Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11

Uneditted.
Updating via mobile app.

───⊹⊱✫⊰⊹───
11. The Invitation
───⊹⊱✫⊰⊹───

It's been two weeks since Rafie gave Sky his new role. Nasa kampo sila ngayon kung saan tine-train ang mga bagong miyembro ng Ministry of Defense - Military Division.

Si Sky ang nagsasanay sa isang grupo tungkol sa long range shooting, si Levi naman ang kasalukuyang nagfa-file ng mga paper reports nila habang nasa pribadong isla sila na pagmamay-ari ng Ministry of Defense, isang maliit na isla kung saan sinasanay ang mga miyembro tungkol sa pakikipaglaban.

"Remind me again why you're doing the paper works?" Nakataas ang kilay nito habang tinatanong si Levi na nasa tapat ng fax machine.

Tumingin si Levi sa kanya at tinuro ang labas ng kanilang opisina. "Sumasabak na nga ako sa giyera tapos ako pa magtuturo sa kanila sa ilalim ng matinding sikat ng araw? Graduate na ako dyan, Raf!" mariing sagot nya saka bumalik sa kanyang ginagawa.

Rafie grinned and stood from her chair, "ang sabihin mo ayaw mo lang talagang magbilad sa araw dahil nagiging kamatis yang mukha mo."

Masama ang mga tinging ipinukol ni Levi sa kanya ng mga sandaling iyon, "hoy, rumespeto ka nga! Hindi porket mas mataas ang ranggo mo sa akin eh kakalimutan mong mas matanda ako sa'yo! Umayos ka, Serafica!"

Tumawa si Rafie ng mga sandaling iyon. Alam kasi nitong naasar na sa kanya si Levi at matagal na rin nya itong hindi nagagawa. Simula nang ampunin ng kanyang ama ang binata ay palagi syang nakadikit rito.

───⊹⊱✫⊰⊹───

F L A S H B A CK
Year 2006 • 12 years ago

Nasa sementeryo ang kamag-anak at malalapit na kaibigan ng pamilya Andromeda. Ngayon ang libing ng mag-asawa at kanilang bunsong anak na nasawi kailan lang.

Car accident ang ibinalitang sanhi ng pagkamatay nila ngunit malakas ang paniniwala ni Levi, ang tanging natitirang buhay sa kanilang pamilya, na hindi iyon totoo. Ilang buwan nang nakakatanggap ng death threat ang ama nya.

His family owns Andromeda Publishing Corp, one of the biggest publishing houses in Bangtan City before. Sila rin ang main publisher ng City Scoop, ang pinakatanyag na newspaper sa kanilang bansa.

Nagsimula silang makatanggap ng death threats ng mailabas ang isang artikulo na bumabatikos noon sa lumalalang sitwasyon ng human trafficking na syang nagdulot ng matinding rally mula sa mga mamamayan.

Unti-unting umaalis ang mga tao dahil kumukulimlim na. Lumapit ang tita Minerva nya, ang nakababatanga kapatid ng kanyang ama na naninirahan na sa Australia.

"Levi," panimula nito. "Inaayos ko na ang pasaporte mo patungong Australia. Maaari kang magsimula ng bagong buhay doon kasama namin." Alok nito.

Simula ng makarating sya rito sa bansa ay kinausap na nya ang pamangkin tungkol sa plano nitong pag-ampon sa kanya. Tutal ay wala naman na silang iba pang malapit na kamag-anak. Unica hija ang ina ni Levi at tanging malalayong kamag-anak ang dumalo sa libing.

Umiling lamang ito bilang tugon. Nanatiling nakatitig ang malalamya nitong mga mata sa tatlong pangalan na nakaukit sa lapida. The body of his family members were cremated. Ganun ang patakaran sa bansang ito. Masyadong mahal kung kukuha ka ng lupain para lamang ilibing ang labi ng mahal mo sa buhay.

"Levi..." pagpupumilit nito, "hindi ka maaaring manatiling mag-isa." Halos pagsusumamo nito habang nagpapaliwanag. "You are only fifteen... a minor..."

"Hindi ako aalis dito," mahina ngunit mariin ang bawat salitang binitiwan nya.

Lumapit naman sa mga sandaling iyon si Major General Orlando Vera, a two-star military officer, along with his only daughter, Serafica. "I'll take him in, Minerva," pahayag nya na syang ikinagulat ng kausap. "I'll be his legal guardian here."

Matagal ng magkakakilala ang kanilang pamilya, kung tutuusin ay si Orlando Vera ang matalik na kaibigan ng ama ni Levi na si Lester Vincent Andromeda simula pagkabata.

Sumenyas si Minerva na mag-usap sila malayo sa mga bata kaya naman iniwan ni Orlando ang kanyang anak kasama si Levi na nanatiling nakatitig sa mga lapida.

"Orlando, paano mo maaalagaan ang dalawang menor de edad? Mag-isa ka na lang," nag-aalalang tanong nito sa kanya.

Ngumiti naman ang kausap bago sumagot, "Serafica is my only daughter and she doesn't get along well with other kids. Lalo na noong namatay ang mommy nya two years ago from cardiac arrest, mas naging mailap ito sa mga kaklase nya," pagku-kwento nito.

Tumingin ito sa gawi ng dalawang bata na tila nag-uusap ng mga sandaling iyon at nakita iyon ni Minerva. Tila alam na nya ang nais sabihin ng kanyang kaibigan, "bata pa lamang ay sina Levi at Mavi ang bukod tanging nakakasundo ng anak ko," pagpapaliwanag nito. "If I need to adopt him to be his legal guardian, I'm willing to do so. I will take care of him like my own son."

Habang nag-uusap ang dalawang mayor de edad ay nag-usap rin ang dalawang mga bata sa mga sandaling iyon. Trese años lamang si Rafie ngunit hindi nito hilig magsuot ng mga bestida.

"Kuya, sa amin ka na lang tumira kung ayaw mong sumama kay tita Minerva," mungkahi ng batang si Rafie.

Nanatiling tahimik naman si Levi kaya mas lumapit ang batang babae sa kanya, "di ba sabi mo kapatid rin ang turing mo sa 'kin?"

Unti-unti syang nilingon ni Levi dahil sa narinig. Isang munting ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi at tinapik ang ulo nito. "Oo, kapatid rin ang turing ko sa 'yo."

Ngumiti ng malapad si Rafie ng mga sandaling iyon. Nag-iisang anak lamang sya at noon pa man ay ninais nyang magkaroon ng kapatid, ngunit sa kasamaang palad ay hindi na maaaring mabuntis ang kanyang ina noon dahil sa sakit nito sa puso.

Simula ng araw na iyon ay kapatid na ang naging turingan ng dalawa at ipinangako ni Levi na po-protektahan nya ang bago nyang kapatid sa kahit na anong kapahamakan.

───⊹⊱✫⊰⊹───

Inampon si Levi ng mga Vera ngunit hinayaan syang hindi palitan ang kanyang apelyido kaya Andromeda pa rin ang gamit nya hanggang sa mga sandaling ito.

Napapailing na lamang si Levi dahil sa tinuran ng dalaga. Matagal na rin simula ng makita nya itong tumatawa kaya naman hinayaan na lamang nya at iyon ang naabutang eksena ni Sky pagkapasok nya sa kanilang opisina.

"Wow, Ms. Rafie! Mas maganda ka nga talaga kapag tumatawa."

"May death wish ka ba?" tanong ng dalaga at ibinalik nito ang pagkaseryoso ng kanyang mukha. Si Levi naman ngayon ang tumatawa. Alam kasi nitong ayaw na ayaw ng dalagang sinasabihan syang maganda dahil para sa kanya, ang depinisyon ng maganda ay kakambal ng pagiging maarte.

Napakamot ng batok si Sky dahil sa tinuran ni Rafie. Nasasanay na rin ito sa ugali ng dalaga, "sya nga pala, may dumating para sa inyo," inilahad nya ang tatlong puting envelope na nakapangalan sa kanila - dalawa kay Rafie at isa naman ang kay Levi.

Tinanggap iyon ng dalawa. Napatitig si Levi sa orasan at nakitang lunch break na.

"An invitation to attend The Annual World Peace Treaty?" pagbabasa ni Rafie sa natanggap nya at naguguluhan nitong tinitigan si Levi habang ipinapakita ang pormal na imbitasyon mula sa kaharian ng Qarzech kung saan gaganapin iyon.

Napatitig rin si Levi sa kanya, "hindi ba't magiging guest speaker doon si tito Orlando?" naitanong nito nang maalala nito ang nasa agenda ng kaniyang ama-amahan.

Ang Qarzech ay isa sa mga bansang nagnanais palakasin ang kanilang nayon sa pamamagitan ng depensang militar at may kasaysayan na rin sila sa pananakop ng maliliit na bansa upang palawakin ang teritoryo nila.

Naguguluhang tinitigan ni Rafie ang imbitasyong iyon at sinusuring mabuti. It was a legit invitation because it bore the seal of Qarzech's Royalty and their king's signature.

"I am being assigned to lead the troupe in Ythaqui while tito Orly's away," hayag ni Levi nang mabasa nya ang nilalaman ng envelope na natanggap niya. It was an order from the higher-ups of the Ministry of Defence.

Binuksan ni Rafie ang pangalawang envelope, binasa iyon, saka ibinigay kay Sky, "I am sending you in my behalf," tanging sambit nya.

Tinignan naman iyon ni Sky at nanlaki ang mga mata nito sa nabasa. It was an invitation from the House of Senate where Rafie was invited as a speaker for a council meeting. Nais nitong umatras kaya naman dali-dali niyang sinundan ang dalawa nang lumabas ang mga ito sa opisina nila, "Ms. Rafie," tawag niya at halos nilingon nya lamang ang binata.

"What?"

Sumabay si Sky sa kanilang paglalakad patungo sa kainan, "bakit po ako ang papapuntahin ninyo sa council meeting?" walang paligoy-ligoy nitong naitanong. "Marami naman pong mas matagal na sa Ministry na maaaring magbigay ng kanilang mga insights at..."

"I don't trust them," she cut him off and looked at him straight in the eyes. "The council meeting will be about human trafficking and I am suspecting some ministry officials accepting bribes from the red light district."

Natahimik si Sky sa narinig. Hindi nya lubos-maisip kung sino ang mga opisyal na maaaring tumatanggap ng mga suhol mula sa mga prostitution houses gayong sila mismo ang nagsusulong ng mga operasyon upang mapatigil ang mga ganoong klaseng establesimyento.

"Iniimbestigahan ni Jackson ang isa sa mga high-end wine and dine pub na nagiging isang prostitution club sa gabi," mahina ang boses nya sa mga sandaling iyon. Wala namang ibang tao sa pasilyo ngayon maliban sa kanilang tatlo ngunit mas mabuti na ang nag-iingat. "Napag-alaman nyang may mga opisyal mula sa ministry, mga mayayamang businessman, at pulitiko ang ilan sa mga customers nito."

While Levi displayed a full disgust on his face upon hearing what Rafie had told them, Sky's eyes grew bigger.

"Imagine if I send a corrupt ministry official by accident, maaari syang manghikayat ng iba pang mga opisyal lalo na't sa House of Senate ito gaganapin," paliwanag ni Rafie.

"And most prostitution houses is where most drug syndicates meet for their illegal transactions," dagdag pa ni Levi.

Unti-unting naliwanagan ang binata sa mga narinig mula sa dalaga. Bigla tuloy nyang naalala ang tungkol kay Quin. May mga pagkakataong nadaraanan nya ang dalagang pumapasok sa mga high-end bars kasama ng ibang mga lalake noong nabubuhay pa lamang ito. Naalala rin niya ang sinabi sa kanya ni doctor Lockhart, "my suspicion is, she was drugged before she was killed."

'Posible kayang...' pag-iisip ni Sky sa mga sandaling iyon na pilit niyang iwinawaksi. Hindi niya sinabi kay Storm ang mga bagay na nasaksihan niya dahil ayaw na nyang masaktan pa ang best friend niya noong mga panahong iyon. Napabalik na lamang sya sa realidad nang tapikin siya ni Levi.

"Are you joining us for lunch?" tanong nito sa kanya.

Tumango ito, "susunod na lang po ako. May tatawagan lang ako saglit," paalam nito kaya naman nagpatiuna na ang dalawa habang inilabas nya ang kanyang cellphone mula sa kanyang bulsa at tinawagan ang sekretarya ng doktor upang magpa-book ng schedule upang makausap pa ito tungkol sa kaso ni Quin.

───⊹⊱✫⊰⊹───

Author's Note:

Ang lugar na nabanggit ko, Qarzech Kingdom, ay gawa-gawa ko lamang. Ayokong magbanggit ng pangalan ng mga bansa para maiwasan ang kahit na ano mang gulo. Ayoko ring magbigay ng false information kung nagkataon. :-) Salmat sa pag-intindi.

Pronounciations:
Qarzech: Kar-zhek / Kar-jhek

See you on the next update.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro