Chapter 08
Dedicating this chapter to
matchaislife_wp
Thank you for adding my stories on your RL. I appreciate it a lot. 💖
Uneditted. Updated via mobile app. Enjoy reading.
──⊹⊱✫⊰⊹──
08. Fearless
──⊹⊱✫⊰⊹──
Walang sinayang ni isang segundo sina Rafie at Levi. Agad silang nagtungo sa Presidential Palace nang makaalis sila sa Ythaqui borderline. Marami ang nasawi sa mga kalaban ngunit marami ring namatay na kanilang mga kasamahan at talagang ikinagalit iyon ng dalawa.
Ikinasa ni Rafie ang pistolang hawak nya at pinindot ang unang button sa kanyang earpiece na direktang naka-konekta sa earpiece na suot ni Levi, "the enemies will not attack from the front or back of the palace. The West Wing is not properly guarded."
Kasalukuyan silang nasa taas ng magkabilang puno malapit sa Presidential Palace kaya pareho nilang nakikita ang kabuuan ng paligid na nilulusob ng kanilang mga kaaway. Nakasuot sila ng ocular datasearch lense, isang tipo ng contact lense kung saan may night vision mode, binocular type of view, at movement sensitivy enhancer.
Silang dalawa pa lamang ang mayroon nito ngunit ang mga gamit nila ay pawang mga prototype lamang, isang imbensyon mula sa namayapang inventor na kaibigan ng ama ni Rafie.
Parehong gwardado ang harapan at likuran ng Presidential Palace at napakalawak nito kung tutuusin. Nakakapanghinayang lamang na nagmistula itong isang battle ground sa mga sandaling iyon at nasira ang ilang mga tanim at estatwa ng mga nakaraang pinuno ng bansa.
Pinindot ni Levi ang pangalawang button ng kanyang earpiece upang kumonekta sa mga kasamahan nila, "Sky, lead your troupe towards the West Wing." mahinahong utos nya na sya namang sinunod ng binata at ng ilan sa mga kasama nya.
On ordinary days, kasama ng dalawa si Sky sa mga rescue operations nina Rafie at Levi upang mas ma-train pa syang lalo, ngunit sa pagkakataong ito ay binigyan sya ng sarili nyang pangkat na susunod sa kanya dahil na rin sa galing at tapang nito.
Agad na nagtungo si Sky sa West Wing kasunod ng limang armadong kalalakihan na nasa pangkat nya, umiiwas na matamaan ng bala ng kaaway.
Tumingala si Sky sa paligid at doon nito napagtanto kung bakit sya pinadala roon. The West Wing is where their president's room is. Tumingin sya sa dalawa nyang kasamahan, "be on the look out. We have to ensure the safety of the President." Utos nya na syang sinunod ng dalawa.
Pumasok si Sky sa isang bintana upang tumungo sa kwarto ng presidente. Alam nitong balak nina Rafie at Levi na dumerecho roon kaya habang wala pa sila ay sya na mismo ang nagtungo upang bantayan ang pinuno ng kanilang bansa.
Madilim ang pasilyo, nagdahan-dahan ito sa pagpasok lalo na't may dalawang anino syang napansin sa kabilang sulok at napansing bukas ang ang isa sa mga bintana. Alam nyang kaaway ang mga ito dahil wala syang nakitang Presidential Security Badge, hindi rin niya nakita ang Ministry of Defense Seal sa damit nito gamit ang night vision lenses na suot nya.
Inilapit nya ang kanyang palapulsuhan sa kanyang bibig, halos isang sentimetro ang layo, bago mahinang nagsalita, "two enemies spotted inside the Presidential Palace."
"Kill those bastards," utos ni Rafie sa kanya. Rinig nito ang isang putok ng baril na nagmula sa dalaga bago nya sinundan ang dalawang aninong nakita nya kanina.
Marahas nilang binubuksan ang mga pintuan, marahil ay hinahanap kung saan naroroon ang presidente. Sumandal sya sa isang pader kung saan hindi natatamaan ng ilaw mula sa liwanag ng buwan. He aimed for the man farthest to him using a silencer and with just one shot, the man fell on the ground. Nagtaka ang kasama nito at nagpaputok sa iba't ibang direksyon. Nakarinig sila ng impit na paghiyaw mula sa isang babae na sa tingin nya ay ang asawa ng pangulo.
Nanlaki ang mga mata ni Sky sa sandaling mapansin nyang tumingil ang lalaki sa pagputok ng kanyang baril at dali-daling pinuntahan ang kwarto kung saan nanggaling ang munting paghiyaw ng babae.
Pabalibag na binuksan ang pintuan at nagmamakaawang umiyak ang ginang ng pangulo na huwag silang papatayin. Sasaklolo na sana ito ng mapansin ang munting paggalaw mula sa isa sa mga kwartong binuksan kanina. He saw a feet that belonged to a child.
Tumunog ang isang nakabibinging alarma sa buong palasyo. May mga kalaban ring nakaakyat mula sa iba't ibang sulok ng West Wing na tila handa ng pumatay. Pumasok si Sky sa loob ng kwarto at binuksan ang dim light na hawak nya. Isang batang nasa pitong taong gulang ang nakita nya, umiiyak at pinapatahan ng isang dalaga, ang panganay na anak ng pangulo.
"I'm from the Ministry of Defense," pagpapakilala nya at tila nawala ang takot sa mata ng dalaga. "Magtago kayo sa ilalim ng kama at sisiguraduhin kong babalikan ko kayo rito."
Paalis na sana ito ng pigilan sya ng dalaga, "si mama..."
"We'll take care of them," he assured the young lass before heading out. Siniguro nitong wala ng tao sa pasilyo bago sya lumabas sa kwartong iyon at nagmadaling tinungo ang kwarto ng presidente.
Walang takot nyang binaril ang mga armadong kalalakihan na tinututok ang baril sa pangulo at sa asawa nito. Nagtago sya sa likod ng isang dingding ng sya naman ang nais nilang patamaan.
Natigil lamang iyon ng may marinig silang mga nabasag na kristales mula sa kwarto ng pangulo at sunod-sunod ang pagputok ng mga baril.
"Get down, Mr. President," boses ni Levi ang narinig ni Sky kasabay ng pagbagsak ng kaaway nila sa kanyang paanan, mulat ang mga mata at tuloy-tuloy ang pag-agos ng dugo sa kanyang noo na syang tinamaan ng bala.
Sa unang pagkakataon ay napalunok ito. Hindi na simpleng tranquilizer ang ginamit nila kundi totoong bala na. Alam naman nyang hindi maiiwasan ang gumamit ng bala kapag nagkaipitan na ngunit ito ang unang pagkakataon na nangyari ito simula ng pumasok sya sa Ministry of Defense.
Bumalik na lamang sya sa ulirat ng may dumating pang tatlong mga kalaban at sa kanya nakatutok ang mga baril nila. He quickly moved out from his place and took cover from one of the hallway's pillar. He loaded his gun and shot one of the enemies down. Isang putok mula sa likuran nya ang kanyang narinig at nakita ang isang katawan ng kalaban na bumagsak sa sahig. His eyes were also opened and his gun was pointed at him, "always watch your back, Sky."
Tumingala ito at nakita si Rafie kasunod ang ilan pa sa mga kasamahan nila. Ilang segundo pa ay namatay na rin ang alarmang bumabalot sa buong palasyo. Tinignan nya ang buong paligid at doon napagtanto na napakaraming katawan na ang nakahandusay sa paligid, karamihan ay mga kaaway at iba naman sa mga ito ay kabilang sa mga Presidential Securities.
Sumikat na ang araw ngunit hindi pa rin umaalis sina Rafie sa Presidential Palace. Marami ang nanatili upang tumulong sa pagliligpit ng mga nasirang kagamitan at upang dalhin sa morgue ang mga katawan ng nasawi.
He felt sorry for the president's children. Bakas pa rin sa mga mukha nila ang takot at pangamba, lalo na ang bunso nitong anak na napakabata pa ngunit matinding trauma na ang naranasan niya.
"Sky," tawag ni Rafie sa kanya na katabi ni Levi. Nakapamewang ang dalaga at halatang pagod na rin ito.
Lumapit ang binata sa kanilang dalawa at nagbigay-saludo bago sumagot, "captain!"
Sumenyas lamang si Rafie na sumunod sa kanilang dalawa at iyon ang ginawa nya. Dumaan sila sa likuran ng Presidential Palace na ngayon ay nililinisan na. Sumakay sila sa Ministry Patrol Vehicle at si Levi ang nasa driver's area.
Binuksan ni Rafie ang compartment, inilabas ang isang brown envelope na may nakatatak na 'TOP SECRET' sa likuran kasama ang isang keycard, saka ibinigay kay Sky na nagtatakang tinanggap iyon, "I'm giving you access to the File Room. Nasa second basement ito ng Ministry of Defense building." utos nito na syang tinanguan ng binata.
"Go directly to the last aisle," dagdag ni Levi. "Sa dulo, makikita mo ang isang security room facility na ginagamit lang kapag may mahahalagang misyon. You would need the keycard to gain access. All the crime files, especially the top secret ones, are stored there digitally."
"Get as much informations on the files in that envelope," malumanay na sambit ni Rafie, sa bosesnpa lang nya ay nahihimigan nito ang pagod at stress na pinagdaanan nya ngayong araw.
Hindi lingid sa kaalaman ni Sky na marami sa mga kasamahan nila ang napaslang dahil sa naganap na pag-atake ngayon, karamihan sa mga ito ay nagmula sa special unit na binuo nina Rafie at Levi. They have been gathering informations in and out of the country in order to find out who the traitor is, who is trying to sell off their country's independence.
Malakas ang hinala ng dalawa na isang makapangyarihan at maimpluwensyang tao ang mastermind sa kaguluhang nangyayari sa kanilang bansa. Their country have always had the best defense, kaya nga walang nagtatangkang pumasok noon upang sakupin sila ngunit iba na ang panahon ngayon. It has been six years since Rafie's father headed the military to keep the enemies from entering the premises.
Rafie and Levi both suspects that there is a mole within the Ministry of Defense and they are willing to do everything to find out who that bastard is.
"We need to keep this as private as we can," dagdag ni Levi rito. "Kapag nakakuha ka ng sapat na impormasyon, call this person and he will take care of a secret meeting place for us."
Kinuha ni Sky ang calling card na ibinigay sa kanya ni Levi at ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata nya ng makita ang nakasulat doon.
──⊹⊱✫⊰⊹──
I hope you enjoyed this chapter. See you on the next one! 💜
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro