CHAPTER 08
DELMARA LAI RIVERA
Pakiramdam ko ito ang unang beses na may babalikan ako. Ang lambot n'yang labi ay dinadala ako sa mga ulap. Namanhid ang katawan ko at marahan na kumapit sa kan'yang leeg bilang suporta. Bakit ganito na lang ang epekto n'ya sa akin?
Umabot ng isang minutong nakalapat pa rin ang mga labi namin. Malakas na puwersang humila kay Lyxe kaya napahiwalay kami.
Bago pa ko pa man tignan kung sino ito at pakalmahin ang nanghihina kong katawan, nagulat lamang ako na nakahiga na sa lupa si Lyxe at pinaulanan ng suntok ni Krister.
“F*ck you, bastard! You have a guts to kissed what's mine!” sigaw ni Krister, malakas ang sumunod na suntok n'ya sa mukha ni Lyxe.
Napatakip ako sa bibig at tarantang hinihila ang damit ni Krister para ilayo ito sa pag-ibabaw kay Lyxe.
“Tama na, Krister! Ano ba!” malakas kong sigaw, nagmamakaawa.
Palinga-linga ako sa paligid nagbabakasakaling makakita ng taong pipigil sa kanila. Napatingin ako sa bahay namin at nahagip si Kuya Razmien na madilim ang ekspresyon na papalapit sa amin. Kinabahan ako sa maaaring n'yang gawin.
Hindi ko narinig ang pagsigaw o paglaban ni Lyxe na ikinabalisa ko. Tinatanggap n'ya lahat ang suntok at sapak ni Krister na ikinaiyak ko. Wasak na ang salamin n'ya na tumalbog sa tabi.
“Titigil ka o ako mismo ang babaril sa 'yo?” 'Di ko inaasahan na may dalang baril pala si Kuya Razmien, tinutok n'ya ito sa batok ni Krister na ikinatigil nito.
Nilapitan ko s'ya at pilit na pinapatago sa kan'yang likuran. Baka anong sabihin ng mga tao kapag nakita n'yang may hawak s'yang baril.
“Kuya, please, itago mo na 'yan, ” pagmamakaawa ko, halos tumulo na ang luha ko sa takot na baka magkagulo kami rito.
'Di pa rin sumunod sa akin si Kuya, mas lalo n'yang tinutok ang baril kay Krister.
“Tumayo ka r'yan at umalis na bago ko pa kalabitin ang baril na 'to,” mapanganib na ani Kuya Razmien.
Kita ko ang seryosong mukha ni Krister nang tignan n'ya si Kuya. Dahan-dahan n'yang pinakawalan ang kwelyo ni Lyxe at tumayo. Napahiga si Lyxe sa lupa dahil do'n kaya agad ko s'yang dinaluhan.
Lumuhod ako sa kan'yang harapan. “T-Tumayo ka muna, Lyxe.”
Agad n'ya akong sinunod. Hinawakan n'ya ang aking kamay nang kunin n'ya ang basag n'yang salamin sa lupa. Nahihirapang huminga ito ng malalim at tinignan ako.
“I'm sorry,” paumanhin n'ya, hindi ko alam kung nags-sorry ba s'ya dahil sa hinalikan n'ya ako o dahil sa ginawa n'yang gulo.
Tumango lang ako at mahigpit s'yang hinawakan sa kamay. Kita kong papaalis na si Krister, mukhang nasindak sa ginawa ni Kuya Razmien.
“Papasukin mo muna boyfriend mo, Sab,” sabi ni Kuya Razmien, mapanuring tinignan n'ya si Lyxe na ramdam kong naiilang din sa Kuya ko.
Magsasalita na sana ako para itama ang kan'yang sinabi subalit mabilis s'yang umalis sa aming harapan at pumasok sa loob. Pinisil ko na lamang ang kamay ni Lyxe at niyaya s'ya pumasok.
“P-Pero...” Balisa ang mga mata n'ya animo'y natatakot na pumasok sa bahay.
Hindi ko hinayaan na makatakas s'ya at pinilit s'yang pumasok na agad n'ya namang ikinasunod. Wala s'yang choice kundi sundin ako dahil talagang magagalit ako.
“Bakit kasi 'di ka lumaban?” naiinis kong tanong kahit malakas ang pagkakabog ng dibdib ko sa kaba kanina na baka napuruhan s'ya ni Krister.
Parang nagsisi tuloy ako na ginawa ko 'pang tangkaing halikan si Lyxe. Pero may parti sa akin na ginusto rin iyon. Halatang first time n'yang humalik. Kahit gano'n, dinala naman n'ya ako sa kakaibang mundo.
'Di nakasagot si Lyxe. Pinaupo ko muna s'ya sa sofa at sinundan si Kuya Razmien sa kusina. Kinuha pala n'ya ang first aid kits. Binigay n'ya ito sa akin.
“Gamutin mo sugat n'ya, may kasalanan ka rin naman,” seryosong ani Kuya Razmien.
Hindi ako makapaniwalang tinignan s'ya, nanlalaki ang mga matang tinuro ko ang aking sarili.
“Huh! Paanong naging kasalanan ko, Kuya? Me and Lyxe are just kis— basta!”mabilis kong giit at inikutan s'ya ng mga mata sa frustrated na nararamdaman ko.
“Pauwiin mo na rin pagkatapos. I have something to tell you later,” habol pa n'ya bago ko pinuntahan si Lyxe na nagmamasid sa aming bahay.
“Hey,” tawag ko para agawin ang kan'yang atensyon, umupo ako sa kan'yang tabi at do'n pa lang s'ya napatingin sa akin.
“I'm sorry sa nangyari kanina,” mahina n'yang sabi at hinawakan pa ang kamay kong nasa kan'yang hita. “Hindi ko akalain na susuntukin n'ya ako.”
Napahawak s'ya sa kan'yang panga at bahagyang pinaigting ito. Hinaplos ko ito kaya napatitig s'ya sa aking mga mata, tumikhim ako.
“Kaya nga dapat nilabanan mo. Alam mo namang 'di ko kayang balibagin si Krister dahil sa laki ng katawan n'ya. At least kahit papaano sana tinulak mo s'ya, 'no?” sarkastik kong suhestiyon ko sa kan'ya.
Nagsalubong ang kilay ko na ikinailing ko. Ayan na naman.
“So, sinasabi mong 'di ko s'ya kaya?” seryoso n'yang tanong na ikinasinghap ko.
Akmang babarahin ko ito nang maalalang nagseselos na naman s'ya. Ngiting-ngiti na hinaplos ko ang namumula n'yang mukha na ikinatigil n'ya. Para 'bang bigla s'yang napaso sa hawak ko.
“Hindi gano'n ang ibig kong sabihin,” malumanay kong giit. “Know to defend yourself, Lyxe. Hindi palaging tatahimik ka lamang kagaya sa ginagawa mo noon. I know a nerdy guy like you doesn't know how to fight.”
Mariin s'yang napatitig sa aking mga mata na para bang may malalim na iniisip. Napabuntong hininga s'ya at hinawakan ang kamay kong nasa pisngi n'ya.
“Gusto ko lang matapos ang gusto nilang gawin. Kapag lumaban ako gaya lamang kanina, mas lalo lamang magiging malala,” mahina n'yang sabi. “But if someone hurt you, I'll be the one to protect you. Kahit ikakasira ito sa imahe ng eskwelahan at lalo na sa 'yo.”
Ito na naman ang kumakarera kong dibdib. Malakas ang pagkabog nito, lalo pa kung hawakan ko mismo ng mga palad ko. Tila may nakabara sa aking lalamunan at hindi na magawang makapagsalita.
Napayuko ako at pilit lamang na iniiwasan ang kan'yang titig at pag-usap sa ganitong bagay. Nalalapit na ako sa delikadong bagay na maaaring ito na ang huling desisyon kong panatilihin s'ya sa akin panghabam-buhay.
Naging tahimik kaming dalawa pagkatapos no'n. Pinapahidan ko ng betadine ang kan'yang sugat sa gilid ng labi. Napahawak ang libreng kamay n'ya sa aking beywang.
Sandali akong natigilan pero kaagad ding tumuloy. Kung normal na lalaki lamang s'ya ay baka wala lang ito sa akin ngunit iba s'ya sa lalaki ko noon, especially Krister.
“Saan masakit?” mahina kong tanong, magkalapit ang mukha namin kaya medyo naiilang ako lalo pa sa malalim n'yang titig.
Tinuro n'ya ang panga n'ya kaya hinimas ko lamang ito. Wala naman kasing sugat. Agad kong inalis ang aking kamay sa kan'ya at sinara ang first aid kits.
“Ihahatid kita sa labas,” sabi ko, akmang hihilahin ko na s'ya para tumayo ay hinila n'ya ako nang marahan dahilan nang pagkabalik ko sa kinauupuan ko kanina.
“Pag-usapan sana natin 'yong tungkol sa...”
Napataas kilay ko. “Tungkol saan?”
Dinilaan n'ya ang labi n'ya at umiwas ng tingin. “We just kissed.” Binalik din kaagad ang tingin sa akin. “Are you mad because of what I did?”
Nagkibat-balikat ako kahit ako kinakabahan din. Bakit naman ako kakabahan?
“I'm not mad or what, maybe confused?” patanong kong sabi. “You're the one who kiss me.”
“At tumugon ka naman,” sabat n'ya na ikinasinghap ko, inosenteng tinignan n'ya ako.
“Ano ba kasi ang gusto mong mangyari? We can just forget about it.”
Umiling s'ya, hindi n'ya nagustuhan ang sinabi ko. “It was my first kiss, Sab. I love you that's why I kissed you. I'm not sorry for what I did dahil 'di ko pinagsisihan.”
Sasabihin ko sana na halik lang naman iyon pero napagtanto kong ayaw n'ya ng gano'ng klaseng salita. He's innocent, and the way he expressed his feelings is genuine. Playing while in relationship is not his thing. And... He just said that he loves me.
“Tayo na siguro, 'di ba?” pangunguliy n'ya. “Ayaw kong wala pa tayo sa relasyon gayong naghalikan na tayo.”
Kung lalaki ko lang s'ya noon ay baka sinampal ko ito sa pamimilit na magkarelasyon kami. Kapag si Lyxe ang nagsabi, wala akong magawa o baka nagustuhan ko naman! Pinapahirapan ko lamang s'ya pero sa totoo lang, gustong gusto ko na s'ya. At sa puntong ito, hindi ko muna inalala ang batas ng mga Corbins.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro