Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 23

SAPPHIRE POINT OF VIEW

       HINDI makapaniwalang tingin ang ibinigay ko sa natutulog na si Jack, partida nakatayo pa yan.

Alam mo yung mamamatay ka nalang pero naisip mo pang matulog, the heck ano kaya feeling? Hehehe, gusto ko tuloy itry— inggetera lang!!?

Pano kaya kung ihulog ko nalang itong siraulo na to sa bangin?

Joke, bawal baka ako ang matigok kay
Maya HAHAHA!

‘Mabuti alam mo!ʼ

Narinig mo pa yun?

‘Ako pa!ʼ

Sabi ko nga behave nalang ako

Napa buntong hininga nalang ako dahil wala akong choice kung hindi ang buhatin siya, mukha kaseng nagising ang diwa tao niya kaya sign din iyon na kailangan na naming bilisan kung hindi—boom! Goodbye, many people!

Agad kong tinanggal ang lubid na nakatali sa aking kamay saka siya binitbit na parang bigas hanggang sa makarating kung saan nila rito itinatago ang mga kababaihan at kabataang naninirahan dito sa lugar.

"Meron ba ditong may alam kung pano mapapagising ang natutulog?"tanong ko sa mga tao.

Dumaan mula sa dulong lugar ang isang may edad na ginang at ako ay hinarap.

"Kamusta, ako nga pala si Lucial ang nakababatang kapatid ng pinuno,at namumuno sa mga kababaihan." pagpapakilala niya.

Pilit naman akong ngumiti saka siya binati, "Hehe, kamusta ka rin."

"Bakit may problema na ang iyong kaibigan?" lumapit siya at umupo saka kununsulta ang pulso at tyan ni Jack. "Mukhang hindi lang nakatulog ang iyong kaibigan, nakakain yata siya ng dahon ng aurora," paliwanag niya.

"Ano 'yon?"

"Ang dahon ng aurora ay isang mabisang gamot para sa mga may sakit upang sila ay tuloy-tuloy na makapag pahinga, ginagamit din itong isang mapanganib na kasangkapan na nakakamatay.." paliwanag niya pa, "..kung nais mayron akong gamot kailangan mong lagyan ng dahon cucumber ang kaniyang dalawang mata," paliwanag nito.

Ano ba naman 'yan dagdag alalahanin pa.

"Ngunit, iyon ay matatagpuan lamang sa lugar ng mga dyos at dyosa," dagdag pa niya.

Y*wa!

"G-gano'n?" ano ba namang klaseng kasama to? Perwisyo.

Umalis ito at nag lakad sa may parang kurtina baging at ang mga kababaihan naman ay tinulungan akong ilagay sa may banig si Jack.

Nang makabalik ang matanda ay may dala-dala itong parang langis yata na nasa bote saka iniabot sa akin.

"Ano 'yan?" tanong ko.

"Heto, sabi ng mga ninuno ay kung ikaw ay isa sa mga masuwerte na nilalang ay maaari ka na ring mapabilang sa mga matataas na uri," paliwanag niya ulit.

Hindi naman siya mabilig mag kwento 'no?

"Ano ang MASUWERTENG nilalang ang sinsabi mo?" takang ani ko, hindi ko kase magets kahit ako walang alam, sorry baguhan lang.

"Gaya mo, mayroon kang kakayahang makausap ang dyosang si Maya, kaya ikaw ay isa sa mga masusuwerteng nilalang," sagot niya.

Napa ‘Ahh..ʼ nalang ako.

‘Masuwerte ka pala at nakakausap mo koʼ may pang aasar na tinig mula sa aking isipan.

Kapal!

PILIT ko siyang nginitian kahit ang nasa loob-loob ko ay gigil na gigil na ako dahil kay Maya.

“S-salamat,” pasasalamat ko sa kaniya saka kinuha ang bote ng langis na kaniyang ibinigay.

Tumango lang ito bilang pag sang-ayon bago lumayo ng kaunti. Binuksan ko na ang bote at may kung anong liwanag ang nasa loob nito.

Sana ol, shining!

Ibinuhos ko sa aking palad ang laman nito saka ipinakalat sa kaniyang ulo at bumulong, “Fos pou férneis, xypnóntas aftón ton týpo apó ton ýpno...”

Matapos kong sabihin ang mga katagang iyon ay biglang nagsi alisan ang ginintuang liwanag na langis sa kaniyang uluhan at ito ay nag simulang pumaikot ikot sa aming dalawa.

Matapos ang ilang sandali ay pumasok ang mga ito sa kaniyang dibdib at doon nga biglang napa tayo ng upo si Jack na ani mo'y nag hihingalo.

Nanatiling siyang nakatingin sa harap bago lumingon ang ulo sa akin pati na rin sa ibang mga nababaihan at mga kabataan na nasa paligid namin.

"A-anong n-nangyayari?" parang naguguluhang tanong niya sa akin.

Tinarayan ko siya saka ipinatama ang aking kamay sa kaniyang batok.

"Aray! Allisha!" napapahimas sa batok na sigaw niya sa akin.

Tumayo ako at nag crossarm saka itinirik ang mata.

"tsk! Taray ka gurl~~" usal niya, tinarayan ko lang siya, pero syempre dahil sadista akong babae ay may kalakasan ko siyang sinipa kaya dimiretso siya sa may pader.

"Parusa mo 'yan dahil natulog ka ng wala sa oras, tsk!" ani ko bago napabaling ang tingin sa ibang pang mga tao rito.

Pvny*wa! Nakalimutan ko!

Umubo ako bago ibinaling ang tingin kay Lucial, "Sabihin mo nga? Nasaan ang mapa na gustong makuha ng mga Anthropoi of thálassas?" deritsuhang kong tanong.

"P-pano mo.. P-pano mo n-nalaman ang t-tungkol sa mapa?" nag puputol-putol niyang tanong.

"Gano'n ako katalino," may pagka presko kong sabi.

"Tsk, 'wag mo na silang paikutin Sha, baka hindi maniwala ang mga iyan," sabi sa akin ni Jack.

"Eh, kung ikaw kaya ang paikutin ko?!" pag babanta ko kaya tumalikod nalang ito at pinag masdan ang bato-batong dingding.

Pataray kong inalis aa kaniya ang pansin at ibinalik kay Lucial ang tingin.

"So, like what I said, Where is the Map?" nanatili lang siyang naka titig sa akin na parang hindi makapaniwala.

"I-ikaw..." nakaturo niyang saad.

Luh? Ano nanaman 'to?

"H-hindi ba't i-ikaw ang nasa p-propisiya?" hindi makapaniwalang usal niya na ikinabigla rin ng karamihan, "ikaw ang pipigil sa kaniyang kasamaan," may halong pagka mangha pa niyang dag-dag.

"Ay! Alam niyo na pala ang tungkol do'n? Sayang magpapaka lowkey sana ako," napa hawak sa ilalim ng baba at patango-tangong ani ko saka bumuntong hininga.

Tumango ito at nag kalad na papalayo. Nag offer naman sa amin ang isang babae ng makakain, tumanggi ako pero ang kasama ko—ayun, akala mo isang buong taong hindi nakakain.

"Sure ka? Ayaw mo?" pang aalok niya.

Umiling iling ako saka inayos ang pagkakaupo. Pinag masdan ko ang mga kababaihan na nasa loob ng kwebang ito. Lahat sila ay nakaupo lang sa isang tabi habang nakain.

Bakit kaya hindi sila dito sa lamesa nakain? Malawak naman i—

"Ate..." napalingon ako bandang gilid ko at nakita ang isang maliit na bata, mukhang nasa dalawa o tatlong taong gulang palamang ito.

Nakalahad ang kaniyang kamay sa aking harap na parang may ipinahihiwatig na kung ano.

Kaya napakunot ako ng aking noo.

(õ_õ)

Ano ba ang gusto niyang iparating??

"Anak!" tawag ng isang babaeng mukhang nasa mid 20's palang, "K-kamahalan... I-pag pauman po n-ninyo ang inasal ng aking anak.." pag hihingi niya ng tawad para sa bata saka ito hinila papalayo sa akin.

Halla? Ano bang ginawa niya?

"Tsk! Tsk! Ganito pala kahirap ang dinaranas dito.. parang wala na akong ganang Kumain ah," biglang sabi ni Jack na medyo ikinagulat ko.

"Kailangang manggulat?" sarkastikong tanong ko.

Umiling-iling ito, ngunuya-nguya siya hanggang sa tuluyang malunok ang kaniyang kinakain. "Hindi naman, I'm just pity them ‘cause—can't you see how they're suffer just because of that fvckinʼ map?" aniya na halatang naiinis na rin dahil sa nakikita.

I-ibig sabihin.....?

Napabuntong hinga ako bago ibinaling ang tingin sa mga kababaihang animo'y mga hayop sa gilid na nag kukumpul-kumpol.

"Yeah, maybe you're right—or literary ‘rightʼ We need to stop this war bago pa tuluyang mamatay sa gutom ang mga taong ito," may kalungkutang sabi ko saka ibinaling ang tingin sa kaniya.

"Aww!! Si Sha, nakakatouch naman.." aniya—hindi ko alam kung nangaasar ba ito o ano.

"Bilisan mo na nga diyan, tsk!" sabi ko saka siya iniwang mag isa sa lamesa.

Dinala ako ng aking mga paa sa kugar na hindi ako pamilyar—literal na hindi talaga.

"Kamahalan..." medyonagulat ako ng biglang may mag salita pero hindi ko iyon ipinahalata, "ano poʼt naririto kayo?" tanong nito.

"A-ahh.. W-wala naman," ani ko at tipid siyang nginitian.

"Halikayoʼt maupo sa aking tabi, kung inyong mamarapatin," may pag galang niyang ani at hindi narin ako tumanggi.

Sa unaʼy katahimikan ang namayani sa aming dalawa ng kaniya ito ng basagin.

"Kamahalan, pagpasensyahan mo na nga pala ang aking nakataatndang kapatid, nadadala lang siya ng kaniyang galit," aniya.

"Ano pa nga ba ang iba kong magagawa bukod doon hindi ba? Mabuti nalang talaga at may mabait siyang kapatid na gaya mo.."

"A-ang totoo ay.." hindi nito nagawang ituloy ang sasabihin at napa buntong hininga na lamang siya.

"No, it's okay you don't need to tell," ani ko.

"Ho?" nakakunot noong tanong naman nito.

"Ahh.. Ha, ha," ‘putcha! Nakalimutan kong hindi sila nakakaintindi ng englishʼ "—h-huwag mo nalang intindihin ang sinsabi ko," may awkward na tawang ani ko.

"Hindi—a-ang ibig kong sahin ay nararapat ninyo lang itong malaman," aniya.

Hindi ako sumagot at hinintay lang siyang mag salitang muli.

"Ang aking nakatatandang kapatid ay kapatid ko lamang sa ina... matagal na panahon na noong ang reyna ay n-nahalay ng namatay na hari ng Anthropoi of thálassas a-at—

"—at ikaw ang naging bunga tama ba?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro