Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 30

SAPPHIRE POINT OF VIEW

            NATAPOS nito ang kaniyang kwento ngunit kesa maintindihan ay napangiwi nalang ako.

"G-ga! Ang pinapakwento ko, 'yong nangyari sa Academia habang wala ako, hindi ang nangyari sa buhay mo habang nasa malayo ako!" sabi ko saka niya hinampas na ikina aray niya bago tumayo mula sa pagkakaupo sa aking higaan.

Nang makabalik kase ako rito ay saktong nasaksihan ko ang pag atake ng mga Darkens pero akala ko lang pala 'yon dahil iyon pala ang oras na sila ay papaalis na.

Ang maganda lang siguro sa sinabi niya ay naging ligtas ang mga estudyante ngunit ang Academia ay sirang sira ang halos pitongpu't limang porsiyentong kabuuan.

"Ano kaba, parehas lang iyon," aniya na ikinailing ko nalang.

"Sabi sa'yo eh, hindi ka dapat nag titiwala sa babaeng iyan," sabi ng kakarating lang na si Dundee na naka anyong tao.

Matapos ang pangyayari ay sila nag tanong ng tungkol sa pusa, siguro ay gusto lang muna nila akong pag pahingahin dahil nga daw ay galing daw ako sa 'bakasyon', 'yon ang sabi ni Ina at Shirley ngunit ang mga mata nilang lahat ay nag niningkitan sa tuwing napapadaan kami lalo na kapag naka anyong pusa si Dundee siguro dahil kasa-kasama ko ito hanggang sa silid.

Lalo na si Clarence na kulang na lang itapon si Dundee kanina sa hindi ko malamang dahilan. Jusko, kawawang pusa.

KNOCK*

KNOCK*

"Bukas 'yan!" sabi ko bago unti-unting bumukas ng pinto ng aking silid.

"Kamahalan.." yumuko ang isang katulong na may hawak na pagkain.

Hindi kase ako nag hapunan at sinabi nalang na pagod ako at dahil pasaway ang kung sino sa kanila ay nang utos pa ng katulong.

"Si Prince Clarence po ang personal na nag handa ng mga ito dahil sabi ho niya ay kailan niyo daw pong kumain," aniya bago inilapag sa maliit na lamesa ang kaniyang dala bago muling umalis.

"Nawa'y lahat kase diba," panunudyong ani Shirley.

"Hay naku," sabi naman ng pusa.

"Umalis na nga kayo, may pag uusapan pa tayong tatlo bukas na bukas din," tunulak-tulak ko pa sila papaalis ng aking silid.

"S-saglit lang kamahalan, dito rin ang aking silid hindi ba?" ani Dundee na gusto muling makapasok sa aking silid.

"Makitulog ka muna kay Shirley!" sigaw kong sagot.

"Gusto mo ba akong patayin ni Prince Lance!?"

"Ahhh.... Di ko na problema iyon."

"WAAHHH!!! AYOKO PANG MAMATAY!!!" sigaw nito at rinig ko pa ang pag takbo papalayo.

"Baliw talaga ang isang iyon," nasabi ko nalang bago nabalingan ng tingin ang pagkaing nasa lamesa ng aking silid.

Napatitig ako dito saka nilapit at kinain, sayang kung hindi ko makakain. Bawal daw humindi sa grasya.

‘Talaga ba? O baka may iba kang rason?ʼ hindi sinasadya kong naibuga ang aking kinakain ng marinig ang boses na iyong galing sa kung saan.

Y-wa ka, Maya!!

___

NAGISING ako kinabukasan na medyo masakit ang likod. Ilang araw na matapos ang pangyayari at hanggang ngayon ay naandito parin ako sa palasyo dahil nga malaki ang sira ng Academia ay inilipat ang ibang mga estudyante, ang iba naman ay sa kani-kanilang mga palasyo personal na tinuturuan ng mga propesor.

Nanakit nga pala ang aking likod dahil kay Dundee na king-nang nangalmot kagabi, bw-s-t!

Akala kase nito ay kalaban ako dahil nakasuot ako ng DIY facial mask na personal kong ginagawa kagabi nung bumaba ako papuntang kusina.

Kaya ito nananakit ang likod ko, hindi naman kase normal na pusa si Dundee pero hindi ko inaasahang ganito kasakit siya mangalmot, para akong sinaksak ng espada—hutek!

Hindi ko na inabalang ligpitin ang aking higaan dahil hindi ko masyadong naigagalaw ang aking likod dahil sobrang sakit talaga.

Siya naman, nilagay ko muna siya sa kawalan habang hinahantay na humilom ang natamo ko.

"Good Morning, mah friend!" bati sa akin ni Shirley ng malapit na akong makarating sa aking inuupuan.

"Sila ina at ama?" tanong ko kay Kuya Garzon na busy sa pagkain ng kaniyang almusal.

"Hindi ba nag sabi sa'yo?" tanong nito, edi tang'na na ako kung alam ko tapos mag tatanong pa ko sa'yo diba?. "Sabi ni Ina pupunta raw nila ang Academia at mag eembistiga kasama ng iba pang mga Hari't reyna."

"Ahh.. Gano'n ba," matamlay kong sagot saka umupo malayo kay Dundee, bala hindi ako makapag pigil kapag tumabi ako sa kaniya.

"Anyare sa'yo?" pabulong na tanong ni Shirley.

"'Wag mo ng alamin, baka mabalik ka lang kay Maya," pabulong kong sagot.

Tumango ito saka umayos ng upo, ‘sabi ko nga,ʼ sagot nalang niya mula sa isip.

Umayos nalang din ako ng upo saka kami nag simula nang kumain.

MATAPOS ang agahan ay nag sibalik ang lahat sa kanilang mga silid para simulan ang kanilang pag aaral habang ako naman ay dumiretso sa may hardin para lang tumambay.

Dahil nga isang makapangyarihang bg si Dundee ay hindi siya agad-agad magagamot ng kung sino lang, hindi ko rin naman kayang gamutin ang sarili ko pero okay lang, makakaganti rin ako sa loko na iyon dahil siya ang bantay ko at hindi siya rin ang nakapag bigay ng sugat sa akin kaya buong araw siyang mapaparusahan ng kamalasan.

Sorry ka nalang, ming-ming...

"Bakit naandito ka?"

"Ay! Tipaklong na may galis!" dahil sa gulat ay napa hawak pa ako sa dib-dib.

"S-sorry, ahmm.. Kung nagulat kita," aniya bago umupo sa aking tabi.

"N-no, okay lang," sabi ko na may halong awkward na ngiti.

"Ahm.. so, how's your vacation?" tanong nito.

"Masaya naman," tanging sagot ko. Syempre hindi ko pwedeng sabihin ang nangyari no'ng nagdaang linggo 'no.

"You hurt?" nagalingon ako sa kaniya ng may pag tataka.

"What do.. you mean..?"

May alam ba siya?

Wala naman siguro 'di ba?

Ibinukas kaniya ang kaniyang bibig ngunit wala namang boses na nalabas, may kahinaan pa muna itong umubo.

Ang weird ng lalaking ito ngayon.

"Okay, I'll tell you the truth.. I already know who you are.." naka tungong aniya.

(×.×|||)

Silence...

Silence...

Silence...

"P-pa'no..? Pa'no mo nalaman? Sinabi ni Maya?" takang tanong ko.

"Uhh? N-no, ahm.. Sapphire told me," aniya habang hindi makatingin ng diretso.

‘Hindi talaga makatiis ang batang 'yonʼ

"Ahm.. You know me na pala from the start.." napapatango-tangong ani ko, "...but, bakit hindi ka nag sabi, pinag mukha mo pa 'kong timang."

Nilingon niya ako saka marahang natawa, "Nag tatampo ka ba?" tanong nito na hindi naaalis ang mapaglarong ngiti.

"Pinag sasabi mo? Nakalog ka?" pananaray ko.

"Halika, hug nalang kita," aniya saka ibinuka ang dalawang braso at akmang yayakapin ako ng bigla akong tumayo para makaiwas.

"Clarence!! Kadiri ka naman, 'wag kang makalapit-lapit sa akin, ha!" pag babanta ko sa kaniya ngunit para itong walang naririnig.

Tumayo rin ito ng may kasamang nakakalokong ngiti, "you do think matatakot pa ako sa'yo ngayon," aniya.

Ikinalaki naman ng mata ko nang biglang tumakbo papalapit sa akin kaya wala akong kun'di ang tumakbo.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro