CHAPTER 4
GRANTED...
KAGURA'S P.O.V
Dinilat ko ng dahan-dahan ang aking mga mata.
Nang tuluyan ko ng madilat ay kulay pula lang ang nakikita ko, as in pulang lupa, pulang kapaligiran at pulang kalangitan? Nasaan kaya ako?
"Ano bang lugar ito?" Takang tanong ko sa aking sarili, bigla namang nakarinig ako ng ingay na nanggagaling sa aking likuran kaya naman humarap ako, nakita ko naman na napakaraming tao ang nakapila sa malayo kaya naman pumunta ako doon...
Nang makalapit na ako sa pila ay napaatras ako ng kaunti dahil, ang mga nakapila dito ay l-lumulutang ang kanilang mga paa at parang transparent narin ang mga k-katawan nila, so isa na silang m-multo shocks!
Ngunit nang tignan ko ang mga paa ko ay nakalutang din ito tulad sa mga taong nakapila ngayon sa pila, hala patay na ba ako? so kaluluwa narin ako?
Inalala ko ang mga nangyari bago ako nagkaganito...
Tumatawag noon si mama nang biglang may napakabilis na truck ang paparating parang nawawalan ito ng preno kaya nag derederetso ito sa akin, sinalpok at kinad-kad naman ako ng truck.
kaya biglang tumulo ang luha ko...
Sino na mag-aalaga kay mama ngayon kung pati ako namatay na, hays sana mabigyan ako ng isa pang pagkakataon para makasama si Mommy, tiyak na magluluksa na naman yon at sisihin ang kanyang sarili, tulad kung paano nya sisihin ang sarili sa pagkawala ni Papa, ngunit kung babalik naman ako ay parang imposible namang mabuhay ang patay 'di ba?
Kaya malungkot at wala nakong nagawa kung hindi makisabay sa pila ng mga kaluluwa, hays saan kaya papunta ang pilang ito? Makapagtanong nga.
Kinalabit ko naman ang babaeng kaluluwa na nasa harap ko, shocks! Ang galing hindi lumusot kamay ko kahit na parang isang sinag ng raw nalang ang jatwan niya, I mean namin kase sa nakikita ko sa paa ko ay ganon din ang itsura nito, so meaning pati buong katwan ko ay ganito din. Pero parang kumalabit kalang pala ng isang buhay kapag kinalabit mo ang kapwa kaluluwa mo, ang galing!
"Ahm, miss anong lugar ito at saan ba ang punta natin, nasan tayo? Bakit tayo nakapila?" Tanong ko sa babaeng nasa unahan ko. "Uy hala bute gising kana pitong araw na kitang binabantayan at hinihintay na magising mula sa pagtulog mo noh." Saad naman ng babaeng pinagtanungan ko. "Ano?! Seven days?!" Gulat na sigaw ko sa babae dahilan para magtinginan ang iba pang mga kaluluwa sa gawi namin.
"Oo hahah nainip nako kaya sasabihin ko sana sa Supreme Dea Justo na bigyan kapa ng isang araw bago ang paglilitis haha, kaso gising kana pala, para sagutin lahat ng tanong mo ay kumalma ka muna ah, sige ito na mga sagot sa mga tanong mo ah." Saad niya sa akin kaya naman kinalma ko ang sarili ko.
"Ang sagot para sa tanong mo kung nasaan ka ngayon ay nandito ka ngayon sa lugar na kung tawagin ay purgatoryo, ang lugar kung saan nililitis ang mga kaluluwa mula sa iba't ibang mundo, kaya naman tayo nakapila ngayon dito sa kadahilanang kailangan mong harapin si Supreme Dea Justo na unang lilitis sa'yo sunod naman maman ay aakyat ka sa higanteng timbangan na iyon at iyon ang pinaka-final na lilitis sa'yo at magdedesisyon kung pupunta kaba sa paradiso o sa impyerno, gets?" Mahabang paliwanag nito saakin na tinanguan ko naman kahit na naguguluhan parin ako sa mga pinagsasabi niya hehehe sorry slow lang, wait nakalimutan ko palang magpakilala sa babaeng ito, at saka sino kaya siya?
"Uy by the way, ako nga pala si Manuel Kagura Anastacio, eh ikaw sino ka? Wait haha hala bakit may timbangan pa, para naman tayong baboy na tinitinda sa palenke niyan haha." Saad ko na may halong pag bibiro, pero kita ko namang sumiryoso ang mukha niya kaya naman nag-ayos din ako hehehe kakahiya, nagpapaliwanag na nga ng matino yung tao eh gaganyanin ko pa.
"Kita mo yung nakatusok na ispada sa kabilang plato ng timbangan?" Tanong bigla ng babae, hay nako, naligaw ko tuloy ang pagpapakilala sa isa't isa, wrong timing talaga ako magbiro. Hinanap ko naman ang sinasabi nya at doon ko lang napansin ang napakalaking timbangan na halos kasing laki ng isang puno, mayroon itong dalawang pan (yung plato sa mga timbangan) na nakasabit siyempre sa string na kumukunekta sa beam (yung mahabang stick na humahawak sa mga pan o plato) kung hindi niyo parin ma-imagine ganito lang kasimple, alam niyo naman siguro yung relbulto ng babaeng may hawak ng ispada at timbangan na sumisimbulo sa justice 'di ba? Yung timbangan na hawak niya, ganon na ganon ang napakalaking timbangan na nasa harap namin ngayon.
"Ah iyon ba? Napano iyon?" Balik na tanong ko sa babaeng hanggang ngayon ay hindi ko alam ang pangalan. "Oo iyon nga, alam mo ba ang rules sa pagsakay dyan?" Batong tanong ng babae sa akin. "Hindi, nani ba? I mean ano ba?" Simpleng sagot ko sa babae, bumato naman ulit ako ng tanon, potek napa-japanese pa ako.
"Ganito ang mga rules, una, ang Supreme Dea Justo muna ang unang lilitis sa'yo at siyempre kailangan kang ipagtanggol ng nakatalagang Guardian angel mo, then kapag tapos na ang paglilitis ng Supreme Dea Justo ay papasakayin ka naman niya doon sa bakanteng pan o plato ng timbangan, ayun oh." Paliwanag nito, tumigil muna siya ng kaunti para ituro ang bakanteng pan o plato ng timbangan, hays grave na curiousity ko kung sino ba ang tinutukoy niyang Supreme Dea Justo na iyan, di naman ako makapagtanong dahil seryoso pa itong nagpapaliwanag, daming alam ah, na-stock ba kaluluwa niya dito at ganito karami ang alam niya?
"Kapag sumakay ka na doon ay gagalaw ang mga pan o plato ng timbangan ng pataas at pababa, na parang kantang spaghetti ng sex bomb, tapos kapag umangat ang pan o plato ng timbangan na mayroong ispada na kung tawagin ay ispada ng katarungan at bumaba naman ang platong iyong kinalalagyan, nangangahulugan lang iyon na marami kang nagawang kasalanan habang ikaw ay nabubuhay, tulad nyan." Paliwanag naman ng babaeng napaka-raming alam tungkol dito sa purgatoryo sabay turo sa isang lalaki sumakay sa kabilang Plato ng timbangan at biglang umangat ang kabilang plato ng timbangan kung nasaan nakalagay ang tinatawag niyabg Ispada ng katarungan, bigla namang bumukas ang lupa at may mga nag-aapoy na kamay ang humila dito.
"At kapag mas mabigat naman sayo ang ispada ng katarungan at ikaw naman ang tumaas, nangangahulugan na marami kang nagawang tama o mabuti noong ikaw ay nabubuhay, tulad nyan." Pagtuloy ng babae sa pagpapaliwanag sa akin sabay turo sa babaeng naka belo at nakasuot ng habito (ang damit na sinusuot ng mga madre) na nakasakay sa kabilang pan o plato ng timbangan, nag-umpisa nang tumaas at bumaba ang timbangan ng pa-ulit-ulit hangang sa tumigil ito sa pagtaas, baba at naiwan nitong nasa ere ang kinalalagyang pan o plato ng timbangan kung saan naka-upo ngayon ang madre, bigla namang may lumitaw na anghel na may apat na mukha, nasa harap ang mukha ng tao, nasa kaliwang gilid naman ang mukha ng leon, nasa kabila naman nito ang mukha ng baka at nasa likod nman ng mukha ng tao ang mukha ng agila, binuhat naman nito ang madre at inilipad pataas, wait alam ko ang tawag sa uri ng anghel na iyo ah, isa iyong Cherubim! Oo isa nga iyong Cherubs. Potek kailangan ko tanungin kung sino ang babaeng kausap ko ngayon, masyado siyang maraming alam sa lugar na ito, medyo nakakapagtaka na.
"Wait lang ah, pansin ko lang na parang ang dami mong alam ah, isa pa hindi ka mo pa ini-introduce ang sarili mo sa akin kahit kanina pa tayo nag-uusap." Mapang-usisang tanong ko sa babae.
"Ay nakalimutan kong pormal na magpakilala pala sa iyo hahaha ako nga pala si Guardian Toki, ang iyong guardian angel! At ako din ang magsisislbing abugado mo dito sa purgatoryo! Pasensya na haha kase kapag nagkwento ako ay marami na akong nakakalimutang gawin tulad ng pagpapakilala saiyo." Maligalig na pagpapakilala niya sa akin na ikinabigla ko naman, hays potek siya pala ang guardian angel ko, pero wait...
"Wait lang, diba ang isang anghel ay mayroong pak-pak at halo? Pero bakit ikaw ay walang pak-pak at halo? Anghel ka ba talaga? " Mapang-usisang sunod-sunod na tanong ko kay Guardian Toki.
"Alam mo, grabe ka kung mang-usisa ano? Pati iyon napansin mo pa, sige para sagutin iyang mga tanong mo, alam mo kase, kinukuha ang pak-pak at halo namen sa araw ng pagkamatay ng aming binabantayan upang may makasama ito sa paglilitis dito sa purgatoryo, ayaw kase ng pinakamataas na Deus na maging mag-isa ang mga nilikha niya." Paliwanag naman ni Guardian Toki saakin, pero 'di ko namalayang nasa harap na pala kami ng timbangan ng katarungan na sinasabibing huling lilitis sa akin, hays kinabahan naman ako bigla. Pero ang ganda nung ispada ng katarungan sa malapitan, para bang ang sarap gamitin sa pakikidigma, ngunit may napansin akong parang isang babaeng ubod ng ganda at napakaganda ng hubog ng katawan nito na may hawak na parang pinaliit na version ng timbangan ng katarungan at isapada ng katarungan, naka piring din ang mga mata nito, wait! Ganitong-ganito ang itsura ng rebulto ng babaeng na sumisimbulo sa katarungan 'di ba? Bigla namang lumakad papunta sa babaeng kamukhang-kamukha ng sumisimbulong rebulto ng katarungan at nag-usap sila ni Guardian Toki.
Pagkatapos nilang mag-usap ay yumuko si Guardian Toki sabay humarap sa gawi ko...
"Manuel Kagura Anastacio! Pumunta ka na dito at uumpisahan na ng Supreme Dea Justo ang paglilitis!" Sigaw nito na agad ko namang sinunod at tumakbo paroon. "Bakit Guardian Toki? Sino ang babaeng nakapiring na kamukha ng rebultong sumisimbulo sa katarungan? At bakit nakayuko ka sakanya?" Sunod-sunod na tanong ko kay Guardian Toki, nakita ko namang lumaki ang mata nito sa mga itinanong ko sa kanya. "Shhh, Wag kang maingay at yumuko ka na lang." Saad nya sabay dampot ng ulo ko sabay sabunot sa buhok ko at sapilitang iniyuko ang ulo ko, pero nakakabilib lang na pwede palang maghawakan ang mga kaluluwa hahaha.
"Ako napo ang humihinhi ng kapatawaran sa mga inasal nya Mahal na Supreme Dea Justo" Kinakabahang paghingi ng tawad ni Guardian Toki sa babaeng nasa harap namin ngayon na nagngangalang Dea Justo, owww shocks! Siya pala yung tinutukoy ni Guardian Toki kanina, hays minus points na ako sa mga inasal ko niyan.
"Ayos lang iyon Guardian Toki, para naman sa katanugan mo iho, ako nga si Supreme Dea Justo na tagapamahala ng purgatoryo, At ako ang pinaka unang hahatol saiyo." Saad naman ni Supreme Dea Justo, grabe napaka-banayad niyang magsalita para siyang usang reyna o isang Diyosa, ay shocks nababasa pala ng Dea ang isipan ko hihihi sorry po
"Ayos lang iho, by the way, isa talaga akong Diyosa dahil ang kahulugan ng Dea na nakakabit sa pangalan ko ay babaeng Diyos, Guardian Toki, maari mo nang simulan ang pagtatanggol kay Manuel Kagura Anastacio." Paliwanag naman ng Supreme Dea Justo na nag palinaw sa isip ko, kinabahan naman ako sa utos ng ng Dea kay Guardian Toki, huhuhu, Lord alam ko pong makasalanan akong nilalang sana mapatawad niyo po ako.
"Paano po ba ginagawa ang pagtatanggol?" tanong ko sa Supreme Dea. "Ayahan nyo pong ako ang sumagot sa kanyang katanungan Mahal na Dea, so Kagu ang patatanggol ay parang katulad lang nito ang paglilitis ng kaso ng isang tao sa mundo ng mga mortal kung saan dapat kitang ipaglaban upang hindi ka Mahatulan ng Pagpunta sa Impyerno, gets?" Paliwanag naman ni Guarduan Toki. "Ah okay" Simpleng sagot ko naman kay Guardian Toki, pero sanaol pinaglalaban hihihi.
"Mahal na Supreme Dea, sya po si Manuel Kagura Anastacio, isang batang masunurin, mapagmahal sa pamilya, kaibigan, at higit sa lahat ay mabait at maunawain pa siya, bilang lang po ang nga naging kasalanan niya tulad ng pagseselos, pagsisinungaling, pangungupit ng limang piso sa bulsa ng mama niya, at pagmumura, pero kung susumahin naman po ay mas marami parin ang ginawa niyang mabuti. Nabunggo po sya ng truck na naging sanhi ng kanyang pagkamatay, marami pa po syang pangarap sa buhay, idadag pa po nating halos gabi-gabi siyang nanalangin, humihingi ng tawad sa pinakamataas na Deus, humihingi ng gabay, at higit sa lahat ay isa sya sa mga taong nakakapagligtas ng maraming kaluluwang dapat ay mapupunta sa impyerno ngunit pinatawad ng paradiso dahil sa mga nanalangin ng kaligtasan ng mga yumao dito sa purgatoryo. Iyan lang po at maraming salamat Mahal na Supreme Dea Justo sa pakikinig." Mahabang pagsasalaysay ni Toki na nagpanganga sa akin, so alam nya pala lahat ng kaganapan sa buhay ko, grabe naman, wala pala akong privacy kung ganon? Hahaha.
"Magaling Guardian Toki, at dahil sa mga sinabi mo hinahatulan kita, Manuel Kagura Anastacio, na karapatdapat kang mapunta sa paradiso." Hatol sa akin ng mahal na Supreme Dea na nagpa-saya at the same time nagpalunggkot sa akin dahil wala ng chance para makita ko pa si mama ulit, hays ma-mimiss ko talaga si mama.
"Pumanhik kana sa timbangan ng katarungan, umupo ka sa bakanteng pan nito para sa'yong huling paglilitas." Utos ng Mahal na Supreme Dea sa akin at agad ko naman namang sinunod.
Pumanhik na nga ako at nagsimula nang gumalaw-galaw ang Timbangan, tumataas at bumababa ito, kaya pumikit ako para naman medyo mawala ang kaba ko at nang tumigil ang timbangan ay nagulat ako sa kinalabasan nito, di ako makapaniwala sa inilabas nitong resulta.
"Hala! Toki at Mahal na Supreme Dea, ano pong ibig sabihin nito bakit pantay kami nang sword of Justice? bakit walang lumabas na mas mabigat sa aming dalawa?" Tarantang tanong ko kay Guardian Toki at sa Mahal na Dea. "Hay nako!" Saad naman ni Guia sabay sapo ng kanyang noo.
"Pasensya ka na Kagu, nakalimutan kong sabihin na kapagpantay ang bigat ng Hinahatol at ng ispada ng katarungan, ibig sabihin may hiniling kang kailangan tuparin ng diyosa no'ng ikaw ay nabubuhay pa sa iyong mundo." Paliwanag naman ni Guardian Toki na ikinatuwa ko, pero wait ano nga bang hiniling ko sa mundo ng mga tao noon?
Pilit kong inaalala kung anong hiling ang sinasabi nya ng biglang nag salita ang Supreme Dea...
"Iho, 'di kaba humiling sa balon ng kahilingan o kaya naman Sa mismong mga panalangin mo?" malumanay na tanong ng Dea, at doon ko naalala yung araw na pumunta kami sa minalin kung saan nakita ko ang rebulto din ng katarungan na nakatayo sa ginta ng wishing well!
"Ah, naalala ko napo humiling po pala ako no'n no'ng pumunta kami ni mama sa isang balon ng kahilingan sa Simbahan ng Minalin." Pag-alala ko sa tagpong iyon. "Ano bang hiniling mo, iho?" Tanong naman sa akin ng Supreme Dea.
"Hiniling ko po na sana po makahanap na ng bagong mamahalin si mama para hindi na sya masaktan at maka move on narin, at-at sinubukan ko rin pong hilingin na sana ma-reincarnate ako at mabigyan ako ng kahit mahinang kapangyarihan lang upang kahit papaano ay maging katulad ako ng mga napapanood ko sa isekai anime, pasensya na po kung masyadong imposible ang huling hiling ko hehe." Paliwanag ko naman sa Dea, nahiya naman ako doon sa huling hiling ko.
"Ang iyong mga hiling ay aking diringgin." Saad naman bigla ng Dea na kinabigla ko...
....
Nasa multi-media po ang itsura ni Supreme Dea Justo.
Don't forget to vote, comment your feedback, and share my story
( ╹▽╹ )
ILLUSTRATION OF PURGATORY
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro