Chapter 29
The time when Sapphire disappeared...
SHIRLEY POV
MATAPOS makaalis ng kaibigan kong saksakan ng swerteng natrafic, ay bumalik na akong muli sa loob ng klase ngunit napag alaman kong tapos na pala kaya naman ay nag punta nalang ako ng Cafeteria para kumain
Habang sarap na sarap ako sa pagkain ay dumating naman ang mga hukluban kong kasamahan.
"Nakakapag taka yata't mag isa ka lang?" paunang sabi ni Princess Darcy.
Espasol ka talaga! Bibigyan mo pa ako ng dagdag alalahanin.
"So, what?" mataray kong sagot naman sa kaniya.
"Where's Sapphire?" agad na tanong ni Prince Axell.
"Why you care?" patuloy lang ako sa pagkain habang nag tataray.
"Anong ‘why you care?ʼ had you forgotten that HM assigned us to know what ever she does?" paalala naman ni Princess Krisha.
O! My! God! Why I totally forgot about that!!? D-mn, this is heck ano naman ang irarason ko!?
"A-ah, HA.HA.HA." awkward kong tawa saka inilihis ang tingin sa ibang direksyon.
‘Nakuu, ano namang sasabihin ko sa mga ito!!!ʼ
Nang ibinalik ko ng muli ang aking tingin ay ngumiti ako ng matamis pero peke.
"hehe, oo naaalala ko nga—bakit hindi naba pwede siyang magkaroon ng privacy?" sarkastikong tanong ko.
‘D-mn, buti nalang nakagawa.ʼ
"Ahh... may point naman siya do'n," pag sang-ayon sa akin ni Prince Xymon na agad na siniko naman ni Prince Zybee, "bakit? Totoo naman ah?" halos pasipagaw niya pang sabi.
"I told yah!" aniko bago tumayo saka sila iniwan doong nakatayo.
Nakahinga lang ako ng maluwag ng makaalis na sa lugar na iyon. Lintek, muntik pa akong mahuli!
Dumiretso nalang ako sa susunod na subject na aming pag aaralan. Matapos ang buong subject ko at agad akong pumunta ng kwarto ko sa dorm, doon ko naman natagpuan si Dundee na nilalaro ang isang nakakawiling bagay mula sa silid ng kamahalan.
"Hey, bakit nandito ka? Hindi ba dapat ay binabantayan mo na si Princess Darcy?" tanong ko saka pabagsak na umupo sa aking higaan.
"Huh? Umalis naba?" takang tanong nito matapos makapag anyong tao.
"Hala siya! Oo kanina pa!" sagot ko.
"Holly sh-t! Bakit 'di mo ka'gad sinabi!?" natatarantang anito saka bumalik sa anying pusa at saka agad na lumukso sa may binata ng aking silid.
Siraulo, kung hindi ko pa nasabi edi hindi niya mababantayan ang espasol na iyon?!
LUMIPAS ang mga araw ay nananatili lang na tahimik at walang kahit anong gulo ang nag babadya sa pabilig pero kahit gano'n ay may kaba parin sa akin dahil siguro ay hindi ako sanay na wala ang malapangyarihang presensiya ng kamahalan o baka naman ay dahil sa hindi pa muling nakauwi ng pusang empakto na iyon, hindi ko alam ang ginagawa niya pero sana ay hindi siya mahuli sa pag mamasid.
Ngayong araw ang ika-isang linggo mula noong umalis siya at ang mga royalties naman ay walang pahinga sa kakatanong kung nasaan ba daw siya kaya naman ay kinunsiyaba ko ang ina ni Princess Sapphire na sabihin nalang na ito ay nag bakasyon.
Sa ngayon ay kasama ko ang iba pang mga royalties na papuntang cafeteria, walang choice ang sarili ko kung hindi ang sumabay sa kanila para mabantayan sila ng maigi lalo pa't mukhang may binabalak ang babaeng espasol at lagi siyang nawawala sa paningin ko.
"Nakakapagod ang buhay kapag walang ginagawa 'no?" putol ni Prince Xymon sa katahimikan.
Mag sasalita na sana ako ng may boses namang nag salita sa isip ko.
‘mag handa ka may mga kalaban!ʼ anito na agad kong ikinatayo.
"Anong problema?" agad na tanong sa'kin ni Prince Lance.
"Kailang nating mag—
BOOOMM*
BOOOMM*
BOOOMM*
NAPUTOL ang dapat kong sasabihin ng bigla kaming nakarinig ng sunod-sunod na pag sabog mula sa kung saan na ikina-panic ng mga estudyante.
"ANONG MERON?!"
"BAKIT MAY PAGSABOG!?"
"OMIGI! MAY NASALAKAY BA!?"
"ANONG GAGAWIN NATIN!?"
"LAHAT NG MGA ESTUDYANTE MAG SILABAS!!!" sabi mula sa isang anunsiyo.
Halos lahat ng mga estudyante ay nag panic habang papalabas ng cafeteria kaya naman ay umaksiyon na ang mga royalties—syempre hindi ako kasama, wala naman akong silbing royalty kaya dumiretso na ako sa labas para malaman ang nangyayari.
Kita ko ang pag bukas ng sheild ng academia, gagamitin ko pa lang sana ang telepathy ko ng bigla namang lumapit sa akin si Dundee.
"Kung gagamit ka ng telepathy 'wag mo nang subukan, hindi gagana iyan dahil nalagyan na ng sheild ang buong Academia," anito.
"Edi lumabas tayo para matawagan siya, mindset ba mindset," ani ko saka napa iling-iling bago siya tinarayan at lumakad papalayo.
Hindi ako nahirapang makalabas ng Academia dahil hindi naman ako tao, alam niyo na..
(°—°)
Muli akong gumamit ng telepathy ngunit nagtaka ng hindi ito gumana kahit na walang barrier na humaharang kaya muli kong binalikan si Dundee para ipaalam iyon sa kaniya.
SHING*
Agad akong napa atras ng dahil dito. Tumambad sakin ang ilang mga taga sunod ng hari ng mga marurumi ang budhi.
Sunod-sunod ang mga pag atake ng mga ito pero hindi ako nag papatalo at sinasangga ko ang mga ito saka sila pinapatamaan ng bawat atake ko hanggang sa tuluyan na silang maubos.
Inayos ko ang aking suot at naging mukha naman akong hindi nakipag laban. Saka ko muling hinanap si Dundee.
Natagpuan ko itong nasa isang mataas na parte ng Academia na may kung anong ginagawa agad ko itong pununtahan.
"Anong ginagawa mo?" takang tanong ko.
"May problema tayo.." tanging sagot niya.
Agad naman akong napakunot noo dahil sa sinagot nito, "Anong ibig mong sabihin?"
Nilingon ako nito ng may halong pag aalalang tingin, "Nawala ang koneksyon ng telepathy ko sa Dyosa," aniya.
W-WHAT THE!!??
"ANO?! PA'NO NANGYARI 'YON!?" gulat kong tanong.
"Mukhang may humaharang sa pag kokonekta.."
"Anong—k-kung gano'n kaya hindi ko rin siya ma-contact dahil may naharang!?"
Napangalumbaba ito, "mukhang may malakas na pwersa ang may pakana ng pag pigil nito pati na ang hindi inaasahang pag salakay."
"Kung wala tayong konekta sa kanila ay wala din tayong ibang choice kung hindi ang tulungan naman ang mga royalties at asahan na sana, matapos niya kaagad ang misyong pinuntahan niya," sabi ko saka malalim na napabuntong hininga.
"Mukhang gano'n na nga," napa kibit-balikat niyang sabi at kami na nga ay umalis na.
Siya ang bahalang mag siyasat kung sino ang may pakana ng pag sabog na iyon habang ako naman ay dumiretso sa kung nasaan ngayon ang mga royalties bago pa nila mapansing nawala ako.
"Naihanda naba ang lahat?" tanong ni Prince Lance.
"Oo, ang mga estudyante ay inilayo na sa lugar kasama nila si Princess Hanny at Princess Mellinee," sagot naman sa kaniya ni Prince Prince Xymon.
"Mabuti kung gano'n.." aniya bago nabaling ang tingin sa akin na may pag tataka, "..bakit nandito ka pa?" may pag alala nitong tanong.
"Bakit hindi na ba ako pwedeng tumulong?" tanong ko.
"P-pwede naman, pero kase—
"Pwede naman pala, eh bakit kapa nag tatanong?" taas kilay kong tanong.
"S-sabi ko nga," basabi nalang nito na mukhang wala rin naman siyang choice.
"Sabi na eh, may something sa iyon," naniningkit ang mata namang sabat ni Prince Xymon na naandito pa pala.
Akala ko, umalis na ang tukmol na 'to?
"Tss, umalis ka na nga," parang nantataboy na sabi niya kay Prince Xymon.
Magkapatid ng talaga kayo ni Sapphire, tsk, tsk, tsk. Parehas kayong masama ang umagali! Joke..
"Ow~key~" nag tataas-baba ang kilay niyang paalam bago tuluyang makaalis.
"Baliw ba talaga lahat kayong magkakaibigan?" tanong ko kay Lance ng makalayo na ang kaibigan nito.
"Ahh.. teka, ba't nadamay ako?" agad niyang tanong pabalik ng matapos realized ang tinanong ko.
"Kase magkakaibigan kayo," ani ko saka siya tinapik-tapik sa dib-dib bago umalis.
Sunod naman akong pumunta kung nasaan sina Prince Axell, Prince Cybee at Princess Krisha. Ang nakakapag taka lamang ay wala ang espasol na Darcy na'yon.
Nakapag taka lang dahil sa kahigarang mayroon iyon ay kaya niya palang mapalayo kay Prince Axell, wala nakakapanibago lang talaga.
Babalakin ko pa sanang tawagin ang kanilang atensiyon ng may pag sabog nanamang naganap angunit ang kataka-taka rito ay kung paano nila nagagawang mapapasok sa Academia ang mga pampasabog na iyon na hindi dapat makakapasok maliban nalang..
Kung may access sila dito sa Academia na may tungkulin.
Lumabas kami kasama ng mga professor at headmistress para makita at malaman kung sino nga ba ang may pakana ng kaguluhan.
"MAGANDANG ARAW SA INYO, HEADMISTRESS!" pag bati nito kay HM.
"WALANG GAGANDA ANG ARAW KUNG KAD-M-NYOHAN MO ANG UNANG MASISILAYAN!" sabi sa kaniya pabalik nito.
"NAPAKA HARSH MO NAMAN HM, PERO SYEMPRE HINDI NAMAN IYON ANG IPINUNTA KO RITO," aniya bago naibaling ang tingin sa akin.
Luh? Bakit ako?
Takang napaturo naman ako sa sarili bago, binalingan ng tingin ang ibang mga taong kasama ko.
"Anong kailangan mo?" tanong ko nalang.
Bumaba ito mula sa mataas na pinupwestuhan niya at lumapit sa amin, kami naman ay nag handa lamang kung susubukan niyang gumawa ng hindi maganda.
"Wala naman, gusto ko lang mag bigay ng isang magandang pag bati ang prinsesa sa pag balik niya," anito saka biglang nagpakawala ng maitim na kapangyarihan.
"Huwag mong susubukang gawin ang iyong iniisip dahil alam nating hindi mo alam ang kaya niyang gawin," makahulugang ani ko na alam kong agad niyang naintindihan ang ibig kong sabihin.
"Bakit nasaan ba ang iyong ipinag mamalaki? Hindi ba't iniwan kayo?" may nakakalokong ngiting aniya.
"Tsk, wala kang alam kaya pwede ba, manahimik ka nalang!" may pag hahamong boses kong sagot at akmang lalapitan siya ng may brasong pumigil sa akin.
Nilingon ko ito at nakita ang pigura ni Prince Lance habang hindi nag banago ang seryosong mukhang naka tingin sa Hari ng Dark Kingdom bago ako hinila sa kaniyang tabi.
"Tsk, 'wag kayong mag alala, hindi naman gulo ang hanap ko eh," may nakakalokong ngiting aniya.
"Oo, nanira ka lang ng eskwelahan," pamimilosopong sabi ko naman.
"HAHAHA! Alam mo, bagay ka ngang maging kaniyang tagasunod dahil sa parehas niyong pag uugali," aniya na animo’y nasisiyahan.
"Wala akong pakealam, umalis na kayo dito, isama mo na rin ang espasol mong anak!" sigaw ko saka tinuro ang anak na babae nitong si Princess Darcy na kanina lang naka pasok sa eksena.
Kita ko na para itong naestatwa na mukhang hindi inaasahan ang pag turo ko sa kaniya.
"Anong akala mo, hindi namin alam na anak mo ang espasol na iyan? Hindi kami kasing tanga ng mga tao sa Academia na ito!" may nanlilisik na matang aniko.
"Tama, tama!" rinig kong pag-sang ayon ng isang boses mula sa kung saan.
Parang isang kidlat ang bilis nito na nakappag bigay ng sugat sa pisngi ng hari ng mga Darkens.
Pumuwesto ito sa akin na nasa anyong kaniyang tao.
"Ang galing ng timing ko 'no?" may pagka preskong bulong niya.
"No to presko sorry," bulong ko naman pabalik na ikinanguso nito.
‘T-teka, baki k-kahawig iyan ang pusa ni Sapphire?ʼ
‘Ano ba talaga ang nangyayari?ʼ
‘Ako lang ba o talagang hindi natin alam ang pinag uusapan nila?ʼ
‘Ano ba kase ang ibig nilang sabihin?ʼ
‘Can someone tell me what's going on??ʼ
‘Na-out if place yata kaming lahat?ʼ
‘Sino ka ba kase talaga, Princess Shirley?ʼ
"Mukhang hindi niyo talaga naiintindihanang nangyayari," sabi ng espasol saka humakbang papunta sa pinupwestuhan ng kaniyang ama, "I'm Princess Darcy Griffin daughter of Dark Kingdom King Hallious Greefen," pag papakilala niya sa kaniyang tunay na sarili bago nag bago nang anyo pabalik sa tunay na kaniyang sarili.
‘Tang—ʼ
‘Is this for real?ʼ
‘What the f-ck!ʼ
‘You!! Sh-tty, m-tha f-cker!!ʼ
‘Finally, her real self is now showed upʼ
‘D-mnʼ
"All your shock faces are so d-mn funny, you know?" aniya na may halong mapag larong ngiti.
"You're so iwwwiiee! Better go back to your sh-tty place bago niyo pag sisihan ang pananatili niyo rito!" may pag babanta kong sabi.
"Our pleasure," ani espasol na may pag mamaliit na tingin bago agad na nag laho.
G-go 'yon ah? Pumunta lang dito para mamerwisyo.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro