Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6

THIRD PERSON POV

 
            NAGISING si Sapphire sa isang malambot na higaan at katahimikan na bumabalot sa paligid niya. Dahan-dahan niyang sinubukang tumayo sa pag kakahiga ngunit nabigo siya.

Nanakit ang kanyang katawan kaya wala siyang nagawa kung hindi ang mahigang muli.  Pinag-masdan niya ang paligid at napag tantong siya ay nasa kanyang sariling silid. Nilingon niya ang direksyon kung nasaan nanggagaling ang liwanag na araw at pilit inalala ang nangyari noong gabing iyon.

Napakunot noo niyang binalingan ng tingin ang pintuan ng silid ng maramdamang bumukas ito.

Isang babaeng manggagamot pala ang pumasok. "Mahal na Prinsesa!" gulat na sabi ng manggagamot. "Mabuti po at nag kamalay na kayo!" may galak na sabi nito.

'Seryoso? Uso ba dito ang malalim na salita?' tanong ni Sapphire sa kanyang sarili.

'Baka oo? Obvious naman diba?' sarkastikong sagot naman ng inner brain niya.

"Sige ho kamahalan, tatawagin ko lang po ang mahal na hari't reyna!" paalam na sabi ng manggagamot saka lumabas ng kanyang silid.

Lumipas lang ang ilang minuto at bumalik narin ang manggagamot kasa-kasama nito ang hari at reyna pati narin ang mga kapatid ni Sapphire at ang mga royalties.

"Sapphire! Anak, tunay nga't gising kana!" may galak na saad ng kanilang inang reyna ng makalapit ito.

Nakakunot noo lang siya habang pinag mamasdan ang mga ito. "Anong... Nangyari?" takang tanong niya sa mga ito.

Tumabi sa kanya ang kanilang amang hari at lumingon pa sa mga kasama nilang nasa silid.

"Sapphire anak? Ano ba talaga ang nangyari sa iyo at sino ang tumulong sa'yo na makauwi rito sa palasyo?" tanong ng kanyang ama.

"Oo nga, noong makabalik na kami sabi nila ay nauna ka pa raw dito sa palasyong nakabalik? Inakala pa namin noon ay may kumuha sa'yong iba pa," may pag aalalang tinig ng kanyang kuya Garzon.

"Tapos, nakasakay ka pa daw sa itim na dragon ng dyosang Áplistos," sabi naman ng kanyang ina.

Dahil sa sinabi ng mga ito ay doon nalang bumalik sa kanya ang mga nangyari. Simula noong nasa karuwahe sila ng kanyang kapatid hanggang sa masakyan niya ang itim na dragon.

"Ahhh... m-may t-tumulong n-nga s-sakin," pag-dadahilan niya saka kunyaring napaubo.

"Alam mo bang sobra aang aming pag aalala sa iyo? Lalo na't ilang araw karing naakatulog," malumanay na sabi ng kanyang ina habang hinihimas ang kanyang buhok.

"Sige na, tayo na't mag agahan diba't ngayon ang ranking battle?" patanong na sabi ng kanyang ama.

"Sige, mauna na ako," may pagka cold na paalam ng kanya kapatid na si Prince Lance.

'Kahit wag ka nang bumalik!' mataray na sabi ni Sapphire sa kanyang isipan.

Nang matapos si Sapphire sa pagaayos ay bumaba na siya para sa agahan.

Naka suot siya ng white tube na pinatungan ng purple long sleeve plaid shirt at purple skirt naka rubber shoes din siya na kulay white.

Nang makababa ay nasa kanya lang ang tingin ng mga kasama dahil sa suot niya at sa natural niyang muka na walang ka makeup-makeup.

"Ano tutulala nalang kayo d'yan?" naka taas kilay na sabi niya saka umupo.

Napapahiya namang itinuloy ng mga kasama niya sa lamesa ang kanilang pagkain.

  Matapos siyang kumain ay nag una na siya sa karuwahe at sinundan nalang siya nang mga ROYALTIES.

*****

SAPPHIRE POV

    PARANG wala namang kwenta ang pagiging royalties ng mga 'to kung sobrang bagal nilang umaksyon, pinahirapan pa nila ako no'ng nakaraan.

Nakakasakit sila ng ulo!

Pagkarating namin ng Academy ay humiwalay na ako sa kanila, tinawag pa ako ni Kuya Garzon ngunit hindi ko na siya pinansin at mabilis na akong lumayo sa kanila. Pag pasok ko ng gate ay samutsaring pagpaparinig nanaman ang naabutan ko.

Pikon na talaga ako sa mga istudyanteng nakikita ko araw-araw tapos kung ano ano pa ang mga pinag sasabing walang basehan.

"Alam niyo bang ilang araw daw siyang nakatulog dahil do'n sa biglang pangyayari?"

"Buti hindi siya natuluyan?"

"Hahaha! Sana natuluyan nalang siya kase wala naman siyang dulot!"

Rinig kong bulungan ng mga epal na istudyanteng malapit sa nilalakaran ko, dahil wala ako sa mood ay wala rin akong kontrol sa emosyon ko—ngayong araw lang siguro.

"Eh, kung kayo kaya ang tuluyan ko? Bakit niyo pa pinag bubulungan kung hahayaan naman ninyong marinig ko!?" mataray na sabi ko ng maka lapit sa tatlong bukang hinulmang harina.

"Ano namang pakealam mo!?" pag tataray ng babaeng nasa gitna.

Napataas ang kilay kong sinalubong ang tingin niya. Ibinaba ko ang tingin sa Id niya.

"Eh! Ikaw ba Lussuinnia na naloshang sa kaibuturan, ano rin bang pakealam mo sa buhay ko? Eh, wala ka rin namang dulot!!?" mataray na sabi ko at nag crossarm pa.

"Huh!? What did you say? Lussuinnia na naloshang sa kaibuturan? Is that a word?" maarti na sabi niya.

"Baka 'yon ang salitang nalaman niya habang tulog," sabi naman ng isang babaeng nasa kaliwa niya at mahinang tumawa.

"Atleast may nalaman ako kahit tulog, eh kayo? Pag tulog ano nalalaman ninyo? Kalandiaan? Chismis?" mataray na sabi ko na kinatawa naman ng mga istudyanteng chismoso't chismosa na nanonood sa iksena namin ngayon.

"Woooohh! Wala pala kayo eh!"

"Burnnn!"

"HAHAHAHAHA!"

"HAHAHAHAHA!! Epal!"

"Papansin kasi!"

"You know what? Kahit anong sabihin mo mahina ka parin at wala kang kapangyarihang gaya ng sa amin!" pangiinsulto niya gamit ang maarte na tono.

"Really? Why? Gaʼno ba kalakas ang power mo?" tanong ko, "Tingin mo ba, porket wala akong kapangyarihan eh kaya mo na ako? Always remember that I'm still the only princess of Cristal Kingdom," may halong ang kaunti ang aking muka sa kanya.

Kita naman sa kanilang mga muka na umepekto ang pananakot ko sa kanila. Pinasadahan ko rin ng tingin ang ibang mga studyanteng naandito na naka paligid samin.

"At kayo! Kapag may marinig pa akong kahit isang pag uusap ninyo at ako ang topic, hindi ko na kayo palalampasin!" anunsyo ko gamit ang malakas na boses para marinig nilang lahat.

Tiningnan ko ulit ang tatlong harinang babae saka tinarayan bago umalis.

"Pathetic!" sabi ko sa hangin habang nag lalakad.

Hindi naman ako nainform na mas mabilis pa kesa sa ex mong makahanap ng iba ang balita dito sa Academia.

Aba! Nasa hall way palang ako at papasok palang ng room eh, yung eksena kanina ang topic nila ngayon.

Pero at least bulungan nila ay pabulong lang talaga ang iba naman ay isip ang ginagamit para hindi ko marinig, natakot yata sila masyado sakin di kaya?

Harsh ba ako masyado kanina? Hindi naman siguro?

Actually ang room ko ay mas mababa pa sa elete pero mas mataas naman kesa sa mga babaeng nginudngud sa harinang mga yon.

Nang maka pasok sa room ay umupo ako sa katabi kong babae? Wait— kelan pa ako nag karoon ng katabe?.

Hindi ko nalang ito pinansin dahil obvious namang malalim ang iniisip niya pero ayokong sisirin malunod pa ako ng wala sa oras.

Napansin niya lang ako ng umingay ang upuan ko. Ayy! Buti hindi siya nalunod sa sariling iniisip.

"Uhmm... H-Hi!" medyo nahihiyang bati niya sakin.

Nilingon ko siya pero hindi ko siya binati pabalik. Mainit pa ulo ko kaya behave muna.. Behave muna sila kasi ayokong manakit ng wala sa oras.

"Are you Princess Sapphire?" pa tanong na sabi niya.

"Hmm... Baka nag kakamali ka lang," sagot ko.

"Pero 'yon 'yong nakalagay sa ID tag mo?" sabi pa niya at itinuri sng aking sariling ID tag.

"So, para saan 'yong pagtatanong mo?" mataray na tanong ko.

"Bakit ang sungit mo? Ang pagkakaalam ko pa ay mabait ka!" sabi niya.

"Yeah! Kaya nga lagi nilang akong nauungusan eh," may pagka inis na sabi ko.

"Is that the reason why you're now mad to other students?" tanong nanaman niya.

"Hindi ka ba nauubusan ng tanong?" nauubusan ng pasensiyang tanong ko.

"Hehe! Sorry... Curious lang talaga ako kasi ang daming natakot sa'yo kanina sa labas,"..aniya.

"Pati sayo nakaabot 'yo? Aba! Ayos ang lugaf na 'to ah, mabilis pa kay flash," may pagka sarkastik kong ani.

"Flash? Ano 'yon? takang saad niya.

"WHATEVER!" tanging sabi ko.

"Attention students!! The ranking battle will start within 30 minutes. So, all the Dominians will to te ready!" Anunsyo sa speaker saka ito namatay.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro