Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 33

THIRD PERSON POV

        AGAD na inutusan ng Reyna ang Royalties na mag handa dahil alam niyang gera na ang paparating. Inutusan niya rin si Dundee na puntahan ang Hari at iba pang mga Hari at Reyna upang ilapaalam ang pangyayari dahil hindi niya magamit ang kaniyang telepathy.

Si Shirley naman ay dumiretso sa silid ni Sapphire na nakaupo sa higaan nito habang yakap-yakap ang tuhod, sa tingin niya ay nag mumukmuk ito dahil sa pagkaing kaniyang inihanda na iba lang ang nakakain.

"Sapphire?" tawag niya dito.

Kunotnoong binalingan siya nito ng tingin, "You." turo sa kaniya, "Hindi ikaw gagalang sa akin," nakabusangot na ani ng dalaga.

‘Huh? Ano daw?ʼ naguguluhang tanong ni Shirley sa sarili dahil sa hindi maintindihang sabi ng Prinsesa.

"Hindi mo kilala Allisha? Ahm!?"

Napatango-tango na lamang siya ng maintindihan ang nais ipabatid ng dalaga.

"Technically, hindi kapa ganap, dahil wala kapang basbas ng langit," pagpapaliwanag niya.

"Liar!"

‘Ay! Iba ako pa talaga?ʼ

"Ay! Ay! Whatever. Basta halika na, you need to come with me," aniya sabay hila sa dalaga na hindi man lang niya hinantay na sumagot.

Pagkalabas ay dumaan sila sa bakuran para walang makakita sa kanila, dahil sa kalagayan ngayon ng kamahalan ay alam ni Shirley na hindi ito makakalaban ng  at baka kung ano pa ang maling magawa ng dalaga na magiging mitsa ng kaniyang kamatayan.

"Basta, dito ka lang ha?" paalala ni Shirley sa dalaga.

"Bakit ikaw susunod ko?" nakataas kilay na tanong sa kaniya habang naka na hook sitting sa isang lugar na walang makakapansin na sino man.

"Kase mapapahamak ka, kapag hindi," tanging paliwanag lang ni Shirley.

Pinaniningkitan ng dalaga si Shirley na tila inaalam kung ito ba nag sasabi sa kaniya ng totoo at nawirduhan naman si Shirley sa ginagawa ng Prinsesa kaya saglit niya tinakpan ang mata nito.

"Huwag mag papasaway, maging good girl ka ha?! Gagawan kita ng cake kapag sumunod ka," aniya na nagpa kislap sa mata ng dalaga kaya agad itong tumango-tango. Binigyan lang niya ng ngiti ang Prinsesa bago ito iniwan.

Pagkabalik sa loob ng palasyo ay pinaalam ni Shirley sa Reyna Zynlee at sa mga Royalties na itinago niya muna si Sapphire sa kung saan. Ngunit hindi niya sinabi kung sa loob o sa labas ba ng palasyo niya iniwan ng Prinsesa sa kadahilanan na baka ay may kung sinong makarinig sa kanila at bigla nalang mawala sa lugar na iyon ang Prinsesa.

Aalma pa sana ang ibang mga royalties nang ang reyna na mismo ang sumaway sa kanila kaya naman ay wala ng nagawa ang mga ito kung hindi ang manahimik.

Habang wala namang nakakapansin ay bigla nalang sumulpot sa tabi ni Shirley ang pusang taong si Dundee saka bumulong. “May problema ba? Bakit hindi ko magamit ang kapangyarihan ko?"

"Hindi ko rin alam, kahit naman sa'kin wala," pabulong na sagot ni Shirley.

Matapos no'ng huling pakikipag usap niya sa dyosa ay napaisip na si Dundee na may problema ngang kinakaharap ngayon hindi lang ang mundong ibabaw kundi pati na ang kalangitan. Iniisip niya na ito ay dahil sa matagal na pag bibigay basbas sa kaniyang kamahalan ngunit alam niya ring hindi madali ang pag p-proseso ng bagay na iyon.

Ilang minuto pa ay bumukas muli ang pintuan ay iniluwa no'n ang bulto ng haring si Crisdon mga hari't reyna na tutulong sa gaganaping pag haharap laban sa Dark Kingdom.

“Tayo'y mag handa na at sila'y salubungin..." pag uutos sa kanila ng hari na walang pag aalinlangan nilang sinunod, "...dumating na ang panahon kung saan nakasalalay sa atin ang kaligtas ng mundong ito," mahinang aniya.

Matapos mag handa ng iba pang hari't reyna sila ay agad nang pumunta sa tarangkahan upang salubingin ang mga kaaway na nag babadya ng digmaan.

"NASASAATIN ANG KALIGTASAN NG BUONG SANGKATAUHAN KAYA TAYONG LAHAT AY LALABAN PARA SA ATING TAGUMPAY!" pahayag ni Haring Crisdon, "PARA SA MYSTIC!" sigaw niya.

"PARA SA MYSTIC!" sabay-sabay na pag sigaw rin ng lahat bago sumugod para makipag salubong sa mga Dark Kingdom.

Hindi na nagatubili pa ang lahat dahil alam nilang nasa ligtas nang lugar ang mga taong nasasakupan ng buong Kingdom pati na ang mga estudyante ng mga Academia sa pangunguna ng kanilang Headmistress at mga propesor at propesora.

___

"Antagal niya," naiinip ng sabi ng dalaga habang yakap-yakap ang kaniyang tuhod.

Dahil nasa stage ng pagiging isang isip bata ay madali para sa kaniya ang maging mainipin.

Walang siyang magawa ngayon kung hindi ang mag antay sa babaeng nag dala sa kaniya sa lugar na kinakapagyan niya ngayon dahil isang masarap na minatamis na ibibigay nito kapag siya ay sumunod.

Habang minumuni ang sarili sa kung anong klaseng cake ang ibibigay sa kaniya ay nakarinig siya ng isang malakas na pagsabog kaya napatakip siya sa kaniyang taenga.

"Halla.. What happened na ba?" tanong ng dalaga sa sarili habang isinisilip-silip ang labas ng kaniyang tinataguan.

Hindi rin nag tagal ay nakarinig pa siya ng isa pa at isa pa kaya naman ay wala na siyang mapag pipilian kung hindi ang itakas ang sarili sa lugar at tumakbo papalayo.

Nang mapagod ay huminto muna siya sa pag takbo at nilingon ang lugar kung saan siya galing ngunit hindi na niya masilayan ang pinag mulan kaya inikot na lamang niya ang paningin kaya gano'n na lamang ang kaniyang takot na naramdaman ng mapag tantong siya ngayon ay naliligaw na.

Napasinghot-singhot na siya at nag uumpisa nang mamuo ang kaniyang mga luha.

"MMMOMMMMMYYYYYY!!!!!!!!!" sa sobrang lakas ng kaniyang pag sigaw ay pati ang mga lupa ay nag uumpisa nang tumipak.

___

        PATULOY ang lahat sa pakikipag laban sa bawat isa. Marami na ang nalagas at sugatan ngunit hindi ito ang bagay na mag papahinto sa mga natitirang malakas at patuloy na nakikipaglaban.

"Marami na ang nalagas sa inyo kaya mas mabuting sumuko na kayo, Crisdon!" panghihikayat ni King Hallious sa kalabang hari.

Kasalukuyang nag papalitan ng kapangyarihan ang mga ito na nag mumula sa kanilang mga espada. Parang labanan ng pinakamalakas na espada, ang pinakamalakas ang panalo.

Iba't iba ang labanan ng bawat isa. Ang ibang mga hari't reyna ay nag tutulong tulong gamit ang kanilang mga kapangyarihan na nilalabanan ang mga malalakas habang ang mga royalties naman ang bahala sa mga natitira kasama ang mga natitirang buhay na sundalo.

Habang sila ay abalang talunun ang bawat isa ay hindi na napapansin ng mga ito ang biglaang pagdilim ng kalangitan at sabay-sabay na paglitaw ng mga buwan kahit hindi pa talaga oras ng pag litaw ng mga ito.

Kasabay no'n ay ang patuloy na pagtakbo ng dalagang si Allisha na nasa katawan ng namatay na Prinsesang si Sapphire ng Cristal Kingdom.

Hindi alam ng dalaga kung saan pupunta ng dahil sa takot na naranasan kanina lamang sa palasyo, hinayaan niya na lamang ang sarili kung saan man siya dalhin ng mga paa.

Sa hindi inaasahan ay nadala siya ng pagtakbo sa lugar kung saan nagaganap ang gera sa pagitan ng dalawang kingdom.

Nanlaki ang kaniyang mga mata sa nakita. Marami ang mga nabawian ng buhay, sugatan at mga hindi na kayang lumaban ngunit kanila lang na pinipilit.

Kita ng kaniyang dalawang mata ang Amang hari na nakikipag laban sa hari ng Dark Kingdom, lagi nitong natatamaan ang kaniyang ituring na ring ama kaya hindi niya napigilang gamitin ang kapangyarihan na nagpatalsik sa kalaban ng ama.

Nakita ito ng ibang mga naroroon dahil na rin sa lakas ng impact nito ay agad na naglasog-lasog ang katawan ng hari at alam niyang hindi na mabubuhay pa ang lalaking nanakit sa kaniyang ama-amahin.

Lahat ay nagulat sa biglang pagsulpot ng dalaga sa kung saan at ang biglang pag atake nito sa hari ng Dark Kingdom na naging dahilan din kung bakit biglaang nag laho ang mga Darkens na ang ibig sabihin ay namatay na ang kanilang hari at kaya naglaho ang mga ito ay sa kadahilanang ang mga natitira na lang na buhay sa Dark Kingdom ay ang mga namayapa na noong mga sumdalo at iba pa kasama na nga roon ang bunsong anak nitong namatay noong nasa sinapupunan pa lamang ng kaniyang ina.

‘He deserve it, he hurt daddy!!!ʼ sabi niya sa kaniyang isipan saka tumakbo papalapit sa kaniyang ama para yakapin ito ang sa hindi hinaasahan ang pag dating ng totoong kalaban.

Bigla nitong inatake ang dalaga gamit ang maitim nitong kapangyarihan. Kaya ay parang nag slow motion ang lahat hanggang sa tumagos  na nga sa kaniyang katawan ang hugis espadang kapangyarihan dahilan ng pag duwal niya ng dugo at dahan-dahan pag bagsak ng kaniyang katawang lupa sa buhanginan na puno ng dugo.

"ANAK!"

"SAPPHIRE!!!"

"KAMAHALAN!!"

"PRINSESA!!!"

"ANAK KO!!"

"NAKU PO!!"

"PRINCESS SAPPHIRE!!!"

Kaniya-kaniyang sigaw ng mga hari't reyna pati ang mga royalties ng makita ang bumaksak sa lupa ng bunsong anak at nag iisang Prinsesa ng Cristal Kingdom.

Dahil nga ay wala sa tamang katinuan ang pagiisip ng dalaga ay hindi na nito nagamit kaagad ang kaniyang kakayahan kaya agad siyang napatamaan ng Dyosang si Áplistos.

Tama. Si Goddess Áplistos, ang dyosa ng kasakiman/kasamaan ang tumira sa dalaga gamit ang kapangyarihan nito.

Nakita pa ni Allisha ang natutuwang mukha ng Dyosa habang pinapanood siyang tuluyan nang bawian ng buhay.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro