Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 04


SABRINA KYE CORBIN

“Sundan mo si Ophelia,” utos ni Polace sa akin na ikinasalubong ng kilay ko, marahas akong napatingin sa kan'ya.

“Are you ordering me now, Polace?” mapanganib na ngisian ko s'ya, hindi ko nagustuhan ang klaseng pag-utos n'ya.

“H-Hindi sa gano'n, Sab.” Winaksi-waksi n'ya ang kamay sa ere, kinakabahan sa akin. “I'm just suggesting. Tinutulungan lang kita para makahanap ng tyempo para pagsabihan si Ophelia. ”

Napaismid ako at kinuha ang aking bag. “Sinong nagsabing kakausapin ko lang? Corbin ako kaya alam n'yo ang mangyayari sa kan'ya kapag di pa s'ya umalis dito.”

Nabahala si Polace at gano'n din si Curtny ngunit wala silang magagawa. Ginusto nila ito no'ng una tapos matatakot sila sa gagawin ko?

Lumabas ako ng cafeteria para sana kausapin si Ophelia at turuan ng leksyon. Hindi pa man ako nakababa ng hagdan ay agad na sumulpot ang lalaking hanggang dibdib lang ako sa kan'ya.

Kumun-noong tinaas ko ang tingin at mas lalo lamang sumama ang loob ko. S'ya na naman.

“Kung ano man ang pinaplano mo, tigilan mo na,” mahinahon n'yang sambit inayos n'ya ang kan'yang dalang libro na kasing kapal ng salamin at pagmumukha n'ya.

“Sino ka ba, huh? Ang lakas ng loob mong pagsabihan ako. Naka nakakalimutan mong isa akong Corbin,”pananakot ko sa kan'ya.

Gano'n ang mga estudyante rito, takot sila sa akin. Sinasabi ko pa lang apelyido ko kakabahan na sila. Kilala ba namang mabagsik si Kuya Razmien ay alam nilang mas malala ang gawin nito sa kanila kapag may ginawa silang masama. Hindi ko lang sinasabi kay Kuya Razmien dahil sayang sila sa oras.

“Ang pangalan ko ay Lyxe,” bigla n'yang sabi, tumikhim ito. “Lyxe Austria.”

Napangiwi ako sa kan'yang sinabi. Pakialam ko sa kan'yang pangalan?

“Wala akong tinatanong sa 'yo kong anong pangalan mo.” Hindi ko alam kung matatawa ako o ano. “At saka, hindi wala akong interest na malaman ang pangalan mo.”

Napataas ang sulok ng kan'yang labi na tila natutuwa pa sya sa pang-iinis sa akin. “Tinanong mo kung sino ako, nilang advance sa pag-iisip na estudyante, alam kong tinatanong mo pangalan ko.”

Hindi makapaniwalang napailing ako. Naiinis na ako at dinagdagan pa ng lalaking ito. Nagpapatawa yata s'ya.

“Bahala ka d'yan, binabalaan nankuta pero sadyang matigas ang ulo mo. Never show your face again at baka may gawin akong masama sa 'yo,” nanggigigil kong sabi at nilampasan s'ya.

Pero 'di pa man ako nakalayo ay ramdam ko ang pagkalutang ko sa ere ng mga paa ko. Do'n ko lang napagtanto na buhat-buhay ako ngayon ni Lyxe na parang sakong bigas.

“Sh*t!” malutong kong mura at pinaghahampas s'ya sa likuran ngunit sadyang matigas ito. Kamay ko lang yata ang nasaktan. “Saan mo ako dadalhin, huh?! Kilala ba kita para hilahin ako ng ganito?!†

Humigpit ang hawak n'ya sa aking binti na ikinawala ko. Ngunit kahit anong gawin ko ayaw pa rin n'ya akong ibaba. Nahuhuli na ako sa paglalakad n'ya habang ang katawan ko'y nakabaliktad.

Sa huli hinayaan ko na lang na dalhin n'ya ako kung saan man. Napahawak ako sa kan'yang leeg nang dahan-dahan n'ya akong inilapag sa mataas na lamesa. Nasa abandonadong classroom kami malapit sa department ko.


Tinapunan ko s'ya ng masamang tingin. “Amo sa tingin mo ang ginagawa mo, huh?” Mahina kong tinulak ang kan'yang dibdib ngunit parang hangin lang sa kan'ya ito.

Bigla akong napatigil nang makitang nakatitig s'ya sa aking mukha. Naglalaro ang mga mata n'ya, tila kinakabisado ang bawal hulma ng pisngi ko. Nakaramdam ako ng hiya na agad ding napalitan ng confident sa sarili. Nagagandahan ba s'ya sa akin?

“Hindi bagay sa 'yo magsungit,” biglang aniya na ikinangiwi ko.

“Tinatanong ko ba opinyon mo?” Pinagkrus ko ang braso at bigla lang may napagtanto. “Bakit mo ako dinala rito? Are you planning something, huh?”

Hindi ko ma-imagine na may gagawin s'yang masama sa akin. Masyadong inosente ang mukha n'ya na mapilyo at mayabang na nakangisi. Yo'n ang napansin ko sa kan'ya.

Masyado akong judgemental, but I can't help it. Hindi naman s'ya pangit. Sadyang nakakairita lang ang pagmumukha n'ya na may suot-suot na salamin sa mata.

He's definitely one of the nerd guys here in university. Siguradong kasing talino ito ng lalaking sinasabing boyfriend ni Ophelia, 'yong kaibigan ng lalaking ito.

Tinukod n'ya ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ko na parang hinaharangan ako na baka umalis ako sa pagkakaupo sa lamesa. Nagpantay ang mukha naming dalawa kaya malaya kong nakikita ang itim n'yang mga mata.

Ang medyo mahaba n'yang buhok na may kulay grey at black. 'Yong labi n'yang ang nagsasalita.

“Nakikinig ka ba?” mahina n'yang tanong na ikinabaliw ko sa reyalidad.

“Huh?”

Yukong napailing s'ya at tinuon ulit ang atensyon sa akin. “Sana tigilan mo na si Ophelia, wala s'yang kasalanan sa lahat ng ito.”

Napaisip ako sa kan'yang sinabi. Dinala n'ya lang ako rito para lang kay Ophelia na iyon? Saan 'yong inaasahan kong confession galing sa kan'ya?

Ganito naman mga lalaki, 'di ba? Palagi nila akong kinukulit at hinaharang, sasabihing may gusto sila sa akin.

Bakit nga ba ako naghihintay sa kan'yang sasabihin sa akin? Paki ko 'bang may gusto s'ya sa akin?

“'Yon lang?” takang tanong ko, pinakita ko talagang sinasayang n'ya lang ang oras ko.

Napakurap s'ya ng dalawang beses at tumayo nang matuwid. Mukhang natauhan sa kan'yang paglapit ng mukha sa akin. Rinig ko pa'ng nakikipagtalo s'ya sa sarili nang sandali s'yang tumalikod sa akin.

“M-My name is Lyxe Austria.” Humarap s'ya sa akin, Naglulumikot ang kan'yang mga mata.

Napakunot ang noo ko sa pag-ulit n'ya sa pagpakilala. Aanhin ko ang pangalan n'ya? Unli ba 'to?

“Sabrina Kye, I like you a lot... You're so beautiful that I can't find any words to describe it.” Bigla n'yang hinawakan ang kamay ko na parang takot na iwan ko s'ya habang umaamin s'ya. “Please... Let me court you, give a chance to prove that  I am sincere to my feelings.”

Napatanga ako sa kan'yang harapan at walang mahanap na sasabihin. Simple lang ito sa akin pero bakit hindi ko magawang tanggihan ang pag-amin n'ya?

It is easy for me to turn him down, pero kasi sa kan'yang ko lang narinig itong klaseng pag-amin.

“Are you kidding me, right?” 'di makapaniwalang tanong ko nang makabawi.

Agad s'yang umiling at kagat-labing napayuko. Tila nawala ang pagkamayabang sa mukha n'ya kanina. “Ang dami kong sinabi... tapos ito lang ang ibabalik mo sa akin? I'm courting you whether you like it or not.”

“Teka lang.” Tinaas ko ang kamay ko. “Kanina lang pinapatigil mo ako sa balak kong gawin at ngayon umaamin ka na may gusto ka sa akin ? Paraan mo lang ba Ito para makadiskarte? ”

Mabilis s'yang umiwas ng tingin at biglang nagsalubong ang kilay na para bang ayaw n'yang aminin ang totoo. Mahina akong natawa sa kinilos n'ya at napailing.

“Bahala ka.” Bumaba na ako sa lamesa nang lumayo s'ya. “Kung kilala mo ako, alam mo dapat na hindi ako seryoso sa relasyon. I'm not ready for a serious relationship.”

“Bakit?”

Umalis ako sa kan'yang harapan at lalabas na sana ng room nang napatingin ako. Nilingon ko s'ya.

“Dahil naghahanap ako ng lalaking sincere, loyal ay hindi ako kayang palitan. Isama mo na rin ang hindi ako kayang taksilan. And once I found him, s'ya na talaga at wala ng iba.”

Hindi s'ya nakapagsalita kaya kinuha ko ang pagkakataon na iyon na iwan s'ya do'n. I'm sure kilala n'ya ako at kung sino ako. Gusto n'ya ako, 'di ba? Kaya malamang may kaunting alam na s'ya sa akin.

It's hard to understand na may gusto s'ya sa akin yet minsan pinapakita n'yang disappointed at naiinis s'ya sa akin. I know na gano'n nagraramdaman n'ya. Paano n'ya ako nagustuhan kung sa una pa lang ayaw n'ya sa ugali ko?

Right, I'm beautiful daw, gano'n lang iyon? I want to know everything kung bakit ako pa gayong matalino s'yang lalaki at dapat mabait at maalagang babae ang gustuhin n'ya.

Wala akong maipagmamalaki kundi ang itsura ko lamang. Nakukuha ko ang lahat yet may kulang pa rin. I need someone who can lean on when I'm feeling down. I need someone who can love me despite of my attitude and for being a spoiled brat.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro