Chapter 27
SAPPHIRE POV
Si....
ÁPLISTOS.
Oo, si Áplistos lang naman ang babaeng lukaret na tumatawa-tawa na nakasakay sa pinuno yata ng mga worm.
“Nagagalak akong makita ka, KAMAHALAN,” pag bati niya sa akin ng may diin sa dulo.
“Sorry, we’re not in a same page—hindi ako nagahalak na nakita o kahit makita ka lang,” may lahong pamimilosopong sabi ko naman.
“Tsk, manang-mana ka talaga sa lola mong pilosopa,” sabi nito na lahata namang nangiinis lang.
“Malamang kase lola ko siya—anong gusto mo, sa’yo ako mag mamana? Hah! Edi sana hindi nalang ako ipinanganak,” pag mamaldita ko.
“Ayan ang gusto ko sa’yo eh, masyado kang palaban,” aniya.
“Kesa naman maging duwag na gaya mo,” taas kilay kong sabi.
“Duwag? HAHAHA! Baka gusto mong ipaalala ko sa iyo kung sino ang nasa harapan mo, ALLISHA.”
“Baka gusto mo ring malaman na WALA AKONG PAKE.”
“ISA KANG WALANG HIYA! MGA KAMPON! SUGURIN SIYA!!” utos nito at nag palabas ng mga anino saka tumugod sa akin, “hanggang sa susunod na pag haharap, Allisha,” paalam pa niya bago bigla nalang nawala.
Siraulo iyon ah? Nakipag trashtalk-an lang sa ‘kin..
Hindi ko na muling inintindi pa si Áplistos at agad nalang na tinapos ang kaniyang mga mahihinang alagad kasama ang mga uod gamit ang bolang apoy at para hindi masunog ang lugar ay nag paulan ako.
Tinungo ko na ang lugar kung saan nag papahinga ang mga lumaban sa mga halimaw na uod.
“KAMAHALAN!” tawag sa akin ng babaeng isa sa mga itinalaga kong hineral.
“Anong meron?” kaswal kong tanong.
“Nagamot na po ang lahat ng may mga sugat at bali, ang iba naman po na nawalan ng malay-tao ay nagising na,” balita nito sa akin.
“Mabuti kung gano’n,” patango-tango kong saad.
“Salamat hong muli, kamahalan,” pasasalaamat nito.
“No, hindi.. hindi pa tapos kailangan kong makaharap ang dalawang pinuno,” ani ko.
“Ipapatawag ko po agad kamahalan,” agad na sagot niya bago nag paalam na aalis.
Umikot lang ang paningin ko sa mga taong naka upo at nakahiga habang pinag sisilbihin ng mga kababaihan. Ang iba ay kausap ang kaniyang mga kapamilya at natutuwa sa katapangang ipinakita kanina.
Malamang, ako ang coach ng mga iyan eh...
(^v ¯ )
Patuloy akong nag mumuni-muni ng marinig ang pag ubo mula sa king likuran.
“Kamahalan, naandito na po ang mga pinuno,” aniya kaya tumango bago umalis.
“Anong ginagawa niyo dito?” takang tanong ko.
“Ikaw ang nagpa tawag sa akin, hindi ba?” ani ng pinuno ng Ánthiszoún.
“Sigurado ka bang siya ang nag ligtas sa mga kawal ko?” rinig ko namang bulong ng pinuno ng mga Anthropoi of thálassas sa kaniyang kanang kamay.
“Siya nga po, pinuno,” sagot nalang nito.
“.....”
(6_6)????
“Ay! Ipag paumanhin ninyo mga ginoo, ako’y nakalimot sa aking naiutos,” may siseridad kahit papaanong paumanhin ko.
“Walang anuman iyon kamahalan,” sabi naman ng kanang kamay ng kabilang kupunan.
“Ang galang mo naman, mabuti ka pa,” ani saka taas kilay na tiningnan ang akala mo siga na alalay ng pinuno ng mga Ánthiszoún.
“Aba’t—” susugurin sana ako nito ng iharang ng pinuno ang kaniyang kamay sa dibdib nito.
“Mag tigil ka Esmael,” saway ng pinuno, “ano naman ang iyong nais ngayon, Babaeng TAGAPAG LIGTAS?” tanong nito sa akin na may diin kaya napataas ako ng aking kilay na mataray.
“Bakit pakiramdam ko lagi kang may gagawing masama?” sarkastikong tanong ko.
“Pinuno, mag hunos dili kayo,” pag papakalma naman ng kanang kamay ng pinuno ng mga Anthropoi of thálassas.
“Okay, okay na ako,” sabi ko matapos malalim na bumuntong hininga.
Kung ang Lucas na ito parang may gagawing masama itong alalay naman ng kabilang kampo eh, parang cho-chop-chopin kang patalikod.
“Tara doon tayo sa may pwedeng upuan,” saad ko saka nag paunang mag lakad.
Pagkarating namin sa pwesto ay nag siupo na sila ngunit sobrang layo ng agwatan ng mga pwesto.
“Baka naman gusto ninyong lumapit ano? Kase masakit na ang lalamunan ko para sumigaw-sigaw pa ulit,” may halong pananaray kong wika pero ang mga matanda ay akala mo’y walang naririnig.
Sige, mapride kayo?
“Lalapit kayo o ako mismo ang mag didikit sa inyo sa isa’t isa?” pananakot kong tanong at mukha namang gumana dahil dali-daling nag tabi ang dalawa.
Tss, kailangan pang takutin bago sumunod eh.
“Okay, mabuti naman at madali na lang kayong kausap,” sabi ko saka inosente silang nginitian, “pinatawag ko kayong dalawa dahil may gusto akong itanong—lalo na sa’yo Ialha.” kita ko ang kaba sa kaniyang mga mata.
"Kanina, nalaman ko na kung sino ang nag pasimuno ng biglang pag atake... At napaisip din ako na may tao sa likod ng pag atake niya ng biglaan sa labanan kanina."
"Kaya ngayon, kayong dalawa ang naandito at alam ko rin ang mga pinag gaga-gawa ninyo—ikaw!" turo ko sa pinuno ng mga Anthropoi of thálassas, "akala mo ba walang nakakaalam ng katarantaduhang ginagawa mo? You sell minors to the followers of Goddes Áplistos to become slaves, do you think I can get past such stupidity?!" paliwanag ko na nagpatungo ng kaniyang ulo.
Mukha namang naintindihan niya ang mga sinabi ko kahit english.
“Akala ko pa naman ay mas matino ka sa isang ito!" sabay turo kay Lucas ang pinuno ng Ánthiszoún.
"Bakit nadamay ako!?" nananaas naman ang mga kilay niyang tanong.
"Bakit hindi!? Jusko, parehas lang kayong dalawang maraming kalokohang ginagawa, behind Mayasʼ back! Pag uuntugin ko kayong dalawa eh," nang gigigil na sabi ko.
Kung hindi pa ipinakita ni Maya ang mga kahangalan ng dalawang ito hindi ko pa malalamang mga walang kwenta ang kanilang mga ipinaglalaban.
Pero aaminin kong naging matalino si Áplistos no'ng part kung saan niya naisipang gamitin si Ialha ang pinuno ng Anthropoi of thálassas para makuha si Lucial. Mabuti nalang kasama ni Lucial si j—
Napatayo ako ng maalalang si Jack lang pala at ang bilang na kababaihan ang naando'n.
"Kamahalan, bakit?" agad na tanong ng isa sa mga itinalaga kong heneral.
"Kailangan na nating bumalik," agad kong sagot.
"Masusunod, kamahalan," nag bow pa ito bago pinuntahan ang mga kasamahan.
"Ialha, sasama kayo sa amin sa pag uwi!" utos ko.
"Anong iyong sinasabi? Hindi pwedeng isama ang mga nilalang na'yan sa pag uwi!" agad na hindi naman pag sang ayon ni Lucas.
"Kailangan, natin ng resbak kaya tara na!" walang paligoyligoy kong sagot.
"R-resbak?" huling rinig kong aniya.
Kahit kailan ang b-b0 ko talaga, nakalimutan ko nanamang hindi 'yon ang tamang salita.
"Isang minutong pag hahanda!" sigaw ko bago pumuwesto sa harapan nilang lahat.
"Heneral ng unang hanay, nasaan na ang mga inutusan kanina?" tanong ko.
"Kamahalan, nakabalik na kami," ani ng boses na nag mumula sa likod ko.
Napangiti nalang ako ng makita ang hawak nilang mga bagay.
Mga bamboo iyon at may telang naka tali na gagamitin naming sasakyan ng mga napinsala; yung mga hindi na makakakapag lakad, mga hindi na kayang makapag lakad ng malayo o mga nagkaproblema sa senses nila.
Tumango ako bilang senyales na gawin na ang aking ipinagawa. Agad namang tumalima ang mga ito, nagtaka pa ang ibang mga kawal ngunit wala din silang nagawa dahil hindi naman iyon nakakatakot.
NAG simula na kaming maglakbay hanggang sa makabalik na sila sa lugar at hindi nga siya nag kamali at naandoon na nga si Áplistos kasama ang ibang mga tagasunod niya.
"MAG HANDA!" sigaw kong agad nalang sinunod. Ang mga nakaduyan ay iniwan namin, mga ilang kilometro ang layo.
Ako ang unang nagpatama ng pana na sinundan naman ng iba pa kaya't naagaw namin ang kanilang atensyon. Ang ibang mga alagad ni Áplistos ay tumakbo papalapit sa amin upang umatake.
Ako naman ay sinamantala ang pagkakataon para makapasok at makipag laban kay Áplistos ngunit sa pangalawang pagkakataon ay naglaho nanaman siyang muli, napapaisip na tuloy ako kung natatakot lang ba siyang makipag laban sa kin.
Hinanap ng mata po si Lucial at sa ‘di kalayuan ay nakita ko siyang kasama si Jack, may mga kasama rin sila ang mga paslit na kailangang protektahan.
Nakita ko ang papasugod sa kanilang halimaw kaya agad ko itong pinatamaan ng palaso na dahilan ng agarang pag laho.
Napatingin sila sa direksyon ko at nag approve pa si Jack na ikina ngisi ko nalang. Agad naman akong lumapit sa kanila.
"Wala bang nasaktan sa inyo?" tanong ko sa mga kabataan, hindi sila nag salita at nagsi-ilingan lamang.
"Walang nasaktang mga bata ngunit may mga kababaihang sugatan but no worries wala namang namatay," balita ni Jack. Napatango-tango ako saka siya tinapik-tapik sa balikat.
"Tumatapang ka talaga, congrats!" bati ko na ikinangiwi niya.
"Pag bati ba 'yan o insulto?"
"Katotohanan," simpleng sagot ko.
"Tsk, makaalis na nga ilalayo ko na ang mga bata," medyo napikon niyang ani.
"Oo mas maganda iyan, dagdag points sa mga nanay nila," natatawang sagot ko naman.
"Ewan ko sa'yo!" pananaray niyang sabi pero agad ding bumalik sa seryosong mukha, "isasama ba namin si Lucial?" tanong nito.
"No, sa akin siya sasama," agad kong sagot.
"Sige, ingat kayo," aniya.
"Kayo ang dapat na mag ingat, ingatan mo ang mga bata—" lumingon ako sa baligid ngunit lahat ay abala sa pakikipag laban, "—dahil wala akong maipapasama sa inyo," tumango-tango lang ito, "icocover ko nalang kayo papalabas, puntahan ninyo ang lugar ng mga ibang kawal—isang kilometro ang layo mula rito maliwanag."
Binulungan niya ang mga bata at agad silang sumagot na mukhang sumasangayon naman.
Sa liko na parte ko sila pinadaan para hindi masyadong lantad, may mga nakakalaban parin naman akong halimaw pero iilan lang hanggang sa tuluyan na silang maka alis ng nayon.
Bumalik ako kay Lucial at sa magandang pagkakataon ay naahutan ko parin siyang nasa pwesto sa may gilid kung saan siya hindi maiisipang matagpuan.
Inabutan ko siya ng isang espada pero bago iyon ay nagpalit anyo siya na kaya isa nanaman siyang dalaga ngayong muli saka niya inabot ang espada.
"Tara na kamahalan," pag aaya nito na sinunod ko naman.
Sumugod kami upang tulungan ang ibang mga nakikipag laban. Sa totoo lang ay may madaling paraan naman para matalo ang mga ito ngunit hindi pwede hanggat walang pahintulot ni Maya at saka hindi rin nila pwedeng malaman—dapat ang alam lang nila ay ako ang kanilang ‘tagapag-ligtasʼ iyon lang at wala nang iba.
Matapos ang madugonat nakakapagod na labanan ay natalo naming lahat ang mga kalaban...
At napansin kong pwede naman palang mag laban ng magkasama ang dalawang partidong ito, gabay lang—ng isang astig na si Allisha.
Yeahhh, ang lupet ko talaga..
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro