Chapter 09
Uneditted.
Updating via mobile app.
───⊹⊱✫⊰⊹───
09. CN2015-10-0015
───⊹⊱✫⊰⊹───
Nag-inat si Sky nang matapos nyang makuha lahat ng impormasyong pinapahanap ni Rafie sa kanya. Tungkol sa mga sindikato ng droga ang mga kasong pinahanap sa kanya at lahat ng mga nakita nyang impormasyon ay tila may loose end. Walang mastermind na naiulat at lahat ng mga nahuli ay nagpakamatay sa loob ng kani-kanilang mga selda.
Binuksan nya ang mas manipis na folder, dalawang pahina lamang iyon ngunit tungkol naman ito sa unang teroristang nadakip nila kailan lang. Walang nahagilap na record tungkol sa taong iyon, hindi rin sya nakakausap dahil iba ang lenggwahe nito at kahit kumuha pa sila ng translator ay hindi naman sya sumasagot.
Pinakatitigan nyang mabuti ang kuhang larawan sa kamay nito at pilit inaalala kung saan nya ito nakita. He closed his eyes for a minute and played the USB-sized mini-recorder that came with the file.
"... katakt.. seí... kat... theí."
Ilang ulit nya itong pinakinggan ngunit hindi nagbago ang putol-putol na katagang narinig nya mula sa recorder. Napabugha na lang ito ng hininga at halos mapasabunot sa kanyang buhok.
Ibinalik nya sa loob ng envelope ang mga file cases at ang mini-recorder. Isinara na rin nya isa-isa ang mga binuksan nyang file cases sa computer upang makaalis na sana nang mahagip ng paningin nya ang isang pamilyar na pangalan.
Delgado, Quin
CN2015-10-0015
Parang may sariling buhay ang mga kamay nitong binuksan ang folder na iyon. He was shocked upon seeing the photos from the crime scene and an uprage emotion ignited deep within his heart. Kunot ang noo nito at isang luha dahil sa galit ang nakawala sa kanyang mga mata.
She was wearing the simple white dress with floral patterns Storm bought for her which she was supposed wear on their wedding day. Sa paanan nito ay ang kanilang graduation photo. His hands were shaking as he scrolled to the next page where a written report was made.
15th of October 2015
03:12 PM
I received a call from Sister Rosalia from the Purple Orphanage around seven in the morning regarding the death of a young lass living in one of the units nearby.
The deceased, whom we identified as Quin Delgado, hung herself at around three-thirty in the morning as estimated by Dr. Prince Lockhart at Bangtan Medical Centre who was on-duty at the time.
The small unit where Ms. Delgado lived was reeked of alcohol and cigar as we found empty bottles of vodka, rum and a syringe with foil in the bathroom's trash bin.
A suicide note was found on her bedside table which reads "I sinned" as the only legible words. Most of the letter's part was soaked in alcohol smudging ninety percent of it.
Prepared by:
Timothy Stellar
National Investigations Unit
He scrolled to the next page and saw the letter submitted. Nakumpirma nitong sulat-kamay nga iyon ni Quin at napansin nitong hindi na talaga mabasa ang ilang parte pa nito dahil sa pagkabasa ng papel.
Binasa rin nito ang Medical Report na ini-submit ng attending physician na syang ikinataka nito dahil ibang pangalan na ng doktor ang nakapirma doon.
BANGTAN MEDICAL CENTRE
Autopsy Report
Case Number 2015-10-0015
DELGADO, Quin
RE: Quin Delgado
DATE/TIME OF PRONOUNCEMENT:
15-Oct-2015, 03:30 AM
DATE, TIME AND PLACE OF EXAMINATION:
16-Oct-2015
Bangtan Medical Examiner's Facility
PATHOLOGIC DIAGNOSES:
I. OPIOID OVERDOSE
A. Fentanyl and alcohol identified in hospital blood (see separate toxicology report for further details).
II. Bruises and abrasions caused by strangulation.
Signed and checked by:
Dr. Ruther West.
Dinukot ni Sky ang kanyang cellphone upang ilagay sa kanyang notes ang mga pangalang nakita nya sa Police at Autopsy Reports. Gusto nyang malaman ang katotohanan sa pagkamatay ni Quin hindi lang dahil kaibigan nya ito kundi para maka-move on na rin si Storm.
Hindi man sabihin ng best friend nya ay alam nitong si Quin ang dahilan kaya ito nagbago ng ugali. Storm was a one-woman-man and Sky knows that he is still hurting inside.
Tuluyan na nyang isinara ang mga files na tinitignan nito at nirestart ang computer kung sakali mang may susunod na gagamit bago nilisan ang lugar. Napadaan sya sa opisina nina Rafie at Levi ngunit kita mula sa bintanang wala ang dalawa roon saka nya naalala ang bilin ni Levi.
"Kapag nakakuha ka ng sapat na impormasyon, call this person and he will take care of a secret meeting place for us."
Inilabas nya ang calling card na ibinigay sa kanya at tumingin sa paligid. Minabuti nitong lumabas nang tuluyan sa gusali ng Ministry of Defense bago tinawagan si Vino.
"Hey, kiddo!" masayang bati ni Vino pagkasagot nya ng kanyang tawag. Napalunok si Sky at inaalala ang password na sinabi ni Rafie. "Uy, Sky? Na-wrong dial ka ba?" Nag-aalala pa nitong tanong nang wala syang marining na sagot mula sa taong tumawag sa kanya.
"Ego vero (I seek the truth)," tanging sambit lamang ni Sky.
"Vincit omnia veritas (the truth conquers all)," seryosong saad ni Vino saka naputol ang tawag.
Nagtaka si Sky dahil hindi ugali ni Vino ang magbaba ng tawag. Ilang segundo pa ang lumipas ay nakatanggap ito ng isang notipikasyon.
Septa Lounge & Bar
Good day, our loyal customer! We offer you 50% off on our drinks to show our gratitude. You may claim your prize within 24 hours.
Passcode for loyal customers: EGOVERO
321 Lotus Avenue, Bangtan City
Kumunot ang noo ni Sky sa mensaheng nabasa ngunit minabuti nitong dumerecho na lamang sa Lounge and Bar ni Vino upang tanungin ang tungkol sa bagay na iyon at para malaman na rin kung may kaugnayan ba sya kina Levi at Rafie.
Ipinarada nya ang kanyang sasakyan sa parking lot malapit sa entrance ng shopping district ng Lotus Avenue at tinungo ang Septa. Nakababa pa ang mga kurtina nito, nangangahulugang sarado pa iyon. Nagdadalawang isip sya kung kakatok ba sya o hindi kaya minabuti nitong silipin kung may tao ba sa loob nang bumukas ang pintuan.
Pinagmasdan ni Vino ang paligid bago nya tuluyang pinapasok ang binata at ni-lock ang pintuan. Magtatanong sana si Sky nang sumenyas si Vino na sundan sya nito.
Pumunta sila sa dulo ng lounge bar, iniangat ni Vino isang picture frame na nakasabit sa dingding at tinipa ang passcode ng isang secret passage. Namangha si Sky sa nakita at sinundan lamang ang may ari ng bar.
Awtomatikong nagsara ang pintuan sa likuran nila, kusang bumukas ang mga ilaw sa hallway na kulay puti ang dingding at itim na carpet ang dinaraanan nila. Tinipang muli ni Vino ang lock code sa smartkey na nakakabit sa isang metalikong pintuan bago ito buksan.
"The sacrificial lamb has arrived," anunsyo ni Vino at namimilog ang mga matang tinignan sya ni Sky. Natawa na lamang sya sa reaksyon ng binata saka inakbayan ito at sinabing, "nandun yung mga boss mo." saka itinuro ang kinaroroonan nina Rafie at Levi.
Sa labingwalong katao na naroon, lima lamang ang kakilala nya bukod kina Rafie at Levi ngunit base sa kasuotan nila, silang lahat ay nagta-trabaho sa Ministry of Defense.
Sinalubong sya ng dalawa, "welcome to Veritas, Sky." seryosong saad ni Rafie sa kanya.
"V-Veritas?" Naguguluhan nitong tanong.
Napatango si Levi, "the latin word for truth." paliwanag nito at tumango naman si Sky. "Rafie and I formed this team to further investigate the crimes of our city. Masyadong maraming loop holes ang ilang kasong isinara lalo na ang tungkol sa human trafficking at drugs."
Mas lalong namangha ang binata sa narinig dahil hindi nito inakalang may isang grupong naitatag na naglalayong tuklasin ang katotohanan. Mas lalo rin itong humanga sa dalawa dahil sa kagitingang ipinapakita nila.
Ipinakilala ni Rafie ang bawat isa sa kanila, napag-alaman nitong si Vino at ang kanang kamay nya sa bar na ito ay alam ang tungkol sa misyon ng kanilang grupo. Pumayag silang tumulong na mapanatili ang kaayusan sa kanilang syudad sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng lugar kung saan sila maaaring magpulong. Matapos niyon ay isa-isang nagbigay ng impormasyon ang mga taong naroon.
"Pare-parehong tattoo ang mga nakita sa mga teroristang nagtangkang patayin ang presidente," saad ni Daryl na mula sa Forensics Department - Eastern Division ng Ministry of Defense. Inilabas nito ang mga larawang nasa briefcase nito at inilapag ang mga larawan sa pabilog na lamesa.
"May iba sa kanila na nasa likuran ang kanilang mga tattoo at halos sakupin nito ang buong likod nila," sambit naman ni Eliza na mula naman sa Forensics Department - West Division, "habang ang ilan naman ay nasa palapulsuhan at mas maliliit ito." Nagpalitan ng tingin ang bawat isa tila iniisip kung may kahulugan ito.
"Hindi kaya leader ng isang pangkat ang mga taong may tattoo sa kanilang likuran?" pagsasatinig ni Sky sa kanyang obserbasyon. "Kung mapapansin ninyo, mas marami ang may tattoo sa kanilang palapulsuhan kompara sa dalawang tao na may malaking tattoo sa kanilang likuran."
"Posible nga yang sinasabi mo," pagsang-ayon naman ni Morgan na syang kabilang sa Northern Division ng Forensics team. "Ayon sa obserbasyon ko, natakpan ng isa pang tattoo ang orihinal na nakalagay sa papapulsuhan ng isa sa kanila." Itinuro nito ang litrato ng isa sa mga bangkay na may malaking tattoo sa likuran nito.
"Iba't iba rin ang mga lahi nila," saad ni Loren na mula sa National Investigations East Division. "Mahihirapan tayong hanapin ang pinakapinuno nila kung iisa-isahin natin silang i-identify based on nationalities alone."
Nanatiling nakapamewang at nakatayo si Rafie habang pinakikinggan ang bawat impormasyong nakalap ng mga ito. "Any luck on the mini-recorder?" tanong nito kay Sky.
Umiling ang binata, "ilang ulit kong pinakinggan ngunit wala talaga akong maintindihan. Bukod sa putol-putol ito ay malakas rin ang static," dagdag paliwanag nya. "Susubukan kong pababain ang frequency gamit ang isang music mixer at baka sakaling may makuha ako."
Tumango naman si Rafie, isang senyal na binibigyan nya ito ng permisong gawin iyon. Marami pa silang napag-usapang mga bagay tungkol sa krimen sa kanilang bansa, maging ang mga pinaghihinalaan nilang pinuno ng sindikato ay minamanmanan na rin nila dahil malakas ang pakiramdam nina Levi na may alam ito sa kung sino ang nangahas na magpapasok ng terorista sa bansa nila.
The Republic of Namkada has the best defense in the world. Pagdating pa lang sa hukbong militar ay malakas at matatag ang mga tauhang narito. Sinasanay sila sa lahat ng aspeto ng pakikidigma upang maipaglaban ang kanilang bansa.
Bangtan City, being its capital, houses some of the best agents like Rafie, Levi, and Sky who is showing a lot of potential in long range combat. The Ministry of Defense has been gaining a lot of praises because of their teamwork, discipline and loyalty to the country.
Isa-isang nagsi-alisan ang mga tao sa silid na iyon. Napag-alaman ni Sky na maraming lagusan ang maaari mong daanan upan ñg makarating dito gamit ang passcode na ibinigay sa'yo. They made it look like a promotional text message so no one would suspect if someone invades their handphones. Nalaman rin ng binata na lahat ng tawag na natatanggap ni Vino sa numerong nasa calling card nya ay hindi recorded at protected ito sa mga hacker.
Lumabas ang tatlo sa loob ng isang shopping mall matapos ang kanilang meeting. Maraming underground passages at depende kung gaano kaikli o kahaba ang lalakarin mo base sa kung saang lugar ka papasok at lalabas.
Pinili ni Sky na pumasok sa Ministry of Defense sa hangaring titigilan na sya ng kanyang ama. Him being on the Ministry of Defense made his father more popular and praises from the citizens, some even called him "the father of a hero" dahil naibalitang isa sya sa mga namuno sa pagtatanggol sa Presidential Palace. Isa pa, maaari rin nyang malaman ang totoong nangyari kay Quin dahil rito.
Noong una ay natatakot syang makapatay ng tao o mapatay dahil sa linya ng trabahong ito, ngunit habang tumatagal ay unti-unti nyang minamahal at pinapahalagahan ang kanyang trabaho. Hindi sya nagsisisi sa kanyang naging desisyon.
"Ms. Rafie," tawag nya sa dalaga nang makaupo na sila. Nasa isang Korean restaurant sila ngayon at naisipan nilang kumain muna bago bumalik sa kanilang opisina. Isang private room ang kinuha nila kaya naman walang ibang tao roon lundi sila lamang.
Tinignan lamang sya ng dalaga, hinihintay kung ano ang sasabihin nya. Napakamot ito ng ulo na para bang nahihiyang magsabi ng saloobin.
Levi leaned against the table and said, "you can take the day off tomorrow," as if he was reading the guy's mind.
"P-paano'ng..."
Ngumisi si Rafie sa kanyang gawi, "we've trained a lot of people in the Ministry. Yan naman ang palaging hinihingi nila, a day off after a near-death encounter."
Napatango na lamang ang binata sa narinig ar hindi na muli pang nagsalita dahil kasaluluyang inihahain ang mga pagkain nila. Nagsimula na silang kumain nang si Rafie naman ang tumawag sa binata, "we are moving into a larger office by next week."
"We will train the newlt graduates from the military service who opted to work in the Ministry of Defense," pagtutuloy ni Levi.
"Congrats, Ms. Rafie and Sir Levi," buong galak nitong saad sa dalawa na parehong tumitig sa kanya.
Tipid ang ngiti ni Rafie. Simula't sapul ay hindi talaga ito palangiti, hindi rin ito mahilig sa kolorete at ang buhok nya ay palaging nakapusod.
"We want you to move in with us," hindi na nagpaligoy-ligoy pa ang dalaga at para bang napaka-normal lang nito sa kanya.
Nabilaukan naman si Sky pagkarinig nya sa sinabing iyon ng kanyang direct supervisor. Uminom ito ng tubig bago tumingin sa gawi ng dalaga, "a-ako po?" tinuro pa ang sarili dahil hindi ito makapaniwala.
He shared an office alongside other trainees. Kahit noong na-promote sya bilang third rank officer ay nanatili sya sa common office ng Ministry of Defense. Hindi rin naman niya hinangad ang magkaroon ng sariling opisina dahil para sa kanya ay marami pa syang dapat matutunan.
Tumango si Levi saka sinabing, "ayaw mo rin lang tanggapin ang posisyon na binibigay sa 'yo sa National Investigations Department at lagi kang nakabuntot sa amin, mas mabuti na sigurong ikaw na ang mag-train sa mga baguhan." mahabang litanya nito.
Halos napahiya ang binata sa narinig. Hindi nito akalaing alam nila ang tungkol sa pagtanggi nya sa posisyong inaalok sa kanya ni Dir. Han bilang second-in-command sa National Investigations dahil ayaw nyang mawalay sa dalawang ito. He wants to be trained by them and be like them - fearless and dignified.
Napakamot na lang ng batok si Sky at ngumisi bilang tugon bago ipinagpatuloy ni Levi ang kanyang sasabihin, "sa init ng ulo nitong si Rafie, baka maraming sumuko at umiyak pabalik sa mga nanay nila."
Isang masamang tingin ang ipinukol ni Rafie sa kanya saka umirap bago bumaling kay Sky, "so, papayag ka o pumapayag ka na?"
───⊹⊱✫⊰⊹───
See you next update.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro