CHAPTER 14
CRYING BABY...
KALI'S P.O.V
"Maligayang pagdating Adrien." Nakangiting saad ni Xavier, ngunit bigla ko na lang naramdaman ang isang nakakatakot na sensasyon na katulad ng naramdaman ko noong nagalit si Death sa akin, sunod namang sumigaw ng napakalakas si Kuya Lucian.
"Walang hiya ka! Anong karapatan mong tawagin mo ako sa aking pangalawang pangalan?!" Cold at nakakatakot na sigaw ni Kuya Lucian kay Xavier, ng tignan ko naman ang expression ni Xavier ay halatang natatakot ito, nanginhing narin ngayon ang kaibigan ko kaya ng hindi na niya mapigilan ay tumakbo ito palabas habang umiiyak, fuck you! Shit kawawa naman si Xavier, sensitive pa naman iyon.
"Lucian, bakit mo ginawa iyon?" Mainahong tanong ni Nay kay Kuya Lucian, upang hindi na humaba ang usapan, sinamaan ko naman ng tingin si Kuya Lucian, grabe ang layo ng ugali niya sa kanyang ina, kaya siguro siya naparusahan at nadala dito ay dahil sa ganitong ugali niya, cursed him!
"Ang isang mababang uring tulad niyo ay walang karapatang tawagin ako sa aking ikalawang pangalan, matuto kayong gumalang sa nakakataas sa inyo mga hampas lupa." Walang ganang pang-iinsulto niya, aba punyeta ito ah! Napakataas ng tingin sa sarili, dahil ba sa anak siya ng isang Supreme Being ay ganito na ang magihing uagli niya, mabigyan nga ng suntok ito!
Kaya naman nagkuyom na ako ng kamao at lalapit na sana ng biglang hawakan ni Guia ang aking kamao na pumigil sa akin.
"Nasaan ang aking kwarto? Gusto ko ng magpahinga." Tanong ni Kuya Lucian kay Nay Aurelia, huminga naman si Nay Aurelia ng malalim.
"Nasa second floor, yung kwartong may kulay red na pinto na katapat ng kwarto na kulay green na pinto." Mainahon na sabi ni Nay Aurelia kay Kuya Lucian, umakyat naman ito ng walang lingunan, sinamantala ko naman ang pagkakataong iyon upang sundan si Xavier, kaya naglakad na ako palabas ngunit hinawakan ako ni Guia sa balikat na pumigil sa akin.
"Saan ka pupunta Kuya Kali?" Pabulong na tanong sa akin ni Guia, hays mukhang alam niya ang balak ko ah.
"Pupunta ako kay Xavier, huwag kang ma-ingay." Bulong na saad ko din kay Guia, bigla naman itong ngumiti ng malapad, hays mukhang may nalak sumama amp.
"Uyyy kuya sama din ako gusto ko din i-comfort si Xavier." Paki-usap naman sa akin ni Guia habang papikit-pikit pa, tss di gagana sa akin yan.
"Huwag ka nang sumama, mag-aalala lang si Nay Aurelia kung mawawala tayong dalawa, maiwan ka na lang para may magpaliwanag kay Nay Aurelia kung Bakit wala ako." Saad ko kay Guia, bigla namang sumimanhot ito, hays isip bata talaga.
"Ih, sige na nga basta pakisabi na lang kay Xavier na nandito lang din ako kapag kailangan nya ng kaibigan ah, alam mo naman iyon love na love ko si Xavier, as a friend." Nakangiting pasabi ni Guia, kaya dali daling tumakbo ako palabas ng bahay, ngunit habang palabas ako ay nakita ko ang Nanay ni Xavier na si Nay Olin, Nay Olin ang tawag namin sa kanya ni Guia dahil siya ang katulong ni Nay Aurelia sa pag-aalaga sa amin noong sanggol pa lang kame at hanggang ngayon na ten years old na kame, kawawa nga siya eh dahil namatay ang asawa nya sa isang misyon noon, sakto pa naman na kasalukuyang pinagbubuntis ni Nay Olin si Xavier noong mga panahong iyon. Agad ko namang siyang kinalabit para tawagin ang kanyang pansin, nang humarap ito ay ngumiti ako ng malapad.
"Nay, hinahanap nyo po ba si Xavier?" Tanong ko kay Nay Olin, nakita ko namang bihlang lumungkot ang mukha niya.
"Oo, anak nag-alala ako sa kanya, wala pa namang masyadong Fantasian sa labas at baka mapagdiskitahan siya ng mga mababangis na hayop kahit umaga." Nag-aalalang turan sa akin ni Nay Olin, na-inis naman ako bigla kay Kuya Lucian dahil siya lang naman ang naging dahilan ng pag-alis ni Xavier na nagsanhi ng pag-aalala ngayon kay Nay Olin.
"Ayaan nyo na po Nay Olin hahanapin ko po si Xavier, alam ko po kung saan sya pumupunta tuwing malungkot sya, kaya sige po paalam!" Nakangiting saad ko para gumaan ang kanyang loob sabay tumakbo ako papunta sa lugar kung saan kame naglalaro at nag-eensayong tatlo ni Guia, ako, at ni Xavier...
Ilang minuto pang tumakbo ako sa damuhan ay narating ko na ang Puno ng Marie Geois, ang punong ito ang pumuprotekta sa buong Fey wild at nagkukubli sa Floresta Encantada, sa paningin ng ibang mga Fantasian na nasa labas ng Floresta Encantada, bigay ito ni Deus Fecar Terro bilqng pamproteksyon sa mga Fantasian na nasasakupan ni Nay Aurelia, ngunit ang kapalit naman daw ay ang pagkawala ng kapangyarihan ng mga naninirahan na lumabas mula dito.
Nagpalinga-linga pa ako para tignan kung nandito nga si Xavier...
Ilang saglit pa ay may nakita akong isang batang may kukay red ang buhok at nakasukob ito sa kanyang tuhod at kilalang-kilala ko kung sina ang may ganoong kulay ng buhok, walang iba kung hindi si Xavier uyon, kaya dali-dali akong pumunta sa kinalalagyan niya, nang makalapit ako ay yinakap ko siya patalikot.
"Huwag mong seryusohin si Kuya Lucian, baka meron lang pinagdadaanan iyon, intindihin na lang natin siya." Pagpapagaan ng loob na saad ko kay Xavier.
"Pe-pero bakit ganon sya kanina Kali, nakakatakot sya, kung makakasama natin siya sa bahay ay hihilingin ko na lang kay Nay Olin na umalis kami sa inyo." Humihikbing saad ni Xavier sa akin, natakot naman ako sa sinabi niya, hays grabe naman, tagal na naming magka-ibigan kaya ayaw ki ng mapalayo siya sa amin, kaya naman pinaharap ko sya sa akin at nginitian ko sya ng matamis.
"Ayos lang iyon, wag mo nang isipin yon, nandito lang kami ni Guia kung kailangan mo kami, isa pa para sa mokong na iyon ay iiwan mo na kami no Guia? Grabe ka naman parand di mo kami mahal." Tampu-tampuhang saad ko sa kanya, bigla naman itong natawa at tumila sa pag-iyak.
"Di mo bagay Kali hahaha, tigil-tigilan mo ang paghithit ng sapatos ni Guia ah hahaha." Biro naman ni Xavier, tinignan ko naman siya ng masama kaya naman tumigil ito sa pagtawa.
"Bakit ka pala nag-abalang pumunta dito? hindi ba may kasiyahan sa inyo at Birthday niyo ni Guia ngayon? Baka nakasira pa ako sa kasiyahan niyo." Saad nito kaya natawa naman ako dahil doon.
"Siyempre di kami sasaya ni Guia kung di masaya ang isa sa kaibigan/kapamilya namin, mas sasaya kami kung nakikita namin kayong masaya kayong pamilya namin." Nakangiting saad kao, bigla naman siyang napangiti dahil dito.
"Happy birthday nga pala sa inyo ni Guia." Nakangiting saad niya naman sa akin.
"Thank you, at isa pa pala, alam mo kase, alam namin ni Guia na medyo sensitive ka kaya sinundan kita, alam mo, sasama panga dapat si Guia ngunit pinaiwan ko sya dahil baka mag-alala si Nay Aurelia kapag kaming dalawa ang nawala hahaha, pinapasabi nya pa lang kung kailangan mo ng jaibigan nandito lang daw sya para saiyo, sorry nakalimutan kong sabihin kanina hahaha , at saka alam mo namang tatlo lang tayong mag kakaibigan kaya dapat damayan lang tayo sa ating mga problema, hays three years nalang pwede na tayong Ppmasok sa Campo de Iris Academy!" Mahabang salay-say ko kay Xavier, excited na akong makapasok sa Academy, hays 3 years nalang ang nalalabi at iiwan ko na ang lugar na ito upang mahubog ang aking kakayahan, patnubayan sana kami ng mga Deus, Dea, at mga Supreme Beings sa susunod na chapter ng aming adventure sa Mundo da Fantasia.
"Uyyy 'di ba nakuha nyo na ang Hold nyo ni Guia?" tanong ni Xavier sa akin.
"Oo, bakit?" Balik kong tanong sa kanya
"Anong nakuha nyong Hold?" balik na tanong din ni Xavier sa akin.
"Uhm, akin Power or Life Hold ang tawag, kay Guia naman ay Illusion Hold, bakit mo na-itanong Xavier?" Balik kong tanong ulit kay Xavier.
"Wala, yayain ko sana kayong mag-ensayo bukas para ma-try natin ang ating Holds." Nakangiting paliwanag naman ni Xavier na kinangiti ko din.
"No problem hahaha hindi ba isa kang Bersaglieri Class at isa kang Archer Type?" Tanong ko ulit kay Xavier, hays puro tanong na lang ang nangyayari ah hahaha.
(≧▽≦)
"Oo, bakit mo na-itanong?" Hays, tanong na naman ni Xavier, potek naging Tonight with Boy Abunda na tayo ah.
"Ah, yun kase ang alam namin ni Guia, pero di namin alam kung ano ang tunay mong Hold, 'di ba alam naman nating kahit sinong Fantasian ay may Hold? Kaya ano bang sa iyo?" Tanong ko ulit dito, hays kung alam ko lang magiging pala tanong ako ng ganito ay Mass Communication na lang sana ang kinuha kong course noong nabubuhay pa ako sa mundo ng mga tao, journalist lang ang peg!
"Ayyy seryoso hindi nyo nga alam? hala, sige na nga sasabihin ko na, akala ko pa naman sinabi na sa inyo ni Nay Olin hindi pa pala hahaha, ang Hold ko ay Charm Hold, na kung saan kapag tamaan ka ng aking palaso ko ay siguradong ma-aatract or ma-pepetrify ka sa akin at makakaya kitang utusan ng kahit anong gustuhin ko, ngunit hindi ito gagana sa mga mas mataas ang level sa akin." Paliwanag ni Xavier na nagpanga-nga sa akin, grabe parang living cupid lang.
"Potek, living cupid ka pala hahaha, pero hindi ba dapat si Deus Amare, Deus of Love ang nagbigay sa iyo ng pana't palaso mo bakit ang Deus of Earth ang nag bigay sa iyo na wala namang konesyon sa love?" Tanong ko na naman dito, hays, kung meron mass communication dito sa mundong ito, maaring ako na ang valedictorian!
"Ahhh, ang totoo nyan, ang palasong binigay sa akin ng Deus Fecar Terro ay ang pinaglumaang palaso ni Deus Amare na pinapatapon niya kay Deus Fecar Terro." Saad nya, kaya naman, binaril na naman ako ng aking curiosity.
"Eh paano mo naman nakuha sa kanya iyan?" Tanong ko na naman, hays curiousity killed the cat!
"Uhmmm, Ganito kase yan, napagalitan ako noon ni Nay Olin, alam mo namang sensitive ako kaya tumakbo ako papasok ng gubat, pagkatapos ng nasa tapat na ko ng isang puno, doon ko lahat binuhos ang sama ng loob ko, ngunit biglang may liwanag na nagmula sa kalangitan ang biglang bumulusok pababa, kaya na curious ako at pinuntahan yon, nang makarating ako Sa binagsakan ng liwanag ay May nakita akong Neutral Fera na may siam na buntot, nahumaling ako sa buntot nito at bigla ko itong dinakma, sabi ko pa nga noon ay, "hala ang kyut ng buntot mo fera." Saad ko, ngunit nabigla na lang ako ng biglang magsalita ito at sinabing, "lapastangan!" Sigaw ng may-ari ng buntot kaya napalingon ako sa may-ari ng buntot at nakita ko ang isang makisig na lalakeng nakahubad at tanging pang ibaba lang ang suot na may siyam na buntot at alam kong maari na akong mabura sa mundo noon dahil klalang-kilala ko ang may-ari ng buntot dahil nakita ko na ang kanyang rebulto sa ating templo at iyon ay si Deus Fecar Terro, wait hinga langa ko, uh!" Kwento niya at tumigil muna ng ka-unti, hays ayaw ko naman ng hanito na binibiti ako.
"Tapos? Bilis na! Ipagpatuloy muna!" Nagmamadaling saad ko, bigla namang tumingin ng masama sa akin si Xavier.
"Hays ito na, tapos sinabi ko, "pa-paumanhin p-po." Kinabahan, na-uutal at umiiyak na saad ko noon, nakita ko namang nataranta ito, at bigla itong nagsalita, "u-uyy di naman kita tinatakot, talgang ayaw ko lang na may humahawak sa mga buntot ko, ahhh, uyy tahan na, oh ito sa iyo na lang ito tutal pinapatapon naman ni Amare ang palasong iyan, S-sge hanggang sa muli huwag ka nang umiyak ah!" Paalam ng Deus Fecar Terro sa akin at bigla na lang naging liwanag ang Deus at bumulusok pataas ng ulap at nawala na ito. Ganon ko sya nakuha at Ako lang ang nagpangalan ng "Ira da Terra" bilang ang Deus naman ng Lupa ang nagbigay sa akin nito." Mahabang kwento niya sa akin, kaya naman napangiti ako ng malawak, wow naman grabe sana makatagpo din ako ng Deus, hays yun ang isa ko pang pangarap eh.
"Ah, so nakita mo na pala ang tunay na itsura ng Deus Fecar Terro sa personal? yieee nawa'y lahat! Ako kase hanggang pangarap na lang ata hahaha." saad ko na nagpatawa Kay Xavier, ayy teka, nakakita na pala ako ng Dea hahaha at isa pa sa mga Supreme Beings iyon.
"Hahahah, tara na nga at bumalik na tayo sa kasiyahan sa inyo." Yaya ni Xavier na ngitian ko naman.
"Sige, tara na hinihintay na rin tayo nila Guia, Nay Olin, at Nay Aurelia doon hahaha lagot na niyan tayo, pero basta kapag nakasalubong o makita mo yung bugok na Kuya Lucian na iyon ay huwag mo na lang siyang pansinin at iwasan mo nalang sya at saka wag ka ngang iyak ng iyak parang hindi ka lalake nyan haha." Payo ko sa kanya, bigla naman itong ngumiti ng malapad na nagpangiti lang sa akin.
"Luh, ikaw nga mukhang babae kahit lalake ka naman haha." Biro ni Xavier sa akin, natawa naman ako dahil doon, kunga alam niya lang na wala akong kasarian hahaha.
Nagbiruan at nagtawanan lang kami habang naglalakad pauwi...
...
Don't forget to vote, comment your feedback, and share my story
( ╹▽╹ )
Nasa taas po ang picture ni Xavier.
( ꈍᴗꈍ)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro