Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

42 : You gotta be kidding me

Chapter Theme : Spinning - With Confidence (It's not available on youtube huhu sorry)


"Thank you Jesus!" Sobrang lakas nang buntong-hininga ni Daddy nang sa wakas ay mai-park ko na ang sasakyan. Naka-seatbelt na siya at lahat-lahat pero kumapit pa talaga siya sa upuan at pati sa hawakan.

"Come on, don't be such a drama King. I did good considering it was my first time." Natatawa kong giit dahil sa sobrang pamumutla ng mukha niya. 

Huminga nang malalim si Daddy at kumurapkurap. "Mabuti na lang at nakainom ako ng maintenance kaninang umaga."

"On a scale of 1 to 10, how did I do?" Tanong ko sabay patay ng makina ng sasakyan. I felt such a badass sitting right in front of the wheel even if I almost crashed the car thrice.

"7..." Dad said as he swallowed hard, still chasing his breath.

"7? Not Bad." I smirked with pride.

"7 people would die if I let you drive again." Dad countered.

I faced Dad and looked at him flatly. "Buti na lang di ko minana ang sense of humor mo." 

Dad jokingly scowled. "Kiddo, I should let you know, my sense of humor is the best. In my time, I was a lethal combination, Gwapo at Talented na nga tapos may sense of humor pa."

Agad akong umarte na parang nasusuka. 

Hatinggabi na at napakatahimik na ng paligid pero parang nawalan kami ng hiya ni Daddy. Panay ang tawanan at asaran namin habang pababa ng sasakyan. Pagpasok namin sa bahay, tahimik na at mukhang tulog na rin ang kambal.

"Kumain na kaya sila?" Tanong ni Daddy, palibhasa kasi sa labas kaming dalawa naghapunan. Sabi ko magpapaturo lang akong mag-drive pero ang totoo, sinadya kong bigyan ng pagkakataong mag-usap ang kambal lalo't binigay ko na kay Silver ang screenshots ng usapan namin ni Cait.

"I'll go check on them." I shrugged and faced him with a smile. "By the way, I know you're tired because you literally just came back from work when I asked you for an urgent driving lesson. Thanks, Dad."

I hugged Dad Goodnight and he hugged me back tightly, making me smile even more.

"I hope you'll get to call me Dad more often," he said. Come to think of it, I rarely addressed him 'Dad' whenever we talked.

Bumitiw ako mula sa yakap naming dalawa at pabirong umiling-iling. "Sorry, I'm not really used to having a Dad around. Tawagin kitang Mommy bukas," biro ko.

"Kiddo, I still have a better sense of humor than you," biro naman niya pabalik.

I jokingly rolled my eyes at him and went up to check on Silver first. Tulog na ang Elemento nang madatnan ko at malaking himala kasi walang nakalatag na libro sa kama niya. 

Lumabas ako mula sa kwarto namin at nagtungo kay Slade. Kumatok ako at dahil hindi naman talaga niya ugaling mag-lock, binuksan ko ang pinto at nadatnan ko siyang natutulog sa kanyang kama. His bed wasn't fixed, he wasn't even lying properly.

"The hell?" Nakunot ang noo ko nang mapansin ang ang itim na libro na malapit sa kanyang kamay. Nakatiklop ito. 

I laughed inwardly. Para kasing nagkapalit sila bigla ni Silver.

Na-curious ako sa itim na libro. Lagi niya kasi itong itinatago sa tuwing dumarating ako kaya naman sinamantala ko ang pagkakataon at dahan-dahan itong binuksan. 

Naglaho ang ngiti sa mukha ko nang makitang mayroon palang ballpen na nakaipit sa gitna. I was wrong, it wasn't a book but a notebook. Slade wasn't reading, he was practicing how to write with his left hand. 

Parang pinunit ang puso ko nang makita ang mga letra sa pahina. He looked like a little kid trying to write the alphabet over and over and over again. The letters were crooked and out of shape and I could sense the frustration because some of the pages were scratched and torn.

The Notebook was almost full but he it looked like he was determined to practice more.

My heart felt like it was about to burst from so much pain. With trembling hands, I returned the notebook back to it's place and left it how I found it. 

The moment I got back to our room, my knees instantly weakened. I fell on the floor, crying as I covered my mouth so no one could hear me.

****


"Anong nangyari sa mata mo?" Tanong ni Slade habang sinusubuan ko siya ng breakfast niya.

"Watched one of those sad viral videos." I lied and faked an annoyed expression. "Remind me not to watch it again."

There was no way I'd tell him I was up all night crying my eyes out over him. He kept his notebook a secret which only meant he didn't want me to find out. Ayoko nang dagdagan pa ang kasalanan ko sa kanya.

"Hey lovebirds." Naupo si Silver sa tapat namin kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin.

"Bye lovebirds." Tumayo si Silver at ngumisi dala ang pancake at gatas niya.

"Idiot." Sabay naming bulalas ni Slade.

I felt awkward all of a sudden but I hid it well by faking a smile. "Pupumunta kami kanila Braylee ulit mamaya. Sama ka?"

"Oo naman." Mukha pang natuwa ang demonyo. Siguro bagot na bagot na siya sa bahay.

"Aabsent ka na naman?" Dad asked as he entered the Kitchen. He looked surprised that there was already food at the table. "Uy sinong nagluto?"

"Ako, syempre." Taas-noo kong sambit sabay ngisi.

"Anong nangyari sa mata mo?" Tanong ni Daddy kaya muling naglaho ang ngisi ko.

Matapos kumain ni Slade, umakyat muna ako sa kwarto upang kunin ang cellphone ko. Saktong naabutan ko roon si Silver na nagsusuot na ng kanyang nursing uniform. 

"Hey, you okay?" Tanong ni Silver. Tumango naman ako agad ako. "Check your phone, may message ako." Sabi pa niya kaya agad kong ginawa.


Villafranca #1:

Don't worry about CJ. She's old news for Slade.


"Oh tapos?" Sarcastic kong sambit sabay ngisi kay Silver.

Suminghal si Silver at gumanti rin ng sarcastic na ngisi. "Kailan ako kakanta ng Welcome to the Family?"

"Ewan ko sa'yong bato ka." Inirapan ko siya agad. 

"Pikon!" Inasar pa ako ng loka.

But deep inside, I felt relief from Silver's words about CJ and Slade.

****

"Bubbles!" Agad ko siyang niyakap at hinalikan sa pisngi nang dumating kami sa kanilang bahay. Gaya ng dati, ginabi na naman kami sa byahe.

"Germs mo Reika." Walang emosyon sita sa akin ni Denver kaya agad ko siyang inirapan. Lakas ng loob manita eh ako nga 'yong spy niya lagi para kay Braylee noong illegal pa sila sa mga kaibigan niya.

"'Yong totoo, nagkapalit  ba kayo ni Slade noong baby pa? Ikaw ata ang totoong kambal ni Silver eh?" Umingos ako at inirapan siya.

"Where's Silly?" tanong ni Braylee habang may ngiti sa mukha.

"Around 10pm pa ata darating, sasabay kanila Bimby." I shrugged and hugged her again. Nakita kong mas marami pang mga bisita ang dumating kaya nagpaalam na muna ako at nagtungo sa kusina. Saktong nadatnan ko naman sina Piper, Riley, at Apollo na naghahanda ng mga makakain para sa mga bisita. 

"Hey P." Humalik agad ako sa pisngi ni Piper lalo't alam kong maiinis si Apollo. Lalapit din sana ako kay Riley upang humalik pero binuhat niya bigla ang pitsel at umarte na ibabato ito sa akin.

"Baby naman eh, asan kiss ko?" Pinalandi ko pa ang boses ko kaya nangisay si Riley sa pandidiri.

"Asan ba kasi ang baby mo?" Pang-aasar naman sa akin ni Apollo.

"Oo nga, himala at hindi bumubuntot sa'yo si Slade?" Pati si Piper gumatong din.

"I hate all of you." I rolled my eyes and walked out. But not before coming back and stealing a kiss on Riley's cheek. Nagwala tuloy si Bakla.

Umakyat ako sa second floor at natagpuan sina Lucho at Warren sa isa sa mga silid kasama ang mga nakababatang pinsan ni Braylee. Nakaupo si Lucho sa maliit na table at nakikipag-tea party sa mga batang babae, samantalang si Warren naman ay naglalaro ng video games kasama ang ibang bata.

"Hey Lu." Humalik ako sa pisngi ni Lucho bilang pagbati kaya nagtilian ang mga batang babae, either kinilig o nasapian.

"Ambaho mo pucha!" Reklamo ni Lucho na hawak pa ang tasang pambata. Kahit hindi pa ito masyadong nakakagalaw dahil sa injury, nagagawa na nitong mang-asar.

"Kasama mo sina Magno?" Tanong pa niya.

Tumango ako. "With Slade, Haji, Sawyer, and Magno. Nahila sila sa inuman ng mga Tito ni Braylee. Ako ang nakatakas." Biro ko pa. "Pwede pala mag-inuman sa lamay?" Hindi ko napigilang magtanong.

"Depende sa pamilya." Lucho shrugged. "On this family, pwede, Bukas nga maglalabas sila ng Videoke at Basketball Arcade ayon na rin sa bilin ng Kuya ni Braylee."

"Oy! Asan kiss ko?!" Pabirong bulyaw ni Warren sabay kaway ng game controller. "Balita ko crush mo ako noong bata pa tayo?" Humalakhak pa ang gago kaya nagtilian muli ang mga bata.

Napangiwi ako. Ambilis nga naman kumalat ng balita. I blame Magno.

"My 7-year old self would be freaking out right now." Pabiro kong sambit pero bago pa man ako makapagsalita ulit, biglang may tumikhim mula sa pinto.

Napalingon ako at nakita ko si Slade na masama ang tingin sa akin kaya naman sinamaan ko rin siya ng tingin. 

Wala kaming kibuan ni Slade habang palabas ng bahay. Sa kabila nito, sinundan ko siya hanggang sa makarating kami sa likod-bahay. Naghila siya ng upuan para sa akin. Naupo ako sa gitna nilang dalawa ni Magno.

Nakaalis na ang mga tiyuhin ni Braylee at ang natira na lang ay sina Magno, Sawyer, at Haji.

"Sawyer, uminom ka ba?! Paano ka na makakapag-drive niyan?!" I couldn't help but yell.

Napahawak si Sawyer sa kanyang dibdib at umarte na parang nasasaktan. "Ganyan na ba talaga ang tingin mo sa akin? Syempre hindi ako uminom, ipapahamak ko ba kayo?"

"Good boy." I gave him a smirk and a thumbs-up.

"Oh, inom." Bigla akong inabutan ni Haji ng isang shot pero bago ko pa man ito mainom, bigla itong inagaw ni Slade mula sa kamay ko at inunahan ako sa pag-inom.

"Ano?" Tanong niya nang mahuli niya akong nakatingin sa kanya.

"Galit ka?!" Pabalang kong tanong.

"Hindi!" Pabalang din naman niyang sagot.

"Ang ingay ninyong dalawa! Reika, bilis!" Bigla akong inabutan ni Magno ng isang shot. Halatang may tinamaan na sa nainom niya. Akmang aagawin ulit ito ni Slade mula sa akin kaya agad ko itong ininom.

****


Next thing I know I was already drunk while sitting between Slade and Silver. Ni hindi ko namalayan ang pagdating ni Elemento at kahit nina Warren at Lucho. Marami-rami na rin kami sa mesa lalo't kasama namin ang ibang mga kaibigan ni Bryan, ang namayapang Kuya ni Braylee. Wala kaming ibang pinag-usapan kundi ang masasayang alaala nila kay Bryan. His friends had so many good things to say about him at sa kwentuhan naming iyon, para na rin naming unti-unting nakilala si Bryan.

"Okay ka lang?" Bulong sa akin ni Slade kaya umiling ako.

Hilong-hilo na talaga ako kaya naman yumakap ako kay Silver.

"'Dun ka sa kambal ko." Bigla akong tinulak ni Silver kaya halos malaglag ako mula sa kinauupuan, mabuti na lang at nahawakan ni Slade ang likuran ko gamit ang kaliwa niyang kamay.

"Hilo ka na?" Slade's voice was so gentle as he asked. Inakbayan niya ako at ipinasandal sa kanya. Hindi naman ako tumanggi at hinilig ko ang ulo sa balikat niya.

Namumungay na ang mga mata ko sa kalasingan at parang makakatulog na ako pero pilit kong nilabanan ang antok. 

"Hanep! Injured ka sa lagay na 'yan ha! Pasalamat ka tulog ang utol n'yan!" Pang-aasar ni Warren sa amin sabay turo kay Magno na natutulog na nga sa kinauupuan.

"Ninong ako!" Turo agad ni Lucho sa sarili niya. Sa aming lahat mukhang siya lang ang hindi nakainom.

"Seriously, Slade. Ilayo mo muna si Reika dito. Mahihilo lang 'yan lalo." Narinig kong sambit ni Sawyer. Aalma sana ako pero tumayo na si Slade kaya napatayo na rin ako.


"Dahan-dahan lang." Injured si Slade pero pilit pa rin niya akong inalalayan sa paglalakad. Nang makita kong malapit na kami sa nakaparadang sasakyan ni Sawyer, bumitiw agad ako sa kanya at naupo sa hood nito.

Huminga ako nang malalim at mariing pinikit ang mga mata ko. Nang idinilat ko ang mga mata ko, saktong lumapit si Slade at nag-abot ng bottled water.

"Mabilis ka ba talagang malasing?" Tanong niya at inalalayan pa talaga ako sa pag-inom.

I chuckled as I wiped my lips after drinking. "It doesn't matter. May disiplina naman ako kahit paano. Plus, I have friends and a cousin that I can count on. I'm already in my 20s, I know what i'm doing."

"Defensive?" Humalakhak siya at naupo sa tabi ko.

"I talk a lot when I'm drunk." I shrugged and leaned towards his ear. "I kiss people when I'm drunk too." Bulong ko.

Umayos ako ng upo at napatingala sa kalangitan. Baka mamaya hindi ako makapagpigil at mahalikan na naman siya. 

"I like it when you're drunk." Slade whispered but I still heard it. 

"But you like me more?" Biro ko sabay siko sa kanya.

Ilang sandali siyang tumahimik kaya naman humarap ako sa kanya at nakita kong nakatingin na pala siya sa akin.

"Hell yeah." He said in a breathy voice. "I like you, you little shit." 

"Oh crap..." Agad naglaho ang ngiti sa mukha ko. 

"Why?" Nakunot ang noo niya.

"I think I like you too." Kusang lumabas ang mga salita mula sa labi ko. 

The corners of his lips rose into a smile while looking at my eyes. 

My chest felt like it was going to burst with how fast it was beating. 

"Guys! Tara na, uwi na tayo!" Biglang umalingawngaw ang boses ni Haji. Kapwa kami napalingon at nakita naming naglalakad na palabas ng bahay sina Haji at Sawyer habang karga ang tulog na si Magno.

"You gotta kidding me." Marahas na napabuntong-hininga si Slade.



▬ end of 42// thank u ▬

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro