Chapter 01
SABRINA KYE CORBIN
“Nasa labas pala si Krister, Sabrina,” biglang sabi ng kaklase kong babae sa akin.
Napahinto ako sa pagsusulat ng calligraphy sa notebook at napatango kahit hindi nakatingin sa kan'ya. Inangat ko ang tingin at nakita ko lamang lumabas s'ya ng room dahil sa may tumawag sa kan'ya.
I lazily standed up and packed my things. Alam kong hindi makapaghintay ng one minute si Krister. Mahalaga raw sa kan'ya ang bawat segundo. Kaya nga nagtataka ako kung bakit mas mahalaga 'pang ubusin n'ya ang oras sa pag-iinom at pagsama sa mga barkada n'ya kaysa sa sunduin ako.
Hindi naman sa nagtatampo ako na mas importante ang barkada n'ya kaysa sa akin. Ang akin lang naman, h'wag n'yang iparamdam na 'yong oras na ibinibigay sa akin ay isang sagabal at waste of time lang sa kan'ya.
“Bakit ang tagal mo?” inis n'yang tanong nang lapitan ko s'ya rito sa labas ng room ko.
Salubong ang kilay n'yang nakatingin sa hawak kong sketch pad. Inangat n'ya ang tingin at mas lalo pang sumama ang timpla ng mukha n'ya.
I rolled my eyes. Binigay ko sa kan'ya ang bag ko. “Hawakan mo, uuwi na tayo, 'di 'ba? Ayaw mong masayang ang oras mo.” Nilampasan ko s'ya, nagsimula na akong mainis.
“H'wag mo akong magan'yan-gan'yan, Sabrina.” Bahagyang hinawakan n'ya ako sa braso at pinaharap sa kan'ya, bahid ang iritasyon sa kan'yang mga mata.
Inalis ko ang kan'yang kamay at tinaasan s'ya ng kilay. Ayaw ko talagang ginaganito n'ya ako.
“Anong magan'yan-gan'yan? Nagsasabi ako ng totoo. Nagmamadali ka, 'di 'ba? Labag lang sa loob mo ang sunduin ako,” sarkastik kong anas.
Napahilamos ang maugat n'yang kamay sa kan'yang mukha, animo'y nauubusan na s'ya ng pasensya.
“Pupuntahan ba kita rito kung ayaw kong sunduin ka?” mahinahon ngunit nababakasan ng delikado sa kan'yang boses. “Can you, please, iwasan mong makipagsagutan sa akin dahil umiinit ang ulo ko.”
“Huh?!” manghang bulalas ko at mabilis na hinablot ang bag ko sa kan'ya. “D'yan ka magaling. Umiinit ang ulo mo sa akin pero kung mga barkada mo nagagawa mong paglaanan ng oras,” mahaba kong hinaing, napahawak na lang ako sa noo ko. “You know what? Palamigin mo muna ang ulo mo bago mo ako sunduin.”
'Di makapaniwalang tinignan n'ya ako. “What the— Sabrina!”
“Bahala ka d'yan! ” sigaw ko, hindi ako lumingon man lang at mabilis na umalis do'n.
Mabilis ang hakbang ko hanggang sa nakarating ako sa labas ng department. Ramdam kong sinusundan n'ya ako at hinayaan ko naman. S'ya ang maghabol dapat at hindi ako. I'm a Corbin, and Sabrina Kye Corbin don't chase men. Dahil mismo lalaki dapat naghahabol sa isang kagaya ko.
“Ganito na lang ba tayo palagi, Sabrina? ” tila pagod na tanong ni Krister at mabilis akong hinarangan, nasa parking lot na kami.
Kusa naman akong napatigil at inis s'yang tinignan. Ang gusto ko lang naman mangyari ay h'wag n'ya akong sunduin kung napipilitan lang s'ya. I know he likes me because I'm one of a pretty girls here in our university and he only wants one thing from me and I don't want to give it to him.
Yes, I like him dahil guwapo s'ya at bad boy type. Ang astig kasi n'ya kaya nagustuhan ko s'ya. Cringe, right? 'Yan kasi ang gusto ng friends ko kaya na influence ako.
Napameywang ako sa kan'yang harapan. “Hindi tayo magiging ganito kung simpleng problema lang sa sarili mo hindi mo magawang itama.”
Aminado akong may pagkakamali akong ginagawa pero nagagawa ko namang itama ito. Hindi katulad n'ya na kahit alam n'yang mali, gura lang s'ya at walang pakialam.
“At talagang ako pa ang mali?”Namamanghang napataas ang boses n'ya. “Sabihin mo kako na maarte ka lang. Ginagawa mong big deal ang mga maliliit na bagay.”
At do'n napugto ang pasensya ko. Napapikit ako nang mariin bago sinalubong ang galit n'yang mga mata.
“I got enough, ayaw ko munang makipag-away sa 'yo.” Tinaas ko ang kamay na tila sumusuko na sa digmaan. “Let's talk some other time, ayaw kong mawala ang pag-intindi ko sa 'yo.”
Sa pangalawang pagkakataon ay nilampasan ko ulit s'ya. 'Di ko pa man mabubuksan ang kotse ko nang pinigilan na naman n'ya ako. Talagang makulit ang lalaking ito.
Humarap ako sa kan'ya at lumamlam ang kan'yang ekspresyon sa akin nang titigan n'ya ang mga mata ko. Parang nawala bigla ang galit n'ya at ang gusto na lang n'yang mangyari ay makipag-ayos sa akin.
I mentally smirked at myself. He can't resist my charm and I like my effects on him.
“I'm sorry, okay? Let me take you home, babe,” masuyo n'yang presenta nang ihatid ako.
“Sure ka bang wala kang importanteng gagawin?” alanganin kong tanong nang alalayan n'ya akong makapasok sa kotse ko.
“Wala na, kaya nga sinundo kita.”
Pumaikot s'ya ng lakad papunta sa pinto banda sa driver seat ay pumasok na ito. May kotse naman s'ya kaya lang dito ko gustong sumakay muna.
“Fasten your seatbelt, babe,” paalala n'ya na kaagad kong ginawa.
Tahimik ang namutawi sa amin hanggang sa nakarating kami sa akong bahay. Tumanggi s'ya nang inaya ko s'yang pumasok sa bahay namin for some reason. Ayos lang naman sa akin kahit ayaw n'ya. Baka kasi bangayan s'ya ng Kuya ko.
“You'll be safe, right?” tanong ko na ikinatango n'ya nang makababa sa kotse ko.
Alam kaagad ng driver namin na ihahatid n'ya si Krister sa labas dahil wala itong dalang kotse. Bago pa man makapasok si Krister sa kotse ay sinenyasan n'ya ako lumapit, sumunod naman ako.
He pulled me for a hug. Kusa akong yumakap pabalik. Nanlambot naman ang puso ko sa simpleng gesture n'ya.
“Don't you ever play with girls, okay?” paalala ko.
Ngising humiwalay s'ya sa yakap na para 'bang wala kaming pinag-awayan kanina.
“Jealous, huh?” mangha n'yang ani, napangisi ako at inikutan ito ng mata.
Sinunggaban kaagad n'ya ako ng halik sa labi na ikinatugon ko kahit gulat sa kan'yang ginawa. Hindi uso ang paalam sa kan'ya pagdating sa halikan kahit sa public place hindi na s'ya nahiya.
Sandali lamang ang pagsipsip n'ya sa labi ko nang ako mismo ang humiwalay sa halik. Mukhang nabitin pa s'ya pero kaagad akong humiwalay sa kan'ya at baka saan pa umabot.
“Sino naghatid sa 'yo?” bungad na tanong ni Kuya Ravien sa pintuan ng bahay bago ko pa s'ya lampasan.
Napatigil ako sa kan'yang harapan. Gaya sa lagi kong nadadatnan, may dala s'yang tungkod at nasa harapan ang tingin imbes sa akin. Hindi kumukurap ang kan'yang mga mata.
Hinawakan ko s'ya sa siko at hinalikan s'ya sa pisngi, napangiti s'ya dahil do'n pero kaagad ding nawala.
“Why are you aways here, Kuya? Dapat nagpapahinga ka, ah,” concern kong tanong at inalalayan s'yang maglakad.
“You aren't answering my question, sia,” bahid ang inis sa boses n'ya.
“My boyfriend. ”
Napataas ang kilay n'ya sa sinabi ko. “Krister? That f*ck boy?”
Natatawang hinampas ko s'ya sa braso. “Bad boy, not f*ck boy, eww.”
Hindi f*ck boy si Krister, babaero s'ya dati pero hindi na ngayon. People change kaya alam kong nagbago s'ya sa nagdaang taon at siguro dahil pagkatao.
Yo'n nga lang hindi lahat may nagbago sa kan'yang pagkatao, gaya na lang kanina. Ayaw n'yang magpatalo at palagi s'yang tama.
Kung nakikita lang ni Kuya Ravien ang mukha ko ngayon baka inikutan na n'ya ako ng mata. Nakalulungkot lang na nabulag s'ya dahil sa aksidenteng nangyari nakaraang taon.
“Ayaw ko sa lalaking iyon.” I can sense ang pagkadigusto sa kan'yang boses.
“Well, you can't do anything about it, Kuya. I like him,” sabi ko.
Sa huli nagpatalo na lamang s'ya. Kahit ayaw n'ya kay Krister sa umpisa pa lang, hindi n'ya ako pinilit na hiwalayan ito. May paki raw kasi s'ya sa nararamdaman ko.
Hinatid ko muna si Kuya Ravien sa kan'yang kwarto bago tumungo sa opisina ni Kuya Razmien. Nasa second floor lamang ito kaya hindi naging mahirap sa akin.
Bago ko pa man pihitin ang door knob ay kaagad akong natigilan nang maalalang ayaw pala ni Kuya Razmien na pumapasok kami sa kan'yang private room na walang pahintulot n'ya.
I compose myself first bago ako kumatok sa pinto.
“Come in,” rinig kong tugon ni Kuya Razmien sa loob.
Kaya tuluyan ko nang binuksan ang pinto at nadatnang abala s'ya sa pagt-type sa laptop. Nagtatarbaho na naman s'ya, lagi s'yang ganito bukod sa busy sa pag-business trip.
Dahan-dahan akong lumapit sa kan'ya at tahimik na umupo sa upuang kaharap n'ya.
“Kuya,” tawag ko para maagaw ko ang kan'yang pansin.
Nagtagumpay naman ako. Napatingin s'ya sa akin at bumungad kaagad sa akin ang nanliliksik n'yang mga mata. Kung 'di ko lang s'ya kilala ay baka napagkamalan kong galit s'ya sa mundo.
Medyo 'di halata ang pamumula ng kan'yang mga mata. I know before until now gumagamit pa rin s'ya ng pinagbabawal na gamot. Wala akong magawa upang pigilan s'ya dahil iyon ang paraan n'ya para pakalmahin ang sarili. 'Di ko alam kung nagsasabi s'ya ng totoo pero iyon ang sinabi n'ya.
“May kailangan ka ba?” malalim ang boses n'yang tanong sa akin.
Tinukod ko ang aking siko sa lamesang nagpapagitna sa amin.
“Kumusta si Daddy?” tanong ko.
Dahil sa aking tanong ay biglang sumama ang timpla ng kan'yang mukha. Napakagat ako sa sariling labi at napayuko. Ayaw n'ya palang binabanggit ang tungkol kay Daddy, lalo na sa bago n'yang asawa.
“Are you still hoping na tatratuhin tayong mabuti ng lalaking iyon? He choose his mistress than us, kaya h'wag ka nang humabol pa sa kan'ya.”
“Hindi sa gano'n, Kuya,” mahina kong depensa. “I just want to know kung talaga 'bang iiwan na n'ya tayo. Last time kasi umuwi sila rito kasama ang mistress n'ya. 'Di ko maintindihan kung tayo ba o ang babaeng iyon ang pinili n'ya.”
Wala na kaming Ina. Namatay s'ya nakaraang taon lamang no'ng time na naaksidente si Kuya Ravien. Daddy blamed Kuya Ravien sa pagkamatay ni Mommy kaya nagalit si Kuya Razmien. Hanggang sa naging magulo ang lahat.
After a year, bigla lang may inuwing babae si Dad at alam ko kaagad na mistress n'ya iyon. Buhay pa man si Mommy nambabae na si Dad.
Napabuga ng hininga si Kuya Razmien at tumayo sa pagkakaupo n'ya sa swivel chair. Umikot s'ya papunta sa akin at niyakap ako habang nakaupo pa rin sa upuan. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako sa kan'yang harapan.
“Never beg and never cry, Sabrina.” He kissed my forehead. “We are always here for you. We don't need someone like our asshole father, he don't deserve a daughter like you. Guard your heart and never ruin yourself.”
Tumango-tango ako at niyayakap ang malaki n'yang brasong nakapulupot sa aking leeg. Mabangis man na tignan si Kuya Razmien sa iba, he's a sweeties guy I ever meet.
Palagi n'yang sinasabi sa akin na dapat kami ang naglalaro, hindi ang pinaglalaruan lamang. Dapat wala kaming mapagkakatiwalaan kundi kami-kami lang magkakapatid. Dahil kahit mismo Daddy namin tinalikuran at binaliwala kami.
*********
Magandang gabi sa inyo! Gaya nga sa pinangako ko, posted na ang chapter 1 ng The Renegade Nerd. Nasa notebook ko kasi lahat sinulat at kailangan pang ilipat sa cp kaya medyo natagalan.
Nga pala, nalalapit nang maisasalibro ang isa sa story ko. Sa gustong makabili, baka next year mai-release na ang libro ko kaya may panahon pa kayo makapag-ipon.
Sa mga naghintay, maraming salamat at hindi n'yo nakalimutan ang nerd boys natin. Salamat din pala sa sumagot sa tanong ko, 'yong nakaraang post na nakalagay dito. Highly appreciated ni Heneral.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro