
CHAPTER 09
SABRINA KYE CORBIN
Naihatid ko na si Lyxe sa labas. Pinagmasdan ko lamang ang motor n'yang papalayo. Hinarap ko ang mga kasama ni Krister pero mukhang natakot talaga kay Kuya Razmien kanina at pinili lamang umalis.
“Pinaalis mo na s'ya? ” biglang tanong ni Kuya Ravien habang nakatitig sa kawalan, palagi lang naman. Parang wala s'yang plano sa buhay. Hindi ko alam kung hanggang kailan s'ya magiging ganito.
“May aasikasuhin raw kasi s'ya, palagi s'yang busy pero hindi naman nawawalan ng time sa akin,” pahayag ko na hindi n'ya inaasahan.
Napangisi ito at napasingkit ang kan'yang mga mata. “Are you inlove, Kye?” bigla n'yang tanong na hindi ko napaghandaan.
Nahugot ko ang aking sariling hininga. Napagtanto ko na masyado akong halata, wala lang dapat ito sa akin. Obviously na may pagtingin ako kay Lyxe sa reaksiyon ko pa lang.
“You don't have to deny. Base lamang sa pag-aaral mo ay may nararamdaman akong kakaiba,” agad n'yang dugtong nang akmang ibubuka ko pa lang ang bibig ko.
Naitikom ko ang aking bibig. Sandali namayani ang katahimikan. Pareho kaming may malalim na iniisip. Napatingin ako sa mga mata ni Kuya Ravien. Sa tuwing tumitingin ako rito ay naalala ko lamang ang ginawang kasasalan ni Dad.
Napapikit ako at pilit inaalis ang pagkasabik sa pagmamahal ng isang Ama. S'ya ang dahilan kung bakit naging ganito ang Kuya ko. S'ya ang dahilan kung bakit mas pinili kong paglaruan ang mga lalaki at maghanap ng karapat-dapat sa akin.
Weird, right? Gusto kong magkaroon ng loyal na lalaki tapos ako ito pinaglalaruan lamang ang mga lalaki. Galit ako sa mga lalaki pero hindi ko mapagkakaila na hinahangad ko rin na magkaroon ng pang habam-buhay na kasintahan.
Sasabihin man ng iba na malandi ako, wala akong pakialam. Mali man na paglaruan sila pero hindi ko muna kayang intindihin ngayon.
Akala ko kapag may lalaki akong nasaktan magiging panatag ako, ngunit hindi... Kinakain na rin ako ngayon ng konsensya nang makilala si Lyxe. Hindi naman siguro lahat ng lalaki ay katulad ni Dad na manloloko.
“Mag-iingat ka sa lalaking iyon, Kye,” ani Kuya Ravien nang sandaling namayani ang katahimikan.
“Palagi n'yong sinasabi iyan ni Kuya Razmien.” Napaikot ang mata ko. “'Di n'yo naman ako binalaan na mag-ingat kay Krister, pero kay Lyxe kulang na lang ay paghihiwalayin n'yo kami.”
“Kayo na?” gulat na tanong ni Kuya Ravien nang ikinatiklop ng bibig ko.
“H-Hindi ko alam,” bawi kong tugon. “Hinrj ko maintindihan ang status namin, pero anb alam ko ay gusto lang namin ang isa't isa.”
Matagal s'yang napatulala. Tinukod n'ya ang baston n'ya na para sa kan'yang kondisyon ngayon.
“Maa higit na mahirap basahin ang mga inosenteng tao kaysa sa kagaya ni Krister na walang paking nilalabas ang kulay. I can sense that the guy named Lyxe is dangerous yet acting like innocent. It's for you to find out.”
Tumatak iyon sa utak ko. I know na may gano'ng personality pero malabong gano'n si Lyxe. I know him... Maybe.
Nanood ako ng paligsahan ni Lyxe kasama ang tatlong bruha na si Curtny at Polace na kanina pa naglalaway sa mga kasama ni Lyxe.
Hanggang sa natapos ang laro ay kaagad akong pinuntahan ni Lyxe. Nakangiting sinalubong n'ya ako, pero parang may kakaiba sa kan'yang mata. Parang kumikinang at isa ko pang nakita ay ang takot sa kan'yang mga mata.
Ngitian ko s'ya nang marahan at hinawakan sa braso. Sobrang maskulado talaga.
“Bakit gan'yan ngiti mo? Hindi ka ba masaya na napanalunan mo ang gold medal?” Nakita ko kasing nag-aalinlangan s'yang nakangiti sa akin.
Napayuko s'ya bilang pagtanggi. “Hindi naman sa gano'n. Naalala ko lang ang kahihiyan na ginawa namin ni Krister sa harapan ng bahay n'yo.”
“Wala iyon, ano ka ba.” Niyugyog ko ang braso n'ya at inaya s'yang umupo sa bench.
Nawala na kaagad si Curtny at Polace. Malamang naghuhunting iyon ng lalaki na mabibiktima. Napailing ako sa isipan na gano'n din ang ginagawa ko noon. Kung di lang dumating si Krister ay baka hanggang ngayon marami na akong naloko.
He's always manipulating and controlling mw kaya kadalasan iyon ang pinag-aawayan namin.
Inabot ko ang tubig sa kan'ya na agad n'yang tinanggap. Paulit-ulit n'yang sinusuklay ang kan'yang buhok na tila naiinitan. Madali s'yang. Mapagod at mamawis.
Kinuha ko ang bag n'ya sa gilid, wala naman s'yang reklamo. Napansin ko naman kasi na nagugustuhan n'ya ang pagiging maasikaso ko sa kan'ya at pangingialam sa gamit n'ya. Subukan n'ya lang talaga na pagalitan ako at hindi ko s'ya papansinin ng ilang araw.
Kinuha ko ang dalawang towel n'ya at puwesto sa kan'yang likuran. Akmang lilingon s'ya sa akin nang sinimulan ko nang pahidin ang pawis n'ya sa likuran.
“Sab...” mahina n'yang tawag na animo'y hindi inaasahan ang kinikilos ko ngayon.
“Silent,” saway ko at mahinang tinampal ang kan'yang malapad na likod.
Sumunod naman s'ya. 'Yon nga lang para s'yang bato na naninigas sa kan'yang kinauupuan sa tuwing pinapahidan ko ang ilalim n'ya bandang likuran.
Inalis ko ang kamay sa kan'yang likuran n'ya at lumipay sa kan'yang harapan. Napatingala s'ya nang huminto ako sa kan'yang harapan.
Isinikop ko ang kan'yang buhok at sinimulang pahiran ang kan'yang noo. Gano'n din sa gilid ng kan'yang taenga, pababa sa kan'yang leeg. Kita ko ang bahagyang paglunok n'ya na tila nahihirapan na lumunok.
Nakangising hinaplos ko ang kan'yang pisngi na ikinatigil n'ya. Para bang natauhan s'ya sa malalim n'yang pag-iisip.
“Here's your reward, Mr. Austria,” sambit ko at hinalikan s'ya sa labi. Dampi lang sana iyon pero s'ya mismo ang humila sa akin dahilan ng pag-upo ko sa kan'yang kandungan.
“Wait—” Binalik n'ya ang kan'yang labi sa akin. Mas pinailaliman at mariin ang halik n'ya na tila hindi n'ya kayang humiwalay pa.
Napapikit ang nga mata ko at 'di alintana ang paligid pati ang posisyon namin. Hinahaplos-haplos n'ya ang beywang ko na parang 'di mapakali ang kamay n'ya. Gusto n'yang siguro na pasukin ang kan'yang kamay sa uniform ko pero nag-alinlangan s'ya.
Kinagat ko nang mahina ang labi n'ya na kan'yang ikinasinghap. Hawak n'ya ang kan'yang labi na bahagyang nakaawang nang bitiwan ko ito.
“B-Bakit mo kinagat?” 'di makapaniwalang tanong n'ya.
Ngitian ko s'ya ng matamis at umalis sa pagkakaupo sa kan'yang kandungan. Kinuha ko ang aking shoulder bag na kulay black.
“Para 'yan sa pagnakaw mo ng halik sa akin,” sagot ko at tinalikuran s'ya, tapos na ang game n'ya kaya uuwi na ako.
“W-Wait!” Humabol s'ya ng takbo papalapit sa akin. Bitbit n'ya lahat ng kan'yang gamit pati na rin ang mga folder ko, nakalimutan ko palang dalhin ito.
Medyo may kaunting konsensya naman ako na pinapahirapan s'ya sa pagdala ng mga gamit ko. Sumabay ako sa kan'yang paghakbang palabas ng archery field at lumingkis sa kan'yang braso.
Dali-dali n'yang inaayos ang folder sa pagkakahawak sa kan'yang kabilang kamay at kinuha ang aking kamay na nakalingkis sa kan'ya. Pinagsiklop n'ya ang aming daliri.
Pigil ang ngiti ko habang nasa daan ang tingin. Wala kaming kibuan at nagkikiramdaman lamang. Nakalabas na kami sa field at dumiretso sa parking lot. Papauwi na ang mga estudyante.
Hinila ako ni Lyxe sa pwesto ng kan'yang motor. Aalisin ko na sana ang kamay ko sa kan'ya dahil may kukunin ako sa aking bag nang mas hinigpitan pa ito ni Lyxe.
“Wait lang nama—” Takang tinignan ko s'ya nang makitang nasa malayo ang kan'yang tingin habang mahigpit na hawak ang aking kamay na animo'y ayaw bitiwan.
Nagsalubong ang kan'yang kilay at hinawakan ang kan'yang salamin sa mata. Tinignan ko ang kan'yang tinititigan at nakitang nakaabang do'n si Krister kasama ang mga kaibigan n'ya. May mga dala silang bola. Halatang kagagaling lamang nila sa practice ng basketball.
Do'n pa lamang ay kinutuban na ako sa binabalak nila. Alam ko kung anong klase silang tao at sa puntong ito, bumalik na naman sila sa dating gawi.
Papalapit sila sa aming gawi na ikinataranta ko. “U-Umalis na tayo, Lyxe.”
“CY-tech, I need you right now. Please, come immediately, ” rinig kong sambit ni Lyxe habang hawak pa rin ang gilid ng salamin n'ya.
Magtatanong sana ako kung sino ang kausap n'ya at paano s'ya nakakatawag nang nasa harapan na namin sila Krister.
Binitiwan ni Lyxe ang kamay ko habang mariing nakatingin kay Krister na nakatingin sa aking ngayon. Umiba ang timpla ng mukha ko at inirapan ito kahit sa loob-loob ko ay natatakot na ako.
“Puntahan mo ang kulay pulang kotse sa gilid ng tindahan, hintayin mo ako ro'n, ” sabi ni Lyxe.
Napailing ako at nawala ang atensyon ko kay Krister. “Anong gagawin mo, huh? Dito lang ako at sasabay ka sa akin.”
Salubong ang kilay ni Lyxe na tinignan ako. “H'wag muna matigas ul—”
“Mas maganda siguro kung masaksihan ni Sabrina ang gagawin natin, science boy,” nanunuyang sambit ni Krister habang pinapaikot ang bola sa kan'yang daliri. “Hindi pa tayo hiwalay, Sabrina,” biglang sabi n'ya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro