Chapter 05
Dedicating this chapter to
MaealenaJTadiosSaBal
Thank you for adding this story
on your reading list. 😊
Uneditted. Updating via mobile app.
Enjoy reading.
──⊹⊱✫⊰⊹──
05. Hostage
──⊹⊱✫⊰⊹──
Rafie was storming towards the Ministry of Defense's main building. Katatanggap lamang nya ng report na wala namang gaanong nasalanta sa borderline ng Ythaqui kung saan naka-destino ang ama nito ngunit nabalitaan naman nitong may hostage taking na nagaganap sa Butterfly Mall, ang pinakamalaking mall sa buong syudad.
Kanina pa may rumesponde roon ngunit hindi pa rin nila mailigtas ang mga nadakip.
"These idiots," tanging naisambit ni Levi sa inis habang pinapanood ang live broadcast tungkol sa nagaganap ngayon. "Mga amateurs ba 'tong mga gunggong na 'to?" hindi na nya natiis kaya pinatay na nya iyon at ibinulsa ang kanyang cellphone.
Sinusundan lamang nya si Rafie patungo sa opisina nila kung saan nakalagay ang kanilang bulletproof vest. Papasok na sana sila sa kanilang opisina ng salubungin sila ni Dir. Han, "Levi, Rafie!" tawag nito sa dalawa kaya natigilan sila.
Itinuwid nila ang kanilang mga tindig at sumaludo rito bago bumalik sa dating postura, "sir, kailangan na ng back-up sa Butterfly Mall. May nasugatan na!" matapang na sambit ni Levi.
Bumuntong hininga ang direct boss nilang nakapamulsa na ngayon bago nagsalita, "I know what you guys are thinking." nagpalitan ng tingin ang dalawang special agents bago itinuon ang pansin sa kanya. "The mission have been assigned to Unit 3, and before you could provide back-up, you would need my approval."
Sinalubong ni Rafie ang tingin ng director nila, hindi ito nagpapakita ng kahit na ano mang takot dahil alam nyang para sa ikaliligtas naman ng mamamayan ang gagawin nila.
"Sir," hindi naituloy ni Rafie ang sasabihin nang itinaas ni Dir. Han ang kanyang kamay, isang senyal upang hindi nito ituloy ang ano mang sasabihin nya.
Napatango ito sa dalawa, "I know, I know." saad nya saka sinalubong ang tingin ng dalaga. "Hindi ko naman din kayo mapipigilan lalo na't desidido na kayo sa binabalak nyo." tila nakahinga naman ng maluwag ang dalawa sa sinabi nito, "I will approve you as a back-up in one condition."
Nagpataas ng kilay ang dalawa at sinundan nila ng tingin ang kanilang direct supervisor ng mga sandaling iyon na binubuksan ang opisina ng dalawa at malapad ang ngisi, "you need to take him with you."
Rafie crossed her arms eyeing their supervisor unbelievably while Levi merely laughed upon seeing the sight of the young lad who beamed at them and waved his right hand enthusiastically.
"Take him or leave the mission alone."
──⊹⊱✫⊰⊹──
Si Levi ang nagmamaneho ng mga sandaling iyon patungo sa Butterfly Mall habang matatalim pa ring nakatitig si Rafie sa labas ng bintana.
"What do you know about guns?" seryosong tanong ni Rafie sa binatang nakaupo sa likod ng sasakyan. "Do you know how to aim? How about man-to-man combat?"
Ngumisi si Levi sa mga naririnig nito ngayon. Rafie is known to be very strict ngunit karamihan sa mga ina-assign sa kanila upang ma-train ay nagiging matapat na kaalyado ng dalawa.
"Give him some slack. Kakasimula pa lang nya," pagpapakalma naman ni Levi rito at nakatanggap ito ng matatalim na tingin mula sa dalaga.
Tumikhim si Sky bago nagsalita habang nakangiti, "nag-military service ako right after graduation. I know man-to-man combat and basic shooting," mahinahon nitong sagot sa dalaga na kahit paano ay nagpakalma sa kanya.
Hangga't maaari ay ayaw ng dalawa na may nasusugatang mga sibilyan sa mga ganitong sitwasyon kaya naman masusi nitong inaalam kung ano ang kakayahan ng binata pagdating sa labanan.
Nilingo sya ni Levi sa rearview mirror, "you were assigned to guard the military base?" tumango si Sky bilang tugon.
Hindi mandatory ang military service sa kanilang bansa ngunit mas malaki ang respetong nakukuha ng mga taong gumagawa nito. Both male and female ay maaaring mag-enlist kung nanaisin nila. Pinakamaikli na ang isang taon habang tatlong taon naman ang pinakamahaba kung hindi ka naman tutuloy sa kahit anong branch ng Ministry of Defense.
Ipinarada ni Levi ang itim na kotse malapit sa mga patrol cars. Lumabas silang tatlo at lumapit sa senior police na naroon, "what's the situation now, sir Matsumoto?" tanong ni Levi.
"There are twelve hostages at the jewelry shop on the third floor, one was shot in the leg," ulat naman ni Chief Yuji Matsumoto, ang pinuno ng Unit 3 Crime Division, na syang ikinainit ng ulo nina Rafie at Levi.
Luminga-linga naman si Sky sa paligid at nahagip ng kanyang mga mata ang naturang shop. May mga naka-maskarang armadong mga kalalakihang nakatutok ang baril sa mga hostage at sa mga kapulisan mismo.
"What are their demands?" tanong ni Rafie.
Bumuntong hininga naman si Chief Matsumoto bago sinalubong ang mga mata ng dalaga, "si Alex Wu."
Nag-aalalang tumingin si Levi kay Rafie nang marinig ang pangalang iyon. Si Alex Wu ay isa sa mga hinihinalang drug lord ng bansa na nahuli ng ama ni Rafie. Hanggang ngayon ay hindi pa rin napapatunayan ang paratang na iyon ngunit umamin ito na nag-o-operate sya ng isang underground casino kaya sya naikulong.
"Iniimbestigahan pa lang ang koneksyon nya sa mga illegal smuggling of guns and drugs. Hindi sya puedeng pakawalan!" giit naman ni Levi.
"Alam ko," sagot naman ni Chief Matsumoto sa kanya. "Pero may isang casualty na at nagbigay sila ng palugit na isang oras para palayain si Wu, or else..."
"Or else, what?" tanong ni Rafie.
"They will kill all the hostages."
Tiim-bagang pareho sina Levi at Rafie ng mga sandaling iyon. They don't want to have many casualties but they can't also let a convicted person go free especially when that person is on their high clasified criminal files. Ramdam sa buong paligid ang tensyon at napukaw lamang ang kanilang atensyon sa pagsigaw ng isang babaeng nagsusumamo mula sa ikatlong palapag.
Mula sa bintana ay isang babaeng umiiyak habang nasa likod nya ang isang armadong lalaki na ang baril ay nakatutok sa sentido nito.
"TATLUMPONG MINUTO," sigaw ng lalaking iyon sa kanila saka itinaas ang baril sa kawalan at pinaputok iyon dahilan upang mapasigaw ang mga sibilyang nasa paligid.
Rafie clenched her fists and was about to march towards the area when she felt a soft grip on her right arm, it was the new recruit, Sky. Tila hindi naman inalintana ng binata ang masasamang tingin ng dalaga at napakurap ito ng magtama ang kanilang mga mata, "I know a place where we can enter the area without getting caught."
Nagpalitan ng tingin sina Levi at Rafie sa puntong iyon ngunit sa kalaunan ay sinundan nila ang binata. Tumuloy sila likod ng katabing hotel ng mall, ang Darlington Suites-Butterfly Mall Branch, isa sa mga pagmamay-ari ng pamilya nina Storm.
Nagtuloy-tuloy sila sa ikapitong palapag. Hindi rin naman sila dumaan sa security chech dahil kilala na si Sky bilang best friend ng anak ng may-ari.
Pagkabukas pa lang ng elevator ay sinalubong na sila ng nakapamulsang si Storm na syang malapad na ngumiti sa sandaling masilayan si Rafie. "Hi, Miss Crush!" bati nito sa dalaga.
Ngumisi naman si Levi sa gawi ni Rafie para asarin ang dalaga ngunit napailing na lamang ito. "So, how are we going to the mall without getting caught?" she asked, totally dismissing Levi's smirk and Storm's charming smile.
"This way, crush" nakangiti pa ring sagot ni Storm rito habang sumesenyas sa isang pasilyo. Sa dulo nito ay isang metal na pintuan na tanging mga hotel guests na may VIP keycard lang ang puedeng maka-access nito. In this case, Storm swiftly swiped the screen of his phone showing the digital copy of his keycard.
Ang pulang maliit na ilaw sa gilid ng pintuan ay napalitan ng berde saka may lumabas na Access Granted sa digital monitor nito. Binuksan ni Storm ang pintuan at nagpatiuna si Rafie na lumabas mula rito.
"This is a VIP access offered only to VIP guests," paliwanag ni Storm habang ginagabayan ang mga kasamahang special agents na hindi alam ang tungkol dito.
Sinasabayan ng dalawang magkaibigan ang mabibilos na hakbang patungo sa Butterfly Mall. Napatigil na lamang ito nang humarap sina Levi at Rafie sa kanila.
"Stay here and stay safe," bilin ni Levi sa dalawang binata.
Kumunot naman ang noo ni Sky sa narinig, "but..."
"We'll see you at the office," hindi na pinatapos ni Rafie ang nais sabihin ni Sky bago sila tumalikod sa dalawang binata.
Inakbayan na lamang ni Storm ang kaibigan pabalik sa loob ng hotel habang sina Levi at Rafie ay nagmamadaling tumuloy sa loob ng mall, "twenty minutes!" sambit ni Levi habang tinitignan ang kanyang relos.
Binilisan nila ang kanilang mga kilos ng mga sandaling iyon, minamasdan ang paligid na walang nagbabantay. The emergency stairs have been blocked and they don't have any other choice but to take the open stairs.
Nagtago si Levi sa likod ng isang dingding ng makita ang dalawang lalaking armado na pabalik na sa jewelry shop. Inilabas nya ang kanyang tranquilizer gun, isang uri ng baril na ang bala ay maliliit na hugis dart na naglalaman ng pampatulog. He aimed for the one nearest to him first. Ng pareho ng bagsak sa lupa ang mga ito ay dali-dali nilang itinago ang mga ito sa likod ng man-made fountain sa loob ng mall.
Hindi na sila nag-aksaya pa ng panahon, itinutok ng muli ni Levi ang kanyang tranquilizer gun sa ilan pang mga kalaban nila at umalma ang mga tao sa loob ng jewelry shop.
Walang takot na pinuntahan ni Rafie ang armadong lalaki na lumabas sa jewelry shop. She quickly grabbed the gun that was pointed at her, twisted his arm in counter clockwise motion and kicked his stomach as hard as she could. Namilipit sa sakit ang lalaking iyon at tumumba. Nawalan ito ng malay ng siniko siya ng dalaga sa kanyang sentido.
Pumasok sya sa loob ng jewelry shop na nakatutok ang dalawang baril, kasunod si Levi na ganoon din ang postura.
Apat na lamang ang natitirang armadong lalaki sa loob ng jewelry shop, tatlo sa mga ito ay nakikipagtutukan ng baril sa kanila habang ang isa naman ay kumuha ng isang matandang babae bilang isang hostage.
Mabibigat ang mga paghinga ni Rafie lalo na't nasa isang sulok lamang ang isang lalaking may tama ng baril sa kanyang binti, umaagos ang dugo na pilit tinatapalan ng ilang tao na nasa paligid nito.
Pumikit si Rafie at itinaas ang kanyang dalawang kamay, "pakawalan mo ang mga sibilyan. I'll take their place."
Gulat na tinignan ni Levi ang kasama, "Raf!"
Ngumisi ang lalaking may hostage na matandang babae, "kilala namin kayo. Alam naming sa oras na pakakawalan namin ang mga hostage namin ay tiyak na sasalakayin nyo kami," sumenyas ito sa mga kasamahan nya at ang mga baril na nakatutok sa dalawa ay itinutok sa mga sibilyan na nagsumamo para sa kanilang buhay.
She slowly bent her knees and put both her guns on the floor and slid it to one of his henchmen before standing back up. Wala ring nagawa si Levi kundi ang sundin ang ginawa ng dalaga. This was not his plan but he knew it would be better if he'd do what Rafie wants. Alam nyang may plano ang dalaga at kung ano man iyon ay tiyak nyang para iyon sa ikabubuti ng mga sibilyan.
Tig-isang baril ang nakatutok sa mga sentido nila at sila ang iniharap sa mga pulis na nasa baba na syang ikinagulat ng mga ito.
"Palayain mo na ang mga sibilyan," saad ni Rafie sa pinuno ng mga armadong kalalakihan. "Alam mong sa akin lang makikinig ang mga pulis na nasa ibaba".
Ramdam niya ang pagngisi ng lalaki bago kinalabit ang gatilyo ng baril na nakatutok sa sentido nito. Nais kumawala ni Levi sa mga sandaling iyon ngunit dalawang lalaki ang pumipigil sa kanya.
Sa unang pagkakataon ay nakitaan ng kaba at takot ang mga pulis, lalo na si Chief Matsumoto na direktang nakatingin sa mga mata ni Rafie na blangko ang ekspresyon ng kanyang mukha.
Pumikit ang dalaga at isang putok ng baril ang umalingawngaw sa buong paligid.
──⊹⊱✫⊰⊹──
Please leave me a star⭐ and a comment💬 to let me know your thoughts. Maraming salamat po!
See you next chapter! 💜
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro