CHAPTER 26
ARC...
GUIA'S PICOSA P.O.V
Kanina pa kami nag-iisip kung anong sagot ng bugtong ng batang 'to, medyo mahirap at tricky kase.
"Years." Sagot ni kuya Kali na nakakuha ng atensyon namen pero umiling lang ang bata.
Wait! teka lang, Kung ang nanay ni Eva ay may tatlong anak, panganay nya si April, at ikalawang panganay naman niya si May edi, GOSH!
"Eva! Eva ang sagot." Masayang sagot ko at ngumiti naman ang bata na nangangahulugabg Eva nga ang sagot!
"Magaling, maaari na kayong dumaan sa lagusan." saad ng bata sabay tumalon at nagbalik sa dating anyo nito, naging siyang fox ulit, sunod sunod naman ang mga tanong na itinanong saakin ni Kuya kali at Xavier.
"Hoy Guia paano mo nalaman ang sagot." Tanong ni Kuya kali.
"Guia ang talino mo naman. Paano maging matalino gaya mo?" Tanong ni Xavier.
"Hoy baka tinutulungan ka ng Hold mo ah?" Tanong ni Kuya kali.
"Guia paturo namang sumagot ng riddles!" Tanong ni Xavier.
"Wala naman sa talino iyan. Ang mahalaga ay marunong kang mag-analisa ng mga bagay-bagay. Tulad nung kanina. Mag-aalangan kang isagot ang Eva, dahil sabi nga nila ang obvious na sagot ay minsan ay mali." Mapagmalaki kong paliwanag sa kanila na kinatangu naman nila.
"Magaling Guia napahanga mo ako. So tara na at lumabas mga bata, medyo mahaba-haba pa ang biyahe natin papuntang Academy." Maligalig na sabi ni Santos Esmeralda.
Kaya naman sinunod namin agad ang utos nya dahil feel ko namang excited ang lahat na makita ang Academy pwera syempre kay Kuya Lucian na wala atang saya sa katawan heheh.
Nang makalabas na kami ay talaga namang namangha kami sa tanawin dito, kita sa mga mukha namin ang pagkamangha, pwere syempre kay Kuya Lucian. Napaka magical talaga ng Mundong ito. Napakaraming maaamong Neutral Fera ang makikita ngayon dito. Siya nga pala ang mga Neutral Fera ay ang mga creatures na walang magic, tulad lang sila ng mga normal na hayop na makikita sa mundo ng mga tao tulad ng mga ibon, ahas, at marami pang iba.
"Saan po banda ang sasakyan natin papuntang Academy?" Biglang tanong ni Kuya Kali na nagpabalik sa aking ulirat.
"Banda doon lang malapit lang siya dito, nasa bukana lang siya ng Fey Wild, kaya halina kayo." Simpleng saad ng Santos Esmeralda na agad din naming tinalima, ang Fey wild nga pala ay ang lugar na sumasakop sa Floresta Encantada, kung baga bayan lang ng Fey Wild ang Floresta Encantada.
Habang naglalakad kami ay pumapahapyaw akong tumitingin sa mga kasama ko, kita ko si Kuya Kali na tumitingin tingin sa paligid at tila ba ay nasisiyahan, siguro ay na aalala niya ang Mundong pinanggalingan nya sa mga Neutral Fera na makikita ngayon dito sa lugar na ito, nang mapatingin naman ako kay Xavier at Kuya Lucian ay magkahawak sila ng kamay, masayang dumadaldal si Xavier habang si Kuya Lucian naman ay tango lang ang sinasagot, ang kyut! Sana makilala ko narin si the one that got away! Kakaingit!
Ilang oras pa ang lumipas ng makarating na kami sa lugar na sinasabi ni Santos Esmeralda, pero napanganga kaming lahat pwere syempre kay Kuya Lucian ng makita namin ang sinasabi ni Santos Esmeralda na sasakyan mamin!
Ang sasakyan kase namin ay isang barkong lumilipad na hila-hila ng isang Fera na may katawan at ulo ng kambing, kulay black ang balat, may paa ng mga ibonat may kulay green na pak-pak! gosh Ang cool naman.
"Oh, Josh kanina ka pa ba nag ihintay?" Saad bigla ni Santos Esmeralda na nakakuha ng atensyon namin, at ng tignan namin kung sinong kausap niya ay feel ko nakita ko na si The one!
Ang pogi kase ng lalaking nakatayo sa harap ng barkong lumilipad, di kase namin siya napansin agad dahil nahumaling ang aming mga mata sa barkong lumilipad at sa higanting Fera sa harapan namin.
Lumapit kami sa lalaki at masasabi kong gwapo talaga siya sa malapitan! Matangkad, maputi, at mga nasa 30's na ang edad nito.
"Hindi naman po gaanong matagal Santos, sila na po ba ang mga student na ihahatid ko sa Campo de Iris Academy?" Nakangiting tanong ng lalaki, shock laglag panty ko.
"Oo sila nga, siya nga pala, siya nga pala si Josh Qerno, isang kondukor ng barkong ito, iyang malaking Fera naman sa harapan niyo ay ang kanyang Bosom Fera na kung tawagin ay Wind Capricorn." Pakilala ng Santos Esmeralda sa condutor ng barkong ito at sa kanyang Bosom Fera? Ano kaya iyon?
[BOSOM FERA- FAMILIARS]
Yumuko naman kami bilang pagbibigay galang.
"Sila naman si Sephtis Kali Picosa, Vita Guia Picosa, Lucian Picosa, silang tatlo ay magkakapatid, habang ang lalaking nasa likuran naman nila ay si Xavier Inugami Luzslo, kaibigan nila." Pakilala sa amin ng Santos Esmeralda, yumuko naman ang lalaki.
"Nagagalak akong makilala kayo, Ginoong Lucian, Ginoong Xavier, Binibining Vita, at Binibining Sephtis." Sabi naman nito sabay yuko, pero natawa ako ng tignan ko ang reaksyon ni Kuya Kali hahaha.
"Hindi po ako binibini Kuya, at wag na po Sephtis ang itawang niyo sa akin, Kali nalang po." Nakapout na saad ni Kuya Kali hahaha ganito talaga siya kapag naiinis hahaha.
"Eteweg neye ne leng pe she eken ey Geye et weg ne Vete hehehe." Pabebeng saad ko. Sabay ko namang naramdaman ang isang kamay na bumatok sa akin.
"Ano ba't parang napalipit ang dila mo! Hoy tigil-tigilan mo yan Guia ay nako sinasabi ko sa iyo, makaktikim ka talaga sa akin." Naiinis na suway sa akin ni Kuya Kali kaya agad akong tumahimik dahil kapag nagalit to talaga namng totohanin niya ang sinasabi niya.
"So, tara na at sumakay na kayo." Aya sa amin ni Kuya Josh na agad naming sinunod.
Nang makasakay na kami ay nagtakami ng hindi sumabay saamin ang Santos Esmeralda, tatanungin ko na sana siya ng unahan niya ko.
"Hindi ako makakasama patungo ng Academy dahil may importanteng pagpupulong akong dadaluhan, huwag kayong mag-alala dahil may tao naman akong inatasan upang magasikaso sainyo kapag nasa Academy kayo." Nakangiting paliwanag ng Santos Esmeralda habang nag-goodbye wave.
"Naiintindihan po namin, sige po paalam." Pagpapaalam ni Kuya Kali sabay nag goodbye wave din kaming lahat sa Santos, pwera siyempre kay kula kali na nauna ng pumasok sa loob kaya naman sumunod na kami sakanya.
"WOW." Yan lang ang nasabi namin ng makapasok kami sa loob, grabe, ang elegante ng deaign sa loob, dahil para siyang hotel sa mundo ng mga tao, pero ang kaibahan lang ay walang crew ang mag-aassist sayo. Para bang private transportation Ito ang swerte naman namin.
"Umupo na kayo dito at ikabit niyo na ang inyong seatbelt." Utos saamin ni Kuya Josh na agad naman naming sinunod.
Katapos ay umalis si kuya Josh at pumasok sa isang room, then naramdaman nalang namin na gumagalaw ang barko pataas, siguro ay lumilipad na ang Bosom Fera ni Kuya Josh.
Nang matigil na ang paggalaw ng barko ay biglang lumabas si Kuya Josh sa kwartong pinasukan niya kanina at lumapit sa amin.
"Maaari na kayong pumunta sa labas ng hall na ito upang makita ang magandang tanawin ng tinatahak nating daan, at isa pa malapit naring lumubog ang Solis atin itong panoorin." Sabi nito sa amin, at dahil nga mahilig ako sa magagandang tanawin ay agad akong tumakbo ngunit di ko inaasahan ang biglang pag-uga ng barko at matutumba na sana ako kaya umikit nalang ako ngunit naramdaman kong may sumalo saakin at ng e-bukas ko ang aking mata ay nasilayan ko ang mapang-akit na mukha ni Kuya Josh.
"Ehem." Tikham naman ni Kuya kali na nagpabalik sa aking ulirat at kaagad na inayos ang sarili.
"S-Salamat po Kuya Josh." Saad ko.
"Walang anuman so tara sa labas?" Pagyaya niya sa aming lahat na sinundan naman namin.
Nang makalabas kami ay talaga namang namangha kami sa View ng papalubog na Solis, makikita ngayon ang dalawang Imahe ng isang lalake at isang babae na sumasayaw sa loob ng Solis, ang dalawang imaheng yan ay sina Deus Solis, Deus of Sun at Dea Lua, Dea of Moon, sinunod sa kanilang pangalan ang Solis at Lua o ang Sun at ang Moon, ang tawag sa sinasayaw nila ngayon ay tinatawag na "Pagpapalit", Kapag makikita silang sumasayaw sa loob ng Solis o Sun ay ibig sabihin ay oras na para lumitaw ang Lua o Moon, kapag naman nakikita silang sumasayaw sa loob ng Lua o Moon, ibig sabihin ay oras na para Lumitaw ang Solis o Sun, sya nga pala marami-rami ding mga iba't ibang uri ng sasakyang panghimpapawid ang kasabayan naming bumabyahe ngayon.
Pinanood lang namin ang nakakaaliw na paglubog ng araw.
...
Ilang oras ang lumipas at makikita na ang maliwanag at bilog na Lua sa taas naman nito ay ang Relógio de todos o ang malaking orasan na gawa ng Deus ng Time and Space, makikita sa Orasan na 9:30 PM na.
Naputol ang aming pagmumuni-muni sa labas ng biglang mag salita si Kuya Josh.
"Mga bata pumasok na kayo at maghanda na sa paglapag dahil nandiyo na tayo sa Campo de Iris Academy." Masayang saad ni Kuya Josh saamin, pumasok naman kaming lahat at isinuot na ang mga seatbealt, naramdaman namin ang paggalaw ng barko na tila ba ay pababa ito.
Nang tumila na ang pag-uga ng barko ay tsaka naman lumabas si Kuya Josh.
"Tara na sa baba mga bagong mag-aaral." Utos nito sa amin, kaya naman sinundana namin siya.
Nang makababa na kami ay namangha na naman kami sa aming nakikita ngayon isang malapalasyong istruktura at may nakalagay sa arco nito na.
"CAMPO DE IRIS ACADEMY"
...
Don't forget to vote, comment your feedback, and share my story
( ╹▽╹ )
ILLUSTRATION OF AIR SHIP
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro