Chapter 16
Sapphire POV
‘The heck!?ʼ
Actually... hindi ko alam ang dapat kong sabihin.
"W-What the!? Anong ginagawa ninyo!?" naka ngiwi kong tanong.
Naka upo si Shirley sa dulo ng kama habang si kuya Lance naman ay nasa paanan nito na tila ba ay may tinatanggal.
Tumayo si kuya Lance at humarap sa 'kin, "Hindi mo ba nakikita? tinatanggal ko 'yong bubog sa paa niya."
Napangiwi akong tiningnan si Shirley habang siya naman ay umiwas lang nang tingin.
Isinarado ko ang malaking pintuan saka sila hinarap na dalawa, "Nabubuang na talaga kayong dalawa eh, 'no? Alam niyo bang nabaliw ang tainga ko sa dahil sa inyo!" inis na sabi ko.
"Well... Hindi naman namin alam na... malakas pala ang iyong pandinig at narinig mo mula sa inyong silid hanggang dito sa silid ko ang sigaw ng inyong kaibigan," sabi ni kuya na mag halong pang aasar na tono.
"Umalis ka nga rito girl talk ang mangyayari pero kung ayaw mo.... pwede kong i-consider na kalahi na namin ni Shirley," saad ko at may halong pangaasar.
"Tsk, alright! Lalabas ako btw, papasukin niyo ang maid na ipadadala ko, ‘maliwanag ba?ʼ" bilin nito at diniinan pa ang huling salita, anong tingin niya sa 'kin hindi nakikinig!? sabay totoo naman.
Tumuyan na nga ito lumabas at ako naman at matamang tiningnan ang babaeng si Shirley, "ikaw naman bruhilda ano naman ang pinag ‘usapanʼ niyo ni kuya?" tanong ko saka lumapit sa kaniya.
"W-Wala naman a-ah? Hindi naman kami n-nag usap," pag sisinungaling niya.
"Asus! Kanina ako ang inaano mo, 'yon pala.. kayo ng kuya ko.." hindi ko itinuloy ang sinasabi dahil may kumatok, siguro iyon ang ipinadala ni Kuya Lance.
"Kamahalan, ako po iyong ipinapunta ng prinsepe para magamot ang sugat ng iyong kaibigan," paliwanag niti habang naka tungo.
May mali....
"Shirley! sa ilalim!" sigaw ko saka nag labas ng apoy para patamaan ang kapapasok lang na maid namin ‘kunoʼ na agad ding naka ilag.
Nag iba ang anyo nito at naging isang kalahating scipio ang itaas na bahagi at kalahating ahas naman ang ibaba.
Wtf!
Naging mabilis ang pag kilos niya para puluputin ako ng buntot niya ngunit inapakan ko ito at hiniwa gamit ang fire sword ko kaya napangiwi siya sa sakit.
"Grabe ka!! Nahulog ako tapos nakalimutan mo yatang may suga—oww!! May bisita pala tayo rito," hindi niya natapos ang paninermon ng makita niya ang nasama ko.
"Eh, kung tumulong ka kaya rito, diba?"
"Sabi ko nga," sagot niya at nag kibit balikat pa.
Gumawa siya din siya ng crustal sword. Nang alisin ng half-snake, half-scorpio ang kaniyang buntot ay muntik na akong bumagsak sa lupa pero buti nalang at tumambling ako sa ere at naka tayo ng maayos.
‘The Game Beginʼ
Gumamit ako ng teleportation para makapunta kami sa malawak na lugar upang malaya kaming maka galaw pero hindi ko na inabalang isama si Shirley dahil baka mag tatatalak lang iyon. Naisipan kong sa may mabato-batong lugar, wala trip ko lang sa ganitong lugar.
“Kailangan mo nang mamatay,” aniya.
“Pero mauuna ka,” sabi ko naman.
Bakas sa kaniyang muka ang galit at sobrang desperado tingin ko ay binigyan ng patong ng demonyong iyon ang ulo ko. Ano naman kaya ang pabuyang ibibigay ng yawa!?
Sumugod na ito, dadakmain na sana ako ng kaniyang pang-ipit ng tumalon ako papunta sa kaniyang likod, lumingon ako at binigyan siya ng nakaka asar na ngisi. Alam ko na maiinis siya do’n kaya nag handa ako sa kaniyang sunod na pag atake. Naging mabilis ang kaniyang pag kilos marahil ay dahil iyon sa pang ibaba niya na anyong ahas.
“MAMATAY KA NAA!!!!”pasigaw niya na palihim kong ikinagulat dahil kasamabay no’n ay lumaki rin ang kaniyang bungnga.
Sumugod ulit siya at ginamit na pang atake ang kaniyang buntot na sinalag naman ng aking sandata, kung hindi ako gano’n kalakas ay baka tumalsik na ako sa kung saan.
Sunod-sunod niya itong ginagawa mula pakanan pakaliwa at nananatiling salit salitan.
‘Mukang pinapagod talaga ako ng hayop na ito ah!?’
“HINDI KABA NAPAPAGOD!?” may kalakasang tanong ko.
“MASUSULIT IYON LAHAT KAPAG NATAPOS NA KITA!” sagot naman nito at ginamit naman ang kaniyang sipit at sunod-sunod na akong inatake hanggang sa tuluyan nga akong masipit ng tang’na.
“GET OFF ME, YOU FCKING MONSTER!!” sigaw ko.
“HINDING-HINDI KANA MAG TATAGAL BABAE.” Anito at binigyan ang ko nakakalokong tawa.
“HINDING-HINDI MO AKO MATATAKOT NG BASTA-BASTA,” sabi ko saka siya binigyan ng nakakamatay na tingin.
Kung ang akala ng isang ‘to ay matatakot niya ako ng gano’n-gano’n lang, well.. iyon ang isa niyang malaking pag kakamali, hindi niya kilala ang kinakalaban niya. Pinainit ko ang aking katawan hanggang sa mag simula nang mag-usok ang kaniyang katawang ahas.
“A-ANONG GINAGAWA MO!!!” natataranta niyang sabi saka ako biglang binitawan pero kumapit ako sa kaniyang katawan.
Gamit ang matinding init ay nagawa kong gumawa ng espadang apoy sa aking kanang kamay.
“I TOLD YOU, MAUUNA KANG MAMATAY, KAYA KATAPUSAN MO NA!!” sabi ko saka binitawan sa pag kaka-kapit sa kaniya at tumalon pabalik sa kaniya saka ipinatama sa kaniya ng dalawang beses ang apoy kaya naarko na ekis ito sa kaniyang dibdib.
Pinutol ko ang kaniyang dalawang kamay para naman hindi ako masipit, tumalon ako ng mataas saka siya hinati mula sa gitna kaya nahati s’ya sa dalawa saka bumagsak.
‘Pinagod pa ako, mamamatay din pala!’
Pumitik ako at ito naman ay bigla ring nag apoy bago sumabog.
NAKABALIK NA ako mula sa lugar na pinag labanan namin ng halimaw at tumambad naman sa akin ngayon ay ang pusang kaninang naging bodyguard ko. Sitting pretty ito habang nakaupo sa may sofa na malapit llang sa higaan ko dito sa palasyo.
“So? Kamusta ang kalaban? Nakakapagod ba?" tanong nito haabang naka tekwatrong nakaupo.
“Oo, nakakapagod.. kaya pwede ba sa labas kana?” may katarayang utos ko.
“Hindi pwede, bawal na akong lumabas pagagalitan nanaman ako ng dyosa kapag ginawa ko 'yon," paliwanag nito saka nag pangalumbaba.
“So, anong gagawin mo ngayon?” naka cross arm na tanong ko.
Hindi ito nag salita pero nag balat kayo naman ito bilang isang cute na cute na pusang puti. Nanggigigil akong lumapit dito saka siya binuhat, “ang cute mo naman pala, sige ganiyan ka nalang, okay?" ani ko. Hindi ito sumagot at nangamot lang ng sarili bago idinikit ang sarili sa akin, “ganiyan, be a good boy ka lang ha? Kung hindi aadobohin kita!" para itong nanigas sa sinabi ko bago tumalon papalayo sa akin.
‘Mabait naman ako, Goddess Maya diba? Bakit sa brutal na babae na ito pa ako napunta?’ may pag mamakaawang tanong nito sa hangin.
KNOCK!*
KNOCK!*
Napahikab ako bago lumapit sa pinto, “ANONG GINAGAWA MO DITO?” tanong ko sa taong nasa labas ng pintuan ng silid ko.
Hinawakan ako nito sa may noo bago mag salita, “Hindi na ba masama ang pakiramdam mo?” tanong nito.
“Ayos na ako kaya, KUYA Lance makakaalis kana," sabi ko saka inalis ang kamay niyang nasa noo ko.
“Mabuti naman kung gano’n makakabalik na kami sa dorm,” aniya bago nag lakad papaalis habang ako naman ay naiwang naka tanga sa pinto.
Baliw ba ‘yon? Kukunsultahin ako para lang maka balik sa dorm niya?
Napailing-iling nalang ako bago isinara ang pinto at bumalik sa pusang puti, “Ming, ming, halika dito sa tabi ko,” mahinahon kong pagka-usap dito pero hindi ito nakinig at nanatiling lang sa kaniyang pwesto.
Bahala nga siya diyan, inaantok na ako. Nabinat yata ang katawan ko dahil sa nangyari, dpngal!
Bumalik na ako sa kama saka ipinahinga ang katawang lupa pati ang kaluluwa ko.
NAALIMPUNGATAN ako dahil sa sunod-sunod na katok na nag mumula sa labas ng puntuan ng aking silid.
“Sino ‘yan?” inaantok na tanong.
“Kamahalan, ipinapatanong po ng mahal na hari at reyna kung sasabay raw po ba kayong mag hapunan o dadalhan ko nalang kayo ng makakain sa inyong silid?" tanong nito ng mabuksan ang pintuan.
“Sige sasabay ako, mag aayos lang muna ako bago bumaba kaya mauna kana,” sagot ko sa kaniya.
Nag bow muna ito bago lumabas ng aking silid habang ako ay bumalik sa pag higa.
‘Inaantok pa ako!!!’ sigaw ng isip ko habang nakapikit parin ang mga mata.
‘Prinsesa, tumayo kana raw d’yan,’ napa lingon ako sa nag salita. Ang bantay ko pero ang anyo nito ay nananatiling pusa.
“Tinatamad ako,” pagka usap ko sa kaniya.
Nag bago ang anyo nito at naging lalaking matikas ang pangangatawan. Ayos din ang isang ‘to eh, pa’no kaya kapag nagka jowa ‘to? May boyfriend na ta’s may alaga pa. Hutek ang lupit! Sana ol!.
“Tigilan mo nga iyang iniisip mo. Nanririndi ako!" Mataray niyang sagot.
Tumayo ako saka siya hinarap. “Parang hindi ka naman lalaki, tsk! Hintayin mo 'ko diyan, bababa tayong dalawa," utos ko sa kaniya bago kumuha ng susuutin at pumasok sa banyo para mag bihis.
MATAPOS mag bihis ay nag anyong pusa na ulit ito at buhat-buhat ko siya ng pababa na kami. Makarating namin sa may dinning ay mag kakasama na silang lahat oo lahat kasama ‘yong mga royalties, ewan ko ba kung bakit pa sila na’ndito eh may mga sarili naman silang mga bahay.
“Naandito na po ang kamahalan!" sabi ng babaeng nasa baba lang ng hagdanan.
“Ija, ayos na ba ang iyong pakiramdam?" tumango ako, “ngayon ka nalang namin nakita mula ng maka balik ka,” dag-dag pa ni Ina.
Hindi ba't dinalaw nila ako??
“’Wag kayong mag alala ayos na ngayon ang pakiramdam ko,” sabi ko para mabawasan ang kaniyang pag aalala.
Umupo na ako sa bakanteng upuan na nasa pagitan ni kuya Lance at Shirley. Pagka upo ko palang ay ramdam ko na ang mga titig nila sa akin—hindi, sa pusang buhat-buhat ko.
“May problema ba tayo?” tanong ko sa kanila.
“B-bakit may dala kang pusa?” tanong sa akin ni Ama.
“Oo nga? May allergy ka sa mga ‘yan diba?kung hindi ako nag kakamali,” pangungumpirma naman ni Kuya Gozon.
Yawa! Bakit hindi ko alam!?
Tumikhim muna ako at marahan na hinaplos ang mabalbong balahibo nito, “mukha ba akong inaallergy?”
“Sabi ko nga hindi,” napabalik nalang ang tingin ni kuya Gozon sa kaniyang kinakain.
MATAPOS ANG hapunan ay bumalik na ako sa kwarto kasama ang pusa at si Shirley, malamang hindi ito mag papaiwan kase may agenda nanaman yata ang gaga.
“Hoy! Kamusta ang laban? Mukhang pagod na pagod ka ah?” pang uusisang tanong sa akin ni Shirley ng maka pasok na kami sa aking silid.
Ibinaba ko ang pusang hindi ko pa napapangalanan—wala akong maisip eh. “Malamang, pilipitin ka ba naman ng buntot ng ahas, tingnan nalang natin kung hindi ka kapusin ng hininga," sarkastiko kong sagot.
“Gano’n? Kawawa ka naman pala, ‘wag kang mag alala, lilipas din ‘yan,” sabi nito at sitting pretty sa aking higaan.
Yawa!
Bumaling naman ang kaniyang tingin sa pusang nasa tapat lang namin. “HOY ! IKAW NAMAN PUSANG BAGO SALTA. SINO KA?”
Nag anyong tao muna ito bago matamang tumingin kay Shirley. “Malay ko?” kibitbalikat na saad nito, “Wala pa siyang binibigay na pangalan eh," sabay turo sa akin.
Ba’t parang kasalanan ko!?
“Ako nalang mag bibigay sa'yo ng pangalan, gusto mo?" excited na taong niya sa dito.
“Hindi iyon pwede, gusto mong maparusahan?" wika nito.
“Ay! ‘Wag na pala, sige na kamahalan pangalanan mo na siya, kawawa naman eh," pa utos na sabi nito sa akin.
“Bukas nalang,” nabobored na sagot ko.
“Oh ha! Narinig mo? Bukas may pangalan kana!" ani Shirley.
“Ewan ko sa inyo, sige na matutulog na kami," may pag tataboy na ani ko sa kaniya.
“O MY GAD! MAG KASAMA KAYO?” may halong gulat na sabi nito.
“Alam mo? Nakakatang1na kana, malamang alaga ko siya eh," may halong inis na sabi ko dito.
“’Wag kang mag alala, wala naman kaming gagawing masama," ani naman ng pusa saka kumindat pa.
“YUK.”
“Hay naku! Mag bu-beauty rest muna ako, bye bye muna sa inyong dalawa," Paalam nito sa amin bago lumabas.
“Ikaw? Gusto mong sa labas matulog!?” mataray na tanong ko sa pusang kasama ko ngayon.
Agad naman itong umiling saka bumalik sa pagiging pusa niya at tumalikod sa akin na para bang natatakot. Bahagya naman akong natawa saka humiga nalang para matulog.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro