Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

9 : Let it go, Slade



        "Guys come on! Practice na!" Narinig ni Slade ang sigaw ng kabandang si Jao.

         Nilingon niya ang mga kaibigang nasa maliit na platform sa gitna ng malawak ngunit maruming silid: Si Heath na nakatayo na sa harapan ng mic stand at may kinakabisang lyrics sa kanyang cellphone; Si Vinny na tino-tono ang gitara habang nakahubad baro; at si Jao na animo'y bagot na bagot habang nakaupo sa harap ng kanyang drum, hawak ang ang kanyang drumstick, handang-handa nang tumugtog.

        Bahagyang inilayo ni Slade ang mukha mula sa cellphone na hawak. "Five Minutes!"

        Naupo si Slade sa marumi at halos gula-gulanit nang sofa. "Uncle, nainom mo na ba ang gamot mo?" Sambit na lamang ni Slade sa kabilang linya nang muli niyang ituon ang atensyon sa hawak na cellphone.

       "'Wag mo na akong alalahanin, bata ka. Kamusta? Bati na kayo ng kapatid mo?" Tanong ng nasa kabilang linya kaya napailing si Slade habang may ngiti sa mukha.

       "Akala ko kaso--" Nahinto si Slade sa pagsasalita nang mapansing pahinto-hinto ang kanyang cellphone na animo'y may sunod-sunod na natatanggap sa mensahe. "Ganun parin, parang galit parin sakin."

        "Eh hindi naman--malambing naman talaga--baka naman kasi--ginawa ka na naman--"

        "Po?" kunot-noong tanong ni Slade.

        "Uncle 'di ko po kayo naririnig nang maayos. Tawag na lang po ulit ako bukas." Napabuntong-hininga si Slade dahil sa inis at nasapo ang noo sabay gulo ng magulo at medyo makapal niyang buhok. 

        Tinapos ni Slade ang tawag at agad siyang napangiwi nang makita ang napakaraming mensahe mula sa iba't ibang numero na hindi niya kilala. Patuloy pa ang paglikha ng maliit na tunog ng kanyang cellphone dahil sa patuloy na pagdating ng mga mensahe.

       "What the hell?" Gulong-gulo si Slade nang mabasa ang mga ito.


Unknown: I'm interested baby! Let's go to Filimon Hotel later?

Unknown: Heard you're looking for some fun? ;)

Unknown: You're not answering my calls hun

Unknown: UR BAND SUCKS! ROCKIN RABIES PARIN!

Unknown: Hi! I'm a huge fan, please marry me! 

Unknown: Where do u live? I'll just pick u up later 

Unknown: Gusto ko rin ng jowa! Jowain mo ako!

Unknown: SLADE ANAKAN MO AKO!!!!


         Bago pa man mabasa ni Slade ang iba pa, tumunog ang cellphone niya at rumehistro ang numerong hindi niya kilala. Dali-dali niyang nireject ang tawag ngunit muli na namang tumunog ang cellphone at sa pagkakataong ito ay ibang numero na naman.

         "Bwisit!" Sa sobrang inis, pinatay na lamang niya ang kanyang telepono at hinagis ito sa gilid ng sofa saka kinuha ang itim na gitara na nasa kanyang tabi.


***


         "Thank you, Filimon Heights! We'll be right back after a short break! Don't miss us too much!" Sambit ni Heath sa mikropono sabay kindat kaya dumagundong agad ang napakalakas na tilian ng mga kababaihan.

         Natawa na lang si Slade at napailing dahil sa narinig. Tinanggal niya ang gitarang nakasabit sa balikat at inalis ito mula sa pawisang katawan. Pababa na sila sa backstage at patungo sa green room pero rinig pa rin nila ang tilian ng audience.

        "Damn, imagine niyo nga, Filimon Heights ganyan na ang tilian. Paano na lang kaya kung sa Manila na tayo?" Hindi makapaniwalang sambit ni Jao sabay patalon na naupo sa mahabang sofa ng green room.

        "Don't jinx it, Jao." Pabirong sambit ni Slade sabay hubad sa t-shirt niyang basang-basa na ng pawis.

          "Man, no jinx can stop us! We got this already! Si Cohen na mismo ang nagsabi, he'll help us get that recording deal! We're talking about being a nationwide sensation here!" Giit naman ni Vinny nang maupo sa tabi ni Jao.

         "You'll finally get that ticket out of Filimon Heights, bro." Tudyo naman ni Heath sabay pabirong siko kay Slade. 

           Napabuntong-hininga si Slade at pinunasan ang pawisang katawan gamit ang t-shirt na kanyang hinubad. "Just, don't trust that Cohen too much. I don't know why but--"

         Nahinto si Slade sa pagsasalita nang bigla silang nakarinig ng katok mula sa pinto. Nagkatinginan silang lahat. Walang nagpalitan ng salita.

         "Hey! Open up! Your snacks are here!" 

          Napabuntong-hininga si Slade at siya na lamang mismo ang nagbukas sa pinto. Nakunot ang noo niya nang makita ang mga bote ng energy drink sa sahig, basta na lang itong iniwan ng naghatid.

          "Finally! Kanina pa ako nauuhaw!" Mabilis na lumapit si Jao sa mga inumin pero natigilan siya nang makita ang mga sticky note na nakadikit sa bawat bote. "Uy, may pangalan talaga?" Natawa ito at isa-isang inabot ang mga energy drink sa kasamahan ayon sa mga pangalang nakalagay rito. 

           

****


          Habang nakatayo sa entablado at tumutogtog, kung saan-saan napupunta ang paningin ni Slade na animo'y may hinahanap. Nang mabigo sa paghahanap, binalik na lamang niya ang tingin at buong atensyon sa instrumentong hawak.

         Makaraan ang ilang kanta, bigla na lang nakaramdam si Slade nang kakaiba sa kanyang tiyan. Nagtaasan ang kanyang balahibo kasabay ng matinding sakit sa tiyan. 

         Napalunok si Slade at napalingon sa mga kasamahan. Sinubukan niya itong tiisin at pigilan ngunit nakaramdam siya ng kilabot sa buong pagkatao.

        "Tangina." Hindi napigilan ni Slade na magmura. Sinubukan niyang balewalain ang nararamdaman pero sadyang mas matindi ang pangangailangan niyang magbawas.

        Huminga si Slade nang malalim at pilit na nagpakatatag ngunit sa bawat paglipas ng sandali, pantindi nang patindi ang nararamdaman. Lalong bumibigat ang kanyang hininga at nagsimula na siyang pagpawisan.

         "Woooooh!" Idinaan niya sa sigaw ang nararamdaman at mas pinanggigilan pa ang gitara.

          Naghiyawan lalo ang audience dahil sa kanyang sigaw, mga walang kamalay-malay sa lagim na kanyang kinikimkim.

          "Kaya pa!" Lalong napasigaw si Slade at napatingala. Lumitaw na ang maliliit na pawis sa kanyang noo. Nagsimula na siyang makalimot sa mga susunod na chord.

           "Go Slade!" Umalingawngaw ang sigaw ng isa sa mga fan, sobrang lakas kaya nangibabaw ito sa kanyang pandinig. Lalong tumindi ang pangangailangan niyang magbawas kaya mariin siyang napapikit at umiling. No! Don't go yet! Fuckkkkk!

           "Pakawalan mo na, Slade!" Umalingawngaw bigla ang isang napakalakas na sigaw. Sa sobrang lakas, animo'y naging isang bomba si Slade na nasa bingit na ng pagsabog. 

             "Shit!" Mariing napamura si Slade. "Hindi ko na kaya!" Hindi na siya nakapagpigil pa at nagtatakbo na siya sa backstage sabay hubad ng kanyang gitara.

             Habang sapo ang tiyan, dali-dali siyang nagtungo sa green room na nagsisilbing pahingahan nila. Nakahinga siya nang maluwag nang tuluyang makapasok sa banyo nito.

            Napangiti si Slade at napapikit nang makaramdam nang kaluwalhatian matapos mapakawalan ang dapat mapakawalan. Napatingin siya sa lalagyan ng toilet paper at nanlaki ang mga mata niya sa gulat nang makitang wala itong laman. Nakaramdam naman siya ng kaba nang makitang walang bidet. Tuluyan naman siyang tinamaan ng takot nang makitang wala man lang tabo o balde.

            "Hey Slade! You doing good there, boy?"

            Nanlaki ang mga mata ni Slade nang marinig ang pamilyar na boses mula sa labas ng banyo. Sa sobrang gulat, hindi siya agad nakapagsalita.

            "What did you learn tonight?" Tudyo pa nito.

            "Reika...." Mariing napapikit si Slade kasabay nang pagkunot ng ibabaw ng kanyang ilong. Hindi nito napigilang sumimangot nang mapagtanto kung sino ang may kagagawan ng lahat; mula text messages, sa pagsakit ng tiyan, at hanggang sa pagkawala ng tissue paper sa lalagyan.

            "What did you learn tonight?!" Tanong muli ni Reika mula sa labas.

            "That you're a crazy girl." Nagngangalit na sambit ni Slade.

             "Good! Now, don't you dare come between Riley and I, otherwise you'll get more than just breached privacy, tainted drink, and missing toilet paper!" Humalakhak si Reika nang marahan. "But don't worry though... I'm not that heartless. I'll leave some toilet paper outside the bathroom door. Just come out in a minute! Bye!" Dagdag pa nito kaya napabuntong-hininga na lang si Slade at nasapo ang mukha dahil sa konsumisyon.

           

****


REIKA


          "Ganda ng gising mo ngayon ah?" Silver asked as we ate our usual cereal for breakfast.

         "How about you? Lagi bang masama ang gising mo?" I asked, pointing out the fact that she always looks like a stone cold ghost every day. On the bright side, at least she doesn't look grumpy all the time like Jethro.

          "Masarap naman lagi ang tulog ko" Silver just shrugged. 

          "Girl do you even know how to smile?" Ngumiwi ako.

           Silver smiled but I sensed the sarcasm in her bored-looking eyes.

           "You're such a weirdo, Sil." I jokingly rolled my eyes.

            "Sabi mo naka move on ka na pero lagi ka pa rin na naghahabol kay Riley. Binabakuran mo pa. Ako ang weirdo, Rei?" Tanong pa ni Silver.

            "Okay, ako na ang weird." Sumuko na lang ako. May punto naman kasi siya.

              

              Buong umaga, sobrang gaan ng naging pakiramdam ko. Ang saya lang na wala nang Slade na manggugulo kay Riley. Sigurado akong natuto na ang lalakeng iyon. Hindi na niya ito uulitin pa.

             "Hey Rei!"

               Nagtaka ako nang madaanan ko si Piper sa main building ng university. Malayo naman rito ang science building kung nasaan an classes niya ah?

              "What are you up to?" I asked as I casually bumped my elbow on hers.

               "Waiting for Riley," she said and just like that, she had my full attention.

               "What's Riley doing here?" I asked.

               "This dude from Wave Syndicate is interested to transfer kaya sinamahan ni Riley na kumuha ng Prospectus mula sa admission center--oh there they are." Piper beamed as she pointed behind me.

               I turned around only to see Riley smiling from ear to ear; walking right beside him is Slade with a smirk up his face. 

              "Thanks for helping me out, Riley. I owe one so let me treat you for lunch," Slade said cooly while looking at me, his smirk turned into a wicked grin. 

            My eyes twitched in fury.



END OF CHAPTER 9

THANKS FOR READING

VOTE AND COMMENT <3







   

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro