CHAPTER 7
PREPARATION...
KALI'S P.O.V
"Kali, Guia, pinapatawag kayo ni Nay Aurelia, nais nya daw kayong makausap tungkol sa plano nyo para sa inyong birthday bukas, guys mag te-ten narin kayo bukas! Advance happy birthday." Tawag sa amin ni Xavier, kababata, kalaro, kinakapatid, at kasamahan namin sa bahay, ang nanay niya kase ang nag-aalaga sa amin kapag-wala si Nay Aurelia, mas matanda siya sa amin ng isang taon lang, pero dahil medyo ka-vibes namin siya ay hindi namin siya tinatawag na kuya.
"Hala Kuya Kali, tara na baka kurutin naman tayo sa pingi ni Nay Aurelia." Nag-aalalang saad ni Guia sa akin, lagi kase kaming nakukurot sa pisnge kapag may nagawa kaming masama o hindi kami agad sumunod sa utos ni Nay Aurelia, may na-isip naman akong kalokohan hahaha.
"Guia, may sasabihin ako, lapit kang ka-unti sa akin." Seryosong utos ko kay Guia, lumapit naman ito sa akin, pagkalapit niya ay agad kong kinurot ang pisnge niya ng sobrang diin hahaha.
"Aray!" Sigaw niya na lalong kinatawa ko hahaha
"Sige salamat at lumapit ka hahaha, siyempre as kuya mo natural lang na dapat ako ang bwena manong kukurot sa pisngi mo hahaha." Tawang-tawang saad ko kay Guia, nakita ko namang nagdikit ang dawalang kilay nito kaya medyo napa-atras ako, mukhang alam ko na gagawin niya hahaha.
"Ikaw, talaga Kuya Kali!" Sigaw ni Guia sa akin kaya naman napatakbo na ako, humabol naman ito sa akin.
"Xavier! Sunod ka na lang ah!" Sigaw ko naman kay Xavier.
"Oo!" Sigaw naman nito pabalik kaya binilisan ko pa lalo ang pagtakbo ko.
Hays, napakabilis lumipas ng panahon, grabe magsasampong taon na nga simula nang mapunta kami dito sa Floresta Encantada, Fey Wild, Mundo da Fantasia, grabe parang kailan lang noong namatay ako at napunta sa purgatoryo, siguro ay nagtataka kayo kung bakit ko alam ang lahat ano? Well, noon kaseng fifth birthday celebration namin ni Guia ay ibinigay sa amin ng Supreme Dea Justo ang aking ala-ala na na-ipon sa mundo ng mga tao at ibinigay naman niya ang mga ala-alang na-ipon ni Guia noong isa pa siyang Guardian kaya naman advance na ang aming kaalaman kahit na magsasampong taon palang kami bukas, pero ewan ko ba dito sa kapatid slash kakambal ko haha napaka-isip bata, well tulad ng nakita niyo ay isip bata rin naman ako pero slight lang hahaha.
Alam niyo share ko lang ah, baka kase magtaka kayo at nakakapag-taglish ako, may anim na languahe dito sa Mundo da Fantasia na kagaya lang sa Mundo ng mga tao, as in! Pagkaka-iba lang nila ay ang mga ngalan ng mga lenguahe, sampolan ko kayo ng ingles ah, ipapaliwanag ko isa-isa ang mga language dito sa Mundo da Fantasia gamit ang Tous language na English language ang katumbas sa Mundo ng mga tao, simulan ko na ah...
The Elemental Plane official and planar language is called Plano lenguahe, which is equivalent to Filipino language in Mortal world...
Next is, Mundo da Fantasian official and unity language is called Tous Language, which is equivalent to English language in Mortal world, thats why I can use English language.
Next is, Enchaters and Spell Casters official and unity language, is called Anchants language, which is equivalent to Latin in Mortal World...
Next is Necropolis official and unity Language is called Undead Language, which is equivalent to Chinese language in Mortal World...
Next is, official and continental language of Dark Continent that called Trevasy language, which is equivalent to Korean language in Mortal World...
Yan yung lima, hindi kase sinasabi ni Nay Aurelia kung ano yung pang-anim dahil bawal daw ituro sa mga batang 15 years old pababa iyon, kabastusan daw kase sa mga Fantasian na gumagamit ng lenguaheng iyon, diba grabe sila? Pero kailangan nating irespeto ang kanilang desisyon.
Are you guys wonder, where the hell I gathered all the information that I share to you, ay pota wait nag-iingles na tuloy ako pasensya na, sige tagalog na ako ah, itinuro kase lahat ni Nay Aurelia lahat ng kailangan naming malaman tungkol sa Mundo da Fantasia, at ang dahilan naman kung bakit alam ko ang mga katumbas ng mga lenguaheng ginagamit dito sa lenguaheng ginagamit sa Mundo ng mga tao ay dahil mahilig magsalik-sik si Nay Aurelia tungkol sa Mundo ng mga tao, sa katunayan nga ay pangarap niyang makapunta sa Pilipinas kung saan ako nagmula, dahil alam niya naman na reincarnated kami ay kinukwento ko naman ang nga bagay na maaring hindi niya pa alam, pero potek, para kaseng alam niya na lahat sa Mundo ng mga tao dahil kaya lang naman ni Nay Aurelia na magsalita ng total of six thousand language na ginagamit sa mundo ng mga tao, paano ko nalaman? Well sinampolan niya kami ng pagsasabi ng "Hello" gamit ang six thousand language na ginagamit sa mundo ng mga tao at ginabi na siya bago matapos, pero ang galing lang hahaha nakaka-sana ol, ako kase kahit na una akong nagmula sa Mundo ng mga tao ay Japanese, English, at Filipino lang alam kong language eh.
Napatigil ako sa pagtakbo ng makita ko ang isang babaeng may napaka-among bilugan na mukha, na may singkit na mga mata at matangos na ilong, maliit lang ang buhok nito na hanggang balikat lang at may kulay na brown, nakasuot din ito ng pure white na dress. Kung susumahin ay mukha lang itong sampong taong gulang, ngunit huwag siyang istimahin dahil sa kanya ay lumaki kaming may magandang asal, siya lang naman kase ang aming ina dito sa Mundo da Fantasia, at ang pangalan niya ay Otima Mae Aurelia Picosa.
Hindi tumatanda si Nay Aurelia, dahil hawak niya ang Hold na inaasam ng lahat at iyon ang Eternal Youth Hold, Bearer Class.
"Nay, kinurot ni Kuya Kali pisngi ko!" Nagulat naman ako ng biglang sumigaw si Guia na nasa likuran ko ngayon habang naghahabol pa ng hininga.
"Ginawa mo ba yon Kali?" Mainahong tanong ni Nay Aurelia sa akin habang palapit ito sa kinatatayuan namin ni Guia.
"O-opo." Nahihiyang pag-amin ko, hays patay na nito siguradong makukurot ako nito sa pisnge, hindi naman kase madalas na magalit si Nay Aurelia, magagalit lang yan kapag hindi ka nagdasal bago matulog, binabantayan niya kase kami hanggang sa makatulog kami.
"Hays napakakulit mo talagang bata ka Kali, huwag mo na ulit gagawin sa kapatid mo iyon ah?" Mainahong saad sa akin ni Nay Aurelia, hinimas-himas naman nito ang ulo ko.
"Lapit ka nga Guia." Utos nito kay Guia, lumapit naman si Guia, pagkalapit ni Guia ay kinurot naman agad ni Nay Aurelia ang pisngi nito.
"Aray naman Nay! akala ko papagalitan mo si Kuya Kali pero bakit kinunsinte mo pa sya Nanay huhuhu at nakikurot ka din sa pisngi ko." Galit na sigaw naman nito kay Nay Aurelia kaya napataas naman ang kilay ko at napataas din naman ang kilay ni Nay Aurelia.
"Vita Guia Picosa! Bakit ganyan ka na kung makasagot sa akin ngayon?!" Galit na sigaw ni Aurelia kay Guia, nakita ko namang napayuko si Guia.
"Vita Guia Picosa, ipapaalala ko lang na bata nga ang ating katawan ngunit may mga ala-ala tayo ng isang teenager, kaya you should act with decency, nagbibiruan lang tayo at ganyan kana kung makasagit kay Nay Aurelia?" Seryosong saad ko din kay Guia, bigla namang tumulo ang luha nito at patakbong yumakap sa amin ni Nay Aurelia
"Triste, Nay at Kuya, hindi ko sinasadyang pagsalitaan ka ng masama Nay, triste..." Saad ni Guia habang umiiyak parin, huminga naman ng malalalim si Nay Aurelia at hinagod-hagod nito ang ulo ni Guia.
[Translation of Triste: Sorry o Patawad.]
"Triste din anak at nasigawan kita." Malumanay na panghingi ng tawad din ni Nay Aurelia kay Guia.
"Triste din Guia, alam kong dahil sa akin kaya mo nasigawan si Nay Aurelia." Paghingi ko din ng tawad, tumingin naman si Guia ng diretsyo sa amin ni Nay Aurelia at nagpunas ito ng luha.
"So, kaya ko kayo pinatawag ngayon, upang mapag-usapan natin ang magiging plano niyo sa inyong ika-sampong kaarawan." Nakangiting saad ni Nay Aurelia sa amin ni Guia, na-excite naman kami dahil doon.
"Nanay, ako po, I want a simple birthday party, kahit ganon na lang po sa theme noong nag-celebrate kami ng 3rd birthday party ni Guia." Suhesyon ko, ayaw ko kase yung sobrang bongga at magarbo eh.
"No! I don't want that kuya." Pagkontra naman ni Guia sa suhesyon ko, napakibit-balikat naman ako dahil doon, hays Guia talaga.
"Nanay, gusto ko po yung bonggang party like merong prince abd princess, tapos ako siyempre yung pinakamaganda at sexy na princess." Saad ni Guia sabay patong ng isang kamay nya sa kanyang ulo na para bang may inahawaka itong korona, habang ang isang kamay naman nya ay kumakaway kaway, hays, napa-face palm nalang ako dahil sa inakto niya.
"Ihh wag ka ngang umakto ng ganyan, hindi mo bagay noh! Mas bagay sa'yo maging isang Sniffler kesa isang prinsesa hahaha." Asar ko sa kanya, nag-pout naman siya lalo.
[Snifflers- isang uri ng fera (hayop) sa Mundo da Fantasia na tumutulong sa pag-aasikaso sa mga pasyente sa Hospital o Clinic sa Mundo da Fantasia, mukha silang platypus, pero ang kaibahan lang sa normal na platypus ay may height ng isang normal na tao ang mga Snifflers.]
"See, lalo kang nagmukhang sniffler kapag naka-pout ka hahaha." Pang-aasar ko pa kay Guia.
"Hays, tama na yan, baka mag-away na naman kayo, so ano na, simple theme or prince and princess theme?" Tanong naman sa amin ni Nay Aurelia.
"Hays, sige nay, yung gusto na lang ni Guia ang sundin natin." Pagsuko ko, kahit ganyan si Guia ay mas gusto ko paring na-ispoiled yan kaya naman kahit anong gusto niya ay sinusunod ko na lang.
"Ay talaga kuya? Thank you!" Masiglang saad naman ni Guia sabay yakap sa akin.
"No problem." Nakangiting saad ko din naman
"Okay, it settled, ang suhesyon na lang ni Guia ang susundin natin, sige na mga anak, maglaro na kayo sa labas at aayusin ko na ang mga dekorasyon para sa birthday party niyo para bukas." Nakangiting saad naman ni Nay Aurelia, sinunod naman namin ang ini-utos niya at lumabas na...
...
AURELIA'S P.O.V
Nang makalabas na ang kambal ay tinawagan ko naman gamit ang TeleCom si Olin, ang nanay ni Xavier upang tulungan ako sa pag-aayos ng aking tahanan para sa birthday party ng aking kambal.
[TeleCom- Stand for Telephaty Communication, ito ang ginagamit ng mga Fantasian upang makapag-usap sila basaang sulok man sila ng Mundo da Fantasia gamit ang isip.]
"Olin, yara na at mag-umpisa na tayong mag-decorate ng bahay." Masayang saad ko kay Olin gamit ang TeleCom.
"Sige Otima at uuwi na ako ngayon din." Saad naman nito, kaya naman umupo muna ako at hinintay siya...
Ilang minuto ang nakalipas ay narinig ko namang may pumasok sa pintuan kaya napatayo ako, at pumunta sa pinto, doon ko naman nakita si Olin na binababa ang mga pinamiling gulay.
"Pasensya na kung natagalan ako Otima ah, masyado kaseng maraming namimili sa maliit na pamilihan natin." Paliwanag naman nito, nginitian ko naman siya.
"Ano ka ba Olin, ayos lang iyon, so pahinga ka muna maya nalang tayo mag-decorate mukhang pagod na pagod kana ih." Saad ko naman dito, grabe na kase ang pawis na tumutulo sa kanyang noo.
"Ay hindi na Otima, magpapalit lang ako ng damit at magsimula na tayo, hays napakabilis ng panahon ano? Magsasampong taon na nga sila Kail at Guia, parang kailan lang noong inehele ko sila." Pag-alala naman ni Olin noong sanggol pa ang kambal, napangiti naman ako dahil doon.
"Oh sige na Otima, palit lang ako ah." Paalam naman ni Olin sa akin na tinanguan ko naman, kaya naman naglakad na siya papunta sa kwarto nila ng anak niya at pumasok doon upang magpalit...
Ilang saglit lang ay lumabas na ito.
"Tara na Otima, simulan na natin." Yaya naman nito sa akin.
"Sige tara na." Saad ko naman sa kanya.
"Ó todos os utensílios que estão nesta casa, ouçam meus mandamentos e obedeçam-me." Sabay naman naming pag-chant ng isang Enchanment na ginagamit upang utusan ang mga bagay na walang buhay, tulad ng mga kagamitan sa loob ng aking tahanan.
[Translation: Oh lahat ng kagamitan na nasa loob ng bahay na ito, dinghin ang aking mga utos at ako'y sundin.]
Wala kaming ibang ginawa kung hindi utusan ang mga kagamutan kung anong dapat nilang gawin...
...
Nasa taas po ang picture ni Otima Mae Aurelia Picosa, para sa mga kyubies ko na hindi talaga ma-imagine ang pagkaka-describe ko sa kanya.
(~ ̄³ ̄)~
Don't forget to vote, comment your feedback, and share my story
( ╹▽╹ )
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro