CHAPTER 25
SWAN & FOX...
AURELIA'S P.O.V
"Mga anak, siguraduhin nyong na-impake niyo na lahat ng mga kailangan nyong gamit sa Academy, dahil ano mang oras mula ngayon ay susunduin na kayo ng Isa Anciàos Santos, na si Esmeralda." Saad ko sa mga bata na agad naman nilang sinunod. "Nay ano po yung Anciàos Santos, at sino po si Esmeralda?" Tanong sa akin ni Guia.
"Ang Anciàos Santos ay ang sampong makapangyarihang Fantasian na tinuturing na bayani dito sa Mundo da Fantasian, dahil silang sampu ang lumaban sa Dark Continent noong Ika-lawang digmaang pangmundo at nagbunsod nga iyon ng pagbibigay ng tungkulin na pangalagaan at panatillin ang Peace and Order ng buong Mundo da Fantasia." Kwento ko kay Guia at halata na man ngayon sa kanyan ang pagkamangha.
"Nay kwento nyo naman po kung anong nangyare." Paki-usap ni Guia sa akin. "Nak, ituturo rin yan ng Academy, kaya hintay ka na lang parating narin naman si Esmeralda." Saad ko kay Guia "Hays sayang naman." Malungkot na saad ni Guia, kaya hinaplos ko na lang ang ulo nya.
Ilang oras pa ang lumipas, nakaupo kami ngayong lahat dito sa sala ng may kumatok, sa tingin ko nandito na sya kaya dali-dali akong pumunta sa pinto at binuksan ito, di nga ako nag kamali dahil nasa harap ko ngayon ang isang babaeng may kulot na buhok, mala deang mukha at nakasuot ng black na dress.
"Maligayang pagdating Esmeralda, nagagalak ako na makita kitang muli." Saad ko kay Esmeralda, kay tagal na rin ng huli ko syang makita.
"Ako din ay nagagalak sa ating muling pagkikita Òtima." Saad nito sabay yuko sa akin. "Hays Esme, ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na wag mo ng gawing pormal ang iyong pag bati parang hindi naman tayo magkaibigan nyan hahaha." Saad ko na sinabayan ko ng kaunting tawa.
"Sorry Aurelia. Sila na ba ang mga itinakda?" Tanong nya sabay turo sa likuran ko, kaya naman tumingin ako sa aking likuran at doon ko lang namalayan na nandito lang pala ang mga bata sa aking likuran. Nawili ata ako ng kaunti at nakalimutan kong ipakilala sila.
"Oo nga pala, mga bata si Santos Esmeralda nga pala, isa sa Sampung Anciàos Santos," pakilala ko kay Esme sa mga bata agad naman yumuko si Esme bilang pagbibigay galang, "Esmeralda, sila naman si Sephtis Kali, Vita Guia, Lucian, at Xavier Inugami, sila ang mga anak ko." Pakilala ko sa mga bata kay Esmeralda, agad din naman siang yumuko..
"Nung kina-usap ako ng Supreme Dea Justo, sinabi nya sa akin inahabilin nya rin daw sayo ang anak nya?" Tanong ni Esmeralda sa akin. "Oo, bakit?" Batong tanong ko sa kanya.
"Eh sino sa apat ang anak nya, Aurelia?" Tanong nito sa akin. "Si Lucian ang anak nya diyan, sige na umalis na kayo ng maaga para maaga kayong makapunta sa Academy." Pagbibilis ko sa kanya.
"Sige, sige, mga bata, lumabas na kayo at dalhin ang inyong mga bagahe." Utos ni Esmeralda sa mga bata na agad naman nilang tinalima.
Unang lumabas si Kali, ikalawa naman si Lucian, tapos si Guia at tila ba nagpahuli talaga si Xavier dahil bago ito lumqbas ay bumulong ito sa akin.
"Nay, anak po pala ng Supreme Dea Justo si Lucian? Hindi po ba bawala ang aming pagmamahalan?" Nag-aalalang tanong nito sa akin na ginantihan ko naman ng matamis na ngiti.
"Alam mo Xavier, kapag ang pagmamahal ay tumama sa puso ninu man walang makakapigil sa kanya dahil hahamakin nya ang lahat madunod lang ang nais ng kanyang puso, at isa pa wala na mang mali sa pagmamahalan nyo ni Lucian, wala naman sa Major sins ang pagmamahalan ng dalawang parehas na kasarian, tanging taong mapanghusga lang ang magpapasama sa tinngin sa inyo, kaya huwag kang mag-alala." Mahabang payo ko sa kanya, ang sarap palang may anak na nagpapayo sayo.
"Thank you po Nay, tara na po mukhang ako nalang po inihintay nila." Pagpapasalamat ni Xavier.
Kaya naman naglakad kame papunta sa kinakatayuan nila Esmeralda...
"Antagal mo naman Xavier." Saad ni Guia. "May sinabi lang ako kay Nay Aurelia." Saad naman pabalik ni Xavier.
"Santos Esmeralda nasan po ang sasakyan natin?" Tanong ni Kali.
"Oo nga po." Sang-ayon naman ni Guia. "Kalma lang hahaha, hindi mo ba pinaliwanag sa kanila ang bagay na ito Aurelia." Natatawang tanong ni Esmeralda sa akin.
"Ayy oo nga pala! Nakalimutan kong sabihin na nasa labas ang sasakyan nyo patungo sa Academy dahil hindi kayang makapasok ng mga Fantasian na baba sa Level ni Esmeralda, tanging kalevel lang ng mga Anciàos Santos ang makakapasok sa barrier o kaya naman may pahintulot ko." Paliwanag konsa kanila ng makita ko ang kanilang reaksyon ay talaga namang natawa ako hahaha.
"Nay naman bat di mi agad sinabe, dinamihan ko pa naman dinala kong gamit." Na-iiritang saad ni Guia sa akin. "Di ko na kasalanan kung marami kayong dala, sige na Esmeralda umpisahan nyo ng maglakad ng maaga kayong makalabas dito." Utos ko sakanila.
"Sige Aurelia Aalis na kami." paalam ni Esmeralda sa akin at tumalikod na sila, ngunit naisip kong magpaalam ng mas maayos kaya naman tinawag ko sila.
"Mga anak!" Tawag ko sa kanila at tumakbo ako papunta sa kanila at niyakap sila. "Ayusin nyo ang pag-aaral ah, wag nyong kakalimutan ang mga bilin ko ah, ikaw Lucian bantayan mo itong mga kapatid mo at yang kasintahan mo ng mabuti, pinapaubaya ko sila sayo dahil ikaw ang pinaka matanda, sige na, paalam." Paalala ko sa kanila at tumalikod narin. "Sige Nay mag-iingat din po kayo." Saad ni Kali.
"Alagaan mo ang sarili mo ah Nay." Saad ni Guia.
"Nay, mahal ka po namin." saad nan ni Xavier.
Nang makalayo na sila ay pumasok narin ako sa aking tahanan at umuglip saglit.
"Hay, sana maging ayus lang sila doon, kayo na pong bahalang gumabay sa kanila mga Deus at Dea." Panalangin ko bago pumikit.
...
KALI'S P.O.V
"Kuya ang bigat na talaga hindi ko na kaya pabuhat naman nung isang bag Please." Pakiusap ni Guia, potek naman kase, isipin mi ba namang nag dala ng tatlong bag ng mga gamit.
"Bahala ka diyan, kung di ka ba kase tanga, di mo pa iniwan kase isang bag kanina, kaya bahala ka!" Mataray na saad ko kay Guia, pwede naman kase nyang iwan yung isa kanina kaso sabi nya nandito daw lahat ng kakailanganin nya, di kase sya tumulad saamin isang bag lang ang dala.
"Hay, kaytagal narin ng panahon ng magkita kami ni Òtima." Saad ni Santos Esmeralda sa hangin. "Matanong ko lang po paano po kayo nagkakilala ni Nay Aurelia?" Tanong ko sa Santos.
"Hala, pati yon hindi nya sinabi sa inyo?" Tanong nya na tinanguan ko. "Ah, siya kase ang guro namin noon, na nagtiro sa amin kung paano gamitin ang aming Hold." Saad naman ng Santos Esmeralda.
"So, teacher po dati sa Campo da Iris Academy si Nay Aurelia?" Tanong naman ni Guia. "Hindi, naging guro namin siya, dahil siya ang naatasan ng mga Dea at Deus na mag-training sa amin, dahil kaming sampong Anciàos Santos ang nakatakdang lumaban noon sa Ikalawang digmaang pang Mundo." Paliwanag nya.
Kaya naman nagpatuloy nalang kami sa paglalakad na walang kibuan, para mareserve ang aming Energia.
...
Makalipas ang ilang oras...
Nandito na kami ngayon sa portal palabas sa Floresta Encantada, talaga namang namangha ako dahil First time ko lang makita ito, ganon din naman ang reaksyon ni Guia at Xavier, pero si Kuya Lucian ay parang wala lang sakanya as usual.
Ang portal na ito ay para lang syang normal na gate ngunit may Fox at Swan na nagbabantay ngayon dito.
Papasok na sana ko ng biglang magsalita ang Swan.
"Videris properas, iuvenis?" Saad nya na gamit ang salitang Enchant.
[Translation: Tila nag mamadali ka ata binata?]
Buti na lang at naturuan din kami ni Nay Aurelia ng iba't ibang lenggwahe.
"Ego paenitet, ego sum beatus esse extra oppidum." Saad ko naman, bigla naman itong lumipad at naging isang babaeng naka puting dress, maputing balat, at mala-dea ang ganada.
[Translation: Pasensya na po kase na-excite lang akong lumabas sa aming bayan.]
"Intellego intellegere verbum quod non est bonum fascinare, tu et filius Òtima mae Aureliae? Ego sum laetus video vidi vos Santos Esmeralda." Tanong sa akin ng babaeng gansa at saka yumuko kay Santos Esmeralda bilang pagbibigay galang.
[Translation: Magandang bagay na nakaiintinde at nakakaunawa kayo ng salitang enchant, ikaw ba ang anak ng Òtima Màe Aurelia?, Oh, nagagalak po akong makita kayong muli Santos Esmeralda.]
"Sed nos non mihi videntur quatuor liberos Kali nomen est Guia ipse Lucian ipse Xaviet quid socio atque vocaris?" Pakilala ko sa mga kasama ko at Tanong ko din pabalik sa kanya.
[Translation: Oo, at hindi lang ako ang anak niya kung hindi kaming apat, ang pangalan ko ay Kali, siya naman si Guia, siya naman si Lucian, at siya naman si Xavier, ikaw anong pangalan mo at ng kasama mo?]
"Frida ipse Lanko me custodes qui in huius specu facto ante vos can adepto ex vobis est primum problema hercle". Pagpapakilala nya, potek mahina pa naman ako sa bugtong...
[Translation: Ako si Frida at ito naman si Lanko ang kami ang tigapagbantay ng lagusang ito, bago kayo makalabas ay kailangan nyo munang masagot ang aming bugtong, kung hindi ay hindi namin kayo papayagan]
"Tenebras et visita Si die profectus est ad vos." Saad nito sa bugtong potek mahina pa naman ako sa bugtungan.
[Translation: Kadiliman ay dadalaw
Kung itinakda sa iyo ang araw.]
"Kuya!Kuya! alam ko ang sagot diyan." Maligalig na saad ni Guia, kaya naman pinabayaan ko siya at tinanguan siya.
"Kamatayan! ang sagot ay Kamatayan,
Quia cum dissimulare non erit obscura tenebris et visita, et Verbum "si tibi soles occidere." significat quod tempus sit pro vobis in mortem tempus est tibi." Paliwanag ni Guia na nakapagpangiti naman sa Babae.
[Translation: Dahil kapag pumikit ka ay magiging madilim o dadalaw ang dilim at ang salitang "kung itakda sa iyo ang araw" ay nangangahulugang kapag oras mo nang mamatay ay oras mo na.]
"Bene, problema mihi et nunc ego nolui audire Lanko dabo vobis temptare." Masayang saad ng babaeng gansa at bumalik na sa pagiging gansa at tumalon na sa tubig.
[Translation: Magaling, nalagpasan nyo ang pagsubok ko sa inyo si Lanko naman ngayon ang magbibigay ng bugtong.]
Lumapit naman ang fox sa amin at tumalon, naging cute na lalaking bata naman ito, potek ang sarap kurutin ng pisngi nya!
"Hello po, ako po si Lanko ang isa sa tagapag bantay sa lagusang ito hehehe simple lang po ang tanong ko sa iyo para agad na kayong makalabas, Eva's mother had three children. The first was called April, the second was called May. What was the name of the third?" Mabilisang saad nya na nagpaisip sa aming lahat, wala namang kibo ang Santos Esmeralda na tila alam na ang sagot at sinusubukan lamang kame, habang si Kuya Lucian naman ay tahimik ngunit parang nag iisip narin.
"June." Sagot ni Guia, ngunit umiling lamang ang bata...
"January?" nangangambang sagot no Xavier, na inilingan lang din ng bata...
"December." Cold na sabi ni Kuya Lucian na nagpabigla saamin, ngunit inilingan lang ito ng bata at masamang tinignan naman sya ni Kuya Lucian napa peace sign nalang ang bata heheh ang kyut!
Wait kailangan kong sumagot kaya naman nag isip din ako...
...
Don't forget to vote, comment your feedback, and share my story
( ╹▽╹ )
SANTOS ESMERALDA
FRIDA
LANKO
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro