Chapter 28
THIRD PERSON POINT OF VIEW
KASALUKUYANG nag diriwang ang mga taga nayon ng mga Ánthiszoún at mga Anthropoi of thálassas dahil sa pagkapanalo at umpisa ng kanilang aliyansa.
Samu't sari ang mga palamuti na makikita sa buong paligid at ang mga pagkaing nakahain ay mula pa sa kani-kanilang mga ninuno.
Habang abala ang lahat sa pag ku-kwentuhan, pag hingi ng paumanhin, at pag tatawanan ay nakangiting nakamasid si Jack at Sapphire sa hindi kalayuan.
"Ang saya nila 'no," ang binata na ang bumasag sa nakakabasag na katahimikan sa pagitan nilang dalawa ng kaibigan.
"Oo nga eh.." pag sangayon ng dalaga saka humarap sa kaniya, "..ako rin, may magandang balita sa'yo."
"Talaga? Ano nam—" hindi nito natuloy ang sinasabi ng may biglang humila sa kaniyang braso, "Uyy! Teka-teka—" ang pagtanging kaniyang dapat na ginawa ay hindi na niya tinuloy at nakipag sayaw nalang sa mga ito.
Pigil naman sa pag tawa si Sapphire dahil sa ginagawa ng binata— ‘para siyang nag oorasyonʼ sabi niya mula sa isip.
"Hindi ka yata nakikisaya kamahalan," nilingon niya ang pinanggagalingan ng boses.
"Lucial..." nanaas ang isa niyang kilay ng pasadahan ng tingin ang kapatid ng dalawang pinuno mula ulo hanggang paa, "feel na feel natin ang pagiging mukhang bata ah?" may halong pang aasar na tanong niya.
Mahina naman itong natawa, "kay sarap lang kaseng balikan ang pagka bata," aniya.
"tss. sabagay, may punto ka naman diyan," pag sangayon niya saka muling ibinalik ang tingin sa mga nag sasayaw lalo na kay Jack na hindi talaga biniyayaan ng karunungan sa pagsasayaw.
‘kahit kailan—kadiri talaga sumayaw ang lalaking iyonʼ anang niya sa isip.
"Mag tatagal pa ba kayo rito?"
Hindi niya nilingon si Lucual at nananatiling nakatingin sa mga mananayaw at sa—mukhang manananggal (jack).
"Gusuhin ko man pero maraming taong may kailangan at nag aantay sa amin," tanging sagot ng dalaga.
"Naiintindihan ko kamahalan, nakakalungkot lang dahil sandali lamang kayong tumuloy sa aming maliit na nayon—pero agad na napalapit ang mga tao sa inyong dalawa lalo na sa iyong nobyo," sabi nito.
Oo ng—teka....
Kunot-noo siyang nilingon ng dalaga, "A-ano 'yon? P-pakiulit nga, para kase akong nabingi."
"Bakit? Hindi ho ba kayo magkasintahan?" inosente niyang tanong kay Sapphire.
"Yukk! Saang lupalop ng kaisipan mo naman iyan narinig?"
"Ahh—hehe, ang akala ko ay may relasyon kayo, sayang mag hahanda dapat ang nayon para rito ganapin ang inyong kasalan," ani Lucial na dinirian naman ni Sapphire.
"Kinilabutan ako sa sinabi mo, grabe ka!" ani ng dalaga.
Napakamot nalang sa ulo si Lucial at saktong lumapit naman sa kanila si Jack.
"Napagod ako," agad na sabi nito pagkadating.
"So kasalanan ko?"
"May sinabi ako ha! May sinabi ako?" ani ng binata bago nanaray na ikinalaki naman ng mata ni Sapphire.
"Hoy! Lalaki! Ikaw... kung hindi ka lang talaga—mabubugbug kita diyan eh!" may inis sa boses na ani Sapphire.
Tumabi si Jack sa kaniya saka inakbayan. "Ano ba yan, para namang hindi ka mabiro. Hehe."
"Ewww..." pandidiring bulong ni Sapphire.
"Sus!! Sabihin mo nalang kase na mamimiss mo talaga ako, pakipot kapa eh," aniya habang pinipilit na pinapatong gilid ng ulo sa ulunan ni Sapphire.
Ngumiwi ang dalaga saka tinulao papalayo ang binata, wala namang ibang ginawa ang binata kung hindi ang tawan lang ang babaeng dating tinatangi.
Hindi pansin ngunit mulhang nakalimutan ng dalawa na kasa-kasama pa nila si Lucial na tuwang-tuwa naman habang pialnapanood ang dalawang kulang nalang ay magrambulan sa kaniyang tabi.
Napa iling-iling nalang siya saka siya na ang nag adjust at iniwan ang dalawang nag aasaran.
***
MAHIGPIT ang yakap na ibinigay ni Lucial kay Sapphire dahil hindi nila alam na baka hindi na silang mag kita pang muling dalawa.
Kinabukasan din matapos ang salo-salo ay ang araw kung kailan lilisan ang dalawa. Labis ang lungkot nila ngunit wala silang magagawa dahil hindi nila hawak ang buhay ng dalawang napalapit na sa kanila, at alam nilang may mga pamilya ring nag aantay sa mga ito paguwi.
Matapos ang pagpapaalam nila sa isa't isa ay lumakad na papaalis ang dalawa. Tinahak nila ang daan kung saan una silang nakita ang mga sundalo nang Ánthiszoún.
Marahan nalang na natawa si Sapphire habaang binabalikan ang pangyayaring iyon, sa kaniyang palagay ay matapos ang pangyayaring iyon ay hindi na mag babalak pang muli na maka tanggap ng deskriminasyon ang mga kababaihan dahil sa kanilang kalakasan at sa pagiging confident.
Nagng tahimik ang kanilang pag lalakbay hanggang sa tuluyan na silang makarating sa lugar kung saan sila unang nagkita.
Ang puno sa tabi ng ilog.
Humarap si Sapphire sa binata, "Pa'no ba 'yan mag papaalam kana ulit," nakangiting aniya.
Malungkot na ngumiti ang binata saka siya bilang hinila para mayakap, marahang natawa si Sapphire ng marinig ang mumunting hikbi ng kaibigan.
Niyakap niya ito pabalik saka tinapik-tapik ang likod, mag sisinungaling siya kung sasabihin niyang hindi niya mamimiss ang binata dahil mula noong namumuhay pa siya sa kinagalawang mundo ay malapit na talaga sila—loko-loko ang binata noon.
Bumitaw ang dalawa sa pagkakayakap at tinapik-tapik ito sa balikat, "Pakabait kana ha? Tutuluyan kita kapag naospital ka ulit," may halong pananakot niyang sabi na ikinatawa naman ng lalaki.
"Oo na, mag papakabait na po," pabirong sagot naman ni Jack.
"At.. pwede mo bang sabihin kanila mommy na, they don't have to worry about their princess 'cause she is in the right place now," nag pipigil ng luhang aniya.
"Kahit naman hindi mo sabihin, gagawin ko iyan," nakangiting sagot nito sa kaniya.
Malalim na napabuntong hininga si Sapphire para maialis ang kalungkutan na kaniyang nararamdaman.
Itinutok niya ang dalawang daliri sa noo nito.
"Sya nga pala, pwede ko bang ipangalan ang anak ko sa iyo?" tanong nito.
Medyo natawa si Sapphire dahil sa pahirit ng lalaki. "Why not," tanging sagot niya bago mag liwanag ang mga daliri saka unting-unti na naglaho ang binata sa kaniyang paningin.
‘Hanggang sa muli, kaibigan.ʼ
***
In real world...
UMIIYAK habang hawak-hawak ng isang babae ang kamay ng kaniyang natutulog na asawa.
Ilang buwan na mula ng maospital ito ngunit hanggang ngayon ay hindi parin nagigising, hindi siya nawawalan ng pag asa dahil alam niyang lalaban ito para sa kanilang dalawa ng kanilang anak na kaniyang sinapupunan.
Nakatitig lang siya sa gwapong mukha ng asawa na kaniyang laging ginagawa at nag babakasakaling magising ito.
Para siyang nabuhusan ng malamig na tubig nang marinig ang pag ingit ng asawa..
Natatarantang tinawag ng babae ang nurse at doctor saka agad ding bumalik ngunit laking gulat nalang nito ng makitang nakaupo na sa hinihigaan ang asawa.
Nilapitan niya ito saka niyakap, "Hon..."
"Hon, bumalik na ako.." naiiyak na sabi ng binata.
"Ma'am excuse me po, kailangang icheck po muna ng doctor ang asawa niyo," mahinahong sabing nurse sa buntis.
Tumango-tango lamang ito saka inalis ang pagkakasayap sa asawa, pinag mamasdan niya lang ito sa gilid na hanggang ngayon ay parang hindi parin makapaniwala sa nangyari.
Nang makalabas ang nurse at doctor ay lumapit siyang muli saka umupo sa gilid ng higaan nito.
Nakangiti naman siyang tiningnan ng asawa at medyo nahihiwagaan sa klase ng ngiting meron ito.
"Bakit ganiyan ka kung makangiti?" nahihiwagaang tanong niya.
"Na miss kita ng sobra," sabi ng asawa niya pero hindi sinagot nag kaniyang tanong.
"Ang tagal mong natulog, alam bang antagal na nag hihintay si baby sa iyo?"
Ngumiti ang binata saka binalingan ng tingin ang umuumbok nitong tyan, "Hello, baby Allisha.."
Naestatwa ang dalaga matapos marinig ang sinabi ng kaniyang asawa, "A-Allisha?"
Hindi naman lingid sa kaniyang kaalaman kung sino ang may pangalan ng Allisha dahil halos lahat ng mga bagay at tao sa nakaraan ng binata ay sinasabi nito.
"Don't worry, nag paalam na ako at pumayag siya," nakangiting ani ng lalaki na parang nababasa ang kaniyang nasa isip.
Sino nga ba naman kase ang hindi mababahala kapag ipinangalan sa anak niyo ang first love ng mahal mo, hindi ba?
"Anong.. Ibig mong sabihin?" naguguluhan niyang tanong.
"I'll tell you soon," sabi nito habang marahang hanahaplos ang kanilang anak.
"I'm happy to have you both," he whispered before looking at his wife.
Ngumiti lang babae sa kaniya.
***
Back to Magic Wold....
NANG tuluyang makaalis ang kaibigan ay mapait na ngumiti si Sapphire at napabuntong hinga pa bago mapag desisyonang lumisan sa lugar.
Mabilis siyang nakabalik sa Cristal Kingdom na parang walang nangyari ngunit iyon ang akala niya....
Sunod-sunod na pag sabog ang kaniyang narinig.. Samu't saring sigaw at kung ano-ano pa at ang lugar ay hindi na gaya ng dati.. Hindi na gaya ng kingdom naiwan niya ilang linggo lamang ang nakararaan.
‘Anong kahangalan 'to?ʼ
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro