Chapter 31
SAPPHIRE POINT OF VIEW
MATAPOS kong matagumpay na hindi niya mayakap ay bumalik na kami sa palasyo. Pinauna ko na siya para makapag palit habang ako ay sa kusina dumiretso.
"Nakakabigla talaga ang mga pangyayari 'no?"
Napalingon nalang ako sa aking likod ng may mag salita, "yahh." tanging sagot ko lang.
"Dati kuya lang ang turing mo sa kaniya, ngayon may feelings na," agad na naningkit ang mata ko dahil sa sinabi nito.
"Pake mo ba?" pag mamaldita ko saka sana aalis ng mahawakan niya ang pulsihan ko saka ako hinigit para mapaharap sa kaniya.
"Ano bang problema mo?" saka inalis ang pag kakahawak niya.
"Problema ko? Ikaw ang problema dito, you said you like me." inilapit niya ang kaniyang sarili kaya naman ay bahagya akong napaatras.
Anong akala ng mokong na to? Mahina ako?
Nilabanan ko ang titig niya bago umirap saka napa crossarm, "Ngayon? Ano naman kung nasabi ko 'yon noon? Eh sa may pagka malabo ang mata ko eh, at saka ano ba ang alam mo? Hindi ba wala?"
"Alam na ano? Ano nga bang dapat kong alamin? Na pinag t-tripan mo 'ko no'n para makalapit sa kuya ko?"
"Ginag-go mo ba ako? Ano bang sinasabi mo? Sabi ko sayo wala kang alam...kaya mas mabuting manahimik ka nalang, pwede ba!" sabi ko saka siya kahinang tinulak para makaalis sa daraanan ko.
Bahala siya diyan, 'di naman dapat ako ang kausap niya 'no, tsk.
Umakyat na lang ako at pumasok sa aking silid. Natagpuan ko naman doon si Dundee na nag lalaro sa may kuntina ng bintana ko.
Nang mapansin niya ang prinsensiya ko ay doon lamang siya napahinto at nag iba ng anyo.
"Ba't mo pinapangit ang mukha mo?" tanong niya na ikinataas ng kilay ko.
"Trip mo ko?!"
"Sabi ko nga, mag be-behave na," aniya at umakto pang izi-zipper ang kaniyang bibig.
"Nag iinit ang ulo ko sa lalaking iyon," may inis kong sabi nang maalala nanaman ang pangit nitong mukha.
"Pinag lilihian mo?" tanong nito na nag pangiwi sa'kin saka niya tinakpan ng isang kamay ang kaniyang bibig, "nag dadala ka na ng nilalang sa sinapupunan mo no?" aniya niya bago bumalik ang anyo sa pagiging pusa at itinuloy ang pag lalarong ginagawa.
"Mukha ba akong buntis!? Baliw ka ba!" naasar na sagot ko saka ibinato ko sa kaniya ang bagay na pinaka malapit sa akin na nag pa talon ng maataas sa kaniya.
‘Aray! Masakit! Alam mo bang babasagin ang vase na binato mo sa'kin!?ʼ
"Pasensiya ka, natabig ng kamay ko," naniningkit na sabi ko.
‘N-natabig? B-binato mo eh, hindi naman iyon tabig!ʼ
"Guni-guni mo lang iyon!" sabi ko bago siya binuhat at inilabas ng silid dahil need ko ng privacy.
(^°ㅅ°|||^)
‘Nakakatakot naman ang guni-guni na iyon kung gano'n,ʼ rinig ko pang aniya bago ko tuluyang masara ang pinto ng silid.
Dumiretso sa bintana at pinag sasara ito saka binuksan ang kabinet ko at nag hanap ng susuotin ko pagkarapos maligo.
Sabi ko diba, kailangan ko ng privacy...
.
Matapos maligo at mag bihis ay lumabas na 'kong muli pero gano'n nalang ang gulat ko ng makita si Dundee na akala mo'y ni-raid kaya naman ay dali-dali ko itong nilapitan at ipinasok kong muli sa aking silid.
"Anong nangyari sayo?" agad kong tanong, "saglit tatawag lang ako ng manggagamot," akma akong lalabas ng mag salita na ito.
‘Kamahalan!!! Huhuhuhu!!!ʼ nag simula itong ngumawa kaya nataranta ako.
"Anong nangyari? Anong nangyari? Mag salita ka!" anong habang inaalog ang kaniyang katawan.
‘Niraid ako ng magkapatid na Frisho!!! Huhuhuhu!!!ʼ
"ANNOO!!?" pasigaw kong sabi saka siya binuhat, "halika! Kailangang mag bayad ng dalawang iyon!" kunot na kunot ang nuo saka mag martya para puntahan ang dalawang iyon habang buhat-buhat ang pusa.
‘WAAAHH!!! KAMAHALAN!!! NAHIHILO AKO!ʼ anito ngunit hindi ko pinakinggan.
Nang makarating sa lugar kung nasaan ang mag kapatid ay inilapag ko si Dundee sa may lamesa ng salas, naandito rin kase halos lahat ng mga royalties.
"Halla, ka! Anong nangyari diyan!"
"What the heck!?"
"Kawawang pusa, tsk. tsk."
"O my Goshh!!"
"Ano ba 'yan Sappie? Anong nangyari sa alaga mong ‘nag iiba ng anyoʼ?"
Samutsari ang kanilang mga naging reaksyon gaya ko kanina lang.
"Kayong dalawa, ano ang pumasok sa mga kokote ninyo at ginawa niyo 'to sa alaga ko ha?" sigaw ko sabay turo kay Dundee.
"Bakit hindi? Nakita namin siyang pinipilit na pumasok sa silid mo," pag papaliwanag naman ni Clarence.
"Oo nga, tingin mo ba hahayaan namin iyon?" pag sangayon naman ni Axell sa kaniyang kuya.
"Syempre, hindi!" "No way!"
Sabay nilang sabi kaya naman ay napa face palm nalang ako.
(-,- ×)
"MGA SIRAULO!" pasigaw na ani ko sabay batok sa kanilang dalawa, "simulan niyo nang lumayo-layo sa akin ha! Mga bwesit!" sabi ko pa bago kunin si Dundee saka umalis.
Habang paakyat sa hagdan ay narinig ko pa ang samu't sari nilang kumento.
‘Naku! Lagot!ʼ
‘Yari kayong dalawa!ʼ
‘Desurb!ʼ
‘Mabuti yann!ʼ
‘HOONN~~ʼ
‘KAWAWA NAMAN AKO!ʼ
"Mga baliw talaga sila," pagkausap ko sa aking sarili.
‘Nakakapagod maging kawawa,ʼ napalingon naman ako karga-karga ko ngayon saka marahang ginulo ang natitirang balahibo sa kaniyang buhok.
Pagkapasok namin ay dahan-dahan ko siyang inilapag sa aking higaan saka binalikan ang pintong naka bukas at ito ay nilock.
‘I smell something will happen,ʼ ani ng pusang Dundee.
"Hmm? Pa'no mo naman nasabi?" tanong ko na may matamis na ngiti.
‘Hindi talaga maganda ang kutob ko rito dyosa! Tulungan mo ko!ʼ dahil sa sinabi nito ay agad na lumitaw ang liwanag at lumabas dito ang pigura ni Maya.
"Hi! Maya!" agad kong bati.
Umalis sa aking higaan si Dundee saka tumalon papunta kay Maya.
"Halla! Bakit? Ayaw mo na ba sa'kin *sniff*" tanong ko ka Dundee saka sumisinghot.
"Oo nga, hindi maganda 'to," napapailing-iling na sabi ni Maya.
"Ano ba iyon, Maya?" mahinahon kong tanong.
Hindi niya ako sinagot ngunit may ibinulong ito kay Dundee na ikinatango-tango ng alaga ko.
May favoritism kana ngayon, Maya. ha!
Kahit na malakas ang aking pandinig ay kaya naman itong mapigilan ni Maya dahil isa siyang dyosa, kaya hindi ko narinig ang kaniyang ibinulong kay Dundee.
"Bakit sa kaniya sinasabi mo? Tapos sa akin bawal!?" kunot noong naka cross arm na sabi ko.
"Haha. wala 'yon sige na, mag pahinga kana, hindi ba't pagod ka?" kasabay ng pag sabi niyang iyon ay napahikab ako.
"Oo nga no, hihihi! Ang galing mo namang manghula," sabi ko bago humiga at dahan- dahang ipinikit ang aking mga mata.
***
THIRD PERSON POV
NAPABUNTONG hininga ang dyosa pati na si Dundee matapos na marinig ang malalim na pag hinga ng dalaga, senyales na ito ay mahimbing nang natutulog.
"Dyosa, wala naman sigurong magiging problema kung ngayon siya aatakihin diba?" may kahinaang boses na tanong ni Dundee.
"Sana na nga ay wala, lalo na ngayon ay may kung anong napigil sa aking kapangyarihan," aniya.
"Hindi po ba magagawan iyon ng paraan?" tanong niyang muli.
"Sa oras na itinakda, doon lang mag babalik ang aking kapangyarihan," tanging sagot lang nito.
"Sige, hindi na ako mag tatanong.." pag sukong sabi ng pusa at napabuntong hininga pa, "basta ibalik mo lang ang nalagas kong buhok," pag hingi nito ng kapalit.
Mahinang natawa ang dyosa dahil sa huli nitong sinambit saka gumamit ng mahika para maibalik ang dating malagong malahibo ni Dundee. Matapos no'n ay ibinaba niya ito sa tabi ni Allisha saka binigyan ng gawaing alam na nito ang kahulugan bago umalis.
Ang naiwang pusa naman ay tumabi sa kaniyang amo at natulog rin.
SA KABILANG banda ay abala ang mga hari at reyna sa pag tulong sa pag aayos ng Academia.
Ang Reynang si Zynlee ay tahimik sa may gilidang bahagi dahil sa kadahilanang hindi ito maaaring mapagod ng sobra kaya naman ay taga organisa na lamang ang kaniyang ginagawa.
Nang makaramdam ng pagod ay sandali itong naupo ay ipinahinga ang katawanan ng makarinig ng tinig mula sa hangin.
“Kabilugan ng bwan~~
Ang lahat ay mag iisa~~
kasabay sa kaniyang
oras na itinakda~~”
Nang dahil sa boses na iyon ay agad niyang nahulaan ang ibig nitong sabihin kaya naman ay ipinatawag niya ang karwahe at walang pag aalinlangan bumalik sa palasyo.
.
Kung matatandaan ay tinanggal ni Allisha ang ala-ala ni Queen Zynlee kung saan nalaman nito ang totoo niyang katauhan, ngunit noong oras nawala ang dalaga pansamantala dahil sa misyon, si Maya na mismo ang gumawa ng paraan para maibalik ang nawalang memorya ng Reyna at dito nag kasundo ang dalawa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro