Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

64 : Catching up

Chapter Theme : I wanna - All American Rejects


Kapwa kami nakangiwi ni Slade habang nakaupo sa magkabilang dulo ng mesa, malayo sa isa't-isa. Katabi niya ang mga kabanda samantalang nasa gitna ako nina Sawyer at Magno.

So much for our midnight getaway. Bago pa man kasi kami makalabas ni Slade sa bar, naharang kami ni Magno at ng mga kupal kong kaibigan. It turns out, ibinilin pala talaga ako ni Daddy sa kanila. 


"Bottoms up!" Nag-abot na naman si Sawyer ng isang shot. 

"Man, she had five shots already. Give it to Magno." Biglang nagsalita si Slade kaya napalingon ang lahat sa kanya. 

"How can you tell? Ang layo n'yo kaya sa isa't-isa?" Napapantastikuhang tanong ni Magno.

"Eh kay Reika lang 'yan nakatingin buong gabi eh. Laser eyes!" Pang-aasar ni Jao kaya naging tampulan kami bigla ng tukso ng mga kaibigan namin.

"Tapos si Reika, kay Riley lang nakatingin!" Pang-aasar ni Cohen kaya kahit ako ay natawa rin.

"Kindly exclude me from that narrative." Pataray na sambit ni Riley at nagdekwatro ng upo sabay tingin sa relo niya, parang may hinihintay. Napangisi ako nang magkaroon ako ng ideya kung sino.

"Wait, does Reika have a crush on Riley?!" Gulat na bulalas ni Chewey palibhasa lasing na.

Natatawang pumulot si Heath ng french fries, umakbay kay Chewey at pasimpleng isinaksak ang mga ito sa bibig niya. "Man, just eat up. Mamaya mag alburoto pa 'tong si Slade."

I glanced at Slade's direction and caught him looking at me while taking a sip from his glass. As our eyes met, he winked at me.

I smiled and winked at him back. Twice. 

He chuckled while shaking his head, making me laugh.

All of a sudden, Magno got up from his seat. He walked towards Slade and whispered something to him. Whatever he said, Slade nodded in response. 

"I won't let her out of my sight." I heard Slade say.


It wasn't long until I found myself sitting next to Slade. I got too drunk that I couldn't even remember how he got to replace Sawyer on his seat. Ni hindi ko alam kung nasaan si Magno nang mga sandaling iyon. My attention was touch and go as I leaned back to Slade whose hands were gently embracing me by the waist. 

"Reikaaaa!" Nagsigawan ang lahat at nakita kong nakatutok sa akin ang bote. Ni hindi ko maalala kung kailan kami nagsimulang maglaro.

"Babe, truth or dare ba raw?" Pabulong na sambit ni Slade nang himasin niya ang noo kong namamawis na.

I shrugged, tipsy as fuck.

"Ako na lang muna." Walang pag-aalinlangan akong tinubos ni Slade kaya muli akong napangiti.

"Come on! Andaya!" Reklamo ni Piper.

"Apollo tubusin mo nga rin 'yan mamaya nang manahimik na!" Biro ni Riley kaya nagtawanan kaming lahat, maliban kay Cohen na sumeryoso bigla ang mukha. 

"Okay Slade!" Nilunok ni Haji ang kinakain saka biglang itinuro si Sawyer. "Ni minsan ba, pinagselosan mo si Sawyer?"

Sa isang iglap, natahimik ang lahat. Nagkatinginan kami ni Sawyer na ilang metro ang layo sa amin. Bago pa man magsalita ang isa sa amin, pare-pareho kaming natawa nina Sawyer at Slade. And since I was leaning on Slade, I felt how his chest moved up and down from laughing. I could even hear his stable heartbeat, music to my ears.

Slade hugged me tighter as his jaw leaned against my shoulder, his skin brushing against mine. I flinched a little when I felt his hot breath on my neck.

"Hindi... Alam ko naman kasi kung sino talaga ang karibal ko sa simula pa lang." Slade spoke coolly as he looked at Riley's direction.

Poor Riley looked away and drank from his bottle. Hindi ko napigilang matawa at ganun din si Slade.

"Sino?!" Malakas na bulalas ni Chewey kaya muli siyang sinaksakan ni Heath ng French Fries.

Bigla akong nakaramdam ng masama sa dibdib at sikmura ko. Naduduwal na ako dahil sa pinaghalo-halo naming inumin kaya winakli ko ang kamay ni Slade at pilit na tumayo, mabilis niya naman agad akong inalalayan.

Mag-isa akong pumasok sa restroom. Taranta na ako kaya naman imbis na pumila, inunahan ko ang isa sa mga babae papasok ng cubicle sabay sigaw, "Susuka na ako, pasingit!"

Ilang minuto din akong nanatili sa loob, lumabas lang ako nang mahimasmasan na. Lumapit ako sa malapad na salamin at pinagmasdan ang sarili kong repleksyon. Gulong-gulo ang buhok ko at pulang-pula ang mukha, pati na ng mga mata ko.

May isa pang babaeng lumabas mula sa isa sa mga cubicle, tumayo siya sa tabi ko upang manalamin. Hindi ko napigilang bumusangot sa inggit. She looked so fresh and clean in her white sleeveless cami tucked under her high-waist trousers, unlike me who looked so drunk and wasted.

Mula sa mga repleksyon namin, nakita kong bigla siyang napatingin sa akin. Nag-iwas ako ng tingin at naghugas na lamang ng kamay saka nagmumog.

Nang mag-angat akong muli ng tingin, nagulat ako dahil nakatingin pa rin pala siya sa akin.

"R-Reika?" She gaped.

Her eyes were open wide while her mouth hung open to a smile. "Reika De Juan?"

My forehead creased. I turned to face her, to get a clearer look. She was taller but I guess that was because of her high heels. Her hair was short, it's curly end only reaching her neck. But what caught my attention was her coal black deep-set eyes, it felt so familiar.

I shook my head a little, trying to nudge my mind so I could remember who she was.

"Kirsten!" She looked so elated as she jumped a little while pointing her face. "Kirsten Rain Monreal!" She added enthusiastically.

I gaped and even screamed a little when I finally recognized. Mabilis kaming napayakap sa isa't-isa sa sobrang saya.

"Oh my God! You're so hot!" Natatawa niyang sambit nang maghiwalay kami.

"You! You're a girl now!" Bulalas ko naman dahilan para pabiro siyang ngumiwi.

Kirsten was a tomboy back when we were kids. Laging nakasuot ng baseball cap and baggy t-shirt at shorts. Lagi rin itong sumasali sa kung ano-anong mga larong panlalake kaya halos isumpa siya ni Magno dahil lagi itong natatalo sa kanya.

"Kuya Wee-wee is here! Have you seen him?" I couldn't hide my excitement. I couldn't wait to see the look on my cousin's face once she sees the woman that Kirsten became. Tiyak maglalaway ang ungas!

"Your cousin?" Natawa siya. "Rei, i'm so happy to see you again! Of all places, I never thought i'd see you here in Filimon Heights!" She looked so happy that her eyes even seemed tearful. She must've really missed me!

I chuckled as I shrugged. "Bumalik ako four years ago, it's a long story. Ikaw? Kailan ka pa nakabalik? Are you back for good?"

Before Kirsten could even answer, her phone suddenly rang. She fetched it out of her pocket and winced. "Rei, sorry but I gotta go. My ride is leaving."

"Sayang naman." I sighed.

"Tell you what," she smiled as she handed me her phone "give me your number so we could finally catch up. Like the good old days aye?"

I nodded right away.

Hinatid namin ni Slade si Kirsten palabas ng bar, dadaan daw kasi siya roon ng mga kasama niya. Pag-alis niya, humarap sa akin si Slade at hinawi ang buhok na humarang sa pisngi ko.

"Feeling better?" tanong niya sa akin.

Umiling ako at bahagyang ngumiwi. "My head hurts. I want to go to bed."

"Mas mabuti pa nga." He smiled as fetched his phone from his pocket. "Tawagan ko lang muna si Magno, baka mamaya mag-alala pa iyon."


***


"Kuya Weewee!"

Mabilis akong napalingon nang marinig ang isang matinis na boses. Nagulat ako nang makita ko ang sarili ko sa gitna ng isang pathway, dumadaan sa harapan ko ang maraming mga batang nakasuot ng unipormeng kulay pula.

"Kuya Weewee, sandali!"

"Ang bagal bagal mo! Bilisan mo nga!"

"Kuya naman eh!"

"Bahala ka sa buhay mo!"

Pilit kong hinanap ang pinanggagalingan ng boses hanggang sa makita ko si Magno, ang batang si Magno na dala ang kanyang backpack na may disenyong Transformers. Mabilis ang kanyang bawat hakbang at halata ang inis sa kanyang mukha.

He hated me... Naalala ko iyon bigla. When we were kids, Magno and I wouldn't get along. He was so annoyed at me. He was always screaming and yelling at me when the adults aren't around. But it changed after my parents left me. Naging magkasundo kami bigla.

"Kuya, sandali!"

Nakita ko ang bata ko pang sarili na humahabol kay Magno. Unlike him, I had a small spiderman backpack, I kept holding the straps of my bag as I followed him. Maputik ang daan kaya dahan-dahan ako sa paghakbang, hindi gaya niya na mabilis at para bang walang pakialaman kahit pa madumihan ang ma sapatos niya.

Sinundan ko sila hanggang sa matagpuan ko sila sa ilalim ng isang waiting shed kasama ang iba pang mga bata.

Isa-isang sinusundo ang mga bata pero walang dumating na sumundo para sa aming dalawa ni Magno. 

Imbes na maghintay, nagsimulang maglakad si Magno.

"Kuya, saan tayo pupunta?"

"Doon ka lang! Hintayin mo ang papa mo!"

"Sabi ni Lolo dapat sabay tayo palagi eh!"

"Bahala ka! Basta wag kang babagal-bagal!" 

Sinundan ko sila hanggang sa isang iglap, natagpuan ko ang sarili ko sa naglalakad sa gilid ng isang tahimik na highway. Wala akong ibang nakikita kundi nagtataasang mga puno sa bawat gilid namin. Normal lang ito nang mga panahong iyon dahil hindi pa masyadong nade-develop ang Filimon Heights, lalo na ang parteng iyon ng lungsod kung saan naroroon ang subdivision namin.

Sa isang bigla na lamang akong may narinig na kakaiba... parang may sumisipol.

Nanlamig ang buong katawan nang patuloy kong marinig ang pagsipol sa tono ng mabagal na tono ng isang nursery rhyme. Mahina man, napakalinaw naman nito sa pandinig ko.

Biglang huminto sa paglalakad si Magno at lumingon sa akin. Hindi sa batang ako, kundi sa akin mismo.

"Reika takbo!" Sigaw niya ngunit bago pa man ako makagalaw, biglang pumulupot sa bewang ko ang isang malakas na braso at dumampi naman sa bibig ko ang isang malapad na kamay. 

"Kuya!" Napatili ako at nagpumiglas sa abot ng makakaya. Tumili ako nang tumili hanggang sa naramdaman kong may yumuyugyog sa braso ko

"Rei? Rei, wake up, wake up!"

Napabalikwas ako at napasinghap. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa matinding takot at panay ang paghangos ko. Nakita ko si Slade na nakaupo sa harapan ko, nag-aalala ang mga matang nakatingin sa akin.

Sa sobrang takot, napaiyak ako at napayakap nang mahigpit sa kanya.

"Shhh, it's okay. It's just a bad dream." Slade whispered over and over again but to me, it wasn't a nightmare. It felt so real. Like a memory from the past.

For a minute there we stayed like that, sitting up my bed hugging each other tight. I closed my eyes as I buried my face on his chest, his warmth calming me down.

Nang mahimasmasan, pinahiga ako ni Slade at tumabi siya sa akin. Pinahiga niya ako sa balikat niya at para akong isang batang sumiksik patungo sa kanya. I felt him caress my cheek as his lips touched the tip of my nose. "Are you feeling better now?"

I nodded and forced myself to smile. "Anong ginagawa mo rito sa kwarto ko? Lagot ka kay Daddy." I whispered.

"I don't know, I just felt like something's wrong." He shrugged. "Looks like my instincts were right."

"Damn, you have Extra-sensory perception now?" I joked.

"I don't know what that is so i'll just smile and act cute." He joked back, making me chuckle.

"Sorry we had to cancel our trip to Katalin Island." I snickered.

"Nah, we can go after my graduation." He grinned. "Dapat kasi nagpaiwan ka na lang para sabay tayong gumraduate." Pabiro siyang bumusangot. Palibhasa may dalawang taon pa siyang natitira sa pag-aaral.

"Wait for me okay?" He planted a soft kiss up my lips.

I smiled. "It's not like i'm going anywhere."

"Tulog ka na. Let's pray we won't have a hellish hangover tomorrow." He whispered as he pulled me closer to him.


****


"Oh? Nasaan boyfriend mo?" Salubong agad sa akin ni Riley nang makarating ako sa basketball court. 

Hinubad ko ang sunglasses ko at inipit ito sa black shirt ko. "Summer class. Gusto na niyang gumraduate agad kaya kumukuha ng advanced na subjects." 

"Nasaan boyfriend mo?" Tanong ko pabalik sabay upo sa tabi niya.

He chuckled and rolled his eyes. Kinilig sa tanong malamang. 

"Landi mo talaga." Pabiro ko siyang siniko kaya muntik siyang malaglag mula sa kinauupuan. 

"Ikaw kaya batukan ko diyan!" Bulyaw niya sa akin at muntik pa akong batukan, buti na lang at mabilis akong nakailag. Riley may be gay but his muscles are crazy. Hiyang-hiya ang cream team sa muscles nila ng jowa niya. Palibhasa favorite past time nila ang sports at gym. 

Umayos ako nang upo pero biglang naagaw ng atensyon ko ang mga vandals na nasa bleachers. Napangiwi ako dahil sa mga nakasulat.

"Bray <3 Haji"

"Denver is a loser"

"Cohen is an ugly fck"

"Walang nagmamahal kay Magno"

"Engkanto si Silver"

"Panget si Reika"

Agad akong napasimangot. "Humanda talaga ang Magno'ng to sakin!"

"Ba't mo nasabing si Magno?" Natatawang tanong ni Riley.

"I know Magno's penmanship." Dali-dali kong hinalukay ang bag ko upang maghanap ng marker.


▬ end of 64// thank u ▬


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro