Chapter 06
SABRINA KYE CORBIN
“Lyxe! Hintayin mo ako!” malakas kong tawag sa kan'ya habang lakad-takbong sumunod sa kan'ya.
Mabilis s'yang nakarating sa parking lot. Huminto s'ya sa big bike na kulay yellow at black. Hindi s'ya lumingon sa akin kaya ako na mismo ang lumipat sa harapan n'ya para makita ang kan'yang mukha.
“Nagtatampo ka ba? Pinahirapan mo akong sundan ka, ah.”
Bahagyang nakaawang ang bibig ko sa aking paghingal at napahawak sa malaking big bike n'ya.
“Nagseselos ako, Sab,” giit n'ya na para 'bang pinapaalalahanan n'ya ito sa akin at baka nakalimutan ko.
Napangiwi ko at pinigilan na makipagtalo sa kan'ya na hindi dapat s'ya magselos dahil walang kami. Naisip ko kasing masasaktan ko lang damdamin n'ya. Naging mabait naman kasi s'ya sa akin kahit binabara ko s'ya.
Buntong hiningang nagpameywang ako sa kan'yang harapan. Tinignan ko s'ya na abala sa paglagay ng libro sa kan'yang bag at sinabit ito sa hawakan ng motor. Uminom pa ito ng tubig na binili ko mismo.
Nang makita n'yang nakatingin ako sa kan'ya ay halos mabilaukan s'ya. Mahina s'yang napaubo at nagsalubong ang kilay n'ya.
“Anong magagawa ko kung nagseselos ka?” mabagal kong tanong at bahagyang tinabingi ang ulo sa magkabilang gilid.
Umiwas s'ya ng tingin. Halata ang pagkamula ng kan'yang tainga dahil sa maputi s'yang lalaki. Sumampa s'ya sa motor at pinaandar ito.
“Stay away from guys, Sab,” mahina n'yang tugon, para bang nagdadalawang isip s'ya kung tama ba ang kan'yang sinabi.
Nasasayahan ako sa kan'yang reaksyon kaya mas lalo ko 'pang pinag-igihan ang mapangasar kong ngisi na ikinainis n'ya.
“Give me a good reason kung bakit ko sila lalayuan,” sabi ko.
Sandali itong napatingin sa harapan na tila nag-iisip ng dahilan.
“D-Dahil nandito naman ako, kaya kong ibigay ang lahat ng gusto mo. I'll treat you like a precious diamond na minsan hindi ginawa sa 'yo ng nakaraang relasyon mo.” Malambing ang tingin na ginawad n'ya sa akin, unti-unting humina ang pagtunog ng makina ng kan'yang motor.
“Bakit ka maghahanap pa ng iba kung nandito naman ako, 'di 'ba? Kaya kong lampasan si Krister, Sab. J-Just let me,” dugtong pa n'ya na hindi ko kaagad napaghandaan.
Gusto kong damhin ang malakas na pagkabog ng dibdib ko subalit hindi ko magalaw ang aking katawan. Para bang nakontrolado n'ya ito matapos n'yang sabihin sa mukha ko kung anong nilalaman ng kan'yang puso.
This is new... Ni minsan hindi ko naramdamang ganito ka special, 'yong ganito kahalaga sa manliligaw ko noon, pati kay Krister hindi ko naranasan na maging prinsesa. Kahit hindi na magsabi si Lyxe na inaalagaan n'ya ako, ramdam ko naman ito basi sa bawat pag-asikaso n'ya sa akin.
Iba ang pakiramdam ko kay Lyxe kumpara kay Krister. May matatamis mang salitang sinasambit si Krister sa akin, kagandahan sa sarili at pag-angat ko bilang isang babae ang naramdaman ko.
Pero kay Lyxe, pinaramdam n'ya sa akin na isa akong dyamante na hindi n'ya kayang ipamigay at bagsakin. Pinaramdam n'ya sa akin na ako lang at wala nang iba.
“Say something, Sab,” balisang sabi ni Lyxe na 'di ko namalayang nakababa na pala sa motor para hawakan ako sa kamay.
Nanginginig ito na para 'bang natatakot s'yang mapiga ako. Ramdam kong nagsitaasan ang balahibo ko sa katawan sa kuryenteng hatid n'ya sa akin. Ayaw kong maramdamang mahulog ng tuluyan pero minsan naisip ko na ayos lang kapag si Lyxe. Bakit nga ba?
“H-Hatid mo ako sa bahay,” utal kong sambit at umiwas dito ng tingin. This is dangerous but at the same time a best feeling that I ever feel.
Napabuga s'ya ng hininga, para bang nabigo s'ya na wala akong tugon sa kan'yang nararamdaman.
“I'll take you home,” sabi n'ya at binigay sa akin ang helmet n'ya na kulay yellow, I think favorite color n'ya ito.
“Lyxe,” tawag ko sa kan'ya nang akmang sasampa sa big bike, napalingon s'ya sa akin.
“Bakit?”
Tinignan ko ang helmet na binigay n'ya. “Paano ka? Wala kang helmet na maisusuot.”
Marahan n'ya akong hinila palapit sa kan'ya. Medyo nagulat ako nang mabilis n'ya akong nabuhat at nilapag sa pinaunahang bahagi ng big bike n'ya. Napaatras ako ng kaunti sa bigla.
“The f*ck, Lyxe!” Huli na ang reaksyon ko nang mabilis s'yang sumampa sa bandang likuran ko.
“Your mouth, Sab,” saway n'ya sa akin.
Napasandig ako sa kan'yang dibdib nang mas nilapit pa n'ya ang katawan sa aking likuran. Hinawakan n'ya ang hawakan ng motor. Kita ko ang paglabas ng mga ugat n'ya sa braso nang mahigpit n'yang hinawakan ito. Napakurap ako at napalingon sa kan'ya.
Bumaba ang kan'yang tingin sa akin. Inosente ang mga mata n'ya pero kapag ngumusi ito ay parang nagyayabang. Hindi ko alam kung ilang taon na s'ya pero basi sa aking observation, mas matanda s'ya ng more than two years sa akin.
Hindi masyado malaki katawan n'ya. Malapad ang kan'yang broad shoulders. Malaki ang braso n'ya pero mas malaki 'yong kay Krister. Hindi naman sa na-dissapoint ako, ine-explain ko lang ang aking nakikita. Kung tutuusin mas maganda ang katawan ni Lyxe kung titignan, bagay sa kan'ya.
“This is the first time na inaya mo akong ihatid kita sa bahay mo,” bigla n'yang salita. “Palagi mo kasi akong tinatakasan.”
Nanlaki ang mata ko. Tatanggi sana ako pero alam kong hindi ko kayang malusutan ng ibang dahilan ito. Imbes na ipakitang na-guilty ako ay inikutan ko lamang s'ya ng mata at humarap ng tingin sa daan.
Do'n pa lang n'ya pinaandar ang motor at naisuot ko na ang helmet ko matapos n'yang pinabilisan ang pagharurot ng motor. Mahigpit akong napakamit sa gilid ng hawakan ng kamay n'ya.
“How old are you now, Lyxe?” medyo malakas kong tanong dahil sa bilis ng kan'yang pagpapatakbo ng motor.
Napatuwid ako ng upo nang itungtong n'ya ang kan'yang baba sa aking balikat. Nagsitaasan ulit ang balahibo hindi lang dahil sa malakas na pagdampi ng hangin sa amin. Clingy n'ya kahit walang kami.
“Twenty-two, no girlfriend since birth kaya h'wag ka nang mag-isip kung may naging babae ako,” mabilis n'yang sagot na ikinatanga ko.
Mahina ko s'yang hinampas sa braso na ikinareklamo n'ya. Baka raw mahulog kami sa ginagawa ko. Binibigla ba naman n'ya ako!
“Ang advance mo palagi mag-isip, tinanong ko lang edad mo. Gosh, Lyxe,” singhap kong sambit.
Baritong natawa s'ya mismo sa tainga ko. “Kahit na, ayaw kong bigyan ka ng katanungan tungkol sa akin.”
“May nakaranasan ka na ba?” bigla kong tanong.
“Karanasan saan?” Lumiko s'ya ng daan at gusto ko na lang lumundag sa motor nang makitang nakatingin sa amin si Krister kasama ang kan'yang barkada.
Nalampasan namin sila kaya hindi ko na magawang lumingon dahil sa bilis ng pagpapatakbo ng motor. At hinaharang din kasi ni Lyxe ang balikat n'ya na parang ayaw n'yang makita ko si Krister. Selos na naman ba s'ya?
“Kissing and making out with girls,” sagot ko na ikinaprino n'ya ng big bike, muntik na akong atakihin sa puso sa lakas ng impak na pagbagsak ng likod ko sa kan'yang dibdib.
“Hindi ba uso sa 'yo ang maging mahinahon sa pagmamaneho?” sermon ko at hinampas ulit s'ya sa braso, lumingon ako sa kan'ya.
Do'n ko lang nakitang nasa harapan na kami ng aking bahay. Hindi ko namalayan dahil sa lalim din ng iniisip ko.
Rinig kong umismid s'ya sa likuran ko at naumang bumaba ng motor. Tumungo s'ya sa gilid ko at kinulong ako sa kan'yang braso.
“Bakit tinatanong mo sa akin iyon, huh? Kasasabi ko lang na no girlfriend since birth ako tapos tatanungin mo ako kung may nakahalikan na ako?” Tila na-offend s'ya sa aking tanong na ikinahina ng sistema ko.
Hindi ko sinasadyang ma-offend s'ya. Grabe 'yong pagtaas-baba ng kan'yang dibdib na para bang nagpipigil s'ya sa halo-halong nararamdaman. It's normal para sa akin kung tatanungin ko ang mga lalaki o 'di kaya mga friends ko tungkol sa ganitong bagay.
Ngayon ko lang naalala na masyadong sensitive para kay Lyxe ang tanong na ito. Sa aking nakikita hindi pa n'ya iyon naranasan. Kasasabi lang n'yang wala s'yang girlfriend noon tapos tatanungin ko pa s'ya kung may kahalikan ako.
Para ayaw n'yang naiisip kong may nakaraan s'ya. Iba pala s'ya sa mga nakilala ko kaya dapat pala mag-ingat ako.
“I'm sorry, I'm just asking lang naman.” Hinawakan ko ang dibdib n'ya na kanina pa tumaas-baba sa marahas na paraan. “Hindi ko sinasadya, okay? Baka kasi wala kang girlfriend noon pero may nakahalikan na. Baka ba mali lang ang pagkakaintindi ko,” paliwanag ko sa kan'ya kahit hindi naman dapat.
Sinamaan n'ya ako ng tingin na ikinalambot ng ekspresyon ko. Nang makita n'yang hindi ko s'ya nilalabanan ay napabuntong hininga s'ya. Ramdam kong hinawakan n'ya ang tagiliran ko, hindi masyadong nakadikit sa aking balat.
“Wala... Wala akong karelasyon, kahalikan at mas lalong karanasan sa pagpapaligaya ng katawan,” parang nahihirapan pa s'yang sabihin ang mga ganitong bagay. “Pero may mga alam naman ako kahit papaano. Kaya h'wag mong sabihing may karanasan ako dahil wala.”
Ngumiti ako at tumango para tumigil na s'ya sa pagiging balisa. Para bang takot s'ya sa isipang gano'n ang tingin ko sa kan'ya.
“You're different from other guys, Lyxe. At kahit naman may first kiss ka na, wala namang kaso sa akin,” ani ko.
Nagbuga s'ya nang marahas na hininga. Hinayaan lang namang nakadantay ang palad ko sa kan'yang dibdib. Mukhang nagustuhan naman n'ya.
“Kasasabi ko lang kasi, eh,” giit n'yang reklamo.
“Ayan ka na naman, Lyxe.” Natatawang inalis ko ang palad ko sa kan'ya na ikinatingin n'ya sa kamay ko. “Magtatalo na naman ba tayo? My gosh, huh!”
Sumimangot s'ya at hindi ko alam kung anong sumapi sa akin para halikan s'ya sa pisngi. Mukhang nagulat talaga s'ya dahil bahagyang tumalon ang kan'yang katawan.
Natatawang bumaba ako sa motor at tinapik ang kan'yang pisngi at inayos ang kan'yang suot na salamin.
“Thank you, nerdy hubby. See you tomorrow. ”
Ngising kumaway ako sa kan'ya habang papalayo sa kan'ya habang s'ya'y hindi maalis ang tingin sa akin habang nakabuka nang bahagya ang bibig sa gulat.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro