CHAPTER 40
TALKING TO THE MOON...
PRINCE RHYS' P.O.V
Lahat kami ay tahimik na naglalakad patungo saaming room. Dinig din naman lahat ng tiliian at mga papuri para saamin, ngunit parang wala lang naririnig ang mga kasama ko kahit na si Zen at Shaine na palangiti at pala-tawa…
"Guys, alam niyo napapaisip ako. Bakit kaya hindi ginamit ng hampas lupang iyon yung Death Aura niya noong nagka-ingkwentro kami?" Pagbasag naman ni Tantan sa katahimikan ng grupo dahilan para sabya-sabay kaming mag buntong hininga.
"Oo nga naisip ko rin 'yan." Pagsang-ayon naman ni Glenn dahilan para mapatingin kami sa kanya na nasa likod ngayon, minsan lang ito sumang-ayon kay Tan-tan, dahil halos si Glenn lagi ang kumokontra kay Tan-tan kaya naman nakabibiglang sumang-ayon siya ngayon dito.
"Baka naman hanggang Death Aura lang ang kaya niyang gawin. Baka wala naman siyang panama sa tunay na laban na ginagamit ang Arte Fight at Hold Power." Pagsingit din ni Guen sabay yakap kay Tan-tan. Tsss mga bastos, walang respeto sa mga walang kasintahan.
"Mga Kuya may napansin lang ako!" Sigaw bigla ni Zen dahilan para tumingin kami sa kanya ng nag tatanong. "Ano ba iyon, Zen?" Tanong naman ni Shaine dito.
"Bakit pala tayo naglalakad? Eh kaya naman nating mag-ejection!" Sigaw nito na nagpasapo sa noo naming magkakaibigan
"Ay inang-ina 'yan, bakit ko ba laging nakakalimutan na may ganyan pala tayong kakayahan hahaha." Tumatawang saad ni Tatan habang nakasapo sa kanyang noo at nagtawanan na nga kaming lahat pati na si Glenn. Kaming mga Royalties ay may kakayahang pumunta sa gusto naming lugar basta nakita namin ito ng personal at napuntahan namin ito ng personal – ang tawag sa kakayahan na tanging ang mga Royalties lang ang may kayang gumawa ay "Ejection."
"Hays tara na nga at sabay-sabay na tayong mag-eject." Yaya ko sa kanila na agad naman nilang sinunod kaya pumikit na kaming lahat at i isip na ang Dorm Room namin….
….
Nang pagmulat ng aming mata ay ka-agad na kaming nandito sa loob ng aming room…
"Mga Kuya at ate umupo muna kayo at ipagluluto ko kayo ng makakain." Nakangiting saad ni Zen sa amin at lumakad na papuntang kusina. Hays ang swerte talaga namin sa kanya…
"Guys pero sa totoo lang. Sobrang nabibilib parin ako kay Sephtis kanina, grabe ako na Dark Botany Holder na related sa Dark Hold ay nakaramdam din ng takot sa Death Auran niya." Nakasandal sa sofang sabi ni Shaine. Wait, napansin ko ngang nanginginig at natakot pa siya dito kanina. Eh sa pagkaka-alam ko kapag Dark-related Holder ka ay hindi ka tatablan ng Death Aura.
"Baka hindi ka gumamit ng Death Aura kanina Shaine." Seryosong tanong naman ng kuya nito na si Glenn.
"No, sa totoo niyan nilabas ko na ang isang daang pursyento ng Death Aura ko. Kaya medyo dumugo ang ilong ko – pero grabe wa' epek! Naramdaman ko parin ang takot na tagos sa buto." Nakapikit at nakasandal sa sofang saad ni Shaine na nagpalaglag ng panga namin. Sobrang gulat ang reaksyon namin ni Tan-tan, Guen, Glenn, at Breeze. Like what the fucking tape!
"A-Are you k-kidding right, sis?" Nakanga-ngang tanong sa kanya ni Glenn. "Nope, as I was saying, I gave my all– but I think 'di parin enough 'yon para malabanan ko ang Death Aura ni Sephtis." Nakapikit at Nakasandal sa sofang sagot nito.
"B-Baka naman nagkamali ka lang ng calculation ng percentage ng Death Aura mo?" Nauutal na sabi naman ni Guen. "No Ate Guen, tiyak akong isang daan na ang ibinigay ko. Oh siya sige na hindi na ako kakain at mauuna na akong pumanhik upang matulog." Walang gana nitong saad. Masyado kaseng competitive si Shaine pagdating sa mga ganitong bagay na nadadamay ang mga Hold, siya kase ang tinaguriang pinakabatang may pinakamalakas na Death Aura na mahahalintulad sa Death Aura ni Deus Trevas, Deus of Darkness. Kaya alam kong dinaramdam niya ito ng sobra.
"Sis, 'wag mong masyadong damdamin. Ikaw parin naman ang mas mataas ang status kesa sa kanya." Pag-momotivate naman ni Glenn sa kapatid.
Itinaas naman ni Shaine ang kanyang kamay at nag-thumbs-up na nangangahulugang sumasang-ayon siya sa sinabi ng kapatid.
"Mga kuya at ate, pumunta na po tayo sa hapag-kainan at kumain na." Usal naman ni Zen na agad naman naming sinunod at pumunta na sa hapag. Talaga namang amoy na amoy ngayon dito ang napakasarap na amoy na luto ni Zen. Siyet nagutom tuloy ako lalo!
"Anong niluto mo para sa amin Zen?" Tanong ko naman. "Ah nagluto po ako ng fried rat-ear mushroom with butter milk souce and mixed veggies puree. Sana po magustuhan niyo." Nakangiting saad nito sa amin. Kaya naman pumunta na ito sa may kalan at sumandok na. Isa-isa niya kaming pinag-ahin ng pagkain, ngunit napatigil ito ng mapansing wala si Shaine…
"Uhmm Kuya Rhys nasaan pala si Shaine?" Tanong nito sa akin. "Hays, ayun dinamdam ata ang Death Aura ni Sephtis. Kaya ayun nauna ng pumanhik at natulog." Buntong-hiningang sagot ko kay Zen…
"Ah ganon ba kuya, sige ipagdadala ko na lang siya mamaya ng pagkain." Nakangiting sagot naman ni Zen. Kumain lang kami ng Kumain. Pagkatapos ay nagkanya-kanya ng pumasok sa sara-sariling kwarto. So guys dahil nga royalties kami ay mas malaki ang room na napunta sa amin, may sampung kwarto ito, ngunit pito lang ang nagagamit, dahil nga pito lang kami, kaya pitong kwarto na tig-iisa kami, mayroon din itong isang library room, isang Gym room, at isang Training room kung saan kami nagsasanay.
Nang matapos ko na lahat ng night routines ko ay tumalon na ako sa aking malambot na kama at ipinikit na ang mga mata. Ngunit ng pagpikit ko ay nakita ko bigla ang nakangiting itsura ni Kali. Kaya napamulat ako bigla, sabay non ang malakas na pagtibok ng puso ko. Kaya naman inabot ko ang tubig na nasa-side table ko at ininom ito ng isang lagok lang. "Bakit ganito ayaw paring tumigil sa pagtibok." Pagka-usap ko sa sarili ko. Kaya naman nagdisisyon akong lumabas sa room at magpahangin muna sa fountain sa harap ng building…
…
KALI'S P.O.V
"Gosh! bakit ba ayaw akong dalawin ng antok." Inis na turan ko sa aking sarili, dahil sa yuwing lipikit ako ay tanging ang mukha lang ng prinsepeng humalik at tumulong saakin kanina, fuck ayaw niyang mawala sa isipan ko!!!
"Hays maka-inom nga ng tubig na malamig" Saad ko sa aking sarili. Kaya naman bumangon ako at naglakad papunta sa kusina upang kumuha ng tubig na malamig, ngunit may narinig akong isang tinig na tila ba'y may pinag-uusapan ng pasikreto kaya naman sa sobrang pagka-curious ay nakinig ako ng palihim sa usapan nila…
"Uhmmm opo ama, nakaharap ko na po ang prinsepeng pinahihinalahan nating may hawak sa Life and Death Hold." Saad ng isang tinig ng babaeng isa sa mga kaibigan ko.
"Opo, yes po, uhmm medyo po." Dinig kong mga sagot nito sa kanyang kausap…
"Lilith! sinong kausap mo?" Tanong ko dito na nagpabigla sa kanya.
"Uhmm, ano Uhmm yung tatay kong n-nasa Outcast Federation, kinukumusta n-niya kase ako." Nauutal-utal at halatang kinakabahang saad ni Lilith. Ngunit pinagsawalang-bahala ko na lang, dahil baka talagang ganyan lang siya kapag nagugulat – maralas siyang nagiging balisa.
"Ah ganon ba, o sige maiwan na kita. Sige kausapin mo pa ang tatay mo ng matagal Lilith at ako'y lalabas pa upang magpahangin at magparating ng tulog sige na, bye-bye." Paalam ko namam kay Lilith at lumabas na ng pinto.
"Hayss saan kaya pwedeng magpahangin?" Tanong ko sa aking sarili. "Ay wait alam ko na! Gosh ang ganda nung fountain na may disenyo ni Deus Amare, Deus Of Love sa harap ng building na ito, Uhmm mapuntahan nga." Pagka-usap ko ulit sa aking sarili…
…
THIRD PERSON P.O.V
Naglalakad na ngayon si Kali patungo sa Fountain sa harap ng kanyang tinutuluyang building….
Nang tuluyan ng makalabas si Kali ay may naaninag itong pigura ng isang lalake na nakatalikod at naka-upo sa Fountain. Kaya naman lumapit siya rito ng paunti-unti at nang tuluyan na itong makalapit ay kinalabit niya ito upang sanang humingi ng permiso upang maka-upo sa tabi nito, ngunit ng pagharap ng lalake sa kanya ay talaga namang parang umakyat ang dugo niya sa kanyang ulo at tumibok ng napakalakas ang kanyang puso.
"P-Patawarin niyo po ako sa aking kalapastanganan." Nauutal na paghingi ng tawad ni Kali sa prinsepe. "H-Hindi okay lang, gusto mo bang umupo sa tabi ko?" Pag-anyaya naman sa kanya ng Prinsepe. Wala naman sa sariling sinunod niya ang paanyaya ng prinsepe sa kanya…
"Alam mo Sephtis, gustong-gusto kong pinapanood ang Lua tuwing ganitong bilog na bilog ito." Wala sa sariling saad naman ng Prinsepe kay Kali.
"Parehas pala tayo mahal na prinsepe, gustong-gusto ko ring pinapanood ang bilog at maliwanag na buwan. Alam niyo ba, noong nasa mund- este noong bata pa ako, sa tuwing pinapanood ko ang buwan ay lagi akong napapakanta " Saad din naman ni Kali sa Prinsepe.
"Bakit ka naman napapakanta?" Tanong naman ng prinsepe kay Kali. "Ah wala trip ko lang po mahal na prinsepe." Sagot naman ni Kali na nagpaseryoso sa mukha ng prinsepe. Kaya naman hinarap ng prinsepe ang mukha ni Kali sa kanyang mukha, nagtama ang kanilang paningin. Walang nais magpatalo, walang nais umiwas sa titigan nilang dalawa hanggang sa magsalita ang prinsepe…
"Cut that formality." Saad ng prinsepe kay Kali. Kaya naman nag-red ng sobra ang mukha ni Kali at nagtriple rin ang tibok ng kanyang puso, kaya naman tumingin na lang ulit uto sa Lua. Ganon din naman ang ginawa ng prinsepe. Ilang saglit pa ay biglang kumanta si Kali….
(TALKING TO THE MOON)
(BY: BRUNO MARS)
I know you're somewhere out there
Somewhere far away
I want you back, I want you back
My neighbors think I'm crazy
But they don't understand
You're all I have, you're all I have
At night, when the stars light up my room ~
I sit by myself
Talking to the moon
Trying to get to you
In hopes you're on the other side, talking to me too
Or am I a fool, who sits alone, talking to the moon
Oh~
Bigla nalang napatingin ang prinsepe kay Kali at napatulala ito dahil sa nagulat at nabilib ito sa kagandahan ng boses ni Kali …
I'm feeling like I'm famous, the talk of the town
They say I've gone mad
Yeah, I've gone mad
But they don't know what I know
Cause when the sun goes down, someone's talking back
Yeah, they're talking back, oh~
Nakatitig at tulala parin ang prinsepe habang tinitigan si Kali na patuloy parin sa pagkanta…
At night, when the stars light up my room
I sit by myself
Talking to the moon
Trying to get to you
In hopes you're on the other side, talking to me too
Or am I a fool, who sits alone, talking to the moon~
Bumabalik naman sa isipan ni Kali ang pag-rereject sa kanya ni Mae noong nabubuhay pa siya bilang tao. Kaya medyo naiiyak at puno ng damdamin itong kumanta…
Ah-ah, ah-ah, ah-ah
Do you ever hear me calling
(Ah-ah, ah-ah, ah-ah) Oh-oh-oh, oh-oh-oh~
'Cause every night, I'm talking to the moon
Still trying to get to you
In hopes you're on the other side, talking to me too
Or am I a fool, who sits alone, talking to the moon
Oh
I know you're somewhere out there
Somewhere far away~
Pagtapos ni Kali sa kanyang kanta sabay tingin sa prinsipe at ngumiti dito ngunit nagulat na lang siya sa sumunod na ginawa ng prinsepe...
Hinalikan niya lang naman si Kali ng biglaan kaya naman na-shock si Kali at Nakatulala lang ito habang hinahalikan siya ng Prinsepe…
Bigla namang may umilaw sa pulsuhan nilang dalawa na nagsanhi upang magbalik sa wisyo si Kali at itinulak ang prinsipe. Tinignan ang kanyang pulso na makikita ngayon dito ang kulay pulang sinulid na nakapalupot sa kanyang pulsuhan…
Pinilit niya itong tanggalin ngunit hindi ito matanggal-tangal. Kaya naman tumingin ito sa prinsepe na ngayon ay naka-ngisi…
"Ano ito, bakit ayaw matanggal?!" Naiinis na turan ni Kali sa prinsepe.N "Nangangahulugan 'yan na AKO'Y SAIYO, AT IKA'Y AKIN LAMANG, dahil nasuot na ngayon sa ating pulsuhan ang thread of destiny." Nakangiting saad ng prinsipe kay Kali habang pinapakita rin ang kanyang pulsuhan na may suot ding kulay pulang bracelet…
"Ano ba kaseng naisip mo bakit mo ako hinalikan?!" Galit na tanong ni Kali sa Prinsipe. "T-Trip ko lang." Nahihiyang saad ng prinsipe…
"Trip lang ah!" Saad naman ni kali sabay sapak sa prinsipe na dahilan upang tumilapon ang prinsipe. Takbo naman si Kali pabalik sa kanyang room…
…
Don't forget to vote, comment your feedback, and share my story
( ╹▽╹ )
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro