Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 32

THIRD PERSON POV

   NAKAKALOKO ang ngiting ibinigay ng hari ng Dark Kingdom sa dyosang si Áplistos dahil sa maganda nitong ibinalita.

Ipinaaalam sa kaniya ng dyosa ang tungkol sa kahinaan nito patungkol sa pag sasama-sama ng mga bilog na buwan, kaya naman ay agad itong nakaisip ng magandang plano para sa kaniyang pansariling kagustuhan.

"Ipadala ninyo ang buong hukbo at tayo ay susugod ngayong gabi," agad nitong utos sa kaniyang hineral.

"Masusunod! kamahalan," agad nitong tugon at sumaludo pa bago umalis.

‘Tingnan lamang natin kung may ilalaban kapa, kamahalan...ʼ

Isang nakakalokong ngiti ang hindi mabitawan ng dalawa dahil sa pag kakaalam na sila ay mananalo na sa pagkakataong ito.

Dahil si Áplistos ang dyosa ng kasakiman ay may kakayahan siyang tanggalan ng koneksyon ang kaniyang kapwa dyosa para malaman ang mga masasamang pangyayaring paparating ngunit hindi rin ito naging madali para sa kaniya kaya naman siya'y nag handa ng napaka tagal na panahon para lamang magawa ang kaniyang pinaka p-plano.

Tinungo ng buong hukbong sandatahan ng mga taga Dark Kingdom kasama ang kanilang haring si Hallious ang Cristal Kingdom habang ang dyosang Áplistos naman ay napapangiti nalang dahil sa pangyayaring maaaring maganap maya-maya lamang.

SA KABILANG banda ay abala ang mga royalties na mapatahan ang pag tangis ang Prinsesang si Sapphire matapos ubusin ng mga ito ang kaniyang homemade brownies.

"NO! NO! I DON'T LIKE IT! HUHUHU!!! I WANT MY BROWNIES BACK!!!!!!!" nag lulumpasay na ito sa sahig nang maabutan sila ng Inang Reyna nitong si Zynlee.

"Anong kaganapan ang nangyayari?" agad nitong tanong na madaling-madali sa pag lalakad.

Agad nitong nilapitan ang ‘anakʼ saka kunotnuong nilingon ang mga dalaga't binata.

"Bakit hindi kayo makasagot!? Lance? Cybee? Ano't nag kaganito ang inyong bunsong kapatid?" tanong ng ina ngunit nananatiling tikom ang kanilang bibig dahil alam nila ang mangyayar kapag nalaman ng ina ng ginawa nila

"MOMMY!!!!" tawag nito sa ina, "Mommy!!! They do it again!!! They eat my food!!!" iyak na sumbong ng dalaga sa kaniyang Ina.

Kung matatandaan ay dati naring kinain ng isa sa mga royalties ang pagkaing kaniyang niluto sa kapanahunan ng kaniyang pag iiba ng ugali.

Niyakap siya ng ina saka inumpisahang patahinin ngunit hindi gaya ng mga nakaraang pag sasama ng mga bilog na buwan ngayon ay mas tumindi ang epekto nito sa dalaga.

"S-Sapphire, tahan na gagawa nalang ulit tayo," pangungumbinsi ng reyna.

Ngunit sa hindi inaasahan ay itinapat ng dalaga ang kaniyang hintuturo sa dalawa niyang nakatatandang kapatid saka naglabas ng kapangyarihan at ipinatama na dalawa. Mabuti nalang at naando'n ang guardiya ng dalaga at agad na nasagip ang dalawa kaya naman ay hindi sila natamaan ngunit nasira naman ang bandang sala ng palasyo.

‘Naku, hindi ito maganda..ʼ nasabi na lamang ng reyna sa kaniyang isipan.

"Mommy! Ayaw na sa kanila ni Pirha," aning dalaga habang naka sub-sub ang mukha sa leeg ng kaniyang ina

"Oo baby, hindi natin SILA bati," pag papatahan ng ina habang pinanlalakihan ng mata ang dalawang anak na lalaki na nasa tabi ng Royal Guard ni Sapphire.

Tinulungan ng Reyna si Sapphire na tumayo at muling nilingon ang mga Royalties ng may babalang tinging nag sasabi na ‘Mag uusap pa tayoʼ na ikinalunok ng laway ng mga ito.

Mapayapang iniwan ng Reyna si Sapphire na nakatulog dahil sa pagod sa kaniyang pag iyak. Ngayon ang mga Royalties naman ang kailangan niyang harapin.

"Ina!"

"Inang Reyna!"

"Kamahalan!"

"Mahal na Reyna!"

Samu't sari ang kanilang naging tawag sa Reynang si Zynlee ng marinig nila ang yabag ng pag lalakad nito pababa ng hagdanan.

"Royalties? Care to tell me what happened?" ma-awtoridad niyang tanong sa mga dalaga't binata na maayos na nakalinya ngayo sa kaniyang harapan.

"Ina.." nanaas lamang na tiningnan ni Reyna Zynlee ang kaniyang panganay ng tawagin siya nito.

"Dundee, bilang isang Royal Guard ng Prinsesa nais kong malaman ang nangyari bago pa ako dumating," ma-awtoridad na utos nito sa alagang pusa ni Sapphire.

Tumango muna ito bago ikinuwento ang buong pang yayari.

>> FLASH BACK <<

  Napaupo si Dundee sa malawak na higaan ng kaniyang kamahalan matapos maramdaman ang pag galaw ng dalaga.

Pinagmasdan lamang ng pusang si Dundee ang amo ng tumayo ito mula sa pagkakahiga at tinungo ang banyo, pagkalabas ay tamik parin ang dalaga at medyo nag hihikab-hikab na ipinag tataka naman niya pero sa ngayon ay kaniya munang hinayaan.

Mas inisip niyang onserbahan muna ang dalaga bago gumawa ng kahit na anong aksyon.

Dahil sa malamin na pag iisip ay hindi na niya namalayang binuhat na pala siya nito at sila ay tumungo sa kusina ng palasyo.

"Dito muna ikaw ha? Mag gagawa lang ako ng food ko," mahinahong sabi ng dalaga sa kaniya nang maibaba ito sa may kitchen table.

Nang iwan siya ng Prinsesa para mag luto ay hindi siya nakinig dito at sinundan ang dalaga.

Nakita niya kung paano inihanda ng dalaga ang mga sangkap hanggang sa paano ito naluto. Kahit isang beses palang niyang nakita pag proseso nito ay agad niyang nakabisado ngunit siya ay naworduhan sa mala kahon nitong hugis na may itim na kulay.

Saglit na umalis ang dalaga at iniwan lang na nakatengga ang pag kain na ginawa nito sa may counter ng kitchen. Dahil sa kyursoridad ay nilapit niya ang pagkaing gawa ng dalaga ngunit ng makarinig siya ng mga boses na papalapit ay agad siya tumalon at nag tago sa kung saan dahil alam niyang pag didiskitahan siya ng mga ito lalo na ng magkapatid na Frisho na nagbigay ng trauma sa kaniya.

"Grabe nagutom yata ako dahil sa pagod," sabi ng Prinsepeng si Xymon kasama ang iba pang mga Royalties.

"Oo nga eh, may makakain ba kayo?" tanong naman ng Prinsesang si Krisha kay Prinsepe Cybee.

"Ewan, siguro naman meron," tanging sagot ng Prinsepe.

"Uyy! Kung sinuswerte ka nga naman oh!" nagagalak na ani ng Prinsepeng si Xymon ng makarating sa kitchen counter na may nakitang nakahain, nagsilapitan din ang ibang Royalties at kumuha ng hindi pamilyar na pagkain sa kanila ngunit kanila lang itong isinawalang bahala dahil masarap naman ang lasa nito.

Enjoy na enjoy sila hanggang sa dumating si Sapphire upang balikan ang kaniyang homemade brownies pero gano'n nalang ang biglaan niyang pag wawalala ng makitang wala nang natira sa pagkaing kaniyang ginawa na para lang sa kaniya.

>> END OF FLASHBACK <<

   MATAPOS ang pag k-kwento ng anyong taong si Dundee ay napahawak nalang sa sintido ang kamahalan.

"Grabe ang pagka dismaya ko sa inyo," napapailing-iling na aniya, "hindi ba't ibinilin ng Headmistress ang Prinsesa sa inyong lahat upang hindi na maulit ang ganitong pangyayari? Ngunit pagmasdan niyo! Pati ang palasyo ay nadamay pa sa kawalan ninyo ng pagkaresponsable," paninirmon niya sa lahat.

Kung pati ang ibang Reyna ay naandito, siguradong hindi lamang sermon ang aabutin nilang lahat na ikina-luwag ng paghinga ng mga Royalties dahil hindi gaya ng Reynang si Zynlee, hindi gano'n kabait ang kanilang mga ina baka nga'y maka tanggap sila ng pingot o kutos sa mga ito.

Mag sasalita sanang muli ang kamahalan ng pumasok ng biglaan ng Punong Hineral ng kanilang hukbong pandigma na may dalang balita.

"Paumanhin sa aking kalapastangan Kamahalan, ngunit ang hukbo ng mga taga Dark Kingdom ay paparating na rito sa palasyo," pagbabalita nito na ikina gulat nilang lahat pati na ang kakalabas palang mula sa silid na si Shirley.

‘Kung mamalas-malasin ka nga naman oh! 'If you're so intoxicated oh! It's a very good timing!' good timing!ʼ ani ng dalaga sa isip dahil napag alaman nito sa dyosa na oras nanaman ng pag sasama-sama ng mga buwan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro