CHAPTER 24
TRAINING...
KALI'S P.O.V
Nang pagdilat ko ng aking mata ay nagulat ako saaking nakita...
"Bakit ang dilim." Nasabi ko na lang. "Aba magtatatlong araw ka ba namang nag-memeditate ano? gabi na kaya madilim ang paligid kuya." Nabuburyong na sagot sa akin ni Guia.
"Totoo nga nay?" Mapaniguradong tanong ko kay Nay Aurelia. "Oo nga magtatlong araw ka ng nag memeditate kaya kumain kana doon, Ikaw na ang susunod Guia kaya umupo kana dito at simulan ng mag-concentrate." Paanyaya sa akin ni Nay Olin na agad ko na namang tinalima, sabay tawag nya kay Guia.
Nang magkasalubong kami ni Guia ay Sumenyas ako sa kanya ng "FIGHTING!" gesture. "Uyy kuya ang Astig ng Ring of Hold mo grabe, at pagkatapos kong mapalabas Ring of Hold ko ay may tsismis ako sa iyo, heheh promise maiintriga ka talaga dito." Pabulong na sabi saakin ni Guia, binatukan ko naman sya at sinabing. "Bilisan mo na para makwento mo na." Pabulong ko ding saad sa kanya.
"Nay! nag-papout na namn po si Guia oh." Sumbong ko kay Nay Aurelia hahaha. "Guia bilisan mo na nga dyan at diba bilin ko sayong huwa-" Naputol ang sasabihin ni Nay Aurelia ng mag dabog si Guia hahaha.
"Oo na po, oo na po, ito na." Padabog sa saad ni Guia sabay upo ng pabagsak. Pero dahil sa biglaang upo nya ay di nya namalayang maymatulis na bato sa uupuan nya kaya ayon natusok sya sa pwet hahaha.
Nang tignan ko ito ay mangiyak-ngiyak at may halong galit ang ipinukol na tingin sa akin ni Guia hahaha.
"SALAVATION: HEALING TOUCH!" Sigaw ni Guia bilang pagtawag nya sa kanyang kapangyarihan na nagpapagaling ng mga injuries. Hinawakan nya ang kanyang pwet at saka ito umayos at nagsimula ng pumikit.
Ako naman ay pumunta na sa hapag-kainan, ng makalapit ako don ay kita ko si Xavier na naka-cuddle kay Kuya Lucian potek! magtatatlong araw lang akong wala pero parang andami ko ng hindi alam ah.
Nang makalapit ako sa kinaroroonan nila, bubusitin ko sana si Xavier ngunit biglang sumenyas ng "shhh" si Kuya Lucian na wala paring emosyon, so tulog pala si Xavier, kaya naman hindi ko na sila ginambala pa at kumain na lang...
...
GUIA'S P.O.V
Muli ko na namang nasilayan ang lugar na malapit sa Solis, ang lugar kung saan kame unang nagkita ni Life.
Na-aninag ko si Life na papunta ngayon sa kinaroroonan ko kaya naman sinalubong ko na sya.
"Kumusta kana Life, tagal nating hindi nagkita ng personal ah." Nakangiting saad ko kaya Life, sa isip lang kase kame nakakapag-usap at hindi harapan. "Ayos lang naman Guia hahaha, mukhang humuhusay kana sa paggamit ng Hold mo ah?" Nakangiting saad ni Life.
"So alam mo pa lang nag-papractice ako gabe-gabe ah?" Tanong ko sa kanya. Sa tuwing tulog na kase ang lahat ay pumupuslit ako palabas at pupunta ako ng field upang sanayin ang aking Hold. "Hahaha syempre naman noh, magkakonekta kaya ang isip at puso natin, kaya ramdam ko lahat ng nararamdaman mo, at alam ko lahat ng mga pinaggagawa mo, syempre binibigyan naman kita ng privacy lalo na kapag tumatae at naliligo ka hahaha." Saad ni Life na sinabayan nya ng Malakas at nakakainis na tawa!
"Uyy maiba ako, paano pala napapalitaw ang Ring of Hold?" Tanong ko kay Life, wala man lang kaseng binigay na clue si Nay Aurelia kung paano mapapalabas ang Ring of Hold hayss. "Simple lang kailangan mo lang gumuhit ng pabilog saaking noo gamit ang iyong dugo." Saad ni Life kaya naman kinagat ko ang aking hintuturo at pinadugo ito.
Nang tuluyan ng dumugo ang aking hintuturo ay pinahid ko ito sa noo ni Life at bumuo ng hugis bilog...
Bigla na lang itong umilaw ng nakakasilaw at biglang lumutang ang hugis bilog na iginuhit ko sa noo ni Life at lumaki ito at pumunta sa harapan ko...
Nang lumaki ito ay bigla nalang may nabubuo na hindi maintindihan na letra sa gilid nito at may simbulo ng puno sa gitna nito.
"Ang ganda naman." Namamanghang saad ko. "Iyan ang Ring of Hold mo Guia. Ngayon na napalabas mo na yan ay ano mang oras mong gustuhin ay maaari ka ng makapunta at makalabas sa diminsyon ko, sige na bumalik ka na ngayon sa dimensiyon nyo. Mukhang natatagalan ka na kase dito." Saad ni Life. Tumango-tango naman ako habangvnakanhiti.
"Maari ba akong mag-ensayo dito?" Hiling na tanong ko sakanya. "Oo naman, titulungan pa kita." Nakangiting saad ni Life, napaka bait talaga nya ibabg iba sa pinakita nyang pag-uugali noong unang pagkikita namin. "Sge paalam." Kaya naman pumikit na ako.
...
Pagmulat ko ay umaga na dahil sabog na sabog na ang Solis. Hala natagalan nga ata talaga ako – ngunit nakita ko naman sila Nay Aurelia, Kuya Kali, Kuya Lucian, at Xavier na nakatingin saakin kaya tinanong ko sila.
"Hala natagalan ata ako, anong oras na ba?" Tanong ko sa kanila. "Uyy Guia dapat atang itanong mo kung anong buwan na ba?" Saad ni Kuya Kali na nagpagulo sa aking isipan.
"Ah, ano bang sinasabi mo kuya Kali? Anong, anong buwan na?" Naguguluhang saad ko kay Kuya.
"Nay ikaw na ngang magsabi sa kanyan baka hindi maniwala saBakin ito eh." Saad ni Kuya Kali kay Nay Aurelia.
"Guia, anak, ito na ang pang anim na buwan mo simula nang mag-meditate." kaswal na saad ni Nay Aurelia na nag panga nga sa akin, like What the heck! anim na buwan akong walang kain, ligo, at inom?! Napahinga na lang ako nhg malalim sa mga sagot na iyon.
"Sge na Guia at tumayo ka na diyan, umuwi na tayo para makakain at makaligo ka. Ang baho mo na oh hahaha." Mapangasar na panghihikayat sa akin ni Nay Aurelia na nagpatawa sa lahat pwera syempre kay Kuya Lucian na naging normal na expression na nya ang pagiging poker face, di ko na lang sila pinansin dahil naramdaman ko na ang sobrang gutom at na una ng mag lakad, ngunit may naalala pala ako.
"Teka Nay, hindi ba susubukan ni Xavier na palabasin ang kanyang Ring of Hold?" Tanong ko kay Nay Aurelia. "Di nya muna gagawin ang pagpapalabas ng Ring of Hold dahil hindi nya pa napapasakamay ang buong Nine Sphere of Elysium." Saad ni Nay Aurelia at naglakad na, kaya naman naglakad narin ako.
...
Pagkarating sa bahay ay agad kong sinunggaban ang pagkain na naka-ahin sa mesa. Lalakasan ko na talaga ang pagkain...
"Nay matanong ko lang. Nag-stay ba kayo ng anim na buwan din sa field kasama ko?" Saad ko habang kumakain. "Oo naman anak, binantayan ka kaya namin noh, doon nga kami natutulog, kumakain, at habang nagmeditate ka pa ay tinuruan ko na sila Kali, Lucian, at Xavier ng mga Enchanments, hinay-hinay lang sa pagkain baka mabulunan ka!" Sagot ni Nay Aurelia na-touch naman ako sa pagmamalasakit nila sa akin. "Salamat Nay." Saad ko sabay Yakap sakanya.
Katapos kong yakapin si Nay Aurelia ay niyakap ko din sila Kuya Kali, Kuya Lucian, at Xavier ng mahigpit.
Nang kumalas ako sa pagkakayakap kay Xavier bilang pang hili saakin niyakap ay agad akong pumunta muli kay Kuya Kali dahil naalala kong may i-chichismiss pala ako sakanya.
"Uyy kuya naalala ko pa lang may i-chichismiss ako sayo. Tungkol kay Xavier at Kuya Lucian." Bulong ko ng makalapit ako sa kanya.
"Ano, na nililigawan ni Xavier si Kuya Lucian?" Naka smirk na saad ni Kuya kali.
"Hala paano mo nalaman." intrigang tanong ko kay Kuya Kali...
"Tungeks diba nga. Anim na buwan ka ng nag-memeditate?" Tanong niya, "at isa pa, mag-dadalawang buwab na silang mag-on, sinagot na kase ni Kuya Lucian si Xavier noong dalawang buwan na ang nakakalipas, at legal sila kay Nay Aurelia hahaha." Natatawang kwwnto ni kuya. "Ay grabe naman." Nagugulat na saad ko. " Ito pa ah. Pinaalam kase ni Kuya Lucian ang tungkol sa kanilang dalawa kay Nay Aurelia, sa una nga kinabahan ako baka tumutol si Nay Aurelia ngunit hindi sya tumutol sa pagmamahalan nilang dalawa at tuwang tuwa panga si Nay Aurelia kaya yinakap at hinalikan nya sa pisngi sila Kuya Lucian at Xavier." Mahabang salaysay ni Kuya Kali na nagpabigla na naman sa akin.
"Sabi ni Nay Aurelia ay katapos mo daw kumain pumanhik ka sa kwarto natin at may paguusapan daw tayong lahat." Saad ni Kuya kali na agad ko namang sinunod.
Nang nakapasok na kami ni Kuya Kali sa kwarto namin ay nakita naming nasa loob narin sila Kuya Lucian at Xavier na magka-holding hands pa hahah How sweet! Habang nasa harap naman nila si Nay Aurelia.
"At dahil kumpleto na ang lahat ay nais ko lang sabihin na umpisa bukas ay maguumpisa na ang tunay na ensayo natin, kaya nais kong magpahinga kayo ng maaga ngayon at gumising ng maaga para bukas, ang malate ay may parusa na hindi nyo pa nararanasan sa buong buhay nyo." Mahabang paliwanag ni Nay Aurelia at nagbanta din ito na nagpakilabot sa amin...
"Sige na, aalis na ako at magpahinga na kayo." Saad ni Nay Aurelia at lumabas ng pinto, kasunod din naman nya ang love birds na naka holding hands paren, potek respeto naman sa mga single oh! hahaha joke lang...
...
THIRD PERSON P.O.V
Nag tuloy tuloy nga ang pag eensayo nila Kali, Guia, Lucian, at Xavier sa paggabay ni Òtima Màe Aurelia.
Sa bawat araw ay pahirap ng pahirap ang kanilang pag eensayo, ngunit hindi nila iniisip na sumuko bagkus ay ginamit nilang inspirasyon ang pahirap ng pahirap na training ng Òtima.
Kaya Makalipas ang dalawa't kalahating taon ay tuluyan na nga silang nahubog ng Òtima...
...
AURELIA'S P.O.V
"Esmeralda, ito na ang takdang panahon upang mag-aral ang mga tinakda." Saad ko sa isa sa mga Anciàos Santos na si Anciàos Santos Esmeralda, ang Dakilang Manghuhula, gamit ang Telecom na kayang kumausap ng nilalang kahit napakalayo nito sa iyo.
"Ngayon na ba Òtima? Ah sge tatawagan ko lang ang Diretora ng Campo da Iris Academy, bukas na bukas din ay matatanggap na ng mga itinakda ang kanilang kanya-kanyang imbitasyon para sa gaganaping Exam"...
...
Don't forget to vote, comment your feedback, and share my story.
GUIA'S RONG OF HOLD
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro