Chapter 24
SAPPHIRE POINT OF VIEW
GAANO ba kahirap maging isang anak sa labas? Iyon ang tanong sa isip ko ngayon, namuhay ako sa isang masayang pamilya noong nabubuhay pa kaya hindi ko alam ang nararamdaman ngayon ni Lucial na
ang kasalan dahil nga nagawa ka lang dahil sa pagkakasala. Sa madaling salita ‘black sheepʼ.
"Alam mo.. Sa totoo lang I don't feel the same way, kase actually namuhay ako ng masaya kasama ang mommy at daddy ko," kwento ko sa kaniya saka sarkastik na natawa.
"Masaya nga iyan kamahalan," nakangiting aniya.
'iyon nga lang—maaga akong kinuha..'
"'Yon nga lang hindi gaya ng lola ko dahil maaga siyang kinuha ng naglikha."
"Masasabi ko bang swerte parin ako kamahalan? Dahil nabuhay ako sa mundo ng maraming taon?" tanong nito.
"You know, ang sagot ko d'yan ‘OOʼ kahit sabihin man nating.. We're not living in a perfect world—but at least we saw how wonder it is.."
".. Living things are not quite good but it's okay, as long you live like it is more perfectly than they thought.."
"Ahm.. Sa totoo lang kamahalan wala akong naintindihan sa mga winika mo ngunit... Ang iyong emosyon ang nag papaintindi sa akin," naka ngiting aniya.
Parang malalaglag ang panga ko sa gulat matapos ko siyang lingunin.
Nag bago ang kaniyang hitsura—para siyang bente anyos...
"A-anong?? P-panong??" nauutal kong saad na hindi makapaniwala siyang tinitigan
"Salamat sa pag tulong sa akin kamahalan, ngayon alam ko na ang tutunguin kong landas..." aniya saka tumayo, "... Magandang gabi kamahalan," paalam nito saka umalis.
Wooww....
Totoo ba itong nakita ko?
N-ngumiti lang siya tapos ilang dekada na kaagad ang kaniyang binata?
Ipasubok ko nga rin iyan sa dyosa ng panaginip at ala-ala.. Charot, baka magalit at bangungutin ako.
Agad akong tumakbo at pumunta sa kung saan ko iniwan kanina si Jack ngunit sabi ng mga kababaihang aking nadatnan ay pumunta na daw sa isang silid at nag papahinga.
Siraulo talaga iyon, hindi naman iyon ang ipinunta namin dito...
"HOY!" pasipa-sipa kong kong pag gising sa kaniya.
"A-ano ba!! Kitang natutulog ang tao dito eh!" inis nitong saad.
"Gusto mong matulog ng habang buhay!?" pag babanta kaya agad itong tumayo at naka salute pose pa.
"Anong gagawin natin?" tanong nito.
"May pag uusapan tayo kaya do'n na tayo sa labas," sabi ko sabay hila sa kaniyang braso.
"A-aray!! Hindi mo naman ako kailangang hilain!!"
"Bilisan mo na!! Pupuntahan na natin si Maya!!"
"Ano!!! Send hellpp!!! Kinakaladkad na niya ako!! WWAAAAHHH!!!"
Nyeta naman!! Napaka ingay!!
Sa inis ko ay pinatulog ko muna si Jack dahil napaka ingay ng bunganga niya, dala siguro ng pagka coma niya ito–leche! Sana matuluyan—charot..
Pagkarating namin sa likod kung saan ko kanina nakausap si Lucial. Pinaupo ko siya damuhan saka ginising nang muli.
"WWWHHHAAA!!!—" sigaw nito bago napabaling ang tingin sa akin, "ay, ikaw pala iyan," pag babago niya ng reaksiyon saka kunyaring naubo.
tsk, siraulo...
Napa rolled eye ako saka itinuro ang kaniya noo gamit ang aking dalawang daliri..
Sa isang iglap ay nakapunta na kami sa lugar ni Maya— ‘wag na kayong mag isip teleportation lang ang ginagawa ko.
"Allisha, ano‘t napadalaw ka?" tanong nito.
"Maya, sabihin mo nga.. Bakit mo ba talaga ibinigay sa akin ang misyong ito?" seryosong tanong ko.
"Alam mo Allisha, hindi lahat ng tanong kailangan ng sagot mula sa iba, minsan–kailangang ikaw mismo ang sumagot sa iyong sariling katanungan," may kapayapaan sa boses niyang sabi.
"So ngayon ang gusto mo naman na maging role ko ay manghuhula, gano'n?" may halong sarkastikong tanong ko.
Hindi ito nag salita at nag kibit balikat lamang.
"Alam mo minsan wala ka talagang kwentang kausap eh," naka pamewang kong sabi saka tumalikod sa kaniya, "tara na nga," sabay hilang sabi ko kay Jack na parang nanonood lang ng sine.
"Pasensiya na, ito lang ako eh," pahabol na aniya.
‘Pisti!ʼ
Pagkabalik namin ay napapairap ako mga ilang beses na rin hanggang sa..
PAK~
“Ahh! P-NY-TA, TIERKENSON MAPAPATAY TALAGA KITA!!”
Syemay, binatukan ba naman ako ng loko ng pagka lakas-lakas akala mo naman nakapagaan ng kamay ng bw-s-t!
Gagantihan ko na sana siya ng hampas ng may biglang tumawak sa'kin.
“KAMAHALAN!” napalingon ako sa kinaroroonan nito.
Tumatakbo ito at nang mahinto sa aking harap ay napapahawak pa sa binti na mukhang kanina pa natakbo kaya ganito siyang hingal na hingal.
"KAMAHALAN, mabuti at nakita ko na kayo, ang tagong lugar inatake at ang Inang Lucial nakatamo ng sugat," sumbong nito, "pakiusap kamahalan, kailangan kayo ng inang Lucial," pagmamakaawang aniya.
"Kung gano'n ano pa'ng ginagawa natin dito? Bilis na!" may pag mamadali ni Jack sumangayon naman ako at kami ay dali-daling tumungo sa kanilang taguan.
Naabutan namin silang nag kakagulo, natatakot, at hindi nila malaman ang kanilang gagawin.
"Ano'ng kaganapan ito!?" may awtoridad kong tanong.
"Kamahalan... A-ang Inang..." lumapit ako sa babaeng nag salita.
"H-huwag n-na ninyo a-akong intin..dihin, h-hindi naman malalim a-ang aking natamo," nahihirapang aniya.
"Anong nangyari?" tanong ko saka lumingon sa babaeng tumakbo sa amin kanina ni Jack.
"M-may dumating n-na ilang k-kawal m-mula sa A-anthropoi of thálassas n-ngunit walang n-naiwang mga kawal k-kaya.." bumuntong hininga ito saka ipinalibot ang tingin sa paligid, "...n-napahamak ang i-ibang mga k-kababaihan p-pati na ang I-inang Lucial."
Matapos niyang isalaysay ang mga nangyari ay lumuhod ako para mapantay ako sa kaniya, siya ngayon ay bumalik ang kaniyang kaanyuan pagiging isang may edad na babae. "Lucial, 'wag kang gagalaw at mag pahinga ka muna hanggang sa gumaling iyang sugat na iyong natamo..."
Inilibot ko ang aking paningin sa buong paligid na napapalibutan lamang ng tanging mga kababaihan maliban kay Jack.
Tsk, bakit ba kase hindi sila nag iiwan ng mga tao rito?
Siraulo rin iyong pinunong iyon, ah.
Hindi ko na kailangang isipin pa kung ano ang nararapat na maging solusyon ng pangyayaring ito dahil ang epiktobong solusyun lang nito ay ang matuto silang...
....Lumaban.
~ × ~
THIRD PERSON POINT OF VIEW
“Amain, marami nang nalagas sa ating samahan, ano na ang ating gagawin?” tanong ng kanang kamay ng pinuno ng mga Ánthiszoún (An-ti-shion).
“Oo nga't nasisilayan ko rin," sagot naman ng pinuno.
"Amain, bakit hindi nalang natin siya isuko para matapos na ang labang ito?" pag bibigay niya ng suwestiyon.
"Pakiwari ko'y pati mga kababaihan ay hindi na mag tatagal at baka madamay rin na dahilan ng pagkaubos ng ating lahi," dag dag pa nito.
"Mag tigil ka! Ismael. Hindi mo alam ang iyong sinasabi!" seryosong sabi ng pinuno.
"Mas importante pa ba ang matandang iyon pinuno? Kesa sa buong nayon, pinuno?" aniya na akala mo'y alam ang kahihinatnan ng kaniyang sinasabi.
"Ismael, kung ninanais mo pang mabuhay, mag tigil ka!" siway muli ng pinuno na ngayo'y parang mawawalan na ng pasensiyang kanina pa pinipigilan.
Dahil sa kaniyang sinabi ay hindi na muling nag salita ang binata at hinayaan nalang ang kaniyang pinuno.
Ilang araw na ngunit hindi parin natatapos ang labanan dahil iyon ay matatapos lamang ang isang araw kung may isa sa kanila ang aatras ngunit hindi ibigsabihin no'n ay tapos na ang digmaan.
Sa ngayon ay naka upo ang pinuno sa isang lugar na mataas at matayog kasama kasama ang kaniyang nakang kamay habang ang kaniyang mga sundalo ay nakikipag laban sa mga kawal ng nayon ng mga Anthropoi of thálassas habang ang pinuno rin nito ay naka upo sa lugar na mataas at matayog gaya ng sa pinuno ng Ánthiszoún.
Ang mga pinuno ay taga utos lamang habang ang kanilang mga kawal ang nag lalaban laban.
Naisip ng pinuno na mas magandang wala ang babaeng dayuhan sa labanan dahil ang mas nararapat niya lang na gawin ay ang masigurong ligtas ang kaniyang nakakababatang kapatid na si Lucial na nais paring makuha ng mga Anthropoi of thálassas at gamitin sa kasamaan.
‘Hindi na maganda ang mga pangyayari, paubos na ng paubos ang aking mga tauhanʼ nag pipigil ng inis na sabi ng pinuno ng Ánthiszoún.
“Pinuno, may nakikita ako sa banda ro'n!” bilgang ani ng kaniyang kanang kamay na si Ismael habang may itinuturo sa hindi kalayuan.
Ano yun....?
Nang medyo natatanaw na nila ang mukha ng mga paparating—Oo ito ay mga dahil nasa tatlo o higit pa ang mga paparating na nakikita ng tagatingin sa kanilang lugar.
“PINUNO! ANG PRINSESA AT ANG MGA KABABAIHAN!” sigaw nito.
“ANO!!”
Napatayo sa gulat ang pinuno dahil sa sinigaw nito at umalis sa kaniyang inuupuan para masilayan ng kaniyang sariling mga mata ang katotohanan.
‘A-anong nangyayari...?ʼ naguguluhang tanong ng pinuno sa kaniyang isipan..
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro