ka nga bago pa kita isumbonh sa mga tauhan ni Kuya.”

'Yong seryoso n'yang ekspresyon ay napalitan ng pagkakunot-noo sa inis. “I'm just owning what's mine, Sab. Try to f*cking call your brothers or else, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko.”

Nanlaki ang mga mata ko, napailing ako sa kan'ya. Lasing s'ya kaya n'ya nagagawa ito. Hindi ito si Krister. He won't chase just for me, for Pete's sake. He's heartless that's why it is impossible.

“No, what's wrong with you Krister?” kinakabahan kong tanong. Pilit kong inilalayo ang katawan sa ka'ya pero mabilis ang paghapit n'ya sa beywang ko at inilapit sa kan'ya. “Hindi ikaw 'to... Bakit mo pa gustong guluhin ang buhay ko?”

Napasinghap ako nang hawakan n'ya ang aking pisngi para ipaharap sa kan'ya. Nanginginig ang bibig ko sa sobrang lapit namin.

His dark eyes was deeply starring at me as if I'm his possession. “I f*cking love you, Sabrina. I can't... ” Napababa ang tingin n'ya sa mga labi ko.

Bago pa man gawin n'ya ang binabalak sa akin ay may malakas na puwersa na nagpalayo sa akin. Natagpuan ko na lang ang sariling yakap ako ni Lyxe. Masamang Tinignan nito si Krister at halos umusok ang kan'yang ilong, kaunti na lang ay susugurin na n'ya ito.

“I already told you to stay away from my wife! Are you even stupid that you couldn't understand that?! Sa akin si Sabrina!”


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro