Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 67: DISASTER BEGIN!

DISASTER BEGIN!

KALI'S P.O.V

"HAHAHA Bobo ka ba Kali, diba Obvious, isa ako sa mga Pesso Doble, at Hahaha ako ang kanilang pinuno" Saad ni Soliel na ikina-inis ko, pero napangiti rin ako sa isiping nag-tagumpay kami nila Guia, Ate Adhira, Lilith at Kuya Lucian, hindi namin sinali at hindi pinaalam kay si Xavier ang plano upang mas lalong madala si Soliel na may gulo na nga sa pagitan nila ni Kuya Lucian at nagpapagilo din saamin.

"HAHAHA gaga tagal na naming alam na mayron kang masamang balak, ikaw nalang ang inihintay naming umamin" Tawang-tawang saad naman ni Ate Adhira kay Soliel, kita naman ngayon ang itsura ni Soliel na halatang gulat na gulat.

"H-How?" Nauutal at gulat na tanong naman ni Soliel.

"Remember noong pumunta ako sa Diretora's Office noong naka-confine sila Kali? Hindi lang pag bibigay ng uniform ang oniutoa saakin ng Diretora, kundi pati na ang pagmaman-man saiyo" Naka-ngising saad naman ni Ate Adhira kay Soliel, kita namang nagulat ang mulha ni Soliel dahil doon.

"Napaka-galing HAHAHA" Tumatawa at pumapalak-pak pang saad ni Soliel ng maka-bawi n ito sa pagka-gulat.

"Wala ka nang matatakbuhan ngayon, pati kayong dalawang taksil" Seryosong saad ko naman kay Soliel, sabay turo kay Con at Riri.

"HAHAHA Well di kami natatakot sainyo, bitches" Sagot naman ni Riri, aba iba din pala ang totoong ugali nito.

"HOLOCAUST: SPEEDY BOMB!" Sigaw naman bigla ni Soliel na nagpagulat saamin, bumulusok naman papunta saamin ang isang nag-aapoy na bola, sa sobrang bilis nito ay parang hindi nakayanan ng reflexes ko na umiwas pa kaya naman napapikit nalang ako para sana salubungin ito....

Ngunit ilang saglit pa ay may narinig akong isang napakalakas na pagsabog, ngunit wala naman akong naramdamang sakit kaya naman unti-unti kong ibinuka anv aking mga mata at doon ko nakita ulit kulay gold na parang glass na nasa harapan ko ngayon, nakita ko na noon itong ginamit ni Nay Olin, jaya naman tumingin ako sa likuran at doon ko nakita si Xavier habang gamit si "Alessia, The Sphere of Protection" grabe mas lumitaw ang kagandahan ni Xavier dahil sa itsura niya ngayon, naka-white dress ito, na may Anim na mga pak-pak at may kulay gintong hugis orasan ang masa uluhan nito na naglalabas ng liwanag na bumubuo sa shield.

"Aba-aba mayroon ka palang tinatagong ganyang kapangyarihan, Xavier Hahaha, bakit mo pa ba sila pinoprotektahan, eh halos kaming dalawa lang ni Kali ang naniwala sa iyo noong araw na sinasabing nangaliwa ka hindi ba? Dapat ay magalit ka sa kanila! Magalit ka sa kanila! Maari ka namang sumama saaming grupo kung gusto mo, sasamahan ka naming maghiganti Hahaha" Saad ni Soliel kay Xavier habang tumatawa, nanag tignan ko naman si Xavier ay naka-ngisi lang ito at parang wala lang sakanya ang mga sinasabi ni Soliel, akala ba ni Soliel ay madadala niya sa ganyan si Xavier? Good luck nalang sakanya.

"Hahaha hoy babae, hindi mo ba alam na nasa plano din namin iyon? Hahah at alam ni Xavier ang nagagnap kaya hindi mo ba napansin na biglang naging okay na sakanya ang lahat? Hahaha LT ka ghorl grabe di mo pa pala napansin yon" Tawang-tawang saad ni Ate Adhira kay Soliel, kita namang nainis ang mukha ni Soliel dahil dito, pero teka, di sinabi saakin ni Ate Adhira na alam na pala ni Xavier? Kaya anman tumingin ako ng masama kay Ate Adhira kaya anaman nag-peace sign ito.

"Mga Desavergonhado! HOLOCAUST: BOMB BARAGE!" Sigaw nito atsaka sunod-sunod na pinatama ito sa shield na ginawa nis Xavier ng walang tigil.

"AHHHHH!" Sigaw pa ni Soliel at lalo pang binilisan ang ang pagpapa-ulan nito ng bola ng apoy na kapag dumikit sa shield ay sumasabog.

Nag-alala naman ako ng mag-kalamat ang shield sa may harapan ko kaya anman tumingin ako kay Xavier, dahil sabi nga nila, "kung anong nangyayari sa Hold, ay ganon din anv anangyayari sa kanyang user, at nanag katingin ko ay nakita kong todo na ang pagdugo ng ilong niya.

"XAVIER!" Sigaw ko upang kunin ang kanyang pansin, tumingin naman sila Ate Adhira kay Xavier.

"Xavier anong nangyayari?" Nag-aalalang  tanong ni Ate Adhira kay Xavier.

"Di ki makontrol ng maayos anga king Hold Power dahil first time ko palang gamitin ito kaya nagno-nose bleed ako Ate" Saad naman ni Xavier habang tumutulo ang dugo sa ilong, naawa naman ako sakany, pero bigla namang lumakas ang mga pagsabog kaya napatingin ako sa gawi nila Soliel at doon ko nakita na tumulong narin sila Riri at Lincoln sa pag-ayake sa shield, nahlalabas ng snow si Limcoln at si Riri naman ay naglalabas ng diamond na kulay black, so si Lincoln pala ang gumamit ng Curse Snow noong nakaraan, masasabi kong malakas din ang Hold ng dalawang mag-asawa, dahil sa teing tumatama ang snow at black diamond sa shield ay nagkakaroon iyo ng butas.

Ilang saglit pa ay mabasag na ang shield kaya naman napatingin kami ulit kay Xavier at doon naming nakitang sapo-sapo na ito ni Kuya Lucian, wala narin ang gamit nitong sphere, nag-tigil naman ang mga atake nila Soliel kaya naman linapitan na namin si Xavier na nakahiga ngayon sa bisig ni Kuya Lucian.

"Xavier! Ayos ka lang ba?" Tanong kay Xavier nanag makalapit na ako.

"Oo naman, pero hindi ko na kayang igalaw pa ang katawan ko, nabigla siguro ang katawan ko dahil first time kongbgamitin ang Hold ni Nay Olin" Saad naman ni Xavier na halatang nanghihina, at dahil doon ay napag-desisyunan kong ako na ang lalaban sa mga Pesso Doble, kaya naman tumayo na ako at naglakad papunta sa mga peso doble habang nakayuko.

"Kuya anong gagawin mo?" Tanong naman ki Guia saakin.

"Lalaban ko sila ng mag-isa" Walang emosyong sagot ko kay Guia.

"Sasamahan ka namim Etits" Saad naman mi Ate Adhira, umiling naman ako.

"Huwag na ako nalang mag-isa, Guia, pagilingin mo si Xavier" Saad ko naman sabay utos din kay Guia, kaya tumahimik na sila, pinalitaw ko naman ang Held ko upang gamitin sa pakikipaglaban, hindi ko gagamitin ang Hold ko dahil baka mapatay ko sila, wala pa naman silang ginagawa sa pamilya ko kaya, hangga't maari ay hindi muna ako gagamit ng Hold, tanging Held muna ang gagamitin ko.

"APPEAR!" Sigaw ko naman at lumabas saaking Held si Fuchsia, nang mapatingin ako sa gawi nila Soliel ay kita ko namang gulat ang reaksyon nila Con at Riri, hindi kase nila alam na si Fuchsia ang Bosom Fera ko.

"Huwag kayong mag-alala, hindi ako magpapatulong kay Fuchsia para labanan kayo" Walang emosyong saad ko.

"K-Kahit gamitin mo pa ang ibon na yan ay-ay wala kaming pakialam!" Nauutal naman na saad naman ni Soliel.

"KYEEEKKK!" Sigaw naman ni Fuchsia sabay buga ng kulay pink na apoy papunta sa direksyon nila Soliel, bihla namang may nabuong metal sa harap nila Soliel, kung di ako nagkakamali ay yung isang kasama pa nila na nasa likod ang gumagawa ng metal, pero kitang nalusaw ito dahil sa sobrang init ng apoy ni Fuchsia, nakita ko naman ang pag-aalala sa mukha nila.

"Fuchsia, samahan mo nalang si Soliel sa pag-papagaling kay Xavier" Saad ko namang kay Fuchsia.

"Masusunod" Sagot naman nito saakin at lumipad na paroon kari Guia.

"Simulan na natin, di ko pa nagagamit gamitin ito, kaya kayo ang unang makaktikim ng aking Held" Walang emosyong saad ko sakanila.

"HAHAHA minamaliit mo talaga kami ah! Sige pagbigyan na natin siya!" Tawang-tawang saad ni Soliel.

"Sige ba!" Masayang saad naman ni Riri.

"HOLOCAUST: DEVASTATION!"

"ICY: CURSED SNOW!"

"CARBONADO: DIAMOND BARAGE!"

"METAL: BOWLING RIFFLE!"

Sunod-sunod nilang sigaw sabay patama ng kanilang mga atake papunta saakin, bigla nalang umulan ng snow katulad nanag nagyari sa labas ng Oath Cave Of Supremes noon, sabay naamang may paparating na matitilos na black diamond, bola ng apoy at bilog na metal ang paotama saakin ngayon.

Itinapat ko naman sa harap ang aking payong at para bang may nagsasabi saakin na ikut-ikutin ko ito na ginawa ko naman.

Ilang saglit pa nanag tumama sa aking payong ang mga atake nila ay bihla nalang naging abo ang mga ito, wala di g makalapit na Cursed Snow saakin dahil mga nasa dalawang dangkal na layo palang ito saakin ulo ay nagco-condense na ito, nakita naman ang gulat sa kanilang mukha, nginisian ko na naman sila.

"Ano? Yun na yon?" Tanong ko sakanila sabay ngisi ng pilyo.

"Desavergonhado! Hi di pa kami tapos!" Sigaw naman ni Soliel na halatang napikon sa sinabi ko, sabay naman na mas lumakas pa ang pag-atakeng pinapatama nila saakin, mas linakasan ko naman ang ikot ng payong ko kaya naman nawawalan ng kwenta ang kanilang atake, ngunit nagulat nalang ako ng biglang may tumamang bolang metal saaking likuran, shit, di ko napansin yon ah, at saka naman nagsunod-sunod ang mga atakeng tumama saakin.

"AHHHH!" Sigaw ko naman dahil ramdam na ramdam ko ang mga sakit na tumatama saakin.

"KYEEEK! KYEEKKK!" Dinig ko din namang sigaw ni Fuchsia na tila ba'y nararamdaman din ang sakit na nararamdaman ko, kaya naman kahit labag sa nais ko ay gagamit na ko ng Hold Power.

"DARK PULSE!" Sigaw ko at saka hinulma na parang baril ang daliri, inipon ko lahat ng Energia na tumatama saakin at dinerive ko ito bilang bagong energia, at doon ako naglabas ng itim na e energia na tumama sa gawi nila, nakita ko namang tumilapon sila.

"KUYA! ANG LAKI NG PINSALANG NATAMO NI FUCHSIA!" Sigaw ni Guia at doon at napatingin at pumunta sa gawi nila upamg matignan ang lagay ng Bosom Fera ko ngunit nabigla naman ako ng may tumama na namng bola na gawa sa metal sa aking likuran kaya sa sobrang lakas non ay tumunog pa ang spinal cord ko, shit feel ko nabali ito, kaya naman napaluhot nalang ako.

"H-Hindi pa tayo tapos!" Nanghihinang sigaw parin ni Soliel, kaya naman gumamit ako ulit ng Hold and this time yung paralytic attacked.

"EXTINCTION: DELLUSION!" Sigaw ko sabay tumingin sa kanila, kita ko namang bigla silang lumuhod at nagsisigaw na para bang may nakikita silang nakakatakot, nag-quick step naman ako sa harapan nila Soliel habang naka-luhod parin, nang nasa harap na ako nila Soliel ay pinilit kong tumayo kahit nahihirapan na ako at bumanggit ng Enchantment.

"Oh meu abraço Sendo siga minha vontade, faça-lhe uma algema que restringirá o poder de qualquer um" Saad ko sa isang Enchanment na panggawa ng posas na pipigil sa kapangyarihan ng isang nilalang, bigla namang nagkaroon ng itim na energia ang nabuo saaking palad, ilang saglit pa ay lumitaw na ang apat na kulay itim na posas na dali-dali ko namang ikinabit kay Soliel, Con, Riri, at doon sa isa pa nilang kasama, ngunit na-curious naman ako sa mukha nito kaya naman tinanggal ko ang maskara nito, ngunit nagulat naman ako sa itsura nito.

[TRANSLATION: Oh aking Hold Being sundin ang aking nais, gumawa ka ng posas na pipigil sa kapangyarihan nino man]

"Hindi maari, A-Amanda Antenor" Nagugulat na saad ko, pinawalang bisa ko naman ang Hold Power ko, hinimatay naman sila nang mapawalang bisa ko naman ang Hold Power ko, kaya pumikit na ako para pumunta naman sa gawi ng mga kasama ko para kumustahin na ang lagay nila lalong-lalo na ang aking Bosom Fera na si Fuchsia.

Ngunit hindi ko maramdamang lumalabas ang Death Aura ko na kailangan upang makapag-quick step kaya naman dumilat ako at doon ko nakita ang pigura ni Lilith na nasa Harapan ko at nanag tignana ko kung nasaan ako ay nakita ko namang hindi pala ako nakapag-quick step dahil nasa likuran ko parin ang grupo ni Soliel.

"Oh Lilith nasan sila bakit ikaw lang mag-isa?" Tanong ko dito.

"HAHAHAHAHAHAHA" Tawang Demonyo naman ni Lilith kaya naman napataas ako ng kilay.

"Bakit ka tumatawa?" Tanong ko naman dito.

"Wala, nakaka-awa kasw kayo" Sagot niya naman, na ikina-inis ko naman.

"Ano bang nangyayari saiyo Lilith? At saka nasan ba sila Guia?" Tanong ko naman kay Lilith.

"Ah nandun sila oh" Turo niya, haus Lilith talaga nakikipag buruan pa.

"Ano ba Lilith, tama na ang biruan, nasaan ba sila?" Tanong ko naman ulit.

"Ayun nga HAHAHA" Tawa niya naman kaya sa inis ko ay tumingin nalang dina ko sa tinuturo niya at doon ko nga nakita ang mga walang malay na katawan nila Guia, Ate Adhira, Kuya Lucian, at Xavier na hawak ng mga naka-black na armor na mga lalake.

"Anong ibig sabihin nito Lilith?" Tanong ko naman sakanya, pero napadapa naman ako nh sipain ako nito sa mukha.

"ARAY!" Galit na saad ko naman, pero hindi pa ito na kuntento nang mapatadapa ako sa lupa ay inapak-apakan nito ang ulo ko at pinadyak-padyakan ito.

"HAHAHAHAHA ramdam mo ba ang sakit ah? HAHAHA" Tawang Demonyong saad nito habang pinapadyak-padyak ang aking ulo.

"NASASAKTANA KO! EXTINCTION: DELLUSION!" Galit na sigaw ko naman na nag patulala sakanya.

"Iyan ang bagay saiyo" Saad ko ngunit ilang saglit lang ay...

"HAHAHAHA pinapasakit mo ang tiyan ko HAHHHAHA alam mo bang nasa "ANTI-HOLD BARRIER" tayo? HAHAHA kaya wala nino man sainyo ang makakagamit ng Hold HAHAHA" Tawang-tawang paliwanag nuto na nagpakaba saakin.

"P-Paanong nanagyari iyon?" Nahihirapang tanong ko dahil sinisipa--sipa niya parin ang aking ulo at ramdam ko ang sakit non alalo pa at tumatama ang takong nito saaking ulo at mukha.

"Simple lang, kaninang naglalaban kayo ay kasalukuyan nanag sineset-up ng mga kawal ko ang Barruer hahaha, siya nga pala ayahan mong magpakilala ako saiyo ng maayos, uh~" Tigil niya muna dahil huminga muna ito ng malalim.

"Ako nga pala si "AKUJI LILITH NAREZZA EQUINOX" ang Prinsesa ng Dark Continent HAHAHAHA"...

...

Desavergonhado- Walang Hiya/Makapal ang mukha

Sorry guys hindi ako nakapag- update kahapon sobrang nanghihina katawan ko, pasensiya na anemic si author eh, sana magustuhan niyo ang chapter na ito, enjoy
(◍•ᴗ•◍)❤

Don't forget to Vote, Comment your feedback, and Share my story
( ╹▽╹ )

ɢᴏᴅsᴘᴇᴇᴅ ᴋʏᴜʙɪᴇs ( ˘ ³˘)♥

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro