PROLOGUE
Allisha POV
KASALUKUYAN akong nasa aking precious unit habang bored na bored kaya naisipan kong pumunta na lang sa bar, wala rin naman akong kasama rito and also umalis sina Mom para yayain nila ako sa bahay na matulog.
Yuck! Nakakasawa, puro maids lang makakasama ko doʼn kung puputa ako ng wala sila.
Nag suot ako ng fitted maroon dress na cristal style at leather high hills na color black naman and the last nag make up ako ng slight lang, para madali lang ding mabura.
Pasensiya na, tamad lang..
And after many, many years.. Tah the!! It's time to go na, I am so excited-saya now hangover later
Sumakay ako sa aking lamborghini na regalo sa akin noʼng nakaraang buwan lang. Nang malapit na ako sa bar ay nag ring ang phone ko pero medyo may kalayuan ito sa driver seat kaya kailangan ko pang abutin, habang busy sa pag abot ng cellphone ko ay 'di ko napansing may truck pala na dederetso sa linya ng crossway kaya...
Malakas ang naging impact sa sasakyan ko kaya itoʼy tumilapong kasama ako.
Sabi nila kapag mamamatay ka na parang babagal daw ang pag andar ng oras at nag s-slow motion ang buong paligid, mga pangyayaring nangyayari sa akin ngayon.
Ito na ba ito? Ito naba ang ending ng buhay ko?
***
'Ahhh!!! Sh.t ang sakit ng ulo ko-wait? What?'
Minulat ko ng dahan-dahan ang aking mga mata at may kulay purple? Purple?
Diba sa Hospital kulay puti?
Ano 'to?
What is the meaning of this!
"Kamahalan mabuti at nagising na kayo," sabi ng babae na may unfamiliar clothes.
'Ano ba 'to? Nasa play ba ako? Nag lolokohan ba kami?'
"Sino ka?" takang tanong ko.
"Minerva, tawagan mo ang mahal na hari at reyna, sabihin mo na gising na ang mahal na prinsesa," utos ng babae.
"Masusunod," sabi ng babaeng si Minerva 'kuno'.
Ilang sandali lang ay lumabas ang babae at lalaki na nasa 30's palang yata? Ayy! Ewan, mukhang bata pa eh.
"Aking anak! Mabuti naman at ikaw ay gising na!" may galak na sabi ng babae.
Huh??? Nu daw???
Anak? Anong anak eh, parang kasing edad lang siya ng bunsong kapatid ng Mommy ko.
"Sino ka...?" puno ng pagtatakang tanong ko, "sorry but I don't know who you are...?" takang sabi ko.
"Manggagamot!? Anong nangyayari sa aking anak?" nakakunot noong tanong ng babae na tumawag sakin ng anak?
"Paumanhin kamahalan ngunit sa aking palagay ay nawalan nang kaniyang ala-ala ang mahal na prinsesa," sabi mg manggagamot.
Napa kunot ang noo ko. Ano daw ako? Nawalan ng memory? Pinag sasabi nito?
Pano naman ako mawawalan ng memorya eh hindi naman nabagok ulo ko.. Napatilapon lang.
"Ngunit paano? Paano natuto ang aking anak ng gano'ng salita?" tanong naman ng lalaking kasama nito, "hindi naman marunong mag salita ng ingles ang aking bunso..?" may pagtataka niyanh tanong.
'Ba't ganun? Parehas silang may korona? Totoo ba 'yan o peke? Role Play ba 'to?ʼ
"Baka dala lang ho kasabay ng pagkawala niya ng ala-ala, kamahalan," naka yukong sabi ng manggagamot daw.
"Makaka alis kana," sabi nanaman sa kaniya no'ng babae.
Tumango lang ang manggagamot at ang alalay nito saka umalis. Kaya kaming tatlo nalang ng mukhang may saping mga tao ang naiwan.
Hindi naman sila mukhang baliw.. At hindi rin kami mukhang nasa isang role play.. Kung ganoʼn ano ba talaga ang nangyayari?
(O.O|||)!!!!
H-hindi kaya ako ang nababaliw????
"Ija, Ayos lang ba ang iyong pakiramdam?" tanong niya.
Tumingin ako sa kamay ko at hinawakan ang bandang leeg, muka, legs, at tagiliran para masigurong buhay nga talaga ako.
"I-I think I'm alright," sagot ko.
"Mabuti naman kung ganon," naka ngiting sabi babae.
Mag sasalita pa sana ako ng bumukas naman ulit ang malaking pintuan ng kwarto.
'At sino naman ang isang 'to?'
"My sister I'm glad that you're alright," sabi ng lalaki na pumasok.
'Sino naman kaya 'tong kumag na 'to?'
Nakakunot ang noo kong nag tanong, "At sino naman siya?" turo ko sa lalaking na mukang kaidaran ko lang pero naka tinginparin ako sa babaeng naka korona.
"Ahhhh...anak s'ya ang nakatatanda mong kapatid," sabi ng babae na kinakunot ng noo ko.
"Kuya?? Wehhhh???" hindi kumbinsidong sabi ko.
"Ina? Ano ba ang nangyayari sa kanya?" tanong ni KUYA ko daw.
"Ang sabi ng manggagamot ay nawalan daw siya ng ala-ala," sabi ni INA.
"Alam ko na! Para bumalik ang ala-ala mo... Just wait !" sabi nito saka umalis. Nag katingin nalang kami at nag kibit balikat nalang ako.
'Luhh? Ano naman kaya 'yon?'
"Ano ba kasi ang ginawa mo at nangyari sa 'yo 'yon?" tanong ng babae.
"Are you really sure that you're my mom?" pangkukumpirma ko.
Isang mahinhing tawa ang narinig ko mula sa kanya at baritong tawa naman ay mula sa lalaki.
"Hindi kaba talaga naniniwala?" tanong ng lalaki na aking ama yata?
"Ahmm.. Hindi ko sure, pero hindi talaga," pag tanggi ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro