Chapter 12
SAPPHIRE POV
"GOOD MORNING!! BABAITANG MAHABA ANG HAIR," malakas na bati sa akin ng maingay na si Shirley kaya ako nagising.
"ANG INGAY MO!!!" inis na sagot ko sa kaniya.
Lumapit siya sa akin at umupo sa dulo ng kama ko at nanunukso akong tinignan. "Ang iyong Prince charming ay nasa baba na," sabi niya.
Tiningnan ko ang orasan na nasa dingding katapat ng higaan ko, "Ang aga naman yata?" may pag tatakang sabi ko.
Simula kasi ng lumabas kami tatlong araw na ang nakaraan ay araw araw na rin siyang napasok at hinahatid-sundo ako.
Hindi nga lang ako sigurado kung balak ba akong ligawan noʼn pero kung may balak tingin ko may change—pero kung wala, edi wala, choice naman niya iyon and also, baka normal nalang sa kaniya ang ganitong tagpo kase nga diba close sila ni Sapphire noong siya pa ang nasa katawang ito.
"Sige, umalis kana maliligo muna ako," sabi ko pero ang totoo talaga ay gusto ko lang talaga nang katahimikan sa kwarto ko.
"Asus, mamaya pag alis ko baka tumili-tili ka na dito ha!?" may paghihinalang sabi niya, "Pero sige, dahil mabait ako, aalis muna ako at hahayaan ka," sabi pa nito bago tuluyang lumabas ng silid.
"Anong akala niya sa akin? Siya?" nasabi ko nalang sa hangin.
Ginawa ko na ang morning routine ko bago bumaba. At nandoon na sila at hinahantay ang niluluto ni Kuya Garzon at ang muka ni Shirley ay nakatuon kay Darcy na parang pusang handang mangalmot.
I think somethings happened so I decided na sumali sa usapan ng dalawang babae gamit ang kaniyang mga isip.. Pero hindi ako nainform na meron pala noʼn si Darcy.
‘watch and learn makukuha ko si Prince Clarenceʼ maarteng sabi ni Darcy
‘Ang question is? Kaya mo ba?ʼ hindi naman nag papatalong sabi ni Shirley.
‘Yes, ‘cause I can get what I want so you and your weak friend, back offʼ mataray na sabi sa kaniya.
‘Kung papayag kami ni Sapphireʼ mataray na sabi niya dito.
Napailing iling nalang ako dahil sa talo ng dalawa. Prinsesa na namatay laban sa prinsesa ng kasamaan.. Oppss!
Lumapit ako at pumagitna kay Shirley at Clarence. Napa taas kilay pa ako ng makita nanaman ang mga tingin ni Axell sa kuya niya. Hindi ba sila magkasundo?.
Ipinatong ko ang aking dalawang siko sa lamesa at nag palumbaba bago sumali sa pinag uusapan ng dalawa.
‘Talagang hindiʼ biglang sabi ko at ngumising tumingin kay Darcy na halatang gulat na gulat nang marinig ang boses ko.
"Gutom kana?" biglang tanong sa akin ni Clarence.
Tinanggal ko ang aking mga braso sa lamesa habang nakangising naka tingin sa babaeng nasa tapat ko.
Nag panggap akong walang nangyari at tumago tango bilang sagot sa tanong sa akin ni Clarence.
"Here's our food!" may galak na sabi ni Kuya Garzon na dala dala ang umagahan namin.
SIMULA nang maka kain hanggang sa matapos ang umagahan nila ay halatang-halata ang tensiyong nabubuo sa pagitan ni Shirley at Darcy habang ako naman ay prenteng nakain katabi si Clarence.
Ako, kasama si Shirley ay hinatid ni Prince Clarence papasok sa kanilang klase, pagkarating ng Academia.
"SA TAON NA ITO AY KINAKAILANGAN NA MAG KAROON NG DRAGON SIMULA SA ANTAS NINYO HANGGANG SA PINAKA MABABA, IYAN ANG SINABI NG HEADMISTRESS," mahabang anunsyo ng professor namin, "KAYA MAGHANDA ANG LAHAT DAHIL BABABA NA TAYO," dagdag pa nito.
"HALLA! EXCITED NA AKO!!"
"AKO RIN!!"
"MAGANDA KAYA ANG MAGIGING DRAGON KO??"
"SANA KULAY GREEN SAKIN"
"SA'KIN KAHIT ANONG KULAY BASTA MAGALING"
"GUSTO KO YUNG MABILIS"
Samutsaring saad ng mga kaklase ko tungkol sa mga gusto nilang klase ng dragon.
"STUDENTS, TANDAAN! ANG DRAGON ANG MISMONG PIPILI SA INYO," paalala pa nang Professor.
"SURE, PROF!"
"OO NAMAN PO!!"
"SEMPRE PROF!!"
Pagpayag nilang lahat at kami naman ni Shirley ay tahimik lang sa kanilang inuupuan nila. Oras na para lumabas ng ang aming silid aralan para pumunta sa dragon field kung saan nananatili ang mga dragon na ipapaubaya sa mga estudyante ng Academia.
NAGPAHULI kami ni Shirley, hinayaan nalang naming maunang makalabas ang aming mga kaklase dahil ayaw kong makipag siksikan, "Nagugutom na ko," mahinang sabi ko na nagpa lingon kay Shirley at nanaas pa ng kilay.
"Kailan ka ba nabusog!?" sarkastik naman nitong tanong.
"Pakealam mo ba!? Hindi naman iyaw ang nakain!"
"Tumaba ka sana!"
"Sorry, I'm born to be sexy!" hindi magpapatalong sabi ko at nag flip hair pa.
"Okay, may nanalo na," sabi nito sa kaniya at hindi kalakasang pumalakpak.
"Ito ang mga dragong mamimili sa inyo," may kalakasang sabi ng professor at ipinakita ang sandaang dragon para makapili ang dragon ng maayos.
"Tara!" pag aaya ni Shirley sa'kin.
Hindi ko siya sinagot at naglakad na lamang. Nang makita ako nang mga dragon ay halos sabay-sabay ang mga itong nagsi luhod.
"Anong nangyayari sa kanila?" may takang tanong ni Prof.
‘Magsi tayo kayong lahatʼ utos ko sa kanila gamit ang isip.
‘Ngunit mahal na—ʼ hindi natapos ng dragon na nasa gitna ang sasabihin ng putulin ko ito.
‘Sundin ninyo ang utos koʼ may awtoridad na utos ko kaya walang nagawa ang mga ito kundi sumunod.
Isa isang nag lapitan ang mga dragon sa mga istudyanteng na pupusuan nila. At ang kaninag sumagot sa akin kanina ang lumapit at inibinaba ang kaniyang ulo.
"Nagkaroon naba ang lahat?" tanong ng propesor.
Umoo kaming lahat at sumakay sa mga kaniya-kaniyang dragon ngunit hindi pa namin ito pinalipad.
Pagkatapos naming magkaroon ng mga dragon na makakasama ay ipinaalam sa amin ang mga kailangan naming matutunan tungol sa kanila at mga hakbang sa mga paggamit.
Nang oras nang lunch break na ay kasama ko sina Clarence at Shirley. Si Clarence na ang nag presintang umorder habang kami naman ni Shirley ay nakaupo sa pwesto namin.
"Kausapin kaya natin ang dyosa?" may pag tatanong na sabi ni Shirley.
"Sinong dyosa??" pagtataka ko naman.
Nanlaki ang kaniyang mata saka itinikom ang bibig. Nangunot ang noo ko na tiningnan niya.
"Shirley??" patanong na tawag ko sa pangalan niya.
"Ahh... Ehhhh..." napakamot siya sa ulo at bumuntong hininga saka nagsalita, "pasensya na pero...hindi ako pwedeng mag salita," may kahinang sabi niya.
"Simusuway mo ako!?" may awtoridad na tanong ko.
"S-syempre, syempre hindi," sagot niya at napa lunok na tumingin sa mataray kong muka, "Si Maya, Si Goddess Maya," sabi niya.
"Si Maya? Why she didn't told me?"
"I Don't know, pero siguro naman ay may valid reason siya para hindi muna iyon sabihin sa'yo."
"Hey, Here's our food," sabi ng kararating na si Clarence, "may nangyari ba??" takang tanong niya sa amin.
Umiling ako at pilit na ngumiti, "Kain na tayo, bakit ang tagal mo?" tanong ko sa kaniya.
"Huwag mo nang tanungin," bulong sakin ni Shirley, "madaming babae doon," dag dag pa niya.
"Mabuti hindi siya pinapaki?" mahinang sabi ko naman.
"Anong pinag bubulungan ninyo d'yan?" biglang tanong niya.
"Wala!! May pinag bubulungan ba tayo?" wala sa sariling tanong ko kay Shirley.
"HAHA! Wala 'no, baka bubuyug lang iyon," sabi naman ni Shirley.
"Ewan ko sa inyo," napa ngising at umiling iling na sabi ni Clarence. Umupo ito sa tapat namin at saka kami nag simulang kumain.
NAKA uwi na kami at naandito kami ni Shirley sa kwarto ko na naka higa dahil pupuntahan namin si Maya or should I say Goddess Maya.
"Sure ba? pupuntahan natin ang dyosa?" kinakabahang tanong niya.
"Oo kaya, let's close our eyes na," sabi ko saka kami natulog.
NANG imulat ko ang aking mga ay naandito na nga kami sa lugar ni Maya.
"Napadalaw kayo?" tanong niya ngunit naka talikod siya sa amin.
"WHY you didn't told me that... You're a Goddess??" I calmed asked her.
"Why would I?" tanong naman niya pabalik, "Why would I.. If somebody already told you about that??" dag dag na tanong.
"Pinag mukha mo akong tanga!" sigaw ko sa kaniya.
Humarap muna siya sa amin, "Bakit?? May ginawa ba akong masama?" pagtatanong niya.
"Hindi ka nag sabi sa akin ng totoo," bulyaw ko.
"Bakit? Ano ba'ng pinagkaiba...natin?" tanong niya naman pabalik. "Nag papakatotoo kaba sa mga taong kasama mo ngayon?" dagdag na tanong niya.
"Anong sinasabi mo??" naguguluhang tanong ko.
"Alam mo sa sarili mo kung anong pahahantungan ng lahat, Allisha! Pero pinipilit mo parin itong kalimutan!" madiin pero mahinahong sabi niya.
Hindi ko alam kung paano niya nagagawang maging mahinahon sa panahong ganito ang sitwasyon. Siguro ay nasanay lang siya pero ako... Hindi!
"Bakit ko naman sasabihin? Iyon naman ang gusto nilang mangyari hindi ba? At kung hindi ko iyon gagawin, alam na alam mo ring matatapos na ang lahat ng dyos at dyosa!" pasigaw na sabi ko.
"Kung ganoon ba ay mamadaliin mo na?" tanong niya.
"Kung iyon lang ang sagot gagawin ko," madiing sabi ko at iniwan si Shirley doon saka gumising.
Naka kunit noo ako at hindi makontrol ang galit na nararamdaman. Rinig ko ang sunod sunod na pag katok mula sa labas nang aking silid.
Tumayo ako at padabog itong binuksan. "Anong kailangan mo!" galit na sabi ko.
"Bakit ang init ng ulo mo?" tanong ni kuya Lance.
"Bakit ka nga na'ndinto!?" sabi ko at pilit kinakalma ang sarili.
Nanaas ang aking kilay ng mapansin ang pasimple nitong pag silip sa loob ng kwarto ko, "tulog ang hinahanap mo," sagot ko.
"A-Anong h-hinahanap?? W-Wala naman akong hinahanap ah?" pag sisinungaling nito.
Indinail pa ang kupal!
"Ahhh... Talaga ba?? Sige, makakaalis kana... KAMATIS," sabi ko ng may diin sa pagkakasabi sa huling salita bago ko siya biglang sinarhan ng pinto.
Deny-deny pa, obvious naman. Ang dami namang alam na pakulo ng mga taga rito nakaka haggard.
"Hoy! Hoy!! Babaita gumisimg kana nga diyan!" pag papagising ko kay Shirley, hindi rin nag tagal ay dumilat narin ang kaniyang mga mata.
"Ito na nga diba!" may pagka badtrip na sabi niya.
Sabay kaming lumabas ng silid ko at pumunta nang sala kung nasaan ang mga royalties.
"Buhay pa pala kayo!?" kunyaring gulat na sabi ni Darcy.
"Hindi, kaluluwa lang talaga namin ito," pamimilosopo naman nang kasama ko.
Sinaway ni Axell si Darcy kaya wala itong nagawa at bumalik nalang sa panonood ng movie.
Umupo kami sa sofa ni Shirley at naka pagitna sa kanila ni kuya Lance. Mahirap na baka iba makain ni kuya Lance no! HAHA! jowk lang, masyado kayo eh!.
"Penge," sabi ko kay kuya Lance.
May nginangatngat siya habang nakain ta's ako wala hindi iyon maka tarungan 'no!.
Inalok niya na din ako pero imbis na kumuha ng iilan ay yung mismong lalagyan na ang kinuha ko saka ko ito nilantakan.
Hindi siya napabalik sa panonood at naka tulala lang na nakatingin sa 'kin, binalingan ko siya ng tingin at nginitian nalang.
Matapos kong maubos ang pagkain na galing kay kuya Lance ay tumayo ako at tumabi kay kuya Garzon.
"Penge," sabi ko at inalok niya na sa akin ang kinakain kaya kinuha ko rin lahat at tulad ng ekspresyon ni Kuya Lance ang muka niya ngayon.
Nang maubos ko iyon ay bumalik na ako sa pinupwestuhan ko kanina.
"Tara," Pag aaya ko.
"Sa'n?"tanong niya.
"Sa labas..." sabi ko at inilapit ko ang aking mukha sa kaniyang tenga, "may tao sa labas," bulong ko.
Ngumisi siya saka tumango at sabay kaming naglakad papunta sa labas.
"Nasan sila?" tanong niya saka tumingin sa akin.
"Ito," tanging sabi ko saka nag iba ng anyo.
"A-Anong? Sapphire? Si Sapphire ka ba?? O! MY! GADNESS!! SAAN MO DINALA ANG KAIBIGAN KO!? HA!! IKAW NA.. NA PANGIT NA NILALANG, HUMANDA KA!!" mahabang sabi niya bago ako sugurin.
Sinugod niya ako mula sa tagiliran pero hindi ako nito natamaan ng tumalon ako papunta sa bubungan. Bum'welo ako ng kaunti saka ko siya tinalunan pero nabuhat niya at itinapon sa 'di kalayuan.
Argh! Ang balakang ko!!
"IBALIK MO ANG TAGA PANGALAGA!!" pasigaw niya sa akin.
‘hindi ko gagawin ang sinasabi mo!!’ pagkikipag usap ko sa kaniya gamit ang isip.
"GANO'N HA!!" sabi nito at sisipain pa sana ako mula pataas.
Gumulong ako pakanan para hindi niya ako matamaan saka bumalik sa pagkakatayo.
"TALAGANG HINDI KA SUSUKO HA!?" matapang na sabi nito.
Naglabas siya ng armas mula sa kaniyang likod at naghanda sa pag sugod.
May paparating?
Nang maramdaman ko na may paparating ay bumalik na ako sa tunay kong anyo bilang si Sapphire.
"Magaling mas gumanda ang posture nang pakikipaglaban mo," nakangiting sabi ko.
"T-teka?? H-Hindi ka ano??... Yung kanina??" naguguluhang sabi niya.
"Hindi wala iyon, tinetesting ko lang ang kakayahan mo."
"Testing?? Para saan??" kaguguluhang tanong niya.
"Obvious na hindi ka nakikinig, mapapadali nga ang misyon dibaaa!?" medyo bored sagot ko sagot ko.
"Ahhh!!! Hehe, Oo nga pala!" sabi niya ay awkward na natatawa.
"Sapphire!!! Bakit nasa labas kayo??" tanong ng paparating na si Clarence.
"Nag papahangin lang," sagot ni Shirley.
"Oo nga, tapos nag ku-kwentuhan narin," dagdag ko naman.
"Sige, doon na muna ako sa loob," sabi ni Shirley saka lumakad papalayo sa amin.
"Tara, pasok na rin tayo," pag aaya ko sa kaniya.
"Ahmm! Sapphire?? Pwede ba kita munang makausap?" seryosong sabi niya.
"ABOUT WHAT???" tanong ko.
"A-Ano... C-Can I Court You??" diretsuhang tanong niya.
Ano daw????
LOADING....
Tama ba iyong narinig ko?? Hindi naman ako bingi?? Hindi naman mahina pandinig ko, pero... Halla?! Nananaginip ba ako?? Wait—tinanong niya naman talaga ako diba? Diba totoo iyong narinig ko??
Napa tulala akong napa tingin sa kaniya. Binuka ko ang aking bibig ngunit walang kahit na anong salita ang lumabas. Sa totoo lang hindi ko alam kung anong erereact ko o sasabihin sa kaniya. O-oo ba ako o irereject siya?? Well hindi niyo masisi ang isang NBSB na tulad ko na sa tinagal tagal sa mundo hindi ko pa naranasang ma in ‘love’.
“Ahhh... k-kase... A-ano??” hindi ko alam kung saan ako mag sisimula.
“Sapphire, are you alright??” may pag aalalang tanong niya.
Masyado kang straight to the point!!!!
Napalunok ako saka pinasadahan siya ng tingin. “O-Oo , Don't worry about me, I'm alright, n-nagulat lang ako sa tinanong mo kanina."
“G-Gano'n ba?? Sorry kung nabigla kita but if you're still not ready having a relationship, I can wait," sabi niya saka ako nginitian.
You can wait? Galawan ng mga ano 'yan ah?
Nginitian ko rin siya pabalik saka tinignan ang langit. “Pa-gabi na pala? Bakit parang bumilis yata?" pagtataka ko.
“Sige, umuwi kana muna, bukas nalang ulit tayo mag kita."
“About that....actually, dito na ako sa dorm tutuloy starting tonight,” sabi niya.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. “Huh?? K-kung gano'm dito kana matutulog?" nakangiting napa tango tango siya.
“I Have a room here, sa..tabi ng room mo," sagot niya.
“Ow! T-Tara sa loob na tayo kung gano’n.”
“Sige,” sagot niya saka kami sabay na naglakad.
Siya pa ang nag bukas ng pinto saka ako pinaunang pumasok sa loob. Nadatnan ko silang lahat na nanonood parin ng movie. “Bakit na'n diyan pa kayo? Lumubog na ang araw, ah?" tanong ko sa kanila.
“Wala pa nga akong limang minutong nag iistay rito!" sabi ni Shirley.
“Hindi pa nga tapos itong palabas, Oh!?” turo naman ni Xymon sa kanilang pinapanood.
Bakit napaaga ang paglubog ng buwan? Hindi kaya may masama nang nangyayari?
“Oh? Bakit na'n dito pa iyan?” tanong naman ni kuya Lance.
“Dito na daw siya tutuloy,” ako naang sumagot.
“Bakit?” naka kunot noong tanong niya.
Napakunot noo naman din ako, “Ano Bakit?? Ewan ko sa'yo!”
Tumayo mula sa pagkakaupo si Shirley para lapitan kami, “Ako nang mag dadala ng gamit mo, alam ko namang ako rin ang uutusan ng isa rito," pagpaparinig na sabi niya na alam kong para sa akin.
“Ahh... No thanks, I can handle my things,” sabi ni Clarence.
“Ayyy! Talaga? Oh sige, sabi mo eh,” sabi nito at may pang aasar akong tiningnan, “buti pa ka mabait 'di gaya ng jojowain mo, walang puso," sabi pa nito at at pinangkitan ako habang sinasabi iyon.
Lumabas ulit si Clarence siguro ay kukunin na niya ang mga gamit niya. Naramdaman ko ang mga matang naka tingin sa akin kaya tinignan ko rin sila.
“Hindi ko siya jowa!” sabi ko at direderetsong lumakad papaakyat ng hagdan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro