66 : I'm here
Again, maiintindihan n'yo pa rin ang story without reading Good Night Enemy and Attack of the Fckboys <3
Chapter Theme : Faber Drive - I'll be there
Reika's Guy
3:42 PM
Reika's Guy:
What is my little shit up to?
Reika:
Nag early out ako sa office
Here at the Hawthorn's house blessing
kababalik lang din nila from honeymoon
Apollo's been looking for you
Reika's Guy:
Haha he's been bugging me all day about the house
i wish i could be there with you
Reika:
don't mind us, focus ka muna diyan sa work para makauwi ka na by next week
Reika's Guy:
Dad wants me to stay for a few more weeks
He wants me to supervise our new branch in redwood
Reika:
Ah haha
ok lang yan, babalik ka pa rin naman hahaha
Reika's Guy:
I miss you
Reika:
Same haha
Reika's Guy:
I love you
Reika:
Saaaaame hahahaha
Reika's Guy:
Would it really be awkward if u say u love me too?
Reika:
Hahahahahaha i love youuuuuuu
ok na?
Reika's Guy:
Napilitan ka lang eh
Reika:
Arte mo hahahaha
ASNAJLDNLSIFDNIEFNUIWEBFWU
Reika's Guy:
Naupuan mo phone mo? hahahaha
Reika:
Braylee's pregnant!!!!
Five weeks hahahaha
Reika's Guy:
boy or girl?
Reika:
baliw malamang hindi pa alam hahaha
napalo si denver ng sandok hahahaha
Reika's Guy:
Bakit?
Reika:
They just got back from a honeymoon which means~~~
Reika's Guy:
which means?
Reika:
Ewan ko sayo hahahaha
Reika's Guy:
gets ko na!
sa tingin mo mapapalo rin ako ng sandok?
Reika:
Mapapalo ka ng gitara
tagal ni silver :(
Reika's Guy:
darating siya?
Reika:
Di ba kayo nag-uusap ng kapatid mo?
Reika's Guy:
Babe, walang kwenta mga pinag-uusapan namin lagi
alam mo naman kami
Reika:
mga siraulo kasi kayo hahahaha
Reika's Guy:
most of the gang there?
Reika:
No cohens as usual
missing people as usual
hopefully sa panganganak ni Braylee or binyag ng baby, kompleto na
Reika's Guy:
Is sawyer there?
Reika:
Wala
di rin sumasama sa tuwing nagha-hangout kami
di rin nagre-reply sa chat
we never really talked again after montival island
Reika's Guy:
at least he didn't leave your groupchat hahaha
Reika:
i'd like to think he won't stoop that low
Reika's Guy:
Asan na ba kasi talaga yong phone mo
Reika:
Yon na nga eh
wala talaga siyang pakialam
not even a sincere apology
never even tried to explain where my phone is
Reika's Guy
Reika?
Reika:
Ano?
Reika's Guy:
M. De Juan
Reika:
???
Reika's Guy:
M. De Juan for you
Reika:
Bwisit ka!!
wag ka na babalik ng filimon heights!!!
Reika's Guy:
Tawa ka lang
don't stress out too much hahaha
i'll be home soon
nagkabalikan nga ang mga magulang mo diba?
siguradong magkakabati rin kayo ni Sawyer
Sumakit ang pisngi ko dahil sa pagpipigil ng tawa. Nang kahit papano'y mahimasmasan, napabuntong-hininga ako at ibinalik na lang sa bag ang cellphone ko. Kahit papaanoy ay gumaan ang pakiramdam ko nang makausap si Slade. I missed the guy so much. Adulthood is no joke.
"Naglalandian na naman ang mga machong bakla."
Napalingon ako at nakitang si Lucho na pala ang katabi ko sa sofa. Patawa-tawa ito habang habang kumakain mula sa isang bowl ng fruit salad.
Sinundan ko ng tingin ang tinutukoy niya at agad akong napangiti nang makita sina Riley at Benji na nakaupo sa isang tabi, panay ang tawanan habang nagsusubuan ng spaghetti. They looked so adorable and happy. Unlike before, hindi na late si Benji at wala ng sapi si Riley.
Sa totoo lag, hindi agad ako naniwala nang unang sabihin ni Riley na sila na ni Benji. Akala ko nagbibiro lang siya. It turns out, the joke was on me all along dahil gaya namin ni Slade, tumagal din ang relasyon nilang dalawa. They're turning 5 years!
"Good to see Riley happy though." Lucho chuckled, making me nod as well.
"Good to see Benji happy too." I added.
Heaven knows how difficult it was for them growing up. Riley was abused by his Father for not fitting the mold he wanted for him while Benji was bullied for being himself. Lucky for them, they met and found happiness with each other while being true to who they are.
Nilingon ko ulit si Lucho nang maalala ang bowl ng fruit salad na hawak niya.
"Did you just took an entire bowl of salad from the table?" I asked.
Lucho just shrugged and handed me his spoon. "Gusto mo?"
I sighed, accepting the spoon and taking a scoop.
"Andaya! Kaya pala biglang nawala ang fruit salad!" Biglang dumating si Warren sa kinaroroonan namin, nakasimangot habang may dalang kutsara at baso na walang laman.
Patalon itong naupo sa tabi ni Lucho at kumuha rin mula sa bowl.
Bigla kong naalala ang cream team. Sa tuwing may handaan, kami palagi ang magkakasama at nagsasalo. We were like siblings in cahoots, sharing each other's food so that none of us would have the shame of standing up over and over again to the buffet table. The last time we did that was way back in Montival Island, on Piper and Cohen's would-be-wedding. Before shit got to hit the fan.
"Asan pala sina Magno?" I asked.
"Lumabas 'yon eh, may tumawag sa kanya." It was Warren who answered.
"Rei, is everything okay with Magno?" Tanong ni Lucho at kaswal na inagaw mula sa akin ang kutsara niya.
"Why'd you ask?" I felt the sinking feeling again.
Lucho shrugged as if he doesn't want to say anything, probably because he couldn't find words to say or he was just trying his best not to offend me.
"He's just a little stressed with work. He's having trouble adjusting." I tried to brush their worries off kahit pa sa totoo lang, lagi rin akong nag-aalala kay Magno. Kaswal akong tumayo mula sa kinauupuan at ngumiti, "Hanapin ko lang si Magno."
"They set-up a table outside. Mag-iinuman ata sila." I turned around and saw Jethro walking with a plate on his hand with Moo, Denver's dog, following him. Naupo si Jethro sa isang tabi at sinimulang subuan si Moo.
"You're Moo's babysitter now?" I joked as I raised an eyebrow.
He smiled a little and continued feeding Moo.
"High Five." Utos niya kay Moo sabay lahad ng palad pero hindi ito sumunod sa kanya. Nanatili lang na nakatunganga ang German Shepherd sa kanya; nakalabas ang dila at nakikiusap ang mga mata.
Nagtawanan kaming lahat na nasa sala. Poor Jethro.
"Mapapanis na lang yang pagkain, di ka pa rin susundin niyan." Giit ko. Sobrang dami na naming sumubok na magturo kay Moo ng tricks, ewan ba namin ayaw talaga nitong sumunod. Nakakagawa lang ito ng trick kapag si Denver o Braylee ang nag-uutos.
"No, dogs are smart." Walang emosyon niyang giit, siguradong-sigurado.
"Yeah, but namimili lang 'yan ng susundin. Wanna bet on it?" Panghahamon ko.
"Ooooh!" Nagkantyawan agad sina Lucho.
"I don't like bets." Jethro shrugged nonchalantly.
"Pag naturuan mo 'yan, papangalanan kong Jethro magiging una kong anak. Pag di mo naturuan 'yan, papangalanan mong Reika ang una mong anak." I rolled my eyes and joked. After all, alam ko namang hindi seseryosohin ni Jethro ang sinabi ko.
"Witness kayong lahat sa sinabi ni Reika." Biglang bulalas ni Jethro kaya agad nakunot ang noo ko.
"I." Sabay-sabay na sambit nilang lahat sa sala sabay taas ng kanilang mga kamay.
Oh shit.
Paglabas ko sa hardin, naabutan ko sina Magno, Chewey, Haji, Apollo, Piper, at iba pa naming kaibigan na nag-iinuman na. Naupo ako sa tabi nina Magno at Chewey.
Pasimple akong napatingin kay Haji at napansin ko ang lungkot sa mukha nito habang umiinom.
"Si Sawyer pala?" Biglang tanong ni Apollo.
"Ayaw niyang pumunta." Tipid na sambit ni Haji at pasimpleng ngumuso sa direksyon ko. Gulat na gulat siya nang magtama ang tingin naming dalawa. Nag-iwas agad ito ng tingin at nilaro-laro ang isa pang aso na si Quack, isang Golden Retriever.
Nanikip bigla ang dibdib ko. Mariin akong napalunok at pilit na nagpanggap na wala lang iyon sa akin. Na hindi ako apektado na iniiwasan ako ng taong halos ituring ko nang kapatid sa loob ng napakaraming taon.
"Aba tangina niya. Bahala siya sa buhay niya." Humalakhak si Magno at pasimple akong siniko. "Diba Rei?"
Nang mapatingin sa mga mata ni Magno, pinilit kong ngumiti.
All of a sudden my phone beeped. It was a message from Silver. Agad naglaho ang ngiti sa mukha ko nang mabasa ang message niya.
Silver:
can't come
bawi ako next month pagbalik ko
dinner tayo nina bray
Reika:
can't or u just don't want to?
SIlver:
I don't want to
alam mo naman diba
Marahas akong napabuntong-hininga. Hindi ako mapalagay kaya naman walang sabi-sabi akong pumasok ulit sa loob ng bahay ng mga Hawthorn. Dumiretso ako sa kusina upang kumuha ng tubig. Nagulat ako nang makitang naroon pala si Warren at gumagawa ng bagong fruit salad.
"At home na at home ah?" Pabiro akong lumapit at tinulungan siya sa pagbubukas ng mga canned fruit cocktail. I guess I was also concerned about him too lalo na at alam kong may sakit pa rin siya.
"Baka nakakalimutan mo, kapatid ko may-ari ng bahay kaya parang bahay ko na rin 'to." Natatawa niyang biro. Oo nga naman.
"You okay Rei? Kanina pa kita napapansin, you seem off?" Tanong niya kaya pabiro akong nagkunot-noo.
"Hindi ah." I chuckled as I insisted.
"Tungkol pa rin ba 'to kay Sawyer?" He asked so I looked at him flatly.
"Dami mo ring alam na chismis no?" Biro ko na lang sa kanya.
"Baka nakakalimutan mo kung gaano kadaldal sina Braylee, Lucho, at Riley?" Biro niya pabalik.
I rolled my eyes. Sa lakas ng radar ng tatlong 'yon, wala talagang nananatiling sikreto.
"It's not just Sawyer... It's," I paused as I heaved a deep sigh. Napapahawak ako sa magkabila kong bewang at napailing-iling na lamang at nagpatuloy sa ginagawa.
"Adulthood?" Mapang-asar niyang tanong kaya agad akong suminghal at taas-noong ngumisi.
"Adulthood?" I smirked confidently. "Adulthood's nothing. All these changes are just temporary. Everything will go back to the way it used to. After all, growing up doesn't mean growing apart."
****
I guess it was just my wishful thinking when I said that Growing up doesn't mean Growing apart, because for the next months, I ended up eating my own words.
Nothing returned to the way it used to, instead, the changes continued.
All of us were busy with our own jobs and responsibilities but the worst part was the fact that many left Filimon Heights. Tito Addam sent Magno to Manila to learn more about the business. Apollo and Piper were too busy while the Hawthorn's are being lowkey since Braylee's pregnant. Cohen still hasn't shown up. Jethro left as well. Silver still hasn't returned. And Sawyer left without even talking to me.
"Hey, you're zoning out again." Slade snapped me out of my reverie by hugging me by the waist and kissing my nape.
I found myself lying in bed, under the covers with him. I smiled as I held his hand around me. At least there's still one thing that hasn't changed.
I turned to face and hug him, using his shoulder as my pillow. "Thank you for always being there for me... for never abandoning me."
He chuckled, his honey-brown eyes glimmering. "I think that should be my line."
And before I know it, I was on top of Slade kissing him passionately while his hands were caressing my bare waist and back. Before it could escalate even further, we heard a loud scream.
"Kuya Slade! I'm Hungry!"
Our lips parted and both our eyes widened when we realized that it was Drummer. His voice was coming from outside the room, by the door!
"Drummer don't--" Before Slade could even finish what he was saying, the door flung open. I quickly took shelter on my side of the bed and covered myself with the blanket, praying to God that my Brother didn't see me.
"Drummer labas!" Buong lakas na sigaw ni Slade at sa isang iglap umalingawngaw ang napakalakas na palahaw ni Drummer at padabog nitong sinara ang pinto.
"Ate! Away ako ni Kuya!" Buong lakas na umiyak si Drummer. Sa tantya ko, tumatakbo na ito pabalik sa bahay, walang kaalam-alam na wala ako sa kwarto ko.
Pagdating ko sa bahay, hinanap ko agad si Drummer at nakita ko siya sa labas ng kwarto ko. Umiiyak at walang humpay na kinakalampag ang pinto. "Ate! Away ako kuya Slade!"
"Hey, why is my little bean crying?" Umarte ako na parang alalang-alala at walang kaalam-alam. Lumuhod ako at idinipa ang mga kamay.
"Away ako kuya!" Umiiyak itong nagtatakbo patungo sa akin at niyakap ako nang mahigpit. Iyak ito nang iyak, birit kung birit.
"Ang bad talaga ni Kuya Slade no?" Pabiro kong sinakyan ang pagsusumbong niya. Mas pinalambing ko pa ang boses ko.
Tumango siya habang humihikbi at kinukusot ang mga mata.
Huminga ako nang malalim ang buong lakas siyang kinarga. Habang tumatanda, mas lalo siyang bumibigat. Nakakamiss tuloy iyong mga panahong maliit pa siya at pwedeng-pwede namin siyang kargahin nang walang kahirap-hirap.
"Saan ka galing?" Umiiyak niyang tanong habang dahan-dahan akong bumababa mula sa hagdan lalo't karga ko siya.
"Jogging." Pagsisinungaling ko. "Bakit ka kasi nagpunta kay Kuya Slade? Told you he's a demon diba?"
"Aray!" Napasigaw ako nang bigla niyang pinalo ang likod ko.
"Di siya demon!" Giit niya. Loyal sa demonyo.
"Ba't ka kasi pumunta doon?" Pabiro ko siyang kinulit. Mas kumakalma kasi siya kapag kinakausap.
"Gutom na ako. cook siya food." Iyak niya ulit.
"Ayaw mo bang ako mag cook ng food?" Panlalambing ko.
Biglang umiling ang tiyanak. "Di ka masarap mag cook."
Walang emosyon ko siyang tiningnan nang saktong makababa kami sa sala.
"Gusto mo itapon kita?" I threatened him.
"Mommy!" And just like that, the little bean cried for his dear life while kicking his feet. Muntikan ko siyang mabitiwan dahil sa pagpupumiglas niya kaya mabuti na lang at dumating si Slade at kinuha ito mula sa akin.
"Hala, bakit umiiyak si Drummer? Sino umaway?" Pinalambing ni Slade ang boses habang inaalo ito.
"Away ako ni Ate! Bad ate!" Iyak ni Drummer at yumakap pa kay Slade. Nakalimutan bigla na ito ang unang nagpaiyak sa kanya kanina.
Dahil wala ang mga magulang ko, naisipan namin ni Slade na dalhin na lang si Drummer sa pancake house. Gumana naman dahil tumahan na ito at tila ba nakalimutan ang kasalanan namin sa kanya.
"Buti pa ang mga bata, hindi nagtatanim ng sama ng loob." I mused while watching Drummer eat heartily.
"Is this still about Sawyer?" Tanong ni Slade at sinubuan ako.
I shrugged as I chewed and smiled as I swallowed. "I guess i'm still the old toxic, resentful, and prideful Reika De Juan."
Umiling si Slade at ngumiti. "No you're not. Good people are allowed to be angry too. Besides, he didn't even reach out to you. Iba 'to."
Natawa na lang ako. Bago pa man ako muling makapagsalita, nakatanggap ako ng message mula kay Riley.
Riley:
Heyyyyy let's have dinner at Apollo's restaurant tonight
half of the gang is back
*****
I beamed at the sight of my friends the moment Slade and I got to the restaurant. Pilit kong kinalimutan ang sama ng loob kay Sawyer. Inisip ko na lang na kung kakausapin niya ako, kakausapin ko rin siya.
If he'll reach out to me, I'll reach out as well. Give and take, ganoon na lang.
"Mommy Bubbles!" Biro ko agad nang lapitan ko siya at hinalikan sa pisngi gaya ng dati. Her baby bump was so big that it looked a little creepy. Pakiramdam ko ano mang araw ay pwede na siyang manganak.
"Daddy Denver!" Biro ko at akmang hahawakan si Denver sa pisngi pero bago ko pa man ito magawa, sinamaan ako ng tingin ni Denver dahilan para magtawanan ang lahat.
"Slade, paki-control nga 'yang pet mo!" Sigaw ni Riley kaya agad akong napangisi sa kanya, hindi alintana kahit katabi niya si Benji.
"Sinayang mo na ako kaya 'wag ka nang magpapansin sa'kin, RIley." I rolled my eyes.
Tumili si Riley na parang diring-diri. Pumulot siya ng tinidor at umarteng susugurin ako kaya naman dali-dali akong nagtago sa likod ni Slade. Ang jowa naman ni Riley na si Benji, tawa nang tawa. Malakas kasi ako sa kanya eh.
Naupo kami ni Slade sa dalawang natitirang bakanteng upuan na magkatabi lang. Saktong nasa pagitan pa ito nina Warren at Benji. Naupo ako sa tabi ni Benji, si Slade naman sa tabi ni Warren.
"Uy! Mga lalakeng dumaan kay Reika!" Natatawang bulalas ni Lucho kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin. Ako na naman ang nakita ng anak ni Juday.
"Nagkagusto ka rin kay Warren?!" Hindi makapaniwalang sambit ni Chewey.
"Pati kay Benji!" Umingos si Riley.
"Tirador ng mga bakla ang pinsan ko eh." Biglang dumating si Magno habang may malapad na ngisi sa kanyang mukha.
Everyone welcomed Magno with hugs and fistbumps. Ako naman, sinamaan ko lang siya ng tingin. Ni hindi man lang ako sinabihan na nakauwi na pala siya.
"Hala, oo nga no? Bakla ang lahat ng crush ni Reika." Braylee mused.
Halos mabulunan si Warren sa iniinom at mabilis namang umiling si Slade.
"Ay hindi pala." Natatawang bawi agad ni Braylee sabay sandal sa balikat ni Denver. Otomatiko naman agad na humaplos ang kamay nito sa baby bump ni Braylee. Halatang excited nang maging Daddy ang tinik ng Rosepike University.
Ilang sandali pa, kinailangan na ni Slade na magpaalam dahil may flight na naman ito patungong Manila para sa isang business meeting. Inihabilin pa talaga ako nito kay Magno bago umalis.
"Bakit di mo sinabi na nakabalik ka na?" Pabulong kong tinanong si Magno sabay kurot ng tiyan niya nang lumipat ito sa tabi ko.
"Aray, sorry na!" Nasaktan man sa ginawa ko, tawa pa rin ito ng tawa.
Mula nang matuklasan ko ang katotoohanan tungkol sa nangyari noong mga bata pa kami, mas tumindi ang pag-aalala ko para sa kanya at sa mga sikretong maari niya pang itinatago. Ni hindi ko na alam kung totoo ba ang mga ngiting lagi niyang ipinapakita niya sa amin kasi kung dala-dala niya ang mga masasakit na alaala ng nakaraan, tiyak pinagdurusahan niya ito.
Kung sana pwede akong makihati sa sakit na nararamdaman niya...
"Damn! Dumbaby did you eat a fcking watermelon?" Magno looked at Braylee's baby bump, an amused smile on his face.
Sinusubukan ni Magno na maging masaya sa kabila ng masakit na nakaraan. Iyon na lang ang inisip ko nang mga sandaling iyon.
Habang nagbibiruan at nagtatawanan kaming lahat, napatingin ako sa direksyon ni Sawyer at napatingin din siya sa akin. Ngumiti ako sa kanya dahil sa totoo lang, na-miss ko na rin siya. Halos sampung buwan na rin kaming hindi nag-uusap. He was like a brother to me for so many years and I don't want to lose him.
Pero nagulat ako sa sumunod niyang ginawa.
Naglaho ang ngiti sa mukha niya at agad siyang umiwas ng tingin. Parang piniga ang puso ko sa sobrang lungkot at galit.
Biglang tumayo si Sawyer at nagpaalam na aalis na. Ilang sandali lang pagkatapos niyang umalis, hindi ko na napigilan ang sarili ko. Naikuyom ko ang kamao ko at mabilis ko siyang sinundan.
Sa isang iglap, biglang bumalik sa isipan ko ang nakaraan. Ang huli naming pag-uusap.
"I stole Reika's phone and told Apollo that you were in a relationship with Cohen! Pinagkakatiwalaan ni Apollo si Reika kaya alam ko na kung kay Reika na manggagaling, maniniwala si Apollo sa kasinungalingan namin!" Umamin si Sawyer kay Piper at sa mga sandaling iyon, bumalik sa isipan ko ang mga pagkakataong namo-mroblema ako kung nasaan ang cellphone ko at lagi niya akong sinasabihang kalimutan na lang iyon.
"You idiot!" Sa sobrang galit ko, halos sugurin ko siya pero pinigilan ako nina Magno.
Galit na galit ako nang mga sandaling iyon, hindi ako makapaniwala na nagawa niya iyon. Bukod sa niloko niya ako, ginamit niya rin ako upang saktan ang mga kaibigan namin. He knew better. He shouldn't have done it!
"Piper, I wanted to tell you but I can't lose her..." Pag-amin pa ni Sawyer.
Kahit papaano ay nabawasan ang galit ko kay Sawyer dahil sa ginawa niyang pag-amin ng kasalanan niya. Pero hindi pa rin iyon sapat... I needed my phone back.
Nang makabalik kami sa villa na tinutuluyan namin, agad kong hinila si Sawyer sa isang tabi at inilahad ang palad sa kanyang harapan.
"Ang cellphone ko." Malamig kong giit. I have a habit of lashing out and spitting hurtful words when I'm angry so I tried my best to keep my words short. Less words, less mistakes.
"Wala na..." Walang kaemo-emosyon niyang sambit kaya agad nakunot ang noo ko.
"A-anong wala na?!" Bulalas ko. Biglang bumalik ang lahat ng galit ko.
"I'm sorry okay?! I lost it!" Giit niya at sa puntong iyon ay nanigas ako sa kinatatayuan. Hindi ko inasahan na pagtataasan niya ako ng boses.
"W-what do you mean by you lost it? Do you know how--"
"It's just a phone, Reika! Sabihin mo mang may mga importanteng alaala ka roon, balewala pa rin kasi ang naalala nito ang mas importante! Pictures burn but memories won't!" Marahas niyang dinuro ang sariling sentido at naglakad palayo, iniwan ako sa kinatatayuan.
Pagkatapos noon, hindi na ulit kami nag-usap dahil lagi na siyang umiiwas.
Naabutan ko siya sa parking lot, binubuksan ang kanyang sasakyan.
"What the hell is wrong with you?!" I couldn't help but yell. My hands were clenched and cold while my lips were trembling from the emotion that built up inside me.
Sawyer turned around to look at me. He looked surprised to see me, but then he sighed as if he was so tired of dealing with me.
"Ano na naman? Aawayin mo na naman ako dahil sa cellphone na 'yon?" He asked sarcastically, looking all pissed and done with me.
"You're unbelievable!" I shook my head in disdain. Pilit kong pinipigilan ang galit ko. Ayokong magkamali sa mga salita ko. Less words, less mistakes.
"Masamang kaibigan, sinungaling, traydor. Alam ko, Rei. Alam na alam ko na kung ano ang tingin mo sa akin. Hindi mo na kailangang sabihin iyon sa akin. You don't have to remind me over and over again." He smiled but it was a forced one.
"So kasalanan ko bakit ako nagalit sa'yo?" I laughed exasperatedly, "Kasalanan ko kung bakit nasaktan at nagalit ako dahil sarili kong kaibigan, niloko ako at ginamit ako para manira ng relasyon ng iba?!" Tila ba nawala sa isipan ko ang pagpipigil ko sa mga salita ko.
Pagak siyang humalakhak. "There we have it! Lumabas din ang totoo! Yan naman talaga ang tingin mo sa akin diba? Na traydor ako?!"
"Because you did, betray my trust! You were my best friend!" Napasigaw na rin ako sa sobrang galit. Wala na akong pakialam pa kahit may makakakita o makakarinig man sa amin sa parking lot.
"You were my best friend Rei! Ikaw 'yong dapat nakaintindi kung bakit ko ginawa 'yon!" Giit niya.
"You didn't even try to explain yourself! You didn't even fucking apologize!" I could feel my face heating up from so much anger.
"You knew why I did that!" Giit niya. "You knew I did that for her!"
"Well was she worth it?!" And once again, I let my words manifest into anger. "Was Joe Cohen worth betraying all of us?! Ipaintindi mo sa akin kasi hirap na hirap na akong hanapan ng rason kung bakit ka nagkakaganyan!"
Bago pa man makasagot si Sawyer, nagulat ako nang bigla na lang may sumugod sa kanya.
"Magno!" Buong lakas akong napasigaw nang umigkas ang kamao ni Magno sa panga ni Sawyer dahilan para bumagsak ito sa sahig. Dali-dali akong tumakbo at hinila si Magno palayo.
"I've been dying to do that!" Magno grinned but I could see burning anger in his eyes. His face was dark and grim. Matagal na rin mula nang makita ko ang ganitong galit sa mukha.
Sawyer grinned as well, wiping the blood dripping down the side of his lip.
Tumayo si Sawyer at pumasok sa sasakyan at pinaharurot ito palayo. Ni isang beses, hindi niya kami nilingon.
Humarap sa akin si Magno at bumuntong-hininga. His expression softened as he smiled. "Come on, punasan mo yang luha mo. Masyadong uhugin si Sawyer para iyakan."
Napahawak ako sa pisngi ko at nagulat ako nang mapagtantong umiiyak pala ako. Ni hindi ko man lang napansin. "I tried to put aside my pride--"
"Wala kang kasalanan. Siya ang may problema, hindi ikaw." Inakbayan niya ako at giniya patungo sa sasakyan niya. "Tara, uwi na tayo. Hinahanap ka na ni Tito."
****
Habang nagmamaneho si Magno, hindi ko napigilang sumulyap sa kanya. Nang mga sandaling iyon ko pa lamang napansin ang pananamlay ng kanyang katawan pati na ng pangingitim sa ilalim ng kanyang mga mata.
"Problema mo?" Natatawang tanong ni Magno nang sumulyap siya sa akin.
"I missed you..." Pag-amin ko. "Nagcha-chat nga tayo, pero iba pa rin 'yong ganito na nakikita ko ang panget mong mukha. Are you back for good?"
Umarte siya na parang naduduwal. "Kadiri ka, Reika."
I tried to remain unfazed. Masyado kasi kaming sanay sa gaguhang pag-uusap kaya tuloy hirap kaming seryosohin ang isa't isa minsan.
"Weird Addamson Magno, you know you can always tell me everything right?" I smiled at him.
"Do you really have to say my full name?" He glanced at me and threw my an emotionless look.
"Yeah... You have the best name in Filimon Heights." I grinned as I chuckled.
"Ang unfair lang na ang tino ng pangalan mo." Pabiro siyang sumimangot, diretso ang tingin sa daan.
"Dude, you named your brother Megatron thanks to your Transformers addiction. I'd rather be named Weird than Megatron." Natatawa kong paalala sa kanya.
"Dad's fault for giving me the power to name my Brother." He shrugged and laughed maniacally.
"I can't wait for Drummer to hate Slade and I." I laughed maniacally as well.
Para kaming mga baliw ni Magno na tawa ng tawa. In our defense, it was our parents' fault for giving us the power to name our siblings.
By the time we reached my house, I heaved a deep sigh as I looked at Magno again.
"But Magno, I'm serious. If anything's bothering you, just tell me." Paalala kong muli sabay tanggal ng seatbelt ko. "There's nothing I wouldn't do for you. Remember that, okay?"
"Tungkol saan ba 'to?" Humalakhak siyang muli, naguguluhan na dahil sa pinagsasabi ko.
I looked at him in the eyes and smiled, trying to stop my tears from falling.
I wanted to tell him that I have already remembered everything that happened when we were kids but I don't want him to relive that moment again. Telling him about it will only remind him of the worst days of our lives.
But even if I didn't say anything, Magno seemed to have understand what was running up my mind. The smile on his face vanished as tears began to brim up his eyes.
"Y-you remember?" A tear dropped from his eye.
I wiped his tear away as I smiled. "It was never your fault so stop blaming yourself."
"K-kailan mo pa naaalala?" He asked but I didn't want to answer his question.
I pulled him to a hug as I gently patted his back. I felt his hands wrap around me as his head buried on my shoulder.
"Thank you for always protecting me, Kuya." I kissed the top of his head.
We stayed like that for a few minutes until eventually, he let go asked me to get inside the house. I tried to invite him over but he just shrugged and smile, telling me that he still has to do some stuff for work.
I got out from his car and walked towards the gate, but before I could enter, I turned to his direction again.
His window was down, he was watching over at me with a smile up his face.
To our friends, Magno's a childish guy who loves to do crazy stuff and watch Adventure Time. But to me, Magno's the most responsible guy in town, my protector, my first brother.
I waved at him and smiled.
▬ end of 66// thank u ▬
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro