Chapter 11
SAPPHIRE POV
ANO kaya ang ginagawa niya dito? Naalala ko niyaya pala niya ako kanina sa cafeteria.
"Hi!" pagbati niya sa akin.
"Hello!?" medyo awkward na bati ko pabalik.
Mas binuksan ko pa ang pinto para makapasok siya sa loob, "tuloy ka," pag papatuloy ko sa kaniya.
Pumasok din naman agad siya at umupo sa may sofa, "ready kana ba?" tanong niya.
"Uhmm! Wait lang mag bibihis lang ako saglit," paalam ko sa kaniya at umakyat na ulit sa taas.
"Oh? Napabalik ka?" salubong sa akin ni Shirley pagka pasok ko sa aking silid.
Well, I didn't expect din naman na naandito parin ang babaeng ito sa kwarto ko.
"Puntahan mo muna sa baba si Clarence, baka papakin ni Darcy kapag nakita niya," utos ko na nagpa tayo sa kaniya sa pagkakahiga.
"Nandyan siya!? Ay! Sige, sige, mahirap na.." hindi niya itinuloy ang sinasabi at tiningnan ako mula ulo hanggang paa, "... mawalan kapa," pagpatuloy niya saka mabilis na gumamit ng teleportation bago ko pa maibato ang bagay na pinaka malapit sa akin.
Baliw yun ah, kung ano-ano ang pinag sasasabi wala na sa katuturan. Nag bihis ako ng simpleng dress na kulay dandelion at nag suot ng 3 inch heel na sandals. Tumingin muna ako sa salamin bago lumabas.
"Saan ka pupunta?" tanong sa akin ni kuya Lance na kalalabas palang ng kaniyang silid.
"Sa labas lang," diretso kong sagot saka nag lakad pababa.
Naka uoo lang si Clarence habang ginugulo siya ni Shirley na kung ano-ano ang itinatanong.
"Huwag mong ipresure baka itumba ka niyan," may kalakasang sabi ko.
"Tinatanong ko lang," dipensa nito sa kaniyang sarili.
"Talaga lang ha? " may pagdududang sabi ko.
"Sige, umalis na kayo!" pantataboy niya sa amin.
"Clarence, let's go!" pag aaya kong umalis.
Tayo na siya at inilahad ang isang kamay sa akin. Tiningnan ko muna iyon saka inangat ang paningin sa kaniya at ibinalik ulit sa kamay niyang nananatiling nag aantay na abutin ko iyon.
Naramdaman kong may humawak sa kamay ko at iponatong iyon sa nakalahad na kamay ni Clarence.
"Arti pa masyado!" naka ngiwing ani Shirley.
"Che!!" ani ko saka hinila ang kamay ni Clarence palabas ng dorm namin.
Nang maka labas kami ng tuluyan sa dorm, Inalalayan niya ako papunta sa karuwahe. "WOW!" mahinang bulong ko, ngunit hindi 'yon nakatakas sa kanyang pandinig.
He chuckled softly and look at me. "Do you like it?" medyo kunot nuong tanong niya.
"Yeah, I like the color," vintage kasi ang kulay ng kotse niya.
"The color only?" he ask curiously.
"Hmm.."
"How about the owner? Don't you like him?" I stunned on what he said. Bigla kong na ramdaman na may parang paroparo sa'king tiyan. Hindi ko ding alam kung ano ang nararamdaman o bakit ko ito nararamdaman.
"Hey? Are you alright?" napabalik ako sa realidad ng bigla niya akong tanongin.
"Oo, Tara na nga. Kung ano-ano ang sinasabi mo diyan," tanging na isabi ko na lamang. Medyo na iilang rin akong tumingin sa kanya.
I don't know why i feel like this. I'm not Sapphire kaya ko siguro ito nararamdaman o baka nagugutom lang talaga ako!? Di kaya???
Huminto kami sa isang lugar na kalapit lang ng ilog at sa gilid nito ay may naka pang ayos pa na mga pagkain.
Mukhang pinaghandan talaga eh, mula sa lugar hanggang sa mga pagkaing inihanda.
“Tara!?” pag aaya niya at inalalayan ako papunta pupwestuhan namin.
“Ikaw lang ba ang naghanda nitong lahat o ipinahanda mo lang?" tanong ko.
Sa totoo lang namangha talaga ako sa lugar simple lang pero nakakarelax, kung alam ko lang siguro sng lugar na ‘to baka araw araw pa akong tatambay sa lugar nito.
"Do you think?" naka tingin siya sa ‘kin habang itinanong iyon.
Okay?? Nainit na!!?... Hindi ko knows but this feeling is so strange but i think I like it.
"Are you alright?" he asked me again.
"O-Oo, naman ‘no!” alinlangang sagot ko.
Napatango tango siya at pasimpleng ngumiti pero nahuli ko parin. Sabay kaming pumunta sa may sapin kung saan din naka patong ang mga pagkain.
"Ngayon ko lang nalaman na may ganitong lugar pala," naka ngiting sabi ko at itinukod ang dalawang kamay mula sa likod.
"Syempre, hindi ka naman gumagala," sagot niya.
"Ikaw rin naman ah!" pabalik na sabi ko.
Kumuha siya ng isang putahe pero hindi niya ito kinain at mukang ipapasubo niya ito sa ‘kin.
"Here, open your mouth," alok niya sa akin.
Mag dadalawang isip pa sana ako kung tatanggapin ang alok niya pero may sariling isip yata ang bibig ko at tinanggap ang alok niya.
May mga piraso pa na nahuhulok na nag patawa sa kaniya. Matalim ko siyang tiningnan habang patuloy parin sa pag nguya.
He chuckled softly kaya napatitig ako sa kaniya ng panandalian bago ibinalik ang tingin sa ma pagkain.
Nag simula kaming kumain. Minsan tinatawanan niya ako kaya medyo naiinis ako o kaya habang nakain nakatitig siya kaya nahahampas ko siya tapos tatawanan niya ulit ako.
"Hmm... kamusta ang pag gawa mo sa sinasabi mong misyon?" biglaang tanong niya.
Hindi ko inaadahang itatanong niya ‘yon pero... Ano bang ibig niyang sabihin? May sinabi ba sa kaniya si Sapphire? Hindi na nakakapag taka iyon kasi nga ‘close’ sila.
"Anong ibig mong sabihin?" I asked.
Mas mabuti na ang sigurado baka kung ano pa masabi ko at mawirduhan siya sa ‘kin.
“Ahm.. Wala, ‘wag mo nalang isipin ‘yon, tara do'n tayo,” biglang pag iiba niya ng usapan.
‘Sabi na eh, may alam din ang isang ito’
Inalalayan niya akong maka tayo at nagsimuka na kaming mag lakad. Maraming makukukay na halaman at ang pag awit ng mga ibon ay napaka sarap sa pandinig.
“Hindi mo yata nasabi na mahilig ka sa ganitong lugar?" tanong niya.
Ngayon ko lang napansin na nakapikit pala ako, kaya ng pag dilat ng mga mata ay ang gwapong muka niya ang nakita ko.
Feeling ko may kumokontrol sa oras at pinahinto niya ito ngayon.
Bahagya akong napaatras at kunyaring napa ubo. "Masyado ka kasing malapit," pag dadahilan ko at umiwas ng tingin.
Kita sa sulok ng aking mga mata na naka ngiti siya ngayon. Ano ba yan! Feeling ko ako yung mag aapoy eh!.
"Huwag mo nga akong tawanan," naiilang na sabi ko.
"Hindi naman kita tinatawanan, ah?" depensa niya kahit totoo naman. Hahawakan niya sana iyong pisngi ko pero may narinig kaming mumunting kaluskos.
"Ano 'yon?" tanong ko.
Agad siyang kumilos at iniharang ang sarili para maprotektahan ako.
Agad siyang kumilos at iniharang ang sarili para maprotektahan ako.
"Sinong naandiyan?"
"Sinong naandiyan?" pagtatanong ni Clarence sa bahagi kung saan namin narinig ang kaluskos.
Napa angat ako ng tingin sa kaniya. He looks so serious and... Hot like this way—ayy!! Hala! Ano daw!?
Biglang gumalaw ang halamang hindi kalayuan sa amin na dahilan ng agarang pag hahanda niya para sa pag sugod kung maaari.
Lumabas mula roon ang hayop na usa. Napa hinga kaming dalawa nang malamang usa lang pala yun.
"Akala ko kung sino na," sabi niya saka napabaling ang tingin sa akin, "natakot kaba?" nag aalalang tanong niya.
Umiling iling ako saka tinignan ang lugar kung saan galing ang kaluskos. Hindi talaga yong usa iyon eh, may ibang taong naandito at kung mamalasin mukang pinapanood kami hanggang ngayon.
"Tara, mas mabuting bumalik na tayo do'n," pag aaya niya sa akin.
"Sige," sang ayon ko at sa huling sandali ay binalingan ng tingin ang mapunong lugar.
*****
AXELL POV
SIMULA nang umalis sila ay naka sunod na kami at bawat pangyayari ay nasaksihan ko—namin pala.
"Savior na talaga natin ang usang iyon," napa buntong hiningang sabi ni Xymon.
"Baliw ka kase, kung ano-ano pinag gagagawa mo," may inis namang sabi ni Krisha.
"Slaamat, Ah!" sakrastikong saad ni Xymon.
"You're welcome," sagot ni Krisha at ngumisi pa.
"Let's go," sabi sa amin ni Lance.
Kailangan kasi naming bantayan si Sapphire 24/7. Saan man siya mag punta o ano man ang gawin niya kagaya nga nang sinabi ng Headmistress sa amin.
Bumalik sila sa pwesto kung saan sila kumain kanina. Magkasundo kami ni kuya Clarence pero hindi ko alam na ganito pala sila ka close pag nag sasama para silang mag jowa, tsk.
*****
SAPPHIRE POV
BUONG mag hapon ay ang ginawa lang namin ay mag kwentuhan at kumain may mga hayop rin na lumalapit sa amin at kinakausap ako. Nakakatawa lang kasi hindi kami maintindihan ni Clarence kapag nakikipag tawanan ako sa mga hayop.
"Nag enjoy kaba?" tanong niya.
"Oo naman," naka ngiting sagot ko.
Sa totoo lang ay ito na yata ang isa sa mga masasayang araw na nangyari sa buhay ko. Walang ibang aalalahanin, walang stress, pero... Kanina ko pa nararamdaman ang mga presensya na malapit sa amin. Humanda talaga sila sa akin mamaya sa dorm pagka uwi namin.
"Malapit na pala ang takip silim, kailangan na pala kitang ibalik sa dorm," aniya.
Inilahad niya ang kaniyang kamay at inabot ko naman iyon.. Kumbaga HHWW ang epek namin ngayon. Feeling ko nakakain ako ng sandamukal na sili kasi parangpulang pula na ngayon ang muka ko.
MAGKA BALIK namin sa dorm ay nauna siyang lumabas para alalayan ako.
ʼNapaka gentleman man niya ano!?.ʼ
"Ingat ka pauwi," sabi ko.
"Oo naman, mag kikita pa tayo bukas eh," sagot naman niya.
"Sige! Pasok na ako," ani ko at tumalikod na sa kaniya.
"Ahh... Sapphire?" pag tawag niya kaya agaran ko siyang nilingon.
"Bakit?" tanong ko.
"I lo—" Hindi niya natapos ang sasabihin ng may umepal sa eksena.
"Eheemm!!! Ehheemm!!!" halatang hindi totoong pag ubo niya,"sige na Clarence, kami na ang bahala sa kaniya," halatang tinataboy na ni kuya Lance si Clarence, kasama niya din ang ibang royalties liban kay Kuya Garzon, Darcy, Shirley at Mellinee.
Napatingin ako kay Prince Axell na mailim ang mga mata sa kapatid na alaka mo ay papatay ano mang oras. Inalis ko nalang ang pansin sa kaniya at bumalik kay Clarence.
"Sige na Clarence, ingat ka na lang," pag papaalis ko dahil may mga taong epal sa tabi tabi.
"Good night... Mahal na Prinsesa," paalam niya sa akin.
Babalakin pa sana niya na halikan ako sa noo ng tapalan ni kuya Lance ng kamay niya ito at sinenyasan si Clarence na umalis.
Ngumiti lang ito sa akin bago sumakay sa sariling karuwahe. Tinanaw pa namin siya hanggang sa tuluyang maka layo.
"Ouch!!" saad ko at inilagay ang dalawang kamay sa noo kung saan niya ako pinitik. "Masakit 'yon ah!" may kalakasang sabi ko at tinarayan ito bago ko pumasok sa loob ng dorm.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro