Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 10


SABRINA KYE CORBIN


“Hindi pa tayo hiwalay, Sabrina,” diin n'yang sambit.

Napasinghal ako. “Sino nagsabi sa 'yo? Malinaw na nakipaghiwalay ako sa 'yo nakaraang buwan.”

Mapaglarong ngumisi s'ya at akmang lalapitan pa ako nang mas mabilis akong inilagay ni Lyxe sa kan'yang likuran. Magkasing tangkad lamang sila kaya pumantay ang kanilang mukha at mala-kuryenteng nagkatitigan sa isa't isa.

“Paharang-harang ka, ah.” Maangas na itinulak ni Kriser nang mahina sa balikat si Tyler.

“Ano ba, Krister!” sigaw ko at inawat sila. Nanginginig ang kamay ko dahil nakatingin lamang ang mga kasama ni Krister. Siguro naghihintay ng tiyempo na pagtulungan nilang saktan si Lyxe.

“Krister?” 'di makapaniwalang ulit n'ya sa sinabi ko at ngisian si Lyxe. “Akala ko ba babe ang tawag mo sa akin?”

Hindi ko inaasahang itinulak ni Lyxe si Krister kaya muntik na itong mawalan ng balanse kung hindi lang ito tinulungan ng mga kaibigan n'yang nasa likuran.

“Bakit ba pinapakialaman mo na ang relasyon namin ni Sabrina?! Wala na kayo kaya dumistansya ka!” nanggagalaiting sigaw ni Lyxe at dinuro pa si Krister.

Napatakip ako sa bibig sa 'di inaasahang pagsagot ni Lyxe. Gulat akong mapasinghap nang mabilis na sumugod si Krister at naisuntok si Lyxe sa mukha. Tumilapon gamit namin sa pagkabigla at pati salamin ni Lyxe ay nabasag ulit nang pahabol na tinapakan ito ni Krister.

“Galing mo rin, eh, 'no?! Talagang kinuha mo ang oportunidad na kunin sa akin si Sab nang nagkalabuan kami!” nanggagalaiting sigaw ni Krister at pinaulanan ng suntok si Lyxe na agad n'yang naiwasan.

Sandaling natulos ako sa aking kinatatayuan sa pagkabigla bago humarang nang matauhan. 'Di naituloy ni Krister ang pagsugod kay Lyxe nang makitang humarang ako. Umalis ang mga kasama ni Krister na inakala kong tutulungan ito sa pagbugbog kag Lyxe. Mukhang nagbago ang isip nila na sugufin si Lyxe.

“Sabing tama na!” malakas kong sigaw sa kan'yang pagmumukha. “Alin ba ang hindi mo maintindihan sa sinabi ko, huh? Pinagloloko mo ako kaya hiniwalayan kita kaya wala akong dahilan para bumalik sa 'yo! Bakit ba naghahabol ka sa akin kung si Ophelia lang naman ang gusto mo?”

Marahas ang pagtaas-baba ng kan'yang dibdib. Lumunok ito ng sariling laway, lumambot ang ekspresyon n'ya.

“Tara na, Sab,” yaya ni Lyxe, pilit akong hinihila at nagpahila naman ako.

“Pero ikaw lang ang mahal ko, Sab,” biglang habol na sambit ni Krister na ikinatigil ko. Natigilan din tuloy si Lyxe, biglang humigpit ang hawak sa aking kamay .  “I just find Ophelia being a pretty woman... Ikaw ang mahal ko.”

Napailing ako at ngitian si Krister na tila hinang-hina na nakatingin sa akin. Para 'bang biglang nawala ang tapang n'ya kanina dahil sa sinabi ko. Nakalimutan na n'yang kaaway n'ya si Lyxe.

“Find pretty, my ass,” asik ko. “You even pushed me no'ng kinalaban ko si Ophelia. Gusto mo lang ako sa ideyang may itsura ako at interesado kang may makuhang bagay sa akin.”

“It's not like tha—”

“Gano'n iyon, Krister!” giit ko. “Hindi ko maramdaman ang sinasabi mong pagmamahal kaya h'wag mo nang lokohin ang sarili mo. H'wag na nating lokohin ang sarili natin dahil sa una pa lang wala tayong nararamdaman sa isa't isa.”

Hindi nakapagsalita si Krister kaya kinuha ko ang pagkakataon na iyon para hilahin si Lyxe na tahimik nakikinig sa amin. I'm not sorry sa mga sinabi ko dahil totoo naman. Hindi ako galit dahil sa naghiwalay kami kundi dahil sa pinaglalaruan lang namin ang sariling damdamin.

I don't love him, I'm sure of that. At gano'n din naman s'ya. Kung mahal n'ya ako, dapat naramdaman ko na iyon pero hindi. Nagustuhan lamang n'ya sa isipang naging kami at para sa kan'ya laro lamang ito.

“Lyxe,” nag-alala kong tawag nang matauhan ako. Hindi ko namalayan na s'ya na ang humihila sa akin.

Tumigil kami sa harapan ng pulang kotse. May lalaking nakasandig sa pinto nito habang may kinakalikot sa cellphone n'ya. Umangat ang tingin n'ya at unang bumungad sa akin ay ang magkapareho sila ng salamin ni Lyxe.

Mabilis itong napatayo nang matuwid. “A-tech,” tawag n'ya kay Lyxe na ikinataka ko.

“Ikaw muna gumamit ng motor ko, Cather,” sabi ni Lyxe at marahan akong hinila. Binuksan n'ya ang pinto ng kotse at inalalayan akong umupo sa passenger seat.

Kita ko na lang na papalayo ang lalaking nangangalang Cather. Walang tanong-tanong na umalis s'ya at sinunod si Lyxe. Hindi ko alam kung magkaano-ano sila. Parang katarbaho n'ya ito kung umasta.

Pumasok na si Lyxe sa kotse at umupo sa driver seat. Wala s'yang imik kaya kinakabahan ako na baka galit s'ya. Alam n'yang ex ko si Krister, awkward iyon.

“Lyxe,” ulit kong tawag at sa pagkakataong ito napatingin s'ya sa akin bago pa man n'ya paandarin ang kotse.

“Hmm?” Napataas ang kilay n'ya, sinuot pa rin n'ya ang salamin kahit basag na.

“Galit ka ba?” mahina kong tanong, napakagat ako sa sariling labi habang nag-aabang sa kan'yang sagot.

Napababa ang tingin n'ya sa labi ko at agad din namang inalis. Bigla n'yang tinaas ang kamay. Akala ko kung ano na ang gagawin n'ya, yo'n pala ay hinawi lamang ang magulo kong buhok, sinuklay-suklay pa n'ya.

“Sa kan'ya ako galit, hindi sa 'yo.” Inalis n'ya ang kamay sa aking buhok at inayos ang uniform ko banda sa collar nang medyo bumaba ito. “Alam kong hiwalay na kayo kaya panatag akong wala s'yang magiging dahilan pa para bawiin ka n'ya sa akin.”

I felt relief after hearing that.

“Hindi mo naman s'ya mahal 'di ba?” tanong pa n'ya, parang inaalam n'ya ang nilalaman ng iniisip ko ngayon.

“Hindi,” agap kong tugon at inalis ang kan'yang kamay.  “Wala sa isip ko na magmahal ng isang katulad n'ya. At saka hindi ko magawang mahalin s'ya.”

Napatango s'ya nang dahan-dahan, parang may gusto s'yang sabihin sa akin na hindi n'ya kayang ilabas. Sa huli mas pinili n'yang ngumiti na para bang nakaginhawa s'ya sa aking tanong at pinaandar na ang kotse.


“Susunduin ka ba ng lalaking iyon?” tanong ni Kuya Ravien habang nakaupo sa hagdanan sa labas ng bahay. Nadatnan ko lamang nakaupo s'ya rito.

Isinukbit ko ang bag sa aking balikat at hinalikan s'ya sa noo. “Nag-text s'ya na hindi n'ya ako susunduin ngayon at baka hindi rin ako maihatid mamaya,” bahid ang pagkadismaya sa boses ko. Nasanay lang talaga ako sa presensya ni Lyxe.

“Bakit daw?”

Nagkibat-balikat ako kahit hindi n'ya nakikita. “Siguro busy sa sinasalihan n'ya? Hindi ko naman s'ya natanong kung ano ang pinagkakaabalahan n'ya bukod sa pagsali sa paligsahan at pag-aaral.”

Napatango lamang si Kuya Ravien at pinaalalahanan akong mag-ingat at magpahatid na lang ako sa sekretaryo n'ya na minsan umaalalay sa kan'ya sa kompanya, lalo pa't hindi pa makakakita si Kuya ngayon.

“Susunduin din kita mamaya, Madam,” yukong sambit ni Kuya Jowe at pinagbuksan ako ng pinto.

“Thank you, Kuya Jowe,” ngiting tugon ko at pumasok sa kotse. Masasabi kong magaan ang loob ko kay Kuya Jowe dahil bukod sa kaya n'yang dalhin ang ugali ko, malaking tulong s'ya kay Kuya Ravien.

Moreno at matangkad na lalaki si Kuya Jowe. May itsura at hindi gano'n kaagaw pansin ang kan'yang porma at itsura dahil simple s'yang manamit. Wala pa akong naririnig na may girlfriend na ito pero siguro mayro'n na dahil nasa tamang edad na s'ya.

Hinatid n'ya ako sa eskwelahan at sandaling binantayan hanggang sa makapasok ako saming department. Siguro hinabilin sa kan'ya ni Kuya Ravien na bantayan ako at aka sugurin ako bigla ni Krister. Ngunit mukhang hindi naman mangyayari iyon.

May ibang napapatingin sa akin sa tuwing dumadaan ako sa kanilang harapan. Malamang nakarating sa kanila ang balita na naghiwalay na kami ni Krister. Dapat na silang matakot dahil wala na akong magagawa upang pigilan si Krister kung sakaling gumawa ito ng gulo.

Isa rin kasi sa dahilan kung bakit hindi ko s'ya hinihiwalayan ay dahil ayaw kong may nakakaaway s'ya.

“Bali-balita na maraming estudyante ang nag-ch-cheat sa exam dito, Sab,” biglang ungkat ni Polace habang ngumunguya ng kan'yang chichirya.

Ngayon ko lang narinig ang tungkol sa pag-ch-cheat sa exam na iyan. Narinig ko nga kanina na may tagong estudyante ang nag-ch-cheat sa exam. Hindi basta-basta nahuhuli dahil siguro malaking tao ang sumusuporta sa kanila. Kahit mga guro walang ebidensya na nagpapatunay na nag-ch-cheat lamang ito.

Imposibleng organization nila Kuya Ravien ito dahil mga armas at bomba lamang ang gawain nila. Mali ang tarbaho nila pero wala akong magawa. Once nakapasok ka sa tarbaho nila, hindi ka na makakaalis. Walang organization ang sasangga sa 'yo at tutulong.

“Ngayon lang ba ito o matagal na?” tanong ko.

Napaisip s'ya. “I think matagal na pero ngayon lang na bunyag dahil sa mga chismosang estudyante, na siguradong naging myembro sa sinasalihan nilang grupong pinagtutulungan nila ang isa't isa na mag-cheat,” sagot n'ya na ikinatahimik ko.

Should I ask, Kuya Ravien, about this? May alam naman siguro sila tungkol dito since mataas din ang tungkulin n'ya sa kanilang organization, sa pagkakaalam ko lang. They want me to have a peaceful life, kaya ayaw nilang masangkot ako sa mundo nila at iyon naman ang gusto ko.

Naging interesado tuloy ako sa issue na ito. And also, why would they cheat if they can study well para hindi bumagsak? Siguro dahil sa mahirap din ang exam dito sa amin. More on analysis at minsan malayo pa sa lessons namin.

And whoever the persons behind this, they are good on hiding. Paano nila nagagawa iyon, 'di ba?


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro