Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 03


SABRINA KYE CORBIN

Magpapasalamat na sana ako sa lalaking umalalay sa akin nang makitang tumungo s'ya sa lalaking kararating lang para tulungan si Ophelia.

"Umalis ka, Krister," pagtataboy ng lalaking nakasalamin tulad ng lalaking sumalo sa akin.

Hindi ko na pinansin pa ang nakakunot na noo ni Krister at mabilis na umalis sa labas ng classroom. Hindi na ako sinusuyo ni Krister dahil alam ko mismo na kay Ophelia na ang atensyon n'ya, hindi sa akin.

Pinatili kong walang ekspresyon ang mukha ko habang naglalakad pabalik sa aming building. Hindi ako makapaniwala na kaya n'ya akong itulak ng gano'n para lang sa babaeng iyon. Dahil ba mas maganda si Ophelia kaysa sa akin?

Isipin pa lamang na nawawalan na ng gana si Krister sa akin ay parang sasabog ang dibdib ko. Hindi dahil sa gusto ko s'ya kundi dahil natapakan ang ego ko. Most boys wants my attention at halos iluhod na ang sariling tuhod para lang maging boyfriend ko. Maswerte s'ya dahil tiniis ko ang ugali n'ya sa loob ng isang taon.

"Sabrina."

Awtomatikong napatigil ang dalawa kong paa at nilingon ang lalaking tumawag sa akin. Hindi ko inaasahan na susundan ako ng lalaking may kulay abo sa buhok.

Imbes na maging thankful sa kan'ya ay mas lalo lamang nadagdagan ang inis ko nang maalalang kilala n'ya si Ophelia. I think kaibigan n'ya ang lalaking nakausap n'ya kanina kaya malamang kinakampihan din n'ya si Ophelia.

Mabilis akong lumapit sa kan'ya at tinulak nang mahina ang kan'yang balikat na ikinagulat n'ya. Hindi kaagad s'ya nakapagsalita nang barahin ko s'ya.

"Nandito ka ba para pagsabihan ako? Pwes, umalis ka na dahil hindi ako makikinig. Who are you anyway?" malakas kong anas sa kan'ya.

Mas nilapitan n'ya ako. Sunod na hindi ko inaasahan ay ang paghawak n'ya sa braso ko.

"What are yo-"

"H'wag 'kang tumingin sa gilid," mahina n'yang sambit sapat na para marinig ko. "He's here."

Kumunot ang noo ko at 'di na nagawang kalasin ang kan'yang kamay sa aking braso kahit 'di ako kumportable. Kita ko kasing nakatingin sa di kalayuan ang mga kaibigan ni Krister sa pwesto namin. Alam kong ibabalita na naman nila ito kay Krister. As if may pake iyon sa akin pagkatapos n'ya akong tinulak.

"Let's talk," sabi n'ya, makahulugan n'ya akong tinignan at agad kong nakuha ang ibig n'yang sabihin.

Namalayan ko na lang nasa labas kami ng university. Walang tao dahil hindi pa uwian, nasa loob pa lahat ang mga estudyante.

"Wala na sila," sabi ko na ikinabaling n'ya sa akin ng tingin.

"H'wag mo na iyon gawin kay Ophelia," tila nakikiusap s'ya sa mababang boses n'ya.

Umismid ako. "Kasasabi ko lang na hindi ako makikinig sa inyo. Pinuntahan mo lang talaga ako para pagsabihan ano?"

Napailing s'ya na tila 'di na-dissapoint sa akin. Hindi ko naman gusto ang magiging impression n'ya sa akin. Tulad sa sinabi ko, wala akong pakialam sa kanila.

Hindi ko na hinintay ang kan'yang sasabihin at agad na tumungo sa aking kotse. Malapit nang matapos ang klase kaya uuwi na ako. Hindi rin naman sasabay si Krister para ihatid ako. He doesn't like me anymore, so that's mean kailangan ko nang makipag-break sa kan'ya.


~•~•~•~

"You didn't cry, right?" tanong ni Kuya Ravien, hindi s'ya nakatingin sa akin at sa harapan ito nakapukos.

Titig na titig ako sa kan'yang mga mata. Kahit may pera na kami para ipa-opera ang kan'yang mga mata ay ayaw pa rin n'ya. Para bang may hinihintay s'yang tao, hindi ko alam kung sino.

"Bakit naman ako iiyak?" tanong ko, 'di ko pinahalatang inis na inis ako ngayon. Ayaw ko lang madagdagan muna sa ngayon ang sakit sa aking ulo.

Napataas ang sulok ng kan'yang labi na tila namamangha ito. Binitiwan n'ya ang ang kutsara't tinidor n'ya at marahan na sumandig sa kan'yang kinauupuan.

"Halatang may kinaiinisan ka, Kye," binanggit n'ya ang pangalawa kong pangalan. "Mas mabuting mainis ka kaysa sa umiyak. He's an *sshole, sabi ko na sa 'yo h'wag mo ng patagalin pa ang lalaking iyon."

Napangisi ako sa kan'yang sinabi. Nilaro-laro ko ang baso kong may laman na tubig. Do'n ko binaling ang aking tingin.

"Boring naman, Kuya kung wala akong boyfriend, 'di 'ba? At saka may benefits naman akong nakuha kay Krister," ani ko na ikinailing n'ya.

Tinuloy namin ang naudlot na hapunan. Inalalayan ko s'yang umakyat sa kwarto matapos naming kumain. Baka nagpapahinga na kasi ang mga kasam-bahay, ayaw ko namang istorbuhin.

Hindi nakasabay si Kuya Razmien sa hapunan. Umalis na naman s'ya at sigurado akong tarbaho na naman ang ginagawa n'ya. Marami na kaming pera pero gusto n'ya pa ring paramihin. 'Di rin naman s'ya nakararamdam ng antok dahil sa illegal na gamot na iniinom n'ya.

"Matulog ka na, ah?" malumanay na sabi ni Kuya Ravien nang maihiga ko na s'ya sa kan'yang higaan.

Di ko pa man nakumutan si Kuya nang marinig ang door bell. Napamulat si Kuya at takang nakatitig sa kisame.

"Puntahan mo na," sabi ni Kuya Ravien na ikinatango ko.

Maingat akong bumaba ng hagdan at tumungo sa pinto. Naiinis na ako sa taong nasa likod ng pinto na 'to. Kanina pa n'ya pinipindot ang door na tila sisirain na.

"Wait lang naman!" malakas kong sabi at binuksan ang pinto.

Nawala ang pagkakunot ng noo ko nang makitang hinihingal at pawis na pawis nakatayo sa harapan ko si Krister. Animo'y tinakbo ang buong barangay sa marahas nitong paghinga.

"Sabrina," tawag n'ya sa pangalan ko, magaspang ang boses n'ya.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko, wala na s'yang dahilan pa para puntahan ako rito, 'di 'ba?

Hinawakan n'ya ako sa kamay na walang pasabi. Dahil sa galit at inis ko sa kan'ya ay iniwaksi ko ito. 'Di n'ya iyon inaasahan subalit pilit n'yang hinahabol ang kamay ko para hawakan.

"Galit ka ba? Sorry 'di kita naihatid," aniya, nahimigan ko ang takot sa kan'yang boses.

"Sa tingin mo ano?" sarkastik kong tanong at marahas na winaksi ang kan'yang kamay, 'di na n'ya tinangka 'pang hawakan ako dahil sa panghihina n'ya.

Napabuga s'ya ng hininga at sumandig sa pinto. Ayaw ko naman s'yang papasukin dahil itataboy lamang s'ya ni Kuya, alam n'ya iyon.

"Talk to me, Sab," pakiusap n'ya, namungay ang kan'yang ekspresyon dahil sa pananahimik ko. "Sabihin mo sa akin ang tumatakbo sa isip mo. H'wag ka namang gan'yan. "

Ngising natawa ako sa kan'yang sinabi na ikinatitig n'ya, mukhang hindi n'ya inaasahan.


"Ano tumatakbo sa isip ko?" Nagngitngit ang ngipin kong tinulak s'ya tulad ng ginawa n'ya sa akin kanina, napaatras s'ya ng isang beses at muntik nang mawalan ng balanse.

"What the f*ck, Sab," bahagyang tumaas ang boses n'ya ngunit wala akong pakialam.

"Talagang nagmura ka pa," namamangha kong anas. "Stay away from me starting for now on. I'm breaking up with you."

Sandali s'yang natigilan sa sinabi ko, hindi na naman makapaniwala sa kan'yang naririnig ngayon. Marahas n'yang sinuklay ang kan'yang buhok at ginulo rin naman.

"Let's fix this, Sab. H'wag ka namang magsabi ng tapos kung 'di ka naman sigurado."

"Kaya nga umalis ka na at break na tayo. Wala ka nang babalikan," diin kong sambit at akmang isasara ang pinto nang mabilis n'ya itong hinarangan ng kan'yang braso.

"You love, Sab, kaya hindi mo kayang gawin ito sa akin," mabilis n'yang habol.

"Sinong nagsabing mahal kita? Hindi porket naging boyfriend kita ay mahal na kaagad kita. We're just using each other, that's it," matabang kong saad na ikinatigil n'ya, para bang nanghina s'ya sa sinabi ko.

Kinuha ko ang pagkakataon na iyon na isara nang pabagsak ang pinto sa kan'yang harapan. Tinukod ko ang aking mga palad sa pinto at hindi maiwasang mapabuga nang marahas na hininga.

Tama naman ang desisyon kong hiwalayan s'ya. Kahit gusto ko s'ya, ayaw kong ginaganito n'ya ako. This is the first time na ginawa n'ya ito sa akin. I thought hindi na s'ya hahanap pa ng iba pero mukhang 'di pa ako sapat sa kan'ya.




"Sayang din si Krister, Sab, ah," ani Curtny at napailing-iling pa.

Pagak akong natawa. "Anong sayang? Sinayang n'ya kamo ako," pagtataka ko, hinagis ko sa kan'ya ang tissue na ikinailag n'ya.

"Pero tama lang naman ang ginawa mo, Sab," sabat ni Polace sa tabi ko na kanina pa tahimik. "Girlfriend ka n'ya tapos tinulak ka dahil lang sa ginawa mo kay Ophelia."

Napahinto ako sa kan'yang sinabi. Sa una pa lang naiinis na ako kay Ophelia. Dapat 'yong atensyon ni Krister na dapat sa akin ay napunta sa kan'ya. Sino ba s'ya para lamangan ang standard ko?

"Nand'yan na pala si beauty," mahinang sabi ni Curtny na ikinakunot ng noo ko.

Imbes na tanungin s'ya ay kusang napabaling ang tingin ko sa pintuan ng cafeteria. At do'n ko rin nakitang sumunod ng pasok si Krister kasama ang kan'yang mga kaibigan.


Napatingin pa sila sa gawi ko, kinalbit nila si Krister. Bago pa man mapatingin s'ya sa akin ay agad akong umiwas ng tingin. Napunta ang mga mata ko sa lalaking hanggang ngayon 'di ko pa rin kilala. 'Yong lalaking may gray na buhok.

Wala s'yang kasama at nakatitig ito kay Krister. Nagtataka man kung bakit gano'n ay sinawalang bahala ko na lang.

Ang sunod na hindi ko inaasahan ay ang pagtapon ni Krister sa bag ng lalaking walang kalaban-laban. Napasinghap ang mga estudyante at ako naman natulala. Bumabalik na naman s'ya sa dating gawi.

"Stupid nerd," rinig ko na anas ni Krister sa lalaking tinapunan n'ya ng bag.

Nando'n lang ako sa tabi nakatingin sa pag-uusap ni Krister at ni Ophelia, kasama ang lalaking may salamin sa mata.

Hindi ko alam kung sinandya ba iyon ipakita ni Krister dahil nandito ako o dahil totoong may gusto s'ya kay Ophelia. Pansin ko kasing napatingin pa s'ya sa gawi ko. Kapag nakita n'yang nakatingin ako ay iiwas at pagsasalitaan n'ya ang lalaki.

"Don't let yourself na maging ganito ka lang palagi, Sab," ani Curtny, nilapit n'ya ang bibig sa taenga ko. "Dapat ang lalaki nakukuha natin, at kung hindi man dapat hindi tayo kawawa tignan. Turuan mo silang dalawa ng leksyon."

Napatango ako habang seryosong nakatingin kay Ophelia na kalalabas lang sa cafeteria habang si Krister ay naiwan lamang sa gitna.

Imbes na maawa at masaktan sa nasaksihan ay mas lalo lamang nadagdagan ang inis ko sa kan'ya. Tama lang na hiniwalayan ko s'ya dahil kahit maging kami, may babae pa rin akong kaagaw. I don't share what's mine.

Pero dahil hindi ko na pagmamay-ari si Krister, kailangan na n'yang itapon sa basurahan, 'yong tipong hindi na p'wedeng pulutin.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro