
Chapter 02
SABRINA KYE CORBIN
“Wala 'bang facebook si Ophelia?” tanong ng katabi kong babae na 'di ko naman kilala.
Napahinto ako sa aking pagguguhit at tinignan s'ya, napakunot ang noo ko. Ako ba ang kausap n'ya?
“I don't know her, sino ba s'ya?” tanong ko.
Nanlaki nang bahagya ang maliit n'yang nga mata sa akin at naiwan sa ere ang kamay nang akmang magtitipa s'ya sa kan'yang cellphone.
“My gosh, Sab.” Nasapok n'ya ang kan'yang noo. “She's a junior high school student na sikat ngayon sa ating school. She got a lot of admirers, pati mga senior and college guys nagkakagusto sa kan'ya. ”
Tinukod ko ang aking siko sa arm chair ko at nagpalumbaba. Wala man lang akong nababalitaan tungkol sa babaeng sinasabing sikat. Masyado akong tutok sa sports ko kaya hindi na ako nakasagap ng balita tungkol sa mga baguhang nagagandahang mga babae rito.
“Wala akong paki,” sabi ko na lang at pinagpatuloy ang naudlot kong pagguguhit.
“Hay naku, Sab. Bantayan mo ang boyfriend mo baka magustuhan n'yan si Ophelia,” bigla n'yang sambit na ikinailing ko.
Hindi ko maiwasang matawa. One year na kaming magkarelasyon ni Krister at kahit kailan wala akong nabalitaan na may sineryoso o nagugustuhang babae na tipong gusto n'yang maging girlfriend. First girlfriend n'ya ako at first boyfriend ko rin s'ya.
“Oh, dear, hindi iyon magugustuhan ni Krister. Wala na s'yang mahahanap pa na mas maganda kaysa sa akin,” proud kong ani na ikinangisi n'ya.
Simula no'ng naging kami, nasa akin ang atensyon n'ya bukod sa friends n'yang mga lalaki. Kung 'di ko lang s'ya kilala ay baka napagkamalan ko ng mahal n'ya ako. That's impossible, pareho kaming ayaw mahulog nang malalim sa isa't isa.
Gusto namin ang isa't isa at hindi mahal ang nararamdaman namin. Mas maganda na ito kaysa sa lumalim pa. Like my Kuya Razmien say, h'wag kang mahulog sa pagmamahal. It's dangerous, unless kung s'ya na talaga ang sa tingin mo ang makakasama habang buhay.
Pangako naming magkakapatid na dapat iisa lang ang mamahalin namin. Marami man ang dadating sa aming buhay pero dapat h'wag naming hahayaan na kunin ng iba ang puso namin. Nasa iisang tao lang dapat ito ilalaan.
“Iniisip mo bang sumali sa pageant next month, Sab?” tanong ni Curtny habang nagpupunas s'ya ng pawis.
Uninom ko muna ang tubig bago s'ya sinagot, “Maybe? Ikaw?” balik kong tanong at saka nilapag ang dalang water bottle ko sa tabi ng bag.
Umiling ito. “Hindi ako sasali kung sasali ka. I'll just support you just like before.”
Nagkibat-balikat ako at 'di na inungkat pa ang tungkol sa pageant na sinasabi n'ya. Ayaw n'ya kasi akong kalabanin dahil nga raw magkaibigan at magpinsan kami.
Wala naman sa akin kung sumali s'ya kasama ako. Hindi ko naman seseryusuhin ang contest unless kung magkaaway kami.
“Laro na tayo, Sab,” sabi ng kasama ko sa pagp-practice ng badminton.
Tumayo ako na ako at nakipaglaro na sa kan'ya sa badminton court. Pumunta na rin si Curtny sa kan'yang ka-partner.
Isang oras kaming naglalaro nang sabihan kami ng aming coach na bukas ulit kami magp-practice at p'wede na kaming makakaalis.
Kakukuha ko pa lang ng aking bag at tubig sa bench nang makita si Krister na papalapit sa aking gawi. Napataas ang isa kong kilay sa kan'ya nang nasa harapan ko na s'ya.
“What are you doing here?” mabagal kong tanong.
Seryoso n'ya akong tinignan at tinaasan din ako ng kilay na para 'bang hindi ko naintindihan kung bakit s'ya nandito sa aking harapan.
“Are you hungry?” tanong n'ya imbes na sagutin ang aking tanong.
Hindi s'ya basta-basta pumupunta rito sa badminton court dahil nga raw sa boring at busy s'ya sa mga friends n'ya. Kaya nagtataka ako kung bakit nandito 'to.
Pinagkrus ko ang aking braso sa harapan ng dibdib ko. “Sabi ko, bakit ka nandito? May kailangan ka ba sa akin kaya ka nandito? ” mapaglaro kong tanong sa kan'ya.
“I just want to be with you, 'di ba p'wede?” naiinis n'yang asik sa akin. “I'm asking you, are you hungry? Sabay na tayong kumain sa cafeteria. ”
Bumuka nang pabilog ang aking bibig at mangha s'yang tinignan. Minsan kasi ako ang umaaya sa kan'ya o 'di kaya hindi kami sumasabay kumain.
“Hindi pa naman ako gutom that much. Sige kain na tayo,” yaya ko na sa kan'ya, iba na kasi ang timpla ng kan'yang mukha.
Maikli lang ang pasensya n'ya kaya gano'n kakunot ang kan'yang noo sa akin kapag binabara o inaasar ko s'ya. Ang sarap lang asarin, bagay kasi sa kan'yang mukha kapag nakasimangot.
“What do you want?” tanong ni Krister, umupo s'ya sa tabing upuan ko na napili namin. Good for four persons ang table.
“Anything,” sagot ko na lang, I know na may alam s'ya sa paborito ko kaya alam kong binilhan n'ya ano no'n.
While waiting for him, iginala ko ang aking mga mata sa cafeteria. A lot of students have their own love life. It seems like they love each other on how they threat together. Minsan naiinggit ako.
Yes, I have a boyfriend ngunit hindi ko ma-imagine ang sarili na s'ya ang makasasama ko sa susunod pa na taon. I can't imagine him being with me and taking care of each other. Hindi dahil sa pag-uugalu namin, kundi dahil may pakiramdam ako na hindi s'ya 'yong lalaking gusto kong maging partner habambuhay.
And suddenly, napatigil ako sa 'di kalayuan upuan sa aking harapan. Ang lalaking may grey and black hair, yo'n kaagad ang umagaw ng pansin ko. He's staring at me and alam kong kanina pa n'ya ako tinititigan.
Hindi ako magpatalo at gano'n din s'ya. Lihim na lang akong namamangha sa katapangan n'yang titigan akom 'Di ba n'ya alam kung sino ako? O baka naman isa ito sa nagkakagusto sa akin? Halatang gusto n'ya akong lapitan, but he can't do that dahil nakabalik na si Krister.
Iniwas ko ang tingin sa kan'ya at binalingan si Krister na tahimik na inaasikaso ako. Pero 'yong buong atensyon ko'y nasa lalaking nakatingin pa rin sa akin. He's weird, parang kinakabisado n'ya ang galaw ko.
Sa huli ko na napansin na isa pala s'yang nerd. Hindi ko man masyado matandaan kung sino s'ya, but I know na isa s'yang 4th year college na palaging sinasabak sa experimental contest sa iba't ibang university. Hindi na ako magtataka kung bakit s'ya matalino, halata naman sa suot n'yang eye glasses at pananakit n'ya.
“Are you listening, Sabrina?” biglang inis na tanong ni Krister na nagpabalik sa aking katinuan.
Umupo ako nang maayos ag hindi ko nagawang pagsabihan s'ya dahil sa matang nakatitig sa akin. Ayaw kong gumawa ng eskandalo lalo pa't nakahihiya sa maraming estudyante.
Matigas na pinaglapat ko ang aking bagang at sinimula nang kainin ang kan'yang binili. Mukhang nagtataka pa s'ya sa kinikilos ko. Sana naman hindi n'ya nahalatang nakatingin ako sa likuran ng lalaking nerd na papaalis.
“I'll take you home again,” presenta ni Krister at sinabihan ako sa paglalakad.
Papauwi na ako ngayon matapos ang training ko. Nagtaka man sa biglang pagbago ni Krister ay hindi ko maiwasang mapangisi ng palihim. Maganda na minsan ang pakikitungo n'ya sa akin, at least may kaunti. Maybe na-realize n'yang he really likes me that much.
“Okay,” nakangiti kong sagot at kumapit sa kan'yang braso.
Hinawakan n'ya ang kamay kong nasa braso n'ya. Para bang ayaw n'yang alisin ko ang kamay ko ro'n. Kaya naman mas lumapit pa ako sa kan'ya habang patungo na kami sa sasakyan n'yang nakaparada sa labas ng gate.
Bago pa man tuluyan makapasok sa kan'yang kotse ay biglang napadaan ang babae sa tabi namin. Hindi ko alam kung bakit bigla akong napatingin sa babaeng iyon. Nang aking tignan si Krister, nakatingin din s'ya ro'n.
'Yong seryoson n'yang titig ay tila nabuhayan bigla. Hindi ko alam kung bakit iyon ang nakikita ro'n, bigla rin s'yang napatingin sa akin at ngitian ako ng hilaw.
“Let's go,” yaya n'ya na tila nagmamadali.
Tumango na lang ako at pumasok, gano'n din s'ya. Pinausad na n'ya ang kotse ngunit gano'n na lang ang nalilito kong nararamdaman at pagkainis. Nakita kong nakatingin s'ya sa babae na mag-isang naglalakad sa kalsada habang mabagal lamang ang pagpapatakbo n'ya sa kotse.
“Sira ba ang kotse mo at gan'yan na ang pinakamabilis na pag-andar n'yan?” sarkastikong tanong ko.
Kunot-noo n'yang binalingan ako. “Ayan ka naman sa tono mo. Bakit ba palagi mong kinaiinisan ang nga bagay na mero'n ako?”
Kung dati, kasanayan kong sinagot sa kan'ya at hindi hinahangaan ang sarili magpatalo. Ngunit ngayon ginawa kong itikom ang aking bibig. Ganito ako kapag sobrang galit at halo-halong nararamdaman ko.
I can't understand him and so am I to myself. I know this is not a pure love, dahil ito sa unti-unting nanliliit sa sarili nang makitang maganda at walang-wala ang kagandahan ko sa babaeng iyon.
~•~•~
“Where's Krister? ” tanong ko sa mga kaibigan nito.
Kung di lang ako girlfriend ni Krister ay baka kanina pa sila nakatitig ng matagal sa akin. Sadly, hindi nila magawa, basag ang mukha nila kapag ginawa nila iyon. Hindi sila nakikipag-eye contact sa akin.
“Hindi namin alam. Tignan mo na lang sa grade 10 room,” sabi ng lalaking palagi kong nakikitang kasama ni Krister.
Mariin kong tinikom ang bibig ko at napakunot ang noo sa narinig. May ideya na ako sa pinagsasabi nila ngunit ito ako, nagpapakatangahan.
Mabilis akong nakarating sa junior high school building. Agad kong pinuntahan ang room ng grade 10. At do'n lamang umusbong ang galit ko nang makitang pinuntahan pala ni Krister ang junior student na si Ophelia.
Mabibilis anb hakbang ko hanggang sa nakalapit ako sa kanila. Krister is smirking at Ophelia, while the girl don't know what to say. She's innocent, so that's the reason why Krister is interested to her, huh?
Bago pa man makapagsalita si Krister ay kaagad kong hinila ang buhok ni Ophelia pailalim dahilan kung bakit ito napabagsak. Lahat ng estudyante ay nagulat sa aking ginawa, gano'n din si Krister.
“Sabrina!” galit na sigaw ni Krister pero hindi ko ito pinansin at tinulak si Ophelia.
“T-Tama na...” Mahina s'yang dumaing sa bawat sipa ko at do'n lamang ako tumigil. Hindi naman ako gano'n ka brutal.
“Anong problema mo, Sabrina?!”
Hindi ko inaasahang tinulak ako ni Krister dahilan ng pagkawalan ko ng balanse. Bago pa man bumagsak ang pang-upo ko sa sahig ay may sumalo na sa aking likuran.
Hindi ko magawang tignan ang sumalo sa akin, mga mata ko'y nakatingin kay Krister. Galit na galit s'ya sa akin. At talagang dahil sa babaeng kakilala lang n'ya!
Hindi ko maintindihan ang sarili. Tila tutulo na ang luha ko ngunit hindi p'wede. Corbin are not allowed to show too much emotion, especially crying for someone that doesn't worth it at all.
“Sama talaga ugali mo, talagang nagdala ka ng gulo sa buhay ko,” matabang saad ni Krister mismo sa aking pagmumukha bago tinulungan si Ophelia.
Hindi lang n'ya mahawakan nang matagalan si Ophelia nang biglang dumating ang lalaki na galing sa senior high.
'Di ko masyadong makita ang mukha n'ya dahil bahagyang nakaharang ang buhok n'ya sa mukha at may suot pa s'yang salamin.
Walang ekspresyon akong tumalikod at hindi na inabala pang makita ang pagbabago ni Krister mula nang makilala n'ya si Ophelia.
Inangat ko ang tingin sa lalaking kanina pa hawak ang braso ko. Bumungad ang itim n'yang mga mata sa akin at ang buhok n'yang kulay grey, s'ya na naman.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro