Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 34

THIRD PERSON POV

        NAGISING ang natutulog na diwa ni Sapphire na kasalukuyan nang nasa kaniyang totoong katauhan. Dahan-dahan niyang iminulat ang kaniyang mga mata at tumambad ang lugar na sa kaniya ay hindi pamilyar.

"A-ano ito?" ngayon siya ay punong-puno ng pagtataka sa kaniyang nakikita.

Tumambad sa kaniya ang malambot na kama na puno ng mga bulaklak sa kaniyang tabi. Dahan-dahan siyang tumayo at tanging makintab na puti lamang ang nakikita niya.

‘Patay na ba talaga ako?ʼ tanong niya sa kaniyang sarili.

Pinagmasdan niya ang kaniyang kamay at itinungo ang mukha para makita ang katawan, siya ngayon ay nakasuot ng bistidang puti.

Umalis ang dalaga sa higaang puno ng mga bulaklak saka pinagmamasdan ang kaniyang paligid at nakita niya ang isang pintuang hindi nalalayo ang kulay paligid niya.

Nag umpisa siyang mag lakad at habang papalapit nang papalapit ay may mga boses din siyang naririnig. Pagkalapit sa pinto ay dahan-dahan niya itong binuksan na may pag dadalawang isip dahil hindi niya alam kung ano ang kaniyang makikita sa kabilang parte ng pinto.

Ngunit nang tuluyan na nga niyang mabuksan ang pinto ay maraming tao at iba't ibang nilalang na nakasuot ng puti gaya ng kaniyang suot ang sumalubong sa labas habang nag ku-kwentuhan.

Naguguluhan ngunit pinipilit niyang maging mahinahon, maya-maya pa ay biglang sumulpot ang dyosang si Maya sa kaniyang harapan.

"Ikaw pala ay gising na, Allisha!" bungad na bati sa kaniya ni Maya.

"Maya?.. Anong nangyayari?" enosenteng tanong niya sa dyosa.

"Halika't sumama sa akin," ninabot ng dyosa ang kamay ni Allisha hindi na nakapalag ang dalaga dahil agad na siyang hinila ng dyosa paalis sa lugar.

Kasama si Maya ay tinungo nila ang isang malaking pintuan at doon ay pumasok. Bumungad sa kanila ang ilang mga dyos at dyosa rin na nag aantay sa kanilang pagdating, umayos ang mga ito ng upo ng makita ang pagpasok ng dalawa.

"Isang pagbati sa inyong lahat!" may mahinahong boses na pagbati ng Dyosang si Maya.

Nagsitunguan lamang ang mga ito sa kaniya bilang isang pagbati.

"Ngayon sa inyong harapan ay nakatayo ang bagong dyosang ating babasbasan," napaayos nalang ng tayo si Allisha ng maramdaman ang mga kamay ng dyosa sa kaniyang magkabilang braso.

"ahm.." gusto mang magsalita ay hindi niya magawa dahil hindi niya alam kung anong dapat na sabihin na hindi makakapag bigay ng pagkabigo sa mga dyos at dyosang nasa knaiyang harapan.

"Syngnómi, giatí eínai akóma sto stádio tis adynamías tis, giatí xéreis," paliwanag ng dyosa na agad namang naintindihan ng mga dyos at dyosa ang ibig nitong sabihin.

*Translation: Sorry, because she is still in the stage of her weakness, ‘cause you know*

"Eínai mia chará, katalavaínoume," pag iintindi na lamang na sabi ng dyos ng hangin.

*Translation: It's fine, I understand*

Nagsi tayo na ang mga dyos  at dyosa para umpisahan ang kanilang pag babasbas upang tuluyan na siyang maging isang opisyal na dyosa.

__

LAHAT ay nagulat..

Hindi akalaain ng mga ito ang pangyayaring mag wawakas sa buhay ng nag iisang prinsesa ng Cristal Kingdom.

"HA! HA! HA! Sabi ko na't hindi magtatagal at mapapasaakin din ang mundong ibabaw!!" mala isang katakot-takot na halimaw ang dyosang si Áplistos na naka transform sa ibang kaanyuan.

Totoo't hindi ang kaniyang anyong pantao ang kaniyang gamit-gamit sa kadahilanang ang kaniyang anyo na kaniyang ipinapakita ngayon ay ang kaniya talagang totoong anyo. Siya lamang ay nag babalat-kayo na tao upang mapanatili ang kaakit-akit na kagandahang matagal nang nawala sa kaniya matapos ipasa sa kaniya ang kapangyarihang mayroon siya ngayon.

"WALANG HIYA KA!!!" sigaw ni Prince Axell, tatangkain pa sanang pigilan siya ni Shirley ngunit hindi na nito nagawa ng tinakbo ng napakabilis ni Axell ang lugar ni Áplistos.

Nang patatamaan na ni Axell ang akala niyang halimaw lamang, ito naman palihim na napangisi saka siya nilingon at inunahan—gamit ang kapangyarihan nitong nag mula sa bibig.

Walang mintis na natamaan ng makapangyarihang kapangyarihan si Axell ng dyosa at siya ay napatalsik pabalik sa pwesto ng mga Royalties.

"AXELLL!!!!" malakas na sigaw ni Prince Clarence saka tinakbo ang kapatid na ngayon ay wala nang buhay.

"H-hindi ito maaari..." nangangatog ang mga tuhod siyang nakaluhod sa lupa upang maabot ang nakababatang kapatid.

Agad na nagsilapitan ang iba pa pati na ang kanilang ama at ina. Sa ngayon ay nakayakap ang kaniyang ina sa ama na humahagulgul dahil sa sinapit ng isa sa kanilang mga anak.

Ang dating maputing balat ng bunso sa kanilang pamilya ay nababalot na ng kulay pula ang buong katawan ngayon.

Unti-unting hinawakan ni Prinsepe Clarence ang pisngi ng kapatid habang hindi parin ngayon makapaniwala sa nangyari sa taong pinakamalapit sa kaniya mula ng sila ay maliliit pa.

‘Una ay si Sapphire, tapos si Allisha, ngayon naman ay ang aking kapatid??ʼ napasabi na lamang ng binata sa kaniyang isipan.

Ilan pa ba ang mawawalan ng buhay dahil sa labanang kanilang ipinag lalaban? Tanong sa isip ng dalagang si Shirley na ngayon ay hindi parin naaalis ang tingin sa halimaw na pumatay sa kaniyang dalawang kaibigan.

Nang ito ay biglang nagpakita sa kanila kanina ay napag alaman na niya kaagad na ito ang dyosang nais na makamit ang buong Mystic World.

"Ngayon pa lang mag uumpisa ang tunay na laban.." may kahinaang aniya.

"Hindi natin matatalo ang kagaya niya, Shirley. Kaya huwag mo nang tangkain ang nasa iyong isipan," pigil na sabi sa kaniya ni Dundee na sumulpot na lamang sa kung saan.

Napabuntong-hininga nalamang ang dalaga saka nalingon ang kaawa-awang lagay ngayon ng mga royalties matapos tapusin ng dyosang si Áplistos na ngayon ay nasa halimaw nitong kaanyuan.

"Kaawa-awa ang nasapit ng isang inosenteng nilalang na gaya niya," mahinang sabi ni Dundee na sapat lamang upang kaniyang marinig.

Hila-hila ni Shirley ang pusang tao palapit sa iba pang mga royalties upang hindi sila maamoy ng halimaw dahil baka mag taka lamang ito kung bakit buhay pa rin silang dalawa ganyong napatay na ‘nitoʼ ang kanilang kamahalan.

***

Hindi nag tagal ay bigla nalang lumiwanag ang kalangitan dahil sa hindi malamang dahilan.

Lahat ay nagtataka kahit pa si Áplistos ay hindi alam kung ano na ang nangyayari sa kalangitan ngayon dahil hindi nga siya pu-pwede makapasok doon.

Ngunit hindi ang dalawang taong nanggaling sa kalangitan na alam na ang nangyayari ngayon.

‘Papunta palang tayo sa exciting partʼ nakangising ani Shirley.

Nang mawala ang liwanag ng kalangitan at bumalik sa kanina nitong itsura ay kasabay ng pagkawala ng katawan ni Sapphire.

Nilingon ni Shirley ang kaninang pwesto ni Sapphire ngunit ito ay wala na, ito na nga ang oras na kanilang inaantay.

"Tara Dundee, umpisa na," na e-excite na aniya, napailing nalang ang kasama dahil sa kaniyang kalokohan.

Bago pa man makapag lakad ay may kumapit na kamay sa kaniyang pulsuhan upang siya ay pigilan.

"Mag iingat ako, ako pa..astig ako eh," aniya sabay kindat kay Prince Lance na hawak-hawak siya sa pulsuhan.

"Nag buhat nanaman po siya ng sariling bangko," napapailing na bulong ni Dundee, "huwag kang mag alala, akong bahala sa mahal mo kamahalan," pampalubag loob na aniya kay Prince Lance.

"Wala akong tiwala sa'yo," diretso sa mukhang sagot naman ng prinsepe na nag pabagsak ng balikat ng pusa.

"Oo na lang," sagot nalang niya at sa itsura nito ay akala mo naman nawalan na ng kaluluwa.

"Mag iingat ka kung hindi, papatayin ko itong kasama mo," may pagbabantang ani pa ng prinsepe na mas nagpa bagsak pa ng lalo sa kaniyang balikat na kulang nalang ay patungan siya ng barbel sa balikat upang tuluyan nang humandusay sa lupa.

‘Kawawa naman ako, lagi nalang akong kawawaʼ sabi ng pusa sa kaniyang isipan.

( ||||っ-,-)っ

Ang dalagang si Shirley naman ay pinipigilan ang tawang kanina pa gustong kumawala.

"Huwag mo nang ganiyanin baka umiyak iyan," pangaasar niya kay Dundee na ikinasimangot naman nito.

"Tsk. Sige na, kami na ni ina ang bahala sa lahat," ani Prinsipe Lance saka mabilis na hinalikan si Shirley sa labi na binigyan lang ng nandidiring tingin ng pusa.

"Yuck~~" siniko lamang siya ng dalaga saka gumamit ng teleportation ang dalawa.

Napabuntong hininga ang Prinsipe bago ibinalik ang atensyon sa kaniyang matalik na kaibigang ngayon ay namaalam na.

‘Hindi ka man namin makakasama sa susunod na pag lalakbay ng aming buhay ay makakasama mo naman ang babaeng iyong nais makasamaʼ sabi ng Prinsepe sa kaniyang isipan ng makalapit sa kaibigan at marahan niyang hinimas ang buhok nito na ibigsabihin ay binigyang niya ng basbas ang pag alis ng kaibigang.

"Hanggang sa muli, ikamusta mo na lamang ako sa kaniya, ha?" bulong niya saka lumayo ng kaunti upang bigyan ng espasyo ang iba pang mag bibigay basbas sa pag alis ng kanilang kaibigang prinsipe.

Nilapitan niya ang kaniyang ina saka bumulong, "panahon na raw, Ina," nilingon siya nito saka malungkot na tumango.

Habang nag bibigay basbas ang iba ay pinuntahan ni Prinsipe Clarence ang labi ng katawan ni Sapphire para sana itabi sa kaniyang kapatid ngunit gano'n nalang ang pag tataka niya ng hindi na niya ito makita sa lugar.

Agad niyang nilingon sina Shirley at Dundee ng may pagtatakang tingin, parehas na ngisi lamang ang sinagot ng dalawa bago biglang nawala.

Lihim nalang siyang napasingi ng maintindihan ang ipinapahiwatig ng dalawa. "Akala ko huli na para sa Mystic, hon."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro