CHAPTER 10
SAPPHIRE POV
TUMAYO ako ng higaan pero may dalawang bagay na nag pakunot ng noo ko. May White and yellow rose lang naman sa panungan ng lampshade ko.
Inamoy ko ito at inilagay sa isang vase na may mga bulaklak pero maliit lang yung lalagyan kaya tinanggal ko na yung mga bulaklak na nakalagay doon at ipinalit ko ang flowers na namataan ko na nasa lampshade kanina.
Salamat nalang sa nag iwan noʼn doon kung... sino man siya? pero?? Mukang alam niya ang paburito kong mga bulaklak? Paʼno kaya iyon nangyari?
Nag ayos na ako ng sarili at bumaba na para mangagahan. As usual katabi ko si Shirley pero... Parang may iba sa kaniya? Para siyang may bulate sa pw-t at hindi siya mapakale sa kinauupuan.
“Kaya pa ba?" pabulong na tanong ko.
“H-Huh?” sabi niya niya hindi na gets ang tanong ko.
“Huh?” pang gagaya ko.
“Ah..? Princess Shirley are you alright?" tanong ni kuya Gorzon na napapansin din ang napapansin ko.
“Ah...Ehh, Oo naman, a-ayos l-lang ako," sagot niya at plastic na ngumiti.
Kawawa hindi siya marunong mag sinungaling. Maturuan nga para mapakinabangan sa susunod mabuti nalang at marami pa kaming oras. Siguro sapat narin ang oras para mahanap ang ibang tutulong sa akin sana may super strength din para mautusan, you know alalay sa mundo ng tao.
Nag simula na kaming kumaing lahat at habang nakain ay tiningnan ko ulit si Shirley na paminsan minsan pang lumilingon kay kuya Lance at kung minsan naman ay napapakunot ng noo o kaya ay napapayukom ng kamao na para bang inis na inis na siya.
Mukang may pasekretong nag uusap ah? Maka sali nga.
'Anong pinag uusapan niyo? Care to share naman,ʼ pang uudyok ko.
Sabay silang nagulat sa pag salita ko kaya sabay na napaatras ang mga upuan nila.
“May problema ba?" tanong ni Prince Xymon kay kuya Lance.
“Hindi naman ganoon ka-anghang ah?" sabi naman ni kuya Garzon matapos tinikman ang niluto niya.
Naka kunot noong tumingin sa akin si kuya Lance kaya may asar ko siyang nginitian at ipinataas baba ang isang kilay.
Padabog siyang umalis ng lamesa at lumabas ng dorm sinundan siya nila Princess Hanny at Prince Axell.
Nakaistorbo yata ako nang ligawan? Hays, sayang lang hindi ko napakinggan iyong pinag uusapan nilang dalawa.
Tumingin naman ako kay Shirley na painosenteng kumakain na ng kaniyang agahan na kanina ay hindi niya magawa kahit titignan.
“Anong nangyari do'n?" tanong sa amin ni Prince Xymon.
“Mukha bang may alam kami?!" parang nag hahamon naman na sagot ni Princess Krisha sa kaniya.
Ako alam ko?! Sinira ko deskarte niya yata? HAHA!.
Matapos kaming kumaing lahat ay si Kuya Garzon na ang nag ayos at sabay kami ni Shirley na pumasok syempre hindi ako sasabay sa mga iyon 'no!
*****
THIRD PERSON POV
ORAS na ng tanghalian sa Academia at gaya ng nakaugalian ay magkasama si Princess Sapphire at Shirley na pumunta ng Cafeteria.
Umupo sila sa pinupwestuhan lagi ni Sapphire pag katapos umorder at ang lamesa nila ay parang may fiesta nanaman.
“Oy! Sapphire ano gagawin natin dito andami masyado pakakainin mo ba ang lahat ng mga estudyante rito?" tanong sa kaniya ni Shirley.
“Sa tingin mo ba'y bibigyan ko sila? Pakain ko sila sa dragon eh!" mataray namang sagot ng prinsesa.
“Oo nga pala wala ka pang dragon, so paano iyon? Anong gagawin mo?" tanong pa ni Princess Shirley sa kaniya.
“Magagawan naman iyan ng paraan,” prenteng sagot niya.
Napatango tango nalang si Shirley na alam na ang iniisip ng prinsesang binabantayan.
“Siya nga pala, anong nangyari kagabi?" may pagtatanong ni Sapphire sa kaibigan na dahilan kung bakit ito nabilaukan.
“Bakit mo n-naman n-natanong?" nauutal nitong sa knaiya.
“Iba kase ang feeling ko kanina pagka gising ko," may takang sabi naman ni Sapphire.
“Wala k-ka namang ginawa!?” sabi ni Shirley na pinipilit na hindi mautal.
“Talaga? Eh? Bakit ka nauutal?" tanong sa kaniya ni Sapphire saka sunod sunod na nilantakan ang mga pag kain na nasa kanilang lamesa.
“A-Ako? Hindi, Ah!” pagtangi naman niya sa akusa sa kaniya.
“Talaga lang ha?" naniningkit na sabi ni Sapphire na hindi naniniwala sa sinagot sa kaniya.
“Oo nga, kulit nito," sabi ni Shirley na kunyareng naiirita sa kausap saka kukuha sana ng pagkain na nasa lamesa pero mahinang hinampas ni Sapphire ang kaniyang kamay.
“Subukan mo yari ka sa akin!" banta sa kaniya ng dalaga.
“Sabi ko nga, hindi," sabi niya at napa crossarm nalang siya.
“Gusto mo?" alok ng bipolar na prinsesa sa kaniya ng hawak nitong pagkain pero agad ding binabi at kinain. “Umamin ka muna," may asar na sabi sa kaniya.
“Ang sama talaga ng ugali mo kapag tumitino ka," sabi niya sa prinsesang nilalantakan ang mga pagkaing inorder nila.
HABANG patuloy si Sapphire sa pagkain kasabay ng pangiingit niya kay Shirley ay ang pagpasok ng ibang mga royalties sa cafeteria.
Samutsaring sigawan nanaman ang sumasabog sa kanila lalo na sa mga Prinsepe lalo na ng makita ng ibang estudyante ang nasa likod ng mga ito.
Si CLARENCE... Ang kuya ni Prince Axell.
Mayroon itong matikas na pangangatawan na kinakikiligan ng mga Academia. Ang pagiging seryoso nito ang pinaka nakaka attract sa kaniya lalo na kapag natignan kana ng kaniyang mapang akit na mata.
Bihira lang ito lumabas sa kanilang palasyo o minsan ay hindi na talaga, hindi ito tumatanggap ng bisita o ng ano pa man maliban nalang kay Sapphire. Ang dalaga narin kasi ang nagsasabi sa kaniya ng nangyayari sa labas ng kanilang palasyo.
Dumirtso ang mga royalties maliban nalang kay Prince Clarence na dumiretso sa pwesto na kinauupuan nila Sapphire.
“May I?” may kahinaang tanong niya habang nasa gilid ni Sapphire.
Nag tataka sa kaniya itong tumingin na para bang inaalam ang pag kakakilanlan ng binata. Dahil hindi pa naman alam ni Sapphire ang muka ng binata ay inignore nalang niya ito at mabuti nalang at sinalo siya ni Shirley kaya ito nalang ang sumagot sa tanong ng binata.
“Mukhang totoo ngang nawalan ka ng alaala," sabi ng binata kay Sapphire kahit wala namang pakealam ang dalaga.
Walang emosyon siyang binalingan nito nang tingin. “Ako ba 'yong kinakausap mo?" tanong sa kaniya nito.
Napangisi siya dahil sa pagkainosente nitong mga tingin. “Ako nga pala si Prince Clarence," pag papakilala niya dito at inilahad ang kamay senyahes na gusto niyang makipag kamay.
“I'm Sapphire,” sagot nito sa kaniya at tinanggap ang kamay niyang nakalahad.
Palihim na natatawa ang prinsepe sa inasta sa kaniya ngayon ng kaniyang KAIBIGANG prinsesa.
“Gusto mo?” tanong sa kaniya ni Sapphire at inalok ang hawak na pagkain.
Nakangiti niya itong tinanggap at dahan dahang isinubo.
“Ang daya! Siya niyaya, ako hindi!" may pag tatampong sabi ni Shirley sa prinsesa.
“Bumili ka!" masungit na sagot nito sa kaniya.
“Ang bad mo sa'kin, ah?" medyo may kalakasang sabi ni Shirley.
“May gagawin kaba mamaya?" tanong ng prinsepe.
“Wele nemen," pabebeng sagot ni Shirley.
“Si.. Sapphire ang tinatanong ko,” sabi ni Prince Clarence kay Shirley kaya napapahiya itong kumuha ng pagkain sa mesa.
SA HINDI kalayuan ay mayroong dalawang lalaki na kulang nalang ay pumatay gamit ang kanilang mga mata.
“Baka ikakamatay ni Clarence 'yan,” may asar na sabi ni Xymon sa kanilang dalawa.
Wala ang mga prinsesa kasama si Cybee dahil sila ang pipili ngayong ng kanilang kakainin.
“SHUT UP!!” sabay namang sabi ni Prince Axell at Prince Lance.
“Tingnan niyo iyang mga kamay ninyo, kulang nalang mag dugo iyan," sabi sa kanila ni Xymon, itinuro pa nito ang kanilang mga kamay.
Napatingin ng dalawang lalaki sa kanilang mga kamay at ito ay namumula na nga at malapit nang mag labas ng dugo kaya sabay na ibinaba ng dalawa ang kanilang mga kamay at napa iwas nalang ng tingin.
“Grabe! Axell 'wag mong sabihing may pag tatangi kana kay Princess Sapphire, ha?" may pagdududang sabi ng loko-lokong si Prinsepe Xymon kay Prince Axell at naka kunot noong napalingon naman dito si Prince Lance.
“A-Ano? h-hindi ah! Tsk!” pag tanggi niya sa paratang ng kaibigan.
“Siguraduhin mo lang, ha!" sabi naman ni Prince Lance na mababakas ang pagiging protected brother sa tono ng boses nito.
“Uyy! Si Lance nagiging protected na!!" pang aasar ni Xymon sa dalawa.
Napa iwas nalang ng tingin si Lance dahil hindi pa niya tanggap sa sarili na may parte na unti-unti niya nang napapatawad ang kapatid ng hindi namamalayan.
*****
SAPPHIRE POV
MATAPOS kaming kumain ay pinaunlakan kami ni Prince Clarence na ihatid sa amkng susunod na klase.
He's a nice, handsome man, gentle, tall, charming and—Wait! Ba't ko naman pinag sasabi iyon? Pero deep inside totoo naman diba?
"He's so handsom, 'no?" sabi sa akin ni Shirley.
"Huh!?" wala sa sariling sagot ko.
"Ay! Don't tell me akupado na 'yang utak mo, ah!?" sabi niya sa sakin.
"Then, I won't tell!" nasabi ko nalang bago umupo.
NATAPOS ang buong klase namin ng puro lecture dito, lecture doon, lecture everywhere! Puro lang lecture, wala man lang silang quizzes or any test na pinagawa ngayong araw.
Nasa room ako dito sa dorm namin kasama si Shirley malamang kelan ba humiwalay ang babaeng yan sa akin.
"Hoy! Umamin ka nga!" sabi niya sa sakin.
"Ano nanaman ba!?" may halong inis na sabi ko
"Grabe, wala pa nga, inis-inis na ang mode mo diyan," aniya.
"Ano ba kase iyon?" tanong ko.
"Talaga bang friends lang kayo ni Prince Clarence?" tanong niya.
"Mukha ko ba siyang tatay?" pamimilosopo ko.
"HA. HA. HA. Nakakatawa!" sarkastikong sabi niya.
"Malamang, Oo!" mataray na sabi ko.
"Mukhang hindi naman kase gano'n, napansin ko lang, the way you both look each other kanina sa cafeteria mukhang hindi talaga!" sabi niya at napailing iling pa.
“Ewan ko sayo bahala ka na nga d'yan!" sabi ko sa kaniya at lumabas na ng kwarto.
Bumaba ako at pupunta sana sa kusina nang may kumatok sa pintuan ng dorm. Lumapit ako at binuksan ang pinto. Napasinghap ako ng makita ang taong nasa labas ng pintuan namin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro